You are on page 1of 4

p

Republic of the Philippines


Department of Education
Region XIII-Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
CARRASCAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Nat’l. Highway, Gamuton, Carrascal, Surigao del Sur

GRADE LEVEL: ______8_ DISCIPLINE: Ang Pamilya Bilang Ugat ng Pakikipagkapwa


SUBJECT AREA: EsP ____ TOPIC: Pagpapahayag ng Kahalagahan ng mga Uri at Antas
QUARTER: First Ng komunikasyon sa Maayos na Pakikipag-ugnayan
sa Kapwa
WEEK: November 9-13, 2020 (Week 6)

PANIMULA:

Magandang umaga mga mahal kong mag-aaral!


Noong nakaraang linggo ay napag-usapan at natutunan natin na ang komunikasyon sa pamilya ay ang paraan
kung paano nagpapalitan ng pasalita at di-pasalitang impormasyon sa pagitan ng mga kasapi nito. Ang bukas at tapat na
komunikasyon ay daan upang maipahayag ng bawat kasapi ang pagkakaiba ng pananaw o di pagsang-ayon gayon din
ang kanilang pagmamahal at pagmamalasakit sa isa’t-isa.
Ngayon naman ay pag-aralan natin ang pagpapahayag ng kahalagahan ng mga uri at antas ng komunikasyon sa
maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa. Kaya halina at mag-aral na tayo!

GAWAIN 1: TAMA o MALI

PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay makatotohanan at MALI naman kung ito ay hindi makatotohanan.

1. Ang pakikipag-usap sa ating sarili ay nagpapagaan ng ating kalooban.

2. Hindi maayos ang komunikasyon kung ito ay naging sanhi ng madalas na pagtatalo sa pamilya.

3. Kung minsan ang hindi pag-imik ng tao ay tanda ng hindi niya pagsang-ayon sa isang usapin o sitwasyon.

4. Ang di-pasalita o di-berbal na komunikasyon ay dulot ng makabagong teknolohiya na naghahatid ng impormasyon sa


ibang tao.

5. Ang komunikasyon ay pangunahing paraan upang mapanatili ang pakikipag-ugnayan at pakikipagkaisa ng mga tao.

Ano ang masasabi mo sa naunang gawain ? Handa ka na


bang matuto pa? Sigurado akong nasasabik ka.

MGA GABAY NA TANONG

(Gumamit ng isang pirasong papel para sa iyong kasagutan.

1. Maayos ba ang komunikasyon ninyo sa iyong pamilya? Bakit?


2. Ano anong mga katangian ng iyong pamilya ang nagpapahiwatig na may bukas na komunikasyon sa inyo?

MGA MAHAHALAGANG KONSEPTO


CONCEPTS:
Ang komunikasyon sa pamilya ay ang paraan kung paano nagpapalitan ng pasalita (berbal), di-pasalita (di-
berbal) at birtwal (virtual) na impormasyon sa pagitan ng mga kasapi nito. Ang komunikasyong pasalita o berbal ay isang
pormal na paraan ng pakikipagkomunikasyon na sumasailalim sa ekstruktura ng wika. Ito ay maaaring pasulat kung
nababasa o pasalita kung naririnig o binibigkas. Ang komunikasyong di-pasalita o di-berbal naman ay isang karaniwang
paraan ng pakikipagkomunikasyon na hindi ginagamitan ng wika. Kilos at galaw ang ginagamit upang makapaghatid ng
pahayag. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagtango, pagtaas ng kilay, pag-ikot ng mata at pagtaas ng kamay.
Samantalang ang birtwal o virtual na komunikasyon ay dulot ng makabagong teknolohiya kung saan ang paghahatid ng
impormasyon o aksyon ay naipahahatid saan mang lokasyon gamit ang information technology.

Napakalaki ng nagagawa ng komunikasyon sa pundasyon ng matibay na ugnayan ng bawat kasapi ng pamilya


dahil sa pamamagitan nito naipahahayag ng mga kasapi ng pamilya ang kanilang mga pangangailangan, ninanais,
saloobin at ang kanilang pagmamahal at pagmamalasakit sa isa’t isa. Kaya dapat isaalang-alang ang bukas na
komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak na siyang nagbibigay-daan sa mabuting ugnayan ng bawat
kasapi ng pamilya. Itinuturing na hindi maayos ang komunikasyon kung ito ay naging sanhi ng madalas na pagtatalo sa
pamilya na magiging dahilan sa paglalayo ng loob sa isa’t isa.

Batay sa pag-aaral nila Ruesch at Bateson may limang antas ang komunikasyon. Ang proseso ng komunikasyon
ay nagaganap sa loob ng iba’t ibang antas:

1. Intrapersonal (Pansarili) – tumutukoy sa pakikipag-usap ng


indibidwal sa sarili, sa kanyang replektibong pag-iisip, pakikinig
sa sarili, pagbubulaybulay, o kaya ay kapag pinakikiramdaman
ang paggalaw ng sarili. Ito ay tinatawag na pinakamababang
antas ng komunikasyon.

2. Interpersonal (Pang-iba) – antas ng komunikasyong


nagaganap sa pagitan ng dalawang tao o sa pagitan ng isang tao
at maliliit na pangkat. Kadalasan ang mga sangkot dito ay may
malinaw na relasyon sa isa’t isa kung saan nagpapalitan sila ng
mga ideya batay sa karanasan at mga kaugnay nito.

3. Pampubliko – komunikasyon na pormal (planado ang


pagdiriwang) na maituturing. Ito ay kinasasangkutan ng
maraming tagapakinig kaya inaasahang handa ang
tagapagsalita.

4. Cross-cultural – tawag sa komunikasyong ipinakikilala


ang isang bansa sa iba pang bansa sa pamamagitan ng
pagtatanghal.
5. Pang-midya – tumutukoy sa paraan ng pagpasa ng isang
mensahe sa isang malaking grupo ng tao sa pamamagitan ng
paggamit ng anumang uri ng midya tulad ng telebisyon,
dyaryo, pelikula, radyo at internet.

GAWAIN 2: Pahalagahan Mo

Panuto: Isulat sa loob ng talulot ng bulaklak na Gumamela ang kahalagahan ng bawat antas ng komunikasyon. Gawin ito
sa isang buong pirasong papel.

MGA ANTAS NG KOMUNIKASYON

Intrapersonal

Interpersonal Cross-Cultural

Pang-midya
Pampubliko

Sagutin ang mga tanong:

1. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang bawat antas ng komunikasyon para magkaroon ng maayos na pakikipag-ugnayan
sa kapwa? Ipaliwanag.

2. Ano ang magandang maidudulot ng mga antas ng komunikasyon sa tao?

Assessment

A. Maraming Pagpipilian

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Anong uri ng komunikasyon na gumagamit ng teknolohiya tulad ng internet?


A. berbal o pasalita C. di-berbal o di-pasalita
B. birtwal o virtual D. interpersonal
2. Anong antas ng komunikasyon ang tumutukoy sa pakikipag-usap sa isa o maliit na pangkat ng mga tao?
A. cross-cultural C. intrapersonal
B. interpersonal` D. pang-midya

3. Ang pag-iyak ay nagpapahiwatig na tayo ay nasasaktan. Anong uri ng komunikasyon ito?


A. berbal o pasalita C. di-berbal o di-pasalita
B. birtwal o virtual D. interpersonal

4. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng bukas na komunikasyon sa isang pamilya?
A. Nakikinig siya sa mga payo ng kanyang mga magulang.
B. Matiyagang pinakikinggan ni Daniel ang paliwanag ng kanyang anak.
C. Nagtatampo si Beth dahil hindi siya pinayagang lumabas ng bahay ng kanyang ina.
D. Mahinahon niyang pinapangaralan ang kanyang mga anak sa tuwing sila’y nagkakamali.

5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita na may bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at
mga anak?
A. “Talaga bang matigas na ang ulo mo?”
B. Ayuko nang marinig ang paliwanag mo!”
C. “Manahimik ka kung ayaw mong masaktan!”
D. “Sana sa susunod kausapin mo kami ng maayos.”

SANGGUNIAN:

Learner’s Module ng Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Binabati kita! Ipinapakita mo ang husay at galing sa pagsagot


sa mga gawain!

Maam Liklik

Prepared by: Checked by: Noted by:

CERELINA M. GALELA MARIA ROLINA L. COTECSON, MT 1 FLUELLEN L. COS, PhD


Subject Teacher Coordinator Principal IV

Validated by:

______________________

You might also like