You are on page 1of 16

FIL 1

IKALIMANG
LINGGO

RODORA A. BRIGUELA
MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON
NG MGA PILIPINO

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Layunin
• Mailarawan ang mga gawaing pangkomunikasyon ng mga
Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
• Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang
mabisang wika sa kontekstwalisadong komunikasyon sa
mga komunidad at sa buong bansa.
• Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na
sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino.
• Makapgpahay ng mga makabuluhang kaisipan sa
pamamagitan ng tradisyonal at modernong midya na
akma sa kontekstong Pilipino.
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
• Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na
presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa iba’t
ibang konteksto.
• Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa
komunikasyon na akma sa iba’t ibang konteksto.
• Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng mga
Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan
• Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong
panilpunan sa pakikipag-palitang ideya.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Paunang Tanong

Ano ang kadalasang ginagamit mo upang makipag-usap sa


mga taong malayo sa iyo?

Paano mo mailalarawan ang wika sa komunikasyon sa


mga malalayong lugar?

Sa iyong palagay, kapag gumagamit ka ba ng social media


ay madalas kang ma-bash o malait dahil sa usapin ng
wika?Bakit

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Paunang Gawain: Tukuyin ang kahulugan na inihahatid ng
bawat mensahe

Bakit ito ang mga kahulugan ng mensaheng iyong isinagot? Ano ang
pinagbatayan mo ng kahulugan ng mga mensahe?

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Komunikasyong Filipino at Sitwasyong Pangwika

Upang makapagpahayag nang epektibo gamit ang wikang Filipino,


kinakailangang pag-aralan at matutuhan ng mag-aaral ang kulturang
Filipino. (Mangahis, 2011)

Upang lalong maunawaan ang Filipinolohiya, - sistematikong pag-


aaral ng Filipinong kaisipan (psyche), at Filipinong kultura at Filipinong
lipunan-iminumungkahi na masusing pag-aralan ang teorya ng
Filipinolohiya. Sa ganitong punto, sinipat ang aralin sa pag-aaral ng
komunikasyon na ginagawa ng mga Pilipino at sa kung saan
nagkakaiba-iba ang gawing ito sa kahulugan ng Pilipino.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Kahulugan ng komunikasyon

Ayon kay Merriam-Webster, ang komunikasyon ay hango sa salitang


latin na “communicare” na nangangahulugang “magbahagi o
magbigay. Ang komunikasyon ay pagpapalitan ng ideya o opinyon,
paghahatid at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamgitan ng
telepono, telegram, kompyuter, radio, telebisyon at iba pa.

Bukod sa etimolohikal na kahulugan ng komunikasyon sa


Akademikong Filipino ni Aguilar (2014), maraming eksperto ang may
iba pang kahulugan nito

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Sitwasyong Pangwika

Sapagkat patuloy na umuunlad at nagbabago


ang mundo, nababago rin ang paggamit ng
wika sa iba’t ibang sitwasyon. Sa
komunikasyon, maraming pamamaraan upang
ibahagi ang kaalaman, ideya, damdamin at iba
pa gamit ang wika

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon

Filipino ang karaniwang ginagamit na wika bilang midyum sa


telebisyon sa bansa.

Ang paggamit ng wikang Filipino ng mga nangungunang


estasyon sa telebisyon gaya ng GMA7, ABS-CBN at TV5 ay
malaking impluwensya sa pakikipagkomunikasyon ng mga tao.

Halimbawa: Paano magsalita si Vice ganda, si Joey de Leon


mabuti man o masama ay ginagaya ng milyong tao na
nanonood ng programa

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Sitwasyong Pangwika sa Social Media
at Internet

Karaniwang Ingles ang nangungunang wikang ginagamit sa


social media. Ang social media ang pinaka episyenteng paraan
sa pagpapadala ng mensahe sa malalayong lugar. Kabilang sa
mga popular na media account na ginagamit ay FB, Twitter, IG
na halos kayang ipadala o magpost ng larawan, dokumento,
video o mga impormasyon.

Karaniwang nagaganap ang code switching bilang lenggwahe


sa social media

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Code Switching paggamit ng
magkaibang wika sa loob ng isang
pahayag.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Sitwasyong Pangwika sa Text
Ang text message o text ay pagpapadala ng mensahe o
Short Messaging System (SMS) gamit ang mobile/ cellular
phones na madalas gamitin sa pakikipagtalastasan. Dahil
ang teknolohiya ay patuloy na nagbabago at bahagi na
ng kultura, malaki ang impluwensya nito sa wika
partikular sa paraan ng pagsulat ng tao. Dahil ang gamit
teknolohiya ay upang mapadali ang Gawain ng tao, ang
pagpapaikli ng salita ay isang paraan upnag makatipid ng
oras at dami ng tina-type na letra na limitado lamang sa
text. Ibig sabihing, , mina-maximize ng tao ang gamit ng
teknolohiya na makikita sa paraa ng pagsulat. Ito ang
wika ng text. Ito ang Filipino ng text messaging.
Halimbawa “K” sa ok, “d2 “ sa dito at “nd2” sa nandito

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Ilan pa sa halimbawa gaya ng mga

LOL Laughing Out Loud BRB Be Right Back

SKL Share Ko Lang G na G Go na Go/ Game na


Game

SML Share Mo Lang SLR Sorry Late Reply

OTW On The Way OMG Oh My Gosh

SYL See You Later MOMOL Make Out Make Out


Lang

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning


Kategorya ng Komunikasyon
A. INTRAPERSONAL- Komunikasyong nagaganap sa sarili
lamang (personal na pagmumuni-muni, pagsasaulo ng mga
ideya, pag-aanalisa o pagsulat para sa sarili lamang.

B. INTERPERSONAL-komunikasyong nagaganap sa pagitan


ng higit sa isa na maaaring kasangkutan ng nagsasalita at
nakikinig o nagbabasa at nagsusulat. Pagpupulong.

Anyo ng Komunikasyon

1. Dayadikong komunikasyon-komunikasyong nagaganap sa 2


tao lamang.

2. Pangkatang Komunikasyon- binibuo ng higit sa 2 tao na


sangkot sa komunikasyon. Maaaring magkasingdami ang
bilang ng nakikinig at nagsasalita.
Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning
Kategorya ng Komunikasyon

3. Pampublikong komunikasyon-sa komunikasyong ito, mas


marami ang bilang ng nakikinig kumpara sa nagsasalita.
(pagpupulong, inuman, komperensya.

C. KOMUNIKASYONG PANGMADLA-kategorya ng
komunikasyon na ginagamitan ng media. Kabilang sa mga
midyang ginagamit at radio, telebisyon, dyaryo o pahayagan at
social media.

Alternative Hybrid Education and Asynchronous Distance Learning

You might also like