You are on page 1of 28

FILIPINO 7

Pagsusuri sa Isang
Promo Coupon o
Brochure
Nalalaman
Panuto: Piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ang napiling letra sa
sagutang papel.

1.Isang mabisang paraan gamit ang


nakalimbag na materyal upang maipakilala
ang isang lugar at mga pisikal na katangian
nito ay sa pamamagitan ng proyektong
panturismo gamit ang :
A. Flyers C. Streamer
B. Tarpaulin D.TV
Commercial
2.Ito ay istilo na nagbibigay ng
kaukulang kahulugan sa mga titik ng
isang salita na ginamit sa isang
promosyon ng isang lugar o bagay.
A. Akrostik C. Borador
B.Acronym D. Flyer
3.Ito’y tumutukoy sa balangkas o draft na
binuo na ginawang huwarang porma na
ginagamit bilang gabay sa paglikha ng isang
Flyer.
A.Website C. Borador
B.Acronym D. Template
4. Sa pananaliksik, ito ang kadalasang
ginagamit bilang reperensya o
sanggunian ng mga impormasyon o
datus.
A.Website C. Borador
B.Acronym D. Template
5. Kung ikaw ay lilikha ng isang Flyer para i-
promot ang inyong sariling barangay o
lungsod, aling aspeto ang pinakaunang
isasaalang-alang mo?
A.pang-ekonomiya
B. panturismo
C. pampulitikal
D. pangkalusugan
6. Ito ang isa pang katawagan ng
“Flyers”
A.Brochure
B.Leaflet
C.Wala sa nabanggit
D.Lahat ng nabanggit
7.Ang sumusunod na platforms ay
ginagamit sa pagpopromot ng
turismo ng isang lugar maliban sa-
A.tv C. flyer
B.radyo D. telepono
8.Sa pagsasaliksik tungkol sa gagawing
Flyers, ang unang-unang dapat isaalang-
alang ay ang-

A.paksa C. kultura
B.lugar D.walasa nabanggit

9.Sa pagbuo ng flyers, mahalagang
makikita dito ang:
A. paksa
B. tourist spots
C. Kultura ng mga tao
D. wala sa nabanggit
10.Ito ay proseso ng pangangalap ng datos at
impormasyon upang malutas ang isang suliranin
o maglahad ng bagong kaalaman.

A.Pag-aaral C. Lahat ng nabangit


B. Pananaliksik D.wala sa nabanggit
•Ayon sa ibinigay na kahulugan ng World Tourism
Organization (isang organisasyon ng mga Nagkakaisang
Bansa), ang turismo ay maaaring bigyang kahulugan
bilang isang hakbang ng paglalakbay para sa layuning
panlibangan. Tinatawag ding turista ang sinumang
naglalakbay ng 50 milya (80.5 kilometro) na layo mula
sa kaniyang tirahan. Mahalaga ang turismo sa
ekonomiya ng isang bansa.

Bukod sa pagkakataong
magkaroon ng hanapbuhay ang
mga taong naninirahan sa isang
lugar ay mahalaga rin ang
salaping ipinapasok ng mga
turista sa bansa.
Dahil sa kahalagahan ng turismo sa ekonomiya ng
isang bansa, ginugugulan ito ng pamahalaan ng
napakalaking halaga para sa mga advertisement na
may layuning iparating sa ibang bansa ang
natatanging kaugalian, paniniwala, at tradisyon na
dahilan upang dayuhin ang bansa at mga lugar dito.
Gumagamit ng flyers, brochures, patalastas sa
telebisyon at radyo upang maipakilala ang Mindanao
pati na ang kultura nito.
•Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng
Flyers sa Pagpapakilala sa Isang Lugar:

1.Magsaliksik sa mundo ng advertisers/advertisements


tungkol sa paggawa ng flyers gamit ang Internet at iba
pang sanggunian. Kung ang reperensya ay website,
siguradohing ito ay reliable o maapagkakatiwalaan.
“Mga hakbang sa pagsasagawa ng
pananaliksik”
•(Gintong Pamana III,pahina 352-356)
A.Pagpili ng mabuting paksa
B.Paglalahad ng layunin
C.Paghahanda ng pansamantalang
bibliyograpi
D.Paghahanda ng tentatibong balangkas
e.Paghahanap ng tala o note-taking
f.Paghahanda ng iniwastong balangkas o
final outline
g.Pagsulat ng burador o rough draft
h. Pagwawasto at pagrebisa ng Burador
i.Pagsulat ng pinal na sulating pananaliksik
2.Magkaisa sa tema na gagawin para sa
bubuuing flyers.
•Halimbawa: “Kalinangan ng Mindanao,
Tangkilikin at Ipagmalaki.”
3.Kailangang maipakita sa gagawing
flyers ang kulturang umiiral sa lugar na
ipakikilala.
4.May magsisilbing layout
artist,editor,photographer at mananaliksik
sa bubuuing flyers.
5. Bawat miyembro ay ipaliliwanag ang
nilalaman ng nabuong flyers upang
mahikayat ang mga turista na puntahan ang
iminumungkahing lugar sa Mindanao.
Sa pagkakataong ito, ikaw naman ang
magpapakita ng mahalagang kaalamang
natutuhan mo sa aralin. Makikibahagi ka sa
paggawa ng malikhaing panghihikayat na
babasahin at tatangkilikin din ng iba. Subalit
bago mo ito isagawa, sukatin muna natin kung
naunawaan mo ang mahahalagang nais ikintal sa
iyong isipan ng aralin na ito.
Isagawa 1

Panuto: Ang kasunod na mga larawan ay ilang


halimbawa ng
•mga bagay na ginagamit sa panghihikayat ng
mga turista para dumayo rito sa Pilipinas. Suriin
ang mga larawang ito at sagutin ang mga
kaukulang tanong.
1. Ano-ano ang gamit ng mga bagay na
ito?
•________________________________
_________________________________
__

•________________________________
_________________________________
__
2. Paano ito naiiba sa isa’t-isa?
__________________________
__________________________
_______________
ISAGAWA 2:

Suriin ang isang halimbawa


ng flyer ng Mindanao.
Basahin at ipaliwanag ang
nilalaman nito.
Flyer Mga Uri Borador Acronym
ng
Larawan
1.Surigao
2. Davao

You might also like