You are on page 1of 7

Mga Hakbang sa Paggawa

ng Proyektong Panturismo
1. Poster
Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng ideya ang
ibang tao sa kagandahan ng kanilang bayan na
maaaring hindi pa nila alam. Gumagamit ng larawan o
imahen na talagang magpapakita ng dapat asahan ng
mga tao. Ito ay karaniwang parehong tekstwal at
graphic ang elemento na disenyo upang kapansin-
pansin at makapagbigay-kaalaman.
2.Presentasyon
Ano ang kanilang mga nalaman tungkol dito. Ang mga layunin ng
presentasyon ay;
a) Masagot ang gabay na tanong na ibinigay bago ninyo umpisahan ang
proyekto
b) Mahikayat ang mga taong subukan ang pinag-aralang pagkain/
produkto/ kasiyahan/ lugar at iba pa.
c) Maipaliwanag nang may kaayusan, kabuuan, at kaisahan ang
pagsusuri.
d) Maipakita ang kagandahan at katangi-tanging kuwento ng inyong
bayan.
3. Travel Brochure

Ito ay naglalaman ng mga lugar na nais dalawin ng


mga tao upang maging kumpleto ang kanilang
karanasan. Piliin lamang ang detalyeng ilalagay dito
dahil kaunti lang ang maaaring isulat na pangungusap.
Lagyan ng magandang disenyo at larawan kung
mayroon. Tatlo o higit pang lugar na dapat puntahan,
ang kahalagahan ng bawat lugar na makikita at
maaaring gawin doon.
Blog
Isang website na maaaring magamit sapagkat ito
ay tekstwal at may mga larawan na pwedeng iangkop
sa paksa. Maaaring ilagay rito ang karanasan habang
nangangalap ng impormasyon. May mgaimpormasyong
natuklasan o saloobin sa lugar. Mga taong nakilala,
maaaring ipakita ang kabuhayan, lugar, mga pagkain,
produkto at anumang natuklasang kasiyahan ng tao.
4. Audio-Visual Presentation (AVP)

Ang nagtatanghal ay karaniwang nagbibigay


audio sa pamamagitan ng tahasang pagsasalita
kasama ang mga kaugnay na larawan na makikita
sa screen, gamit ang projector o computer.
Pumili ng isang tanyag na tanawin sa Mindanao at
itala ang mahahalagang impormasyon. Lumikha
ng isang DIY o Do It Yourself na Travel Brochure.

You might also like