You are on page 1of 10

Gumera, John Carlo B.

BSHM 3-B

KOMPONENT NG KOMUNIKASYON

1.Tagahatid ng Mensahe -ang tagahatid ang kadalasng pinagmumulan ng mensahe o taga gawa
ng mensahe
halimbawang litrato
2. Mensahe

– tumutukoy naman ito sa impormasyong nais ipahatid ng pinanggagalingan ng mensahe.

Ito ay kinabibilangan ng sumusunod: wastong gamit ng mga salita, pagiging organisado ng


sasabihin,galaw ng katawan, timbre ng boses gayon din ang kabuuan ng personalidad.

halimbawang larawan

Uri ng Komunikasyon

Konteksto

Tagatanggap

-malaki ang kaugnayan ng mabisang komunikasyon kaugnay sa pormalidad o impormalidad ng


sitwasyon kung saan nagaganap ang palitan ng mensahe.

Ang komunikasyon ay maraming uri depende sa dami ng bilang ng taong kabahagi sa isang
speech act.

- sitwasyon ng komunikasyon kung ito ay tawagin ng ilang mga iskolar sa larangan ng wika at
komunikasyon.

- ang tagatanggap naman ay tumatanggap ng mensahing hatid ng tagahatid ng mensahe.


2. Interpersonal na Komunikasyon- ito ay komunikasyon na nagaganap sa pagitan ng dalawang
interlokyutor o tao o maaari rin naming sa maliliit na grupo na nagkakaroon ng palitan ng
mensahe.

Narito ang ilan sa mga pangkalahatang uri ng komunikasyon:

Mga katangiang dapat taglayin ng tagatanggap:

a. Dapat na mahusay niyang tanggapin ang mensaheng hatid ng tagahatid.

b. Dapat din niyang mainterpret at masuri ang mensahe sa pinakamabisang paraan.

c. Dapat na mapagsama-sama ang tinanggap na mensahe at tugunin ang mga ito.

1. Intrapersonal na Komunikasyon- “pansariling komunikasyon” . Tinatawag itong pansariling


komunikasyon dahil ito ay nagaganap sa sarili lamang.

7. Kapaligiran

4.Tsanel
- ito ay may kaugnayan sa sikolohikal at pisikal na kalagayan kung saan nagaganap ang
komunikasyon .

Ito ay maaaring iklasipika sa dalawang element:

a. Elaboratib- ito ang elemento ng pidbak kung saan ang tagatanggap ay hayagang pinalalawak
ang mensaheng tinanggap.

b. Mapanghusga- ito ang elemento ng pidbak kung saan ang narinig na mensahe ay
awtomatikong binibigyan ng kahulugan kahit walang katiyakan.

4. Interkultural na Komunikasyon- ito naman ang uri ng komunikasyon na nagpapakita ng


integrasyon ng dalawa o higit pang magkaibang kultura, bagaman magkaiba, maayos at mabisa
pa ring naisasagawa ang palitan ng impormasyon ng dalawang nag-uusap.

5. Machine-Assisted na Komunikasyon- sa kasalukuyan, ang machine-assisted na komunikasyon


ay lubos na ginagamit ng lahat ng tao.
Halimbawa: paggamit ng text, e-mail, pakikipag-usap sa telepono,paggamit ng satelaytsa
pagpapadala ng impormasyon at marami pang iba.

- ang tsanel ang nagsisilbing daanan ng mensahe patungo sa tagatanggap nito. Ang halimbawa
nito ay ang mga light waves at sound waves na tumutulong sa atin upang Makita o marinig ang
sinasabi ng isang tao.

Ito ay kinabibilangan ng:

• Atityud

• Persepsyon

• Emosyon

• Relasyon ng nag-uusap.

-Ang panghaplos, pang-amoy, at panlasa ay mga tsanel din na tumutulong sa mabisang


komunikasyon.

.Pidbak

Pampublikong Komunikasyon- tumutukoy naman ito sa mas malaking bilang ng mga tao na
nagbabahaginan ng mga ideya o nagpapalitan ng kuro tungo sa pagkamit ng isang layunin.

-ito ay tumutukoy sa tugon ng tagatanggap mula sa mensaheng tinanggap mula sa tagahatid.


Nagsisilbi itong pantiyak kung maayos na nabigyang kahulugan ang mensahe.

Hadlang
- anumang bagay o pangyayari na maaaring makapagpabago ng kahulugan ng isang usapan ay
itinuturing na hadlang.

-ito ay maaaring eksternal o pisikal tulad ng mga ingay at di kaiga-igayang paligid,lamig o init ng
panahon,masangsang na amoy at iba pa.
-ang mga pisikal na salik naman ay tumutukoy sa pagiging mabilis o mabagal na pagsasalita,di-
maayos na pagbigkas ng mga salita at marami pang iba na tuwirang nagdudulot ng hindi
mabisang komunikasyon.

MGA ANYONG DI BERBAL NG KOMUNIKASYON

A. PROXEMICS
Ang proxemics ay tumutukoy sa layo o pagitan ng mga kalahok o participants. Maaaring
mabago ang paraan ng pakikipag-ugnayan ng isang indibidwal ayon sa layo o lapit ng kanyang
ugnayan sa kanyang kinakausap. Halimbawa na lamang ng usapan sa pagitan ng mag-ama.
Sasabihin ng anak, “Dad, ang gwapo natin ngayon, ah!”. Mas madalas kaysa hindi ang nagiging
sagot ng mga ama ay “Magkano ang kailangan mo?” na may himig ring pagbibiro.
Nangangahulugang gayon magkalapit ang mag-ama na nalalaman kaagad ng higit na
nakatatanda ang istilo ng anak kapag ito ay may gustong sabihin sa kanya lalo pa at ito ay may
kaugnayan sa paghihingi ng dagdag sa allowance. Samantalang kung sasabihin ng anak ang
katulad na dayalogo sa iba, maaaring makatanggap siya ng ibang tugon. Maaari rin namang ang
pagitang tinutukoy ay iyong pisikal na layo. Bakit kakailanganing sumigaw kung ang kausap ay
halos isang metro lang ang layo? Gayundin naman, mangangailangan ka ng mikropono kung
ikaw ay kinakailangang magsalita sa isang malaking bulwagang may malaking bilang ng tao.

B. CHRONEMICS
“Ang oras ay ginto”, ang sabi nga. Ito ang isang malaking kahinaan sa mga Pilipino kaya’t
nagkaroon ito ng pangit na impresyon ng pagiging palaging huli. At yamang palasak ang Filipino
Time (being not always on time), tila nagiging manhid na ang Pilipino rito at tinatanggap ito
bilang normal na penomenon na lamang. Subalit ang gawing ito ay nagpapakita ng kawalan ng
interes o di kaya naman ay kawalan ng disiplina. Ang palagiang pagkahuli sa pagpasok sa
eskwela, sa pagpasa ng mga proyekto o maging sa pinakasimpleng pagkahuli sa pakikipagtapo
ay naghahatid ng mensaheng kawalan ng interes sa gawain o sa kung sino mang pinaghihintay
ng matagal na oras. Ang paglalaan din ng mahabang oras sa isang kaibigan ay pagpapakita ng
interes at kawalan naman nito kung sa ilang minutong pakikipag-usap pa lamang ay kakikitaan
na ng pagkabagot.

C. KINESICS
Ang kilos ng katawan ay maaari ring maghudyat ng mensahe. Ang palagiang paghihikab sa
kalagitnaan ng pakikinig sa klase, ang di maayos na pag-upo, ang pagkamot ng ulo ang madalas
Ang palagiang paghihikab sa kalagitnaan ng pakikinig sa klase, ang di maayos na pag-upo, ang
pagkamot ng ulo nang madalas habang nagpapaliwanag ay mga halimbawa ng kinesics o body
language.

D. HAPTICS
Bakit may nagdedemanda ng sexual harassment samantalang ang taong nagsagawa naman
ng paghaplos o pag-akbay kaya ay nagsasabing “wala naman itong malisya”? Ang haptics o
paggamit ng sense of touch ay isang pamamaraan ng paghahatid ng mensahe. Ang paghawak sa
kamay ay maaaring pagpapakita ng pangangailangan ng karamay o di kaya naman ay
pagdamay. Ang paghampas sa likod ay maaaring pagbati o pagpapakita ng galit. Ang tapik sa
balikat ng isang manggagawa mula sa kanyang iginagalang ng superbisor dahil sa isang mahusay
na paggawa ay sapat na upang makawala ng kanyang pagod.

E. ICONICS
Sa paglaganap ng information technology, parami ng parami ang mga simbolong nagagamit
ng tao upang ipakita ang kanyang nararamdaman o ang mensaheng kanyang nais na
ipahayag. Sa mga mobile phones na lamang nabigyan ng makabuluhang partisipasyon ang dati
naman ay hindi pansining mga simbolong panaklong, tutuldok at tuldok-kuwit. Ngayon ay
nakapagbibigay na ito ng saya o kundi man ng inis sa mga pinatutungkulan.

F. PARALANGUAGE
Ang paralanguage ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng isang salita. Kung kaya’t minsan
ang sorry ay hindi nagiging katanggap-tanggap mula sa nagsasabi nito sapagkat ang paraan ng
pagbigkas ay tila hindi nangangahulugang bukal ang paghingi ng paumanhin. Kasama rin dito
ang pagbibigay-diin sa salita, lakas o hina ng tinig, intonasyon at maging ang nilis o bagal ng
pagbigkas. Nahihinuha mula sa mga ito ang intensyon ng mensahe.

G. KULAY
Paanong naging palasak ang kulay dilaw noong panahon ni Cory Aquino at sumagisag ng
LABAN! Bakit sa kulturang Pilipino, ang itim ay nagbabadya ng kalungkutan samantalang sa iba
ito ay pormalidad? Ang kulay ay maaaring magpahayag ng damdamin o di kaya ay oryentasyon
ng isang indibidwal. Kaya nga sa bawat organisasyon o institusyon, maingat na pinipili ang mga
kulay na kakatawan sa kanila. Tulad ng sa bandila ng Pilipinas. hindi maaaring nasa itaas ang
pula at sa ibaba ang asul, masamang senyal iyan. Ito ay nangangahulugan ng paghihimagsik.
Ang pagwawagayway naman ng putting bandila o tela o panyo ay nagpapakita ng pagsuko o
kapayaan.

KONSIDERASYON SA MABISANG KOMUNIKASYON

Ayon kay Hymes, kailangang isaalang-alang ang


konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon.
Ginamit niya ang akronim na S.P.E.A.K.I.N.G. na tinalakay sa mga
sumusunod na talata.
1. SETTING
( SAAN NAG- UUSAP?)
Sa pakikipagkomunikasyon, ang pook o lugar saan naganap ang usapan
ay dapatisaalang-alang. Ang paraan ng pagpapahayag ng mga salitang
ginagamit, ang tono at tunog ng pagsasalita ay nag-iiba ayon sa lokasyon na
pinangyarihan ng salitaan. Hindi maaaring ang pakikipag-usap sa kaibigan sa
gitna nglansangan ay maging katulad ng pakikipag-usap sa kanya sa loob ng
simbahan. Ang lugar ay may malakingimpluwensya sa komunikasyon. Kung
hindi ito isasaalang-alang, maaari kang mapagkamalang bastos o walang
pinag-aralan. Subukan mong magsisigaw sa loob ng inyong klase. Ano kaya
ang kahihinatnan mo?

Halimbawa: Sa Silid- Aklatan

2. PARTICIPANTS
(SINO ANG KAUSAP, NAG- UUSAP).
Dito isinaalang-alang ang tao o mga taong kasangkot sa komunikasyon. Ang pag-uugali,
katauhan, damdamin, maging ang estado sa buhay, katungkulan, hanapbuhay, gulang kasarian,
paniniwala at pilosopiya sa
buhay ay nakakaimpluwensya sa daloy at paraan ng pagpapahayag ng nagsasalita at ng kanyang
kausap. Halimbawa, maaari mong sabihing Pare, pahiram nga ng bolpen mo sa iyong kaibigan,
ngunit hindi mo maaaring sabihin iyon sa iyong ama. Subukan mo kayang sabihin iyon sa kanya,
ano kaya ang magiging reaksyon niya? Bakit? Paano ba ang angkop na pahayag kung ang
gayong diwa ay sasabihin mo sa kanya?

Halimbawa: Pakikipag- usap sa ating guro

3. END
(ANO ANG LAYUNIN NG USAPAN?)
Sa komponent na ito ang interaksyon ay ayon sa layuning nais matamo
sa pakikipagkomunikasyon: pagpapahayag o pagbibigay ng impormasyon,
pag-uutos, pakikiusap, pagpapahiwatig, pagpapakahulugan,
pagmumungkahi, pagbabahagi ng damdamin, pangangarap o paglikha. Ano
kaya ang layunin ng isang taong mangungutang? Makahiram ng salapi sa
taong uutangan niya, hindi ba? Makakamit ba niya ang kanyang layunin
kung ang sasabihin niya'y Hoy! Pautang nga ng isanlibo! Samantala, kung
siya nama'y manghoholdap, makakamit ba niya ang kanyang layunin kung
sa malumanay na pananalita'y sasabihin niyang Para mo nang awa, akin na
'yang pera mo? Hindi ang sagot sa dalawang huling tanong. Kung gayon, sa
paggamit ng wika, kailangan munang isaalang-alang ang layunin sa
pakikipag-usap.

Halimbawa: Sa Pagtatanong

4. ACTS SEQUENCE
(PAANO ANG TAKBO NG USAPAN?)
Ito ang tumutukoy sa pagkakaugnay ng usapang nagaganap sa uri ng
pangyayari. Halimbawa, sa pagtitipan (date) inaasahang masuyo at
malambing ang himig ng usapan at takbo ng pananalita ng magkasintahan
ngunit, kapag may mga bagay silang pinagtatalunan maaaring magbago ang
ayos ng usapan. Ito ay maaaring magresulta sa di pagkikibuan o away.

Halimbawa: Sa Paniningil ng Utang

5. KEYS
(PORMAL BA O IMPORMAL ANG KAUSAP?)
Nakakita ka na ba ng isang taong nakakamiseta at naka-shorts sa isang
debut party? O di kaya'y ng isang taong naka-gown o barong Tagalog
habang naglalaro ng basketball o volleyball? Parang ganito rin ang magiging
hitsura mo kung hindi mo isaalang-alang ang pormalidad ng isang okasyon
sa iyong pakikipag-usap. Kung gayon, kung pormal ang isang okasyon,
paano ka makikipag-usap sa ibang tao? Anong salita ang iyong gagamitin?
Kung makikipag-usap ka sa iyong pamilyar na kaibigan, gayon di ba ang
paraan ng iyong pagsasalita at ang mga salitang iyong gagamitin?

Halimbawa: Judge sa Korte

5. KEYS
(PORMAL BA O IMPORMAL ANG KAUSAP?)
Nakakita ka na ba ng isang taong nakakamiseta at naka-shorts sa isang
debut party? O di kaya'y ng isang taong naka-gown o barong Tagalog
habang naglalaro ng basketball o volleyball? Parang ganito rin ang magiging
hitsura mo kung hindi mo isaalang-alang ang pormalidad ng isang okasyon
sa iyong pakikipag-usap. Kung gayon, kung pormal ang isang okasyon,
paano ka makikipag-usap sa ibang tao? Anong salita ang iyong gagamitin?
Kung makikipag-usap ka sa iyong pamilyar na kaibigan, gayon di ba ang
paraan ng iyong pagsasalita at ang mga salitang iyong gagamitin?
Halimbawa: Judge sa Korte

7. NORMS
(ANO ANG PAKSA NG USAPAN?)
Mahalagang maisaalang-alang din ng isang tao ang paksa ng usapan.
Halimbawa, maaaring hindi mo na igigiit ang iyong katwiran kung batid
mong limitado lamang ang nalalaman mo sa paksa ng isang pagtatalo.
Makakabuti ring itikom na lamang ang bibig kung sa gitna ng isang
talakayan ay wala ka namang nalalaman sa paksang tinatalakay. May mga
paksa ring eksklusibo. Halimbawa, may mga paksang pambabae, kung
paanong may panlalaki rin. Makabubuti, kung gayon, sa mga lalaki ang
umiwas sa mga talakayang may paksang eksklusibo sa mga babae kung
paanong makabubuti sa mga babae ang umiwas sa pakikilahok sa mga
talakayang may paksang eksklusibong panlalaki.

Halimbawa: Debate sa Pulitika

8. GENRE
(ANO ANG URI NG PAGPAPAHAYAG?PAGSASALAYSAY,
PAGLALARAWAN, PAGLALAHAD O PANGANGATWIRAN?)
Sa komponent na ito, isinaalang-alang ang layunin ng participants. Kung
ang nais niya ay ang magkwento ng isang pangyayari o mga pangyayari,
pasalaysay ang pagpapahayag. Kung ang nilalayon naman niya ay
magpakitang anyo, katangian, hugis, at kulay ng isang bagay, tao, pook,
pangyayari at damdamin, paglalarawan ang paraan. Paglalahad naman ang
paraan ng pagpapahayag kung ang nais nito ay magpapaliwanag at
magbigay ng impormasyon, samantalang kung ang layunin niya ay ang
manghikayat, magpatunay at pagbulaanan ang opinyon, katwiran at
paninindigan ng iba, pangangatwiran ang paraan ng pagpapahayag.
Halimbawa: Pahayag ni Harry Roque sa bakuna kontra Covid- 19

You might also like