You are on page 1of 7

Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 8

Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya – (Linggo 5 at 6 )

I. Panimulang Konsepto

Sa paksa ito matututunan mo ang ibat-ibang karanasan sa pamilya na nagpapakita ng komunikasyon o ang kawalan
nito. Sa pamilya mo unang natutunan ang mga salita na ginagamit mo ngayon sa pakikipagkomunikasyon. Mahalagang
matuklasan mo na sa isang pamilya mahalaga ang pagkakaroon ng komunikasyon. Ang kawalan nito ay maaaring
magbubunga ng pagkakawatak-watak ng isang pamilya. Malalaman mo ang iba’t-ibang uri ng komunikasyon sa iyong
sariling pamilya o sa isang pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood. Mahalaga ring maisabuhay ng bawat pamilya
ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon. Komunikasyon na magbubuklod at magpapatatag lalo na sa ugnayan ng isang
pamilya. Matututunan mo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga
anak. Ang pagkakaroon ng iba’t-ibang uri ng komunikasyon- pasalita, di pasalita o virtual na uri ay nakapagpapaunlad sa
pakikipagkapuwa. Mahalaga ring maisabuhay mo ang mga uri ng komunikasyong ito sa iyong sarilng pamilya para
mapanatiling matatag at nagkakaisa ito. Matututunan mo ang mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad
ng komunikasyon sa pamilya. Bilang isang kabataan maaari mo ring gawin ang bahagi mo para mas lalong mapatatag ang
ugnayan ng iyong pamilya. Sa pamamagitan ng bukas na pakikipagkomunikasyon, pagmamahal at paggalang sa isa’t-isa.

II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

 Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o pamilyang nakasama, namasid, o napanood na
nagpapatunay ng pagkakaroon o kawalan ng bukas na komunikasyon. (EsP8PB-Ie-3.1)
 Nabibigyang-puna ang uri ng komunikasyon na umiiral sa isang pamilyang nakasama, namasid, o napanood. (EsP8PB-
Ie-3.2)
 Nahihinuha na:
a) Ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay nagbibigay-daan sa mabuting ugnayan
ng pamilya sa kapuwa.
b) Ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita, di pasalita at virtual na uri ng komunikasyon ay
nakapagpapaunlad ng pakikipagkapuwa.
c) Ang pag-unawa sa limang antas ng komunikasyon ay makatutulong sa angkop at maayos na pakikipag-ugnayan
sa kapuwa. (ESP8PB-If-3.3)
 Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad ng komunikasyon sa pamilya. (EsP8PB-
If-3.4).

III. Pagpapalalim

Ang komunikasyon ay anumang senyales o simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang
kanyang iniisip at pinapahalagahan, kabilang dito ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay, at mga
gawa. Ang komunikasyon sa pamilya ay ang mga paraan kung paano magpapalitan ng pasalita at di-pasalitang
impormasyon sa pagitan ng mga kasapi nito. Isang mahalagang kasanayan sa komunikasyon ang kakayahang magbigay tuon
sa iniisip at sa nadarama ng kapuwa. Tulad nga ng nasabi na, hindi lamang pagsasalita ang mahalagang bahagi ng
komunikasyon, mahalaga rin ang pakikinig sa sinasabi ng ibang kausap at ang pag-unawa sa kanyang mga hinidi sinsabi.
Sa pamamagitan ng komunikasyon naipapahayag ng mga kasapi ng pamilya ang kanilang mga pangangailangan,
ninanais, at ang kanilang pagmamalasakit sa isa’t-isa. Sa paraang ito ay madaling malutas ang mga suliraning dumarating sa
pamilya. Hindi nakapagtataka na ang kawalan nito sa pamilya ay nagiging sanhi ng hindi magandang ugnayan sa mga
kasapi nito. Ang hindi maayos na pakikipagkomunikasyon ay maaring maging sanhi ng pagtatalo sa pamilya, kakulangan sa
kakayahang malutas ang suliranin, paglalayo ng loob sa isa’t-isa, at mahinang pagbibigkis ng mga kasapi nito.
Narito ang ilang mga sanhi, dahilan o hadlang sa pakikipagkomunikasyon sa pagitan ng mag-asawa na binanggit ni
Leandro C. Villanueva (2003). Ang mga ito ay maaaring totoo rin sa ating pakikipagkomunikasyon sa kapuwa.
1. Pagiging umid o walang kibo. Ang pagkaumid o pagtatago ng saloobin ay parang pagbabakod ng sarili- hindi ito
mapapasok ng iba. Ayon kay Villanueva (2003), mahirap umunlad ang pagkatao at pakikisama ng taong ayaw
magpahayag ng sariling kaisipan at damdamin o tumatanggap ng saloobin ng kapuwa. Mayroong mga taong pinipili ang
manahimik kaysa sa magsalita ng masakit sa kapuwa. Subalit dahil sa kaniyang pananahimik nagkakaroon naman ng
pagtatampo o hindi mabuting saloobin ang taong hindi niya kinakausap. Sinasabi na karamihan sa kalalakihan ay ganito.
Matipid sa pananalita samantalang karamihan sa kababaihan ay ipinapahayag ang kanilang damdamin.
2. Ang mali o magkaibang pananaw. Kung ang pagpapahalaga at pananaw ng bawat isa ay magkaiba, nagkakaroon ng
hindi pagkakaunawaan. Kung tinitingnan ng isa na higit siyang tama o higit siyang magaling, maaaring hindi sila
magkaunawaan lalo na kung nararamdaman ng taong kausap na siya ay minamaliit o hinahamak.
3. Pagkainis o ilag sa kausap. Mayroong mga taong tila namimili ng kausap. Kapag pakiramdam nila, wala sila sa
kondisyon sa pakikipag-usap, hindi sila kumikibo. May mga taong umiiwas na makipag-usap lalo na kung pakiramdam
nila ay wala sa katuwiran ang kausap.
4. Takot na ang sasabihin o ipahahayag ay daramdamin o didibdibin. Iniisip minsan ng tao na magdaramdam o diribdibin
ng kausap ang maaring sabihin kaya mananahimik na lamang siya o kaya’y magsisinungaling sa kapuwa.

Ano ang komunikasyon sa pamilya?


Hindi lamang pasalita mula sa miyembro ng pamilya, ito ay kung ano ang sinasabi, paano sinabi, bakit sinabi,
kailan sinabi o sasabihin at ano ang nakaligtaang sabihin ng isang miyembro nito sa iba pang kasapi ng pamilya na
maghahatid ng pagkakaunawaan sa isa’t-isa. Samakatuwid, ito ay hindi lamang sa pagsasalita kundi sa pakikinig at pag-
unawa sa sinasabi, gayundin sa mga hindi sinasabi o hindi masabi ng kausap. Bahagi rin ang pagbibigay reaksyon sa
mensaheng ibinigay ng kausap.
Mas malaking hamon ang pagkakaroon ng mabisang komunikasyon sa pamilya sa modernong panahon. Ang
pamilya ay nahaharap sa maraming pagbabago. Ang mga pagbabagong ito ay nakakaapekto sa daloy ng komunikasyon at sa
uri ng uganyan ng mga kasapi ng pamilya. Ang ilan ay mga positibong pagbabago at ang ilan naman ay mga hamong
kailangang malampasan nito.
Ilan sa mga positibong pagbabago ay ang pagkakaroon ng mga kasapi nito ng kamalayan tungkol sa kanilang
kalayaan bilang tao, kamalayan tungkol sa kanilang pakikipagkapuwa, responsableng pagmamagulang, at edukasyon. Ang
ilan naman sa mga negatibo ay ang entitlement mentality, kawalang galang sa awtoridad at nakatatanda, ang mga kahirapan
sa pagsasalin ng pagpapahalaga, ang legal na paghihiwaly ng mga mag-asawa o pagpapawalang bisa ng matrimonya ng
kasal, pagpapalaglag (abortion), at kahirapan o kasalatan sa buhay. Nag-uugat ang mga negatibong pagbabagong ito sa
pamilya sa labis na materyalismo at pangingibabaw ng paghahangad sa pansariling kapakanan bago ang pamilya. Natural
lamang na kung sira ang ugnayan sa pamilya, sira din ang komunikasyon at gayon din naman kung sira ang komunikasyon
ay sira din ang ugnayan ng pamilya.
Paano mapatatatag ang komunikasyon sa pamilya?
Ang pinakamabisang tugon dito ay ang pag-unawa sa tunay na kahulugan ng komunikasyon sa pagitan ng tao. Ang
tunay na komunikasyon sa pagitan ng mga tao ay tinatawag ni Marin Buber na “diyalogo”. Ang tunay na diyalogo ay hindi
lamang pag-uusap o pakikipagtalastasan. Hindi ito tulad ng teknikal na pakahulugan dito. Hindi ito pakikipagkasundo o
pakikipagpalitan ng impormasyon upang makumbinsi ang kapuwa na magkaroon ng katulad na pananaw.
Ang diyalogo ay nagsisimula sa sining ng pakikinig. Ang dalawang taong dumudulog sa diyalogo ay may lubos na
pagbubukas sa sarili at tiwala sa isa’t-isa. Umaalis sila sa diyalogo na kapuwa may pagbabago kung hindi man napabuti
kaysa sa dati dahil sa karanasang ito. (May dalawang uri ng Pakikipagdiyalogo: )
1. Ugnayang I-Thou. Sa pakikipagdiyalogo, tinitingnan mo ang kapuwa nang may paggalang sa kanyang dignidad kaya’t
inilalagay mo ang iyong sarili at ibinibigay ang buong atensyon sa pakikipag-usap sa kanya. Ang komunikasyong ito ay
posible lamang sa pagitan ng tao.
2. Ugnayang I-It. Kung ang komunikasyon ay ginagawa upang makamit ang isang layuning pansarili, o kaya ang pakay
ay marinig lamang at hindi makinig hindi ito isang diyalogo kundi monologo. Hindi tinitingnan ang kapuwa bilang tao
kundi isang daan upang makamit ang nais.
Mga uri ng komunikasyon
1. Pasalita o verbal. Ito ay isang pormal o intelektuwalisadong kapamaraanang sumasailalim sa estruktura ng wika.
Tuntunin nito na maipahayag ang mensahe o kaalamang nais iparating sa anyong pasulat o pasalita.
2. Di verbal. Ito naman ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit upang ipahayag ang mensahe ng
hindi ginagamitan ng titik o salita. Maaring kilos o galaw ng katawan lamang.
3. Birtwal (vitual) na komunikasyon. Dulot ng makabagong teknolohiya kung saan ang paghahatid ng impormasyon o
aksyon ay naipararating saan mang lokasyon gamit ang information technology.
Mga antas ng komunikasyon ayon kay Ruesch at Bateson:
1. Intrapersonal. Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa dalawa o higit pang bilang ng tao.
2. Interpersonal. Ito ay komunikasyong nagaganap sa dalawa o higit pang bilang ng tao.
3. Pampubliko. Ito ay komunikasyon sa pagitan ng isang tao at malaking grupo ng tao.
4. Cross-cultural. Ito ay komunikasyong ipanakikilala ang isang bansa sa iba pang bansa sa pamamagitan ng pagtatanghal
5. Pangmidya- pinagmumulan ng mensaheng ginagamitan ng midya.
Ang pagmamahal ang pinakamabisang paraan ng komunikasyon, sapagkat ang tunay na pagmamahal ay ang pagkakaisa
ng isip at puso ng dalawang tao.
Mga Paraan para mapabuti ang komunikasyon sa mag-asawa na binanggit ni Leandro C. Villanueva (2003)
1. Pagiging mapanlikha o malikhain (creativity). Kailangang gamitin ng tao ang kaniyang talino at malikhaing isipan sa
pagtuklas ng mabuting paraan ng pagpapahayag ng sasabihin nito. Maghintay ng tamang panahon at lugar, at itaon din na
nasa magandang pakiramdam ang sarili at ang kakausapin. Kung may dinaramdam naman ay maghunos dili at ilagay muna
sa kondisyon ang sarili, gayundin ang kakaharapin. Maaaring magbigay ng bulaklak kung nagtatampo ang kakausapin.
Maaaring ipagluto ng masarap na ulam ang kakauspin upang mabawasan ang kaniyang galit o tampo.
2. Pag-alala at malasakit (care and concern). Magkaroon ng malasakit at galang sa kausap sinoman o anoman ang kaniyang
katayuan o nalalaman. Kahit na bata, katulong sa bahay, o pulubi ang kausap, isiping mayroon kayong pantay na dignidad
at karapatan. Kahit itinuturing na mababa ang kanilang kalagayan sa lipunan, humingi ng paumanhin sa kanila kung
nasaktan mo ang kanilang damdamin.
3. Pagiging hayag o bukas (cooperativeness /openness). Sa pakikipag-usap, maging bukas at laging manatiling tapat lalo na
sa mag-asawa. Huwag hanapin ang sariling katangian sa kausap. Huwag sukatin ang kausap sa kaniyang kapintasan at
kamangmangan. Tanggapin ang kausap bilang isang taong mayroong dignidad at karapatan. Halimbawa, nasira ng
katulong ang inyong computer dahil pinakialaman niya ito. Huwag magbitaw ng masasakit na salita. Bigyan siya ng
pagkakataong makapagpaliwang at kung mayroon siyang pinsalang nagawa, pag-usapan kung ano ang dapat gawin.
4. Atin-atin (personal). Mabuti sa magkakasambahay ang pagkakaroon ng sama-samang usapan at pagpapalitan ng kuro o
magkaroon ng masayang balitaan at pagbabahaginan ng karanasan sa maaaring pag-usapan ng pamilya at kaibigan. Subalit
mayroong mga suliranin na sa pamilya lamang dapat pag-usapan. Kung ang suliranin ay para sa mag-asawa lamang, ang
pagsasabi nito sa mga anak ay magdudulot lamang ng kalituhan, kailangan na lutasin ito ng palihim sa mga kasambahay.
Ang “atin-ating” usapan ay hindi pagsasangkot o paninisi sa ibang tao.
5. Lugod o ligaya. Ang kaligayahan o lugod ng isang tao sa pakikipag-usap ay nakaaakit sa pagtitiwala ng kaharap. Ang
masayang tao ay nakagaganyak sa kapuwa na makipagpalagayang-loob, magtiwala, at maging bukas sa pakikitungo.
Kailangang maging masigla sa pakikipag-usap lalo na sa kabiyak.

IV. Rubrik sa Pagpupuntos

Mga Katanungan

Deskripsyon Iskor/Puntos
Naipaliwanag nang malinaw ang idea at saloobin patungkol sa
5 puntos
mga katanungan.
Hindi masyadong binigyan ng diin ang idea at saloobin
patungkol sa mga katanungan. 3 puntos

Kulang sa pagpapaliwanag, hindi nasaklaw ang hinihinging idea.


2 puntos

Vl. Sanggunian

 Aklat sa Edukasyons sa Pagpapakatao


Modyul 3: Ang kahalagahan ng komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya
Pahina 53-73

 https://www. Slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-8-edukasyon saPagpapakatao-learner module


 DLP in EsP -8
Modyul 3: Ang kahalagahan ng komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya
DLP Quarter 1

 Https:/bit.ly/2VJIAgn
 www.slideshare.net/mobile/vincerhomil/1-m2-komunikasyon-sa-pakikipagkapwa
 Villanueva, L. (2003). At silang dalwa’y magiging isa. Pasay City: Paulines Publishing House.

Inihanda ni :

MA. TERESITA M. MAHILUM, JRA.


Rondina – Atendido NHS
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO- 8
SUMMATIVE TEST # 2

Pangalan : _____________________________________ Petsa: _________________________


Baitang at Pangkat: ____________________________

Gawain I : Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ito ay bunga ng pagkakaroon ng
komunikasyon o bunga ng kawalan ng komunikasyon. Isulat ang sagot sa patlang.
________________________________________________1. Pagkakawatak-watak ng pamilya.
________________________________________________2. Pag-aaral nang mabuti.
________________________________________________3. Pag-aaway ng mag-asawa
________________________________________________4. Pagsuway ng mga anak sa Magulang.
________________________________________________5. Pakikipag-away sa kapatid
________________________________________________6. Pagsunod ng mga anak sa magulang
________________________________________________7. Paghihiwalay ng Mag-asawa
________________________________________________8. Maagang pag-aasawa ng mga anak.
________________________________________________9. Pagrerebelde ng mga anak.
_______________________________________________10. Pagpapabaya ng mga magulang sa mga anak.

Gawain 2: Panuto: Pagsusuri sa mga suliranin sa komunikasyon na kinakaharap ng mga pamilyang Pilipino sa modernong
panahon. Punan ang hinihingi sa bawat hanay.

Ano ang karaniwang uri ng Ano ang karaniwang Ano ang dapat gawin ng bawat
komunikasyon sa ganitong kalagayan ng ugnayan ng mga kapamilya upang mapabuti
Sitwasyon
sitwasyon sa pamilya? kasapi ng pamilya sa ganitong ang ugnayan sa isa’t-isa?
sitwasyon.
1. Mga magulang na
parehong nagtatrabaho at
ang mga anak ay iniiwan
sa mga katulong.
2. Ang isa sa mga
magulang ay nagtatrabaho
sa ibang bansa at ang mga
anak ay nakatira kasama
ang isa sa mga magulang
at iba pang kamag-anak.
3. Ang parehong
magulang ay nagtatrabaho
sa ibang bansa at ang mga
anak ay nakatira sa mga
kamag-anak
4. Ang mga magulang ay
parehong walang tranaho,
binibigyan ng sustento ng
mga kamag-anak.

Mga Gabay na tanong:


1. Batay sa mga ibinigay na sitwasyon, ano-ano ang mga suliranin na kinakaharap ng pamilya sa modernongpanahon?
___________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang maaaring dahilan ng mga suliraning ito? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Paano nakakaapekto sa komunikasyon ang mga pagbabago sa pamilya bunsod ng modernong panahon, sa pagitan ng
kasapi nito? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Bakit mahalaga ang bukas na komunikasyon sa pamilya? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________
5. Paano nakatutulong ang bukas na komunikasyon sa pagpapabuti ng ugnayan sa loob ng pamilya.
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 3: Tapusin ang mga pinasimulang pangungusap:


1. Mahalaga ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at anak dahil
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ang pag-unawa sa lahat ng antas at uri ng komunikasyon ay ______________________________________-


_____________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 4: Punan ang kahon ng mga angkop na kilos para mapabuti ang komunikasyon sa pamilya.
Mga Paraan para
Mga sitwasyon kung saan Mga naging epekto o resulta
mapabuti ang Petsa Mga natuklasan sa sarili.
nagamit ito nito
komunikasyon
Kaarawan ni nanay.
Pagkakataon ko na ipakita ang Kaya ko palang
Halimbawa: pasasalamat sa ginawa niyang Nasiyahan ang aking nanay magsakripisyo para
November
Mapanlikha o pag-aaruga sa amin. Sinikap at lalo kaming naging makaipon.
14, 2019 Kaya ko palang mas maging
creativity kung makaipon para makabili malapit sa isa’t-isa
ako ng tsinelas para sa aking malapit pa sa aking nanay.
nanay.
1.Pagiging
mapanlikha o
creativity

2. Pag-alala at
malasakit

3.Pagiging
hayag o bukas

4. Atin- atin o
personal

5. Lugod o
ligaya

You might also like