You are on page 1of 13

Tekstong

Persuweysibo
Layunin :
 Natutukoy ang kahulugan ng tekstong
persuweysibo
 Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng
tekstong persuweysibo
 Nakasusulat ng sariling halimbawa ng tekstong
persuweysibo
Panimula;
 Pumili ng isa sa mga option, maglahad ka ng isang
mahalagang dahilan kung bakit ito ang iyong
pinili.
1. Kung naatasan kang mag-organisa ng isang
outdoor adventure, saang lugar mo dadalhin ang
iyong mga kasamahan.
--------- a. sa dagat ------ b. sa bundok
Bakit? __________________________________
2. Kung mahilingan ka ng gumagawa ng logo ng
iyong asosasyon, ano ang pipiliin mong kulay para
sa background ng logo?
----- a. puti ------ b. pula
Bakit?____________________________
3. Kung yayayain mo ang iyong mga kamag-aral sa
mamasyal sa probinsy, ano ang pipiliin ninyong
sasakyan?
------ a. bus ----- b. dyip
Bakit?___________________________________
4. Kung maghahanda ka para sa iyong kaarawan, ano
ang iyong pipiliing ihanda?
------- a. spaghetti ------- b. pansit
Bakit? ____________________________
5. Kung ikukuwento mo ang iyong larawan, anong
hugis ng kuwadro ang pipiliin mo?
-------- a. bilog ------ b. tatsulok
Bakit?_____________________________
Tekstong Persuweysibo
 Ito ay may layuning makapanghikayat o
makapagkumbinsi sa pamamagitan ng mga
salitang mapanghikayat na sinusurportahan nng
matibay na patunay o ebidensya.
 Ginagawa ito upang mapilit ang isang mambabasa
na maniwala, o kung hindi ma’y magkaroon ng
matibay na posisyon hinggil sa isang isyu.
Mga Sangap ng Tekstong
Persuweysibo.
1. Pili, Maayos, at Epektibong Gamit ng mga Salita
 Mahalaga ang mga salitang ginagamit upang
makapanghikayat.
 Isinasaalang-alang din ang target na mambabasa sa
paggamit ng mga salita upang masiguro na
mauunawaan nila ang teksto.
 Kinakailangan nila makuha nila hindi lamang interes,
kundi pati na ang “puso” ng mga mambabasa.
2. Disposisyon
 Tumutukoy ito sa paninindigan ng mga
naghihikayat, at kung siya ba ay naniniwala sa
mga inilalahad o hindi.
 Mababakas ang paninindigan ng manunulat, batay
sa paghabi niya ng mga saliat sa organisadong
paglalahad ng mga ideya.
3. Matibay na Patunay
 Makikita itpo sa pamamagitan ng mga datos ayon
sa napatunayang pag-aaral, saliksik o istatistika.
 Marami sa mga tekstong persuweysibo ay
nagpapakita rin ng grap o tsart.
Mga adbertisment sa iba’t ibang midya
a. Pahayagan
 Sapagkat nakalimbag, mahalaga na ang mga
patalastas ay may kalakip na mga larawang
nakakatawag ng pansin.
 Mayroon ding iba na guamgamit ng mga patotoo o
testimonya buhat sa mga tagattangkilik ng
produkto o serbisyo.
b. Radyo
 kalimitan, inaangkupan ng jingle o awitin ang mga
patalastas upang maging kawili-wili ito.
 Ang isang regular natalastas ay maaaring tumagal ng
10 hanggang 15 segundo.
c. Telebisyon
 Ang telebesyon ang itinuturing ngayon na isa sa mga
pangunahing midyum nf dantaon.
 Halos lahat na ng mga kababayan ng pamilyang
Pilipino ay may telebesyon.
 Mas mabilis na naipahahatid sa telebisyon ang mga
patalastas na kalimitang tumatagal ng 15 hanggang 30
segundo.
d. Internet
- Ang patalastas sa commercial ay isang uri ng
patalastas na nakikita sa Internet sa iba’t ibang
paraan gaya ng Webdsodes, Flashing Ads, at pag-
upload ng mga larawan ng produkto at serbisyo lalo
na sa mga social media portal tulad Facebook,
Instagram at iba pang nauusong site sa Internet,
Gawain :
Magpangkat – pangkat at bumuo ng isang patalastas
para sa isang produkto o serbisyo na tatagal lamang
ng 15 hanggang 30 minuto.
Dagdag Gawain
Mangalap ng halimbawa ng nakalimbag na
patalastas sa mga pahayagan at magasin. Idikit ang
mga ito sa malinis na papel at suriin

• Ano ang nakaakit sa naturang patalastas?


• Paano ito nanghihikayat sa naturang patalastas?

You might also like