You are on page 1of 21

Republic of the Philippines

Department of Education – Region III


Division of San Jose City
SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
Brgy. Calaocan, San Jose City, Nueva Ecija, 3121

0917-512-3690 https://www.facebook.com/groups/2248870188708208/
0917-163-4269
sanjosecitynhsshs@gmail.com

TECHNICAL AND VOCATIONAL LIVELIHOOD EDUCATION(TVL)


Week 3-5 Quarter IV

Subject: Filipino sa Piling Larang-Teknikal-Bokasyunal.


Sulating Teknikal-Bokasyunal

Mga layunin

1.Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating teknikal
bokasyonal. (CS_FTV11/12PB-0g-i-106)
1.1. Nalalaman ang kahulugan ng deskripsyon ng produkto.
1.2. Nakasusulat ng isang deskripyon ng produkto gamit ang mga hakbang sa pagsulat nito.
1.3. Nakapagsasagawa ng aktuwal na demo sa pagpapakilala sa isang produkto gamit ang
nabuong sulatin.
2.Naipapaliwanag nang pasalita sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa
pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga termino. (CS_FFTV11/12PS-Oj-I-93)
1.1. Nabibigyang kahulugan ang feasibility study.
1.2. Natutukoy ang mga dahilan sa pagbuo ng feasibility study.
1.3. Nailalapat sa pagsulat ang mga component o bahagi ng feasibility
study.
1.4. Nakasusulat ng feasibility study.
3. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika
(CS_FTV11/12WG-0m-o-95)
1.1 Natutukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng paunawa, babala at anunsiyo
1.2 Nakasusulat ng halimbawa ng anunsiyo, paunawa at babala
1.3 Nabibigyang-halaga ang kabutihang dulot pagsunod sa babala o paunawa

Aralin 1. Deskrpsiyon ng produkto

1. Anong produkto ang ipinakikita sa larawan?


2. Gaano kahalaga ang deskripsyon ng isang
produkto upang ito ay iyong mahulaan?
3. Bakit kailangang malaman ang deskripsiyon ng
isang produkto?

a. Pagbasa
Ang Deskripsyon ng Produkto

Likas na mapili ang tao sa lahat ng bagay. Karaniwang tinitiyak niya na naging
tama siya sa kanyang desisyon sa ginawang pagpili sa isang bagay. Marami siyang
isinasaalang-alang sa kanyang pagpili at isa na rito ay ang kalidad ng produktong kanyang
pinipili. Kaya naman, lubos na mahalaga ang deskripsyon ng isang produkto na magsisilbing
batayan ng sinomang pumipili upang ito ay tangkilikin. Sa mga ipinagbibiling produkto sa
merkado, may iba’t ibang paraang ginagamit ang mga negosyante sa pagbibigay deskripsyon sa
kanilang mga produkto. May iba’t ibang teknik sila kung papaano nila makukuha ang atensyon ng
mga mamimili upang tangkilin ang produkto. Dahil dito, masasabing malaki ang gampanin ng
deskripsyon ng produkto upang ito ay tangkilin ng maraming mamimili.
Papaano nga ba isinusulat ang deskripsyon ng produkto? Ano ang nararapat
isaalang-alang sa pagsulat nito? Ano ang mga hakbang na susundin? Ano ang mga salitang
nararapat gamitin sa paglalarawan?
Ang deskripsyon ng produkto ay isang maikling sulatin na ginagawa para sa
pagbebenta ng mga produkto para sa isang negosyo. Kinakailangan ang paglalarawan sa
produkto upang maging kaakit-akit at maibenta ito sa mga target na awdiyens o mamimili.
Mahalaga ang deskripsyon ng produkto upang mabigyang impormasyon ang mamimili
tungkol sa mga benipisyo, katangian, gamit, estilo, presyo at iba pa ng produktong nais ibenta.
Sa gayong paraan, nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamimili na magdesisyon ng produkto
upang maipakita sa mamimili na ang produkto ay akma sa kanillang mga pangangailangan.

Mga Paraan sa Pagsulat ng Deskripsyon ng Produkto

1. Maikli lamang ang deskripsyon ng produkto.


2. Sa larangan ng negosyo, ipinalalagay palagi na ang mga mambabasa o mamimili ay walang
panahon para magbasa ng mahahabang teksto. Kailangang masabi sa maikling talata ang
mga kinakailangang ilarawan tungkol sa produkto.
3. Magtuon ng pansin sa ideyal na mamimili. May iba’t ibang buyer persona ang bawat
produkto. Ito ay para kanino ibinebenta ang isang produkto. Mahalagang malaman ang
katangian ng target na mamimili sapagkat sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto, sila ang
nararapat na dirktang kausapin.
4. Mang-akit sa pamamagitan ng mga benipisyo.
Bigyan ng diin ang mga benepisyong makukuha ng mamimili mula sa produkto.
5. Iwasan ang mga gasgas na pahayag.
Gumamit ng mga paglalarawan na magbibigay ng impresyon ng kalidad.
6. Patunayan ang paggamit ng superlatibo.
Kung gagamit ng mga salitang magpapakita ng pagiging pinakamahusay o pinakamabisa,
magbigay ng espesipikong patunay kung bakit.
7. Pukawin ang imahinasyon ng mambabasa.
Maging malikhain sa paglalarawan. Mag-isip ng mga senaryong pamilyar at malapit sa kanila.
8. Magkuwento tungkol sa pinagmulan ng produkto.
Mahusay na estratehiya ng mga kilalang produkto ang paglalarawan ng mga kompanya nito
sa pamamagitan ng pagkukuwento sa pinagmulang nito. Sa ganitong paraan, malalaman ng
mambabasa kung gaano na katagal ang produkto sa merkado, ano ang mga proseso sa
pagbuo ng produkto, sino o saan ginagawa ang produkto, at paano sinusuri ang kalidad ng
produkto. Lahat ng ito ay makatutulong para mabenta ang produkto.
9. Gumagamit ng mga salitang umaapela sa pandama.
Gumamit ng mga pang-uring pandama. Nagbibigay ang mga ito ng kapangyarihan sa mga
pangungusap.
10. Gumagamit ng mga testimonya o patunay mula sa social media.
Nagiging personal at mas kaakit-akit kapag may ibang mga taong nagkukuwento tungkol sa
iyong produkto. Maaaring gamitin sa online shops ang mga positibong rebuy mula sa mga
kostumer bilang testimonya.
11. Gumamit ng pormat na madaling i-scan.
Tinatawag na scannable format kapag madaling basahin ang isang pahina.
12. Gumamit ng kaakit-akit na larawan ng produkto.
Sa larawan pa lamang, kailangang mapukaw na ang atensiyon ng target na mamimii,
kaya kinakailangang maganda ang kulay, anggulo, at kuha ng modelo (kung mayroon) ng
litrato ng produkto.

Halimbawa ng Deskripsyon ng Produkto

Nagsawa ka na ba sa iba’t ibang uri ng juice na iyong natitikman? Nais mo bang makatikim ng
kakaibang juice? Narito ang sasagot sa iyong kagustuhan: Ang Banana Juice na gawa sa iba’t
ibang klase ng saging. Ito ay nagtataglay ng maraming bitamina gaya ng potassium na
kinakailangan ng ating mga buto. Masarap ito at tiyak na magbibigay ng kakaibang panlasa. Mura
lamang ito at mabibili sa buong Pilipinas. Higit sa lahat ito ay mabuti sa puso dahil ito ay pang-
iwas sa pag-atake sa puso. Kaya ano pa ang iyong hinihintay, sa pangangalaga ng puso, banana
juice ang inumin. Dahil sa lahat ng puno, saging lang ang may puso!

A. Pag-unawa sa binasa sagutin ang mga katanungan?


1. Ano ang kahalagahan ng deskripsyon ng produkto?
2. Bakit kinakailangang maging maikli lamang ang deskripsyon ng produkto?
3. Bakit kinakailangang isaalang-alang ang katangian ng target na mamimili sa gamit ng wika sa
isang deskripsyon ng produkto?
4. Ano-ano pa ang nararapat isaalang-alang sa pagsulat ng deskripsyon ng produkto?
5. Bukod sa mga napag-aralan mong impormasyon na nararapat isaalang-alang sa pagsulat ng
deskripsyon ng produkto, ano pa ang maimumungkahi mong ideya na nararapat isaalang-alang?
B. Panuto: Bigyan ng kahulugan ang mga salita na nasa paligid ng produkto.

_________________
________________

__________________

__________________

Mga gawain

a. Isahang gawain (Maaaring pumili ng isa sa mga ito)

Maghanap ng mga larawan ng mga patalastas sa mga magasin, diyaryo at iba pang
babasahin. Tiyaking ang patalastas ay naglalarawan ng isang produkto. Suriing mabuti ang
deskripsyong ginamit at tukuyin kung alin sa mga pahayag ang pumukaw sa sumusunod na uri ng
pandama. Isulat ang pahayag sa tapat ng bawat uri ng pandama.

Uri ng Pandama Halimbawa ng Pahayag


Panlasa
Pandinig
Pang-amoy
Paningin
Pansalat/Panalat

b. Ikalawang gawain
Pumili ng isang produkto at gawan ito ng paglalarawan. Sa pagsasagawa nito, gawing gabay
ang nasa ibaba.

Uri ng Produkto

1. Sumulat ng isang mapanghikayat na panimula tungkol sa pakinabang ng produkto bilang


panimulang gawain sa pagpapakilala ng iyong produkto.

2. Ilarawan ang katangian ng produkto. Tiyaking ang paglalarawan sa mga katangian ay may
malaking epekto sa mga uri ng pandama ng mga mamimili.

3. Talakayin ang benepisyong makukuha sa pagtangkilik sa produktong ito.

4. Magbanggit ng personalidad na tumatangkilik ng produktong ito.

5. Talakayin ang pagiging kakaiba ng produktong ito sa iba gaya halimbawa ng presyo nito.

6. Bumuo ng isang pangwakas na pahayag na kikintal sa kaisipan ng mga mamimili. Karaniwang


ginagamit dito ay ang tagline na madaling matandaan ng mga mamimili.
Buuin ang deskripsyon sa produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga isinulat ninyo sa
loob ng kahon. Maaari kayong magbawas o magdagdag sa inyong mga isinulat kung sa inyong
palagay ay mas makatutulong ito sa pagiging epektibo ng inyong ginawang paglalarawan sa
produkto. Gawin ito sa isang papel.

Rubrik sa pagtataya ng nabuong paglalarawan.

Pamantayan 3 2 1
Kalinawan ng Malinaw na malinaw Malinaw ang Marami sa mga
Deskripsyon ang deskripsyon ng deskripsyon bagama’t deskripsyon ang hindi
produkto may ilang deskripyon malinaw ang
na may kalabuan pagkakabuo
Kaangkupan ng mga Angkop na angkop ang Angkop ang mga Maraming salita ang
Salitang Ginamit mga salitang ginamit salitang ginamit dapat baguhin upang
upang ganap na bagama’t may ilang maging angkop sa
mailarawan ang salita na dapat baguhin paglalarawan
produkto
Pagkamalikhain May pagkamalikhain sa May pagkamalikhain Walang pagkamalikhain
presentasyon ng bagama’t may ilang na na nakaapekto sa
produkto gamit ang iba’ dapat baguhin upang presentasyon
ibang element mas maging epektibo
Tamang haba ng Tamang-tama ang haba May ilang pahayag na Mahaba ang
pagkakabuo ng paglalarawan. Sapat nararapat nang deskripsyon at
na upang ito ay tanggalin maraming pangungusap
maunawaan at ang dapat tanggalin
matandaan ng mga
nakikinig.
Kabuuan

Pagtataya

Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag. Kung mali, salungguhitan ang bahaging
nagpapamali at isulat sa patlang sa ibaba ang tamang sagot.

__________________1. Kinakailangan ang paglalarawan sa produkto upang maging kaakit-akit ito


sa mamimili.
__________________2. Kadalasang mahahabang talata o teksto ang deskripsyon ng produkto.
__________________3. Gumamit ng bullet sa paglilista ng mga produkto upang madali itong
basahin.
__________________4. Kung gumamit ng mga salitang superlatibo o nagpapakita ng pagiging
pinakamahusay, hindi na kailngan magbigay ng mga patunay sa
deskripsyon.
__________________5. Hindi dapat gumamit ng mga salitang para sa pandama sa pagsulat ng
deskripsyon.

C. Ikatlong gawain: Basahin ang deskripyon sa produkto. Suriin ang mga nakasalungguhitang
salita o pahayag. Baguhin ito upang maging epektibo ang paglalarawan. (10 Puntos)

Coolpaste: Ang Toothpaste na Cool

Nagsawa ka na ba sa paghahanap ng toothpaste na magpapawhite ng iyong ngipin? Napagod ka na ba sa kakatry sa


iba’t ibang toothpaste subalit wala pa ring nangyayari?

Itapon na ang lahat ng toothpaste na yan at try mo ang bagong tuklas na toothpaste. Ang Coolpaste! Ang Toothpaste na
Cool. Ito ay made sa iba’t ibang uri ng halaman. Nabuo ito mula sa masinsinang pananaliksik ng mga tsismosa mula sa
iba’t ibang bansa. Ang Coolpaste ay may ingredients na magpapaputi ng iyong ngipin. May sangkap din itong
magpapatibay at magtatangal ng mga namumuong tartar. Mabango din ito kaya naman magiging kahali-halina ang iyong
hiniga.

Ito ang tinatangkilik ng mga kilalang modelo sa Europa, Asia at Amerika. Cheap lamang ito ay makukuha sa lahat
ng suking tindahan.

Kaya ano pa ang iyong hinihintay, papuputiin na ang mga ngiping naninilaw… Coolgate: Ang Toothpaste na Cool!

Aralin 2. Feasibility study

A. Pagganyak

Maglista ng limang (5) suliraning pampaaralan o pang kasalukuyan halimbawa ang pandemic na
kinahaharap ng mga mamayan. Sa tapat ng suliraning ito isulat naman ang naiisip mong posibleng
solusyon sa mga suliraning inihain. Maaring pumili ng kapareha o gawin ng mag isa. Suriin ang mga
isinulat na problema at solusyon ng iyong kapareha kung posible ang mga ito o hindi posible.

SULIRANING PAMPAARALAN/ POSIBLENG SOLUSYON POSIBLE


LIPUNAN BA O HINDI POSIBLE?
1.
2.
3.
4.
5.

B. Paglinang ng talasalitaan

PANUTO: Sa pamamagitan ng concept map magbigay ng mga salita o ideya kaugnay ng


salitang nasa loob ng pigura.

Concept Map

Feasibility
Study

C. Pagtalakay sa aralin
Ano ang kahulugan ng feasibility study?

Feasibility study ito ay isang ebalwasyon ng mga inihaing proposal o aksiyon kaugnay sa
mga proyekto ng pagpapaunlad sa mga sitwasyon o mga bagay sa trabaho.
Tungkulin nito na pag-aralan o suriing mabuti ang pangkalahatang kalagayan ng mga bagay,
tao, o sitwasyong nakakaapekto sa negosyo sa kumpanya bago magpatupad ng anumang
proyekto o magsagawa ng anumang aksiyon upang matiyak ang tagumpay.
Tulad ng isang proposal, ito ay isang dokumentong nangangailangan ng pananaliksik.
Sinaliksik dito ang lugar ng negosyo ang mga taong magiging bahagi nito, ang merkado, at ang
kaangkupan ng produkto o serbisyong ihahain sa tao.

Mga Dahilan sa Pagsasagawa ng Feasability Study

Ang feasibility study ay isang pormalisadong pasulat na dulog na ginagamit sa pagtataya ng


ideya upang matukoy kung ang ideyang ito ay :
➢ Maisasagawa o hindi;
➢ Isang makabuluhang impormasyon at datos na makatutulong sa pagbuo ng
desisyon.
➢ Maaaring gawing alternatibong dulog at solusyon upang maisagawa ang isang ideya.

Mga Uri ng Feasability Study

1. Deskripsiyong proyekto – tinutukoy nito ang kalidad at uri ng produktong serbisyong


inihahain at kung maaari itong isagawa para sa isang partikular na larangan, grupo o
negosyo.
2. Market feasibility – binibigyang –pansin sa pag-aaral na ito ang merkado (mga posibleng
customer), ang laki at lawak nito, potensyal nito, at/o akses dito.
3. Technical feasibility –sinusuri sa pag-aaral na ito ang laki at uri ng pasibilidad
pamproduksiyon, mga gusali, kagamitan, teknolohiya, at hilaw na material na kailangan ng
negosyo
4. Financial / Economic feasibility –tinataya sa pag-aaral na ito ang kakayahan ng
puhunan, mga pangangailangan sa pag-utang, mga halagang kailangan upang maka bawi
(break—even) ang negosyo, at iba pang aspektong pinansiyal
5. Organizational / Managerial feasibility –ang tuon dito ay ang pamamahala at legal na
estruktura ng negosyo.

Mga Komponent o Bahagi ng Feasibility Study


1. Ehekutibong buod –ang pinakalayunin nito ang tawagin ang pansin ng mambabasa.
Sa pagsulat nito, ibinibigay ang maikli at malinaw ang pangkalahatang pagtingin ng
mahahalagang punto para sa bawat bahagi ng plano ng negosyo. Huli itong isinusulat at
hindi dapat ihihigit sa dalawang pahina.
2. Produkto / Serbisyo- ang produkto ay kahit anong nahahawakan (tangible) at
maaaring magamit at maubos (consumable) na ginagawa o pinoprosidyural st ibinebenta sa
publiko. Ang serbisyo naman ay mga gawaing ibinibigay o inilalaan para sa mga tao
3. Presyo at posibleng kita- magkano pepresyuhan ang produkto o serbisyong inilalako?
Kinakailangan na ang presyo ay sapat upang mapunuan ang mga gastusin (expenses)
4. Plano para sa susunod na aksiyon - ipinapakita ba ng plano na ang ideyang nais
gawin ay may halaga at maisasagawa? Kung mayroon, narito ang mga sumusunod na
dapat buuin:
a. Ideya – Ilarawan ang ideya o nais gawin sa negosyo o ang plano para sa isang
proyekto. Tiyakin kung ano ang tawag dito, paano ito gagawin, paano ito naiiba sa iba pang
negosyo, at sino ang bibilli.
b. Mahahalagang tao –hindi sapat ang isang magandang business idea. Kinakailangan
ng mga tao para mailatag ang mga ito. Sino-sino sila? Ano ang kanilang pinagmulan sa
panukalang negosyo? Lumikha ng isang pahinang resume para sa bawat tao. Ipinapakita
nito na hindi lamang ang kanilang job history kundi maging ang kanilang mahahalagang
kakayahan, kalakasan, karanasan, pagsasanay na pinagdaanan, at kwalipikasyon. Sa
pamamagitan nito, matutuklasan ang mga potensyal na pinuno, supplier, partner, ahente,
operasyonal na grupo, mga taong maalam sa pagpapatakbo ng negosyo, gayundin ang mga
kahinaan nila. Sa pamamagitan nito makikita kung sino pa o anong kakayahan pa ang
kailangang mapunan upang mabuo ang team. Staffing ang tawag sa pagpili ng mga tauhan,
may mataas man o mababang tungkulin o ranggo para sa negosyo o anumang trabaho.

Mga kailangang ikonsidera sa staffing o pagpili ng staff

➢ Sino-sino sila?
➢ Magkano ang kakailanganin sa pagpapasweldo sa kanila?
➢ Ano ang kanilang magiging tungkulin?
➢ Anong mga pagsasanay ang kinakailangan?
➢ Ano ang mga alternatibo bukod sa pagkuha ng mga tauhan o
staff?

5. Mga personal na layunin –dito inilalahad ng negosyo ang dahilan kung bakit nais
niyang simulant ang negosyo. Kailangan niyang tignan ang kaniyang mga short-term (isang
taon pababa), medium term (isa hanggang tatlong taon) at long term (higit sa tatlong taon)
na layunin o goals. Kailangang matukoy niya muna ang personal na mga hangarin upang
maiwasan ang posibleng conflict sa pagitan ng pribadong buhay at ng trabaho. Binabanggit
din dito kung ang layunin ay makakaapekto nang maganda sa komunidad.
6. Ang merkado –mayroon bang merkado o malaking grupo ng tao, na kadalasanag
may iisa o halos magkakaparehas na interes, trabaho, gawi o lifestyle, at antas sa lipunan na
maaaring tumangkilik sa ideya o produkto ng iyong negosyo?

Maaari ring banggitin dito kung sino ang target market ng organisasyon o negosyo.

➢ Kustomer –sino ang mga potensiyal na customer? Sino ang indibidwal na bibili sayo?
Ano ang kaniyang gusto, pangangailangan at demograpikong katangian?
➢ Kompetisyon –Ito ang tunggaliang pangnegosyo o pampinansiyal ng mga negosyo.
7. Pangkalahatang pagtingin sa negosyo – dito matatagpuan ang pagtingin o pagtanaw
sa mga kakailanganin sa negosyo na makakaapekto sa pangkalahatang kalagayan o kita
nito, tulad ng lugar kung saan itatayo ang negosyo at mga plano kaugnay nito.
➢ Lokasyon –tukuyin kung saan ang lokasyon, lugar, o puwesto ng negosyo at kung
bakit doon ito itatayo. Rerentahan ba ito, bibilhin, pagmamay-ari na, o sa bahay lamang?
Tukuyin din ang mga bentahe at disadbentahe ng lokasyon.
➢ Site plan, floor plan, assets –buuin ang: (a) plano ng lugar na pagtatayuan; (b) ang
arkitektural na plano ng itsura ng lugar; at (c) ang mga kagamitang bibilhin para sa negosyo.
8. Puhunan o Kapital – sa pagkakalkula kung magkano ang kailangang puhunan,
paghandaan ang hanggang anim (6) na buwang pondo. Ito ang dahil maaaring hindi pa
makabawi sa benta (sales) mula sa pagkakaroon ng utang (credit) sa pamumuhunan ng
labis na kagamitan, o sa hindi inaasahang pagtaas ng mga bayarin o gastusin
(overheads)
9. Rekomendasyon –Mula sa isinagawang pag-aaral tungkol sa posibilidad ng pagtatayo
ng isang negosyo, mahalagang banggitin ang rekomendasyon kung nararapat itong ituloy o
hindi. Nararapat na ito ay maging tapat, maikli, at direkta.

Pagsusuri sa isang halimbawa ng feasibility study.

Feasibility Study:
Pagtatasa sa Pisibilidad ng
Publiko-Pribadong Pagtutulungan
(Public-Private Partnership)
sa Lagay ng Kalusugan sa Pilipinas
(Assessing the Feasibility of
Public-Private Partnerships in Health
in the Philippines)
Eduardo Banzon
(Principal Investigator)

Abstrak

Nagpasya ang pamahalaang gamitin ang Public-Private Partnership (PPP) Program


para matulungang higit na maging abot-kamay ang maayos na serbisyo sa mga ospital
at posibilidad para sa pangangalaga ng kalusugan. Nilalayon nitong papel na tasahin
ang posibilidad ng implementasyon ng mga PPP sa sektor pangkalusugan. Ginagamit
sa pag-aaral ang rebuy sa mga kaugnay na literature (review of literature), panayam sa
mga pangunahing sanggunian (keyinformant interviews) at maliliit na pangkatang
talakayan (focused group discussions). Muling tiningnan ang sistemang laganap sa
mga ospital sa Pilipinas gamit ang sumusunod na limang pamantayan sa pagganap:
mas pinahusay na antas sa pagpaparating ng mga serbisyong pangkalusugan,
pagkakapantay-pantay at kalidad, mahusay na pagpapatakbo at pagtitiyak sa
aplikasyon ng nasabing balangkas; at ang polisiya at programa ng pagpapatupad ng
mga rekomendasyon ng mga PPP para sa lagay ng kalusugan.
Upang mapabuti ang posibilidad ng mga PPP sa sektor pangkalusugan,
nirerekomendang gamitin ng gobyerno ang Public Private Investment Partnerships
(PPIPs) bilang depinisyon ng health PPPs, palakasin ang diskusyon sa pampublikong
polisya sa PPP at ang ugnay nito sa sosyo-ekonomikang pag-unlad, at luminang ng
isang komprehensibong programang pangkomunikasyon para sa mga PPP.
Kinakailangan nitong itama ang mga pagkukulang ng mga

nagdaang PPP; at tiyakin ang ganap na linaw, kaayusan, at katapatan sa buong


proseso ng PPP. May pangangailangang amyendahan ng legal na balangkas upang
matiyak ang kaisahan ng mga health PPP. Dapat itong magsagawa ng sama-samang
inisyatiba sa mga gawaing pangkakayahan ng mga pangkat (capacity building
initiatives); magpaunlad magpatupad para sa mga PPP ng mga proseso sa
pagdedesisyong nakabatay sa katibayan. Kailangan nitongpalakasin ang
implementasyon ng pagmomonitor at ebalwasyon; at gamitin ang sistema ng pagtukoy
sa kalusugan (health system indicators) sa pagtatasa ng mga PPP. Sa huli, dapat
nitong tiyakin ang unibersal na kasapian ng PhilHealth upang mahimok sumali ang
pribadong sektor.

Buod para sa Pagpapaganap


(Executive Summary)
Nagpasya ang pamahalaang gamitin ang Public-Private Partnership (PPP)
Program para matulungang higit na maging abot-kamay ang maayos na serbisyo sa
mga ospital at pasilidad para sa pangangalaga ng kalusugan. Nilalayon nitong papel na
tasahin ang posibilidad ng implementasyon ng mga PPP sa sektor pangkalusugan.
Ginamit sa pag-aaral ang rebyu sa mga kaugnay na literatura (review of literature),
panayam sa mga pangunahingsanggunian (key informant interviews), at maliliit na
pangkatang talakayan (focused group discussions). Muling tiningnan ang sistemang
laganap sa mga ospital sa Pilipinas gamit ang sumusunod na limang pamantayan sa
pagganap: mas pinahusay na antas sa pagpaparating ng mga serbisyong
pangkalusugan, pagkakapantay-pantay at kalidad, mahusay na pagpapatakbo, at
pagtitiyak sa mas matagalang suporta na sinusundan ng paglilinangsa isang balangkas
sa pagtatasa; ang aplikasyon ng nasabing balangkas; at ang polisiya at programa ng
pagpapatupad ng mga rekomendasyon ng mga PPP para sa lagay ng kalusugan.
Sa Pilipinas, maaaring di maging madali ang makatanggap ng mga serbisyo sa
ospital lalo na ang mga nasa kanayunan at mahihirap na bahagi ng bansa dahil sa
konsentrasyon ng kapuwa publiko at pribadong ospital sa mga higit na maunlad na
lugar.Dala na rin ito ng kakulangan sa pagpaplano kung paano pauunlarin ang serbisyo
ng mga ospital sa bansa. At habang nababawasan ang hirap pinansyal ng maraming
pasyente ng ospital sa pagpapamiyembro ng maraming Filipino sa Philippine Health
Insurance Corporation (PhilHealth); ang mga impormal na pagbabayad sa mga doktor,
nagkakaiba-ibang
bayad sa pagbibigay ng diagnostiko at gamutan, at ang di-pagtupad sa “no
balance billing” o polisiyang NBB ay patuloy pa ring nakagigipit sa mga pasyente.
Hinihingi ng polisiyang NBB na huwag

maningil ang mga ospital at doktor sa mga miyembro ng PhilHealth nang higit pa sa
binabayaran ng mga miyembrong ito o sa maibabalik ng PhilHealth sa kanilang
nagastos nang sa ganoon ay maiwasan ang personal na paggugolsa panig ng
miyembro ng PhilHealth.
Nakababahala pa rin ang kalidad ng mga kagamitan at pasilidad sa mga ospital
ng gobyerno na madalas na kundi luma ay halos di na rin magamit na nakadaragdag sa
negatibong pagtingin sa mga nasabing ospital. Madalas, walang maayos na
pagmamantina ang mga nasabing kagamitan kaya’t nagreresulta sa pagkawala ng silbi
at halaga sa napakaikling panahon. Nakasalalay ang kalidad ng kagamitan sa
paghahanap, pagbili, at pagkuha nito sa mga supplier na nagbibigay ng mga warranty,
instalasyon at pagmamantina kung ang mga ito’y tiyak na nabanggit sa mga teknikal na
espisipikasyon. Ang di maayos na pagganap sa antas ng ospital ay madalas na
nauugnay sa usapin ng pinansyal na mga pagpoproseso—partikular sa mga pagbili,
pagkuha at paglalaan ng pondo.
Ang mga sumusunod na salik ang nagpapaganap sa implementasyon sa mga
inisyatiba ng PPP: (a) Kontekstwal na Balangkas; (b)Pagtitiwala ng Isa’t Isa;(c) Mga
Balangkas para sa Polisiya at Regulasyon;(d.) Institusyunal na Balangkas; (e)
Pangangasiwa sa mga Kontrata; at (f) Balangkas sa Pagmomonitor. Ang mga salik na
ito ang magsisilbingpinaka-estruktura ng pagtatasa sa pangkalahatang posibilidad ng
mga inisyatiba ng PPP sa lagay ng kalusugan sa bansa.
Binibigyang pangangatwiran ng gobyerno ang Public-Private Partnership bilang
modelo sa paglalatag ng mga patakaran gamit ang idea ng social contract upang
makapagpaabot ng kalingang pangkalusugan at ang konstitusyunal na papel ng
pribadong sector bilang katuwang ng estado. Sinisikap ng Department of Health (DOH)
na palawigin ang pangkalahatang kalingang pangkalusugan sa pamamagitan ng
PhilHealth at ng mga PPP, itong huli bilang inaasahangkatuwang sa pagtulong upang
mapahusay at gawing abot-kaya ang mga serbisyo sa mga pampublikong ospital. Sa
kasamaang palad, hindi batid ng mga kasapi ng lipunang sibil ang ganitong mga
benipisyo, na nagreresulta sa malawakang oposisyon sa panig ng mga unyon ng mga
manggagawa, pangkat ng mga pasyente at health professionals.
Nasasangkalan ang pagtataguyod sa tiwala ng isa’t isa ng mga akusasyon ng
korupsyon at ng mgaarbitraryong pagwawakas sa mga kontratang nakaapekto sa mga
proyekto ng mga PPP bagamat patuloy namang may pagtaas sa pangkalahatang tiwala
ng pribadong sektor sa gobyerno. May malinaw at bukas na polisiya at legal na
balangkas sa regulasyon para sa PPP na nakabatay sa Amended Build-Operate-
Transfer (BOT) Law (RA 7718). Magkagayunman, sinasabing hindi tuwirang
pinahihintulutan ng nasabing batas ang

pagkakaloob ng mga klinikal na serbisyo dahil saklaw lamang nito ang mga operasyong
imprastruktural at hindi ang mga serbisyong tulad ng sa mga ospital.
Ang DOH ay itinuturing na isang ahensyang tagapag-implementa ng PPP at
lumikha ng tiyak na kagawaran para sa mga PPP—ang Center for Excellence in PPPs
in Health (CE3PH). Hindi aktibong bahagi sa kasalukuyan ang PhilHealth at walang
grupong maaaring bumalangkas sa mga regulasyon para sa health PPPs. Ang CE3PH
ay isang multidisciplinary team na binubuo ng mga finance analysts, ekonomista,
abugado, BOT specialists, information technology, engineering, at architecture experts.
Sa pangkalahatan, bagamat nakabawas sa kaniyang pagiging epektibo ang madalas na
pagpapalit ng mga staff, higit sa sapat ang mga nagawa na ng CE3PH pagdating sa
scoping, contract structuring, at procurement management. Nagsasagawa ang team ng
pagmomonitor at ebalwasyon base sa manwal ng Minimum Performance Standards
and Specifications (MPSS). Pinanatili sa Commission on Audit (COA) ang gawain ng
auditing. Magkaganito man, nananatili pa rin ang pangangailangang maisulong pa ng
DOH na maging legal at katanggap-tanggap sa lipunan angPPP sa sektor ng
pangkalusugan.
Upang mapabuti ang posibilidad ng mga PPP sa sektor pangkalusugan,
nirerekomendang gamitin ng gobyerno ang Public Private Investment Partnerships
(PPIPs) bilang depinisyon ng health PPPs, palakasin ang diskusyon sa pampublikong
polisiya sa PPP at ang ugnay nito sa sosyo-ekonomikong pag-unlad, at luminang ng
isang komprehensibong programang pangkomunikasyon para sa mga PPP.
Kinakailangan nitong itama ang mga pagkukulang ng mga nagdaang PPP; at tiyakin
ang ganap na linaw, kaayusan, at katapatan sa buong proseso ng PPP. May
pangangailangang amyendahan ang legal na balangkas upang matiyak ang kaisahan
ng mga health PPP. Dapat itong magsagawa ng sama-samang inisyatiba sa mga
gawaing pangkakayahan ng mga pangkat (capacity building initiatives); magpaunlad at
magpatupad para sa mga PPP ng mga proseso sa pagdedesisyong nakabatay sa
katibayan. Kailangan nitong palakasin ang implementasyon ng pagmomonitor at
ebalwasyon; at gamitin ang sistema ng pagtukoy sa kalusugan (health system
indicators) sa pagtatasa ng mga PPP. Sa huli, dapat nitong tiyakin ang unibersal na
kasapian ng PhilHealth upang mahimok sumali ang pribadong sektor.
Isang Ganap na Ulat Pag-aaral sa Feasibility
Panukalang Upper Sepaka
Micro-Hydropower Project
Upper Sepaka, Surallah, South Cotabato

Inihanda ng
YAMOG Renewable Energy Development Group, Inc.

sa pakikipagtulungan ng

Gentud Foundation, Incorporated


Surallah, South Cotabato
at
ang Munisipalidad ng Surallah
South Cotabato

NILALAMAN

I. Buod ng mga Espisipikasyon sa Proyekto


II. Mga Tuklas at Rekomendasyon
III. Pangkalahatang Deskripsyon ng Lugar
IV. Metodolohiya ng Pag-aaral
V. Sosyo-Ekonomikong Kondisyon
VI. Pagsusuri sa Kahingian ng Enerhiya
VII. Teknikal na Pag-aaral
VIII. Desenyong Teknikal at Espisipikasyon sa Deskripsyon
IX. Gastos sa Proyekto, Kita at Pagsusuring Pinansyal
X. Sosyo-Ekonomiko at mga Aspektong Pangkapaligiran
XI. Nirerekomendang Estruktura ng Taripa
XII. Rekomendasyon sa Konstruksyon at Operasyon
XIII. Mga Annex

Annex 1: Mga Mapa


Annex 2: Mga Teknikal na Guhit
Annex 3: Mga Larawan
Annex 4: Sukat sa Pagpapakawala
Annex 5: Kahingian sa Enerhiya/
Pagsusuri sa Pangangasiwa ng Karga
Annex 6: Pagsusuring Pampinansyal
Annex 7: Kita at Pagsusuring Pampinansyal
Annex 8-A: Kuwenta ng mga Bilang, Civil Works
Annex 8-B: Mga kagamitan sa Paglikha
Annex 8-C: Mga Linya sa Transmisyon at Distribusyon

Buod ng Espisipikasyon ng Proyekto

System Component Espisipikasyon


Pangalan ng Proyekto Upper Sepaka Micro-hydrolics
Pinagmulan Ilog Sepaka
Lokasyon Bgy. Upper Sepaka, Surallah, South Cotabato
Load Centers Barangay Upper Sepaka Proper
Layo mula sa pinakamalapit na Maaaring daanan lahat ng daanan kung maganda ang panahon
kalsada
Pangkalahatang Design Gross head mula forebay tank water level hanggang
Parameter penstock/turbine center line sa powerhouse ~ 4.54m, minimum na
daloy na kailangan sa pagpasok sa panahon ng agos 2000 l/s
218 masl
Kalidad ng tubig- may kaunting lime
Operasyon-manwal at off grid
Temperatura ng hangin sa paligid- 30 degrees Celsius
Hydrology Catchment area- 121.24 sq.km.
Sukat ng daloy at petsa 4.7cm3
Hunyo 1, 2006
Turbine design Discharge 2000 l/s
Gross Head 4.54m
Net head 4.48
Installed Capacity 40kw (high efficiency propeller turbine)
Pagpasok 0.60m x 1.35m x two (20 units Side intake sa coarse trash rack at
MS sluice gate upang makontrol ang daloy papasok
Wing wall 4m taas at 8 metro haba RCC flood protection wing wall
Gravel trap 2.7 m x 1.9 m sa 12 metro haba RCC construction gravel trap kasama ang
spillway at anim na tubo para sa flushing

Headrace canal 1.9m x 1.9m sa 123 metro habang rubble masonry canal sa 552 metro ng
earth canal

Forebay 3.1 m x 4m sa 16.7 metro haba at CHB kasama ang bakal na estrukturang
pangsuporta at fine finished walling kasama ang spillway, flushing pipe at
fine trash-rack

Angkop na flange at dakong ilalim upang makonekta sa inlet valve ng


kagamitan sa loob ng powerhouse

Allowance para sa surge head ng 20% ng buong static head

Turbine 1-unit ng propeller turbine na may manual flow controller

Maaaring tumagal sa di-makontrol na bilis ng di bababa sa isang oras

Turbine rate na gagana sa 4.54m gross head at 2000 l/sna daloy at paglikha
ng 40 kW shaft output

Instalasyon ng precision pressure gauge sa adapter pipe o turbine manifold

Powerhouse ~4M X 5m floor area, RCC construction na may Corrugated sheet roofing

Metal roofing at lahat ng lantad na bahaging metal ng kagamitan na


ibabaon kasama ng generator neutral para sa mas mahusay na proteksyon
mula sa kidlat

Speed transmission V-belt speed transmission system

High tension Haba na linya at tipo ng bawat sector


Transmission Line Powerhouse sa Brgy. Proper—1,700 metro, 3 phase 4 wires na 14 mm2
ACSR 7,620 kV overhead line
I.T Distribution Line Haba ng linya at tipo ng bawat sector
Brgy. Distribution- 1 phase 2 wires na 14mm2, ACSR at 14mm2 AAC240
V overhead line
Line protection HT lines: posteng nakapatong sa HT lightning arrester’s para sa phase lines
sa simula at dulo ng bawat HT line section na may putol na fuse link.
LT lines: posteng nakapatong sa LT lightning arrester para sa phase lines sa
simula at dulo ng bawat LT line section.
Poste HT lines: 8 m haba treated na kahoy na poste minimum 8” diameter sa
ibabaw at minimum 10” diameter sa ibaba.
LT lines: 7 m haba. Locally treated na kahoy na poste minimum 6”
diameter sa itaas at minimum 8” diameter sa ibaba.
Insulators HT lines: Pole Top Pin at Pin type, single upset bolt at spool insulator
tantiyado para sa 7,620 V
LT lines: Shackle/spool type insulator na may D-iron
Kabuuang Bilang ng Pamilyang 300 pamilya
Makikinabang

Generator 1 OPSYON- AVR type Self excited self regulated synchronous generator; 3
phase wire 4 wire. Class H insulated, natantiyang kayang magbigay ng 50
KVA nang tuloy-tuloy sa 0.8 power factor sa class F na temperature rise,
230/460 V, 60 Hz, 4 pole
2 OPSYON- Self-excited self regulated synchronous generator (Made in
China, ICHI Brand) class B insulated
Pangangasiwa Natantiyang kayang tuloy-tuloy na magtapon ng kabuuang 40kw minimum,
3 phased load (binary) type Electronic Load
Controller (ELC). Dapat maging frequency sensing type ang ELC sa lahat
ng tatlong phases anuman ang unbalanced feeder load/
Ballast load na binubuo ng immersion heaters sa hiwalay na mild steel tank
o katumbas na air heaters
Rekomendadong hiwalay na regulator control boards para sabawat phase
lalo na kung di kayang tagalan ng turbine at generator ang di makontrol na
bilis
Tailrace 1 m lapad x 1.1 m taas~ 35m haba open CHB may suporta ng 10mm RSB
may gabion (1m x 1m) sa dulong ibaba
Transmission length 1,7000 metro
7,620V
Distribution length 1,800 metro

Kabuuang Pamilyang Makikinabang 300 pamilya

Mga Kapakinabangan sa Komunidad Pailaw sa mga bahay, TV, community video (sa paaralan), battery charging,
at refrigeration at panaderya
Industriya

Main inlet valve 24” Ø ID manually operated butterfly valve na may gear mechanism
O
24” Ø ID manually operated gate valve na may pressure equalizing by-pass
Valve na tinatantiyang may 1.5 x maximum water pressure kasama ang surge
Mga pipe adapter Flexible coupling na may mga adapter pipe para maikonekta sa valve pasalunga sa
agos at turbine manifold sunod sa agos.
Pressure gauge Precision pressure gauge na ikinabit sa adapter pipe o turbine manifold

Regulator Voltage o frequency sensing (kung angkop) Electronic Load Controller (ELC) na
may tubig na resistive immersion (at/o hangin) heaters bilang dumploads. Dapat na
magkabagay ang regulator sa generator
Rekomendadong hiwalay na regulator control boards para sa bawat phase lalo na
kung di kaya ng turbin at generator ang di makontrol na bilis
Control panel Free standing metal cubicle na may kinakailangang indicators, instrumentation
kasama ang isang di-oras na metro at proteksyon laban sa overload at short circuit.
Recommended controls Over current-trip breaker
Short circuit-trip breaker
Over voltage (5%)- de excite
Starting up- manual
Shutdown- manual
Plant loading Kinakargahan ang generator sa dalawa sa talo lamang nitong phases; inaasahang
resultant load power factor ay 0.54 lagging
I. Mga Gawain

A. Pangkatang Gawain

Ang bawat pangkat ay magsasagawa brainstorming hinggil sa sitwasyon na bibigyan nila ng


isang malalimang pag-aaral upang mabigyan ng solusyon.

Mga kapakinabangan sa Pag-iilaw sa gabi kasama ang mga sumusunod:


komunidad -isang paaralang pang-elementarya @320 watts
-dalawang mosque @ 150watts
- apatnapung bilang ng 18watts high power factor CFL street lamps
Komersyal at Industriyal na Off-peakhour na pakinabang kasama ang mga sumusunod:
Pakinabang - 1 x 250watts para sa TV at video para sa paaralan
- 20 x 200 watts para sa refrigerator
- 34 x 100watts para sa TV at video cd sa mga bahay
- 1 x 1,500watts para sa battery charging para sa pagpapailaw
sa mga bahay sa labas ng micro-grid
- 2 x 2000 watts para sa panaderya
- 1x 2000 watts para sa pandayan
- 1 x 8000 para sa kiskisan ng palay
- 1 x 2000 para sa gilingan
Pangkomunidad at industrial Video na gamit ng komunidad at paaralan, battery charging, panaderya,
na Pakinabang pampublikong pagpapailaw, at pandayan

Kabuuang Kailangang Pondo P 4,860,111.32


paraKonstruksyon

Plant factor 61 %

Panukalang Taripa Ayon sa kakayahan ng mga taong magbayad batay sa mga datos na nakolekta sa
panahon ng pakikipanayam sa mga pamilya na P 80.00 minimum at P100.00
maximum

Sitwasyon: Kayo ay mga opisyal ng Filipino Club at sa inyong palagay ay kailangan na


ninyong bumili ng mga bagong kagamitan at mga libro. Ano ang maiisip mong paraan para
makalikom ng mga ito?

1. paglalatag ng problema at pangangailangan tungkol sa bibilhing kagamitan


2. mga posibleng maging solusyon
3. mga kagamitan o materyales
4. mga halagang kakailanganin sa pagbili ng mga kagamitan
5. mga mungkahi o opinyon.
Pamantayan sa Pagganap

PAMANTAYAN PUNTOS
Nilalaman 10
Wastong gamit ng Wika 5
Presentasyon 5
Kaisahan ng mga ideya 5
KABUUAN 25

B. Paglalahat

Gamit ang rebentador, ibigay ang mga kahalagahan ng feasibility study

Ang Rebentador
Feasibility Study

C. Paglalapat:

• Subukang iugnay ang paksang aralin sa pang-araw-araw na buhay.

Negosyo Vs. Personal na Buhay

PLANO bago gumawa


Feasibility Study ng hakbang sa isang
VS.
sitwasyon sa buhay.

Gabay na Tanong:

1. Ibigay ang kaugnayan ng dalawang ideya na nasa loob ng bubble speech.

D. Ebalwasyon/Pagtataya

Gamit ang ipinasaliksik na halimbawa ng feasibility study sa grupo, hanapin ang bahaging kongklusyon at
rekomendasyon sa mga nasaliksik na feasibility study. Isulat ang mga kongklusyon o rekomendasyong
nakalagay sa nasaliksik na pag-aaral. Lagyan ng kompletong rekomendasyon.

Larangan/Paksa: _______________________________________________________

Pamagat ng Feasibility Mga Kongklusyon at Mga Komento sa Rekomendasyon


Study Rekomendasyon Mula sa
Feasibility Study
E. Takdang Aralin:

Magsagawa ng isang Feasibilty Study hinggil sa negosyong nais simulan.


(Nakadepende sa strands ng mag-aaral)

Aralin 3 pagsulat ng paunawa, babala at anunsiyo.

I. PAGGANYAK

Basahin ang mga nakasulat sa plakard. Pagmasdan ang mga nakapaskil at suriin ang mga
nakasulat batay sa nilalaman. Papaano nagkakaiba ang mga ito batay sa nilalaman?

II. Pagbasa

Panuto: Iugnay ang kasagutan ng mga mag-aaral sa tekstong kanilang babasahin.

Ang mga Sulating Pag-aanunsyo, Pagpapaunawa at Pagbibigay Babala

Karapatan ng tao ang mabuhay. Kabilang sa karapatan ng mga ito ang pagsasabuhay sa kanilang
mga karapatan. Gayunman, may limitasyon ang lahat upang hindi abusuhin ng tao ang kanyang
karapatan. Dahil dito, may mga nabubuong batas upang sundin ng tao. Ang mga batas na ito ay binuo
upang matiyak ang pagiging ligtas ng bawat mamamayan. Nakokontrol ng mga batas ang magiging gawi
o ikinikilos ng tao upang hindi niya maabuso ang kanyang karapatan. Sa kabilang banda, may mga
pahayag na naririnig o nababasa ang tao na nagbibigay sa kanila ng babala, anunsyo at paunawa. Ang
mga ito ay nagtataglay ng mga impormasyon na maaaring makaapekto sa gawi o kinikilos ng tao.
Papaano nga ba nagkakatulad at nagkakaiba ang mga ito? Ano-ano ang katangian ng mga ito?
Papaano isinusulat ang mga ito?

Pangkalahatang tinatawag na patalastas ang anumang paunawa, babala, o anunsiyo. Nagsasaad


ang mga ito ng mahalagang impormasyon sa tao.

Ang mga Sulating Anunsiyo

Suriin ang patalastas sa susunod na pahina


Itanong:

Ano ang nilalaman nito? Paano ito sinusulat?

Ang mga sulating pag-aanunsyo ay ang paraan ng paglalahad ng mga kaisipan na nais iparating sa mga
nakikinig, mambabasa o manonood. Layunin ng sulating ito na ipabatid ang mahalagang kaganapan at
ang mga detalyeng nakaugnay rito. Karaniwang ginagamit ito sa pagpapabatid tungkol sa isang bagong
tuklas na produkto, isasagawang programa, makabagong tuklas na kaalaman, gagawing kaganapan at
marami pang iba.
Karaniwang mababasa ang mga sulating ito sa mga magasin, flyer, diyaryo, pamphlet, bulletin
board. Naririnig din ito sa mga radyo at telebisyon
Ang mga mag-aaral ng
Tech-Voc ay inaabisuhan Anunsiyo
na pumunta sa Opisina ng
Kalihim sa Lunes, ika-23
ng Abril mula ika- 10 ng
umaga hanggang ika-12
ng tanghali para malaman
ang mga sabjek na
kukunin sa susunod na
semestre.

Halimbawa:

ANUNSIYO: Ang mga mag-aaral ng Tech-Voc ay inaabisuhan na pumunta sa Opisina ng Kalihim sa


Lunes, ika-23 ng Abril mula ika- 10 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali para malaman ang mga
sabjek na kukunin sa susunod na semestre.

ANUNSIYO: Iniimbitahan ang lahat na dumalo sa pagtitipon ng mga kilalang manunulat. Gaganapin ang
pagtitipon sa Claro M. Recto Hall, Bulwagang Rizal, UP Diliman sa ika- 30 ng Mayo 2016 mula ika-4
hanggang ika-6 ng gabi.

Ang mga Sulating Paunawa

suriin ang halimbawa ng patalastas.

Ano ang nilalaman nito?


Paano ito sinusulat?
Gaganapin ang
pagpupulong ng Paunawa

mag-aaral sa
Jose Rizal Hall
sa halip na
Marcelo del Pilar
Room.

Halimbawa ng isang paunawa ay pagsaad ng pagbabago ng lugar ng gaganaping pagpupulong.

PAUNAWA: Gaganapin ang pagpupulong ng mag-aaral sa Jose Rizal Hall sa halip na Marcelo del Pilar
Room.

PAUNAWA: Inaabisuhan ang lahat na mula ngayong Lunes, ika-30 ng Marso ay hindi muna
magpapapasok ng mga tao sa building na ito dahil sa pagdami ng kaso ng covid 19.

Ang mga Sulating Babala

Ano ang nilalaman ng patalastas? Paano ito sinusulat?


Babala

Nahuhulog na bato.

Ang babala ay nagsasaad ng maaaring maging panganib sa buhay, estado, o nararanasan ng tao.
Maaaring sa pamamagitan ng salita o larawan maisaad ang babala.

Ang babala ay nagsasaad ng maaaring maging panganib sa buhay, estado, o nararanasan ng tao.
Maaaring sa pamamagitan ng salita o larawan maisaad ang babala.

Halimbawa:

Babala: Malakas ang alon. Mag-ingat sa paglangoy.

Ilang konsiderasyon sa pagbuo ng mga paunawa, babala, at anunsiyo

1. Paggamit ng wika

Kinakailangang mapukaw agad ang mambabasa sa anumang inilagay sa paunawa, babala, at


anunsiyo. Mahalaga, kung gayon, na ang salitang gagamitin ay simple at mabilis na maiintindihan. Simple
ang mga salitang gagamitin dahil dapat na direktang sinasabi ng paunawa, babala, o anunsiyo ang
mahalagang impormasyon na laman nito. Mahalaga rin na mabilis na mauunawaan ng nagbabasa ang
paunawa, babala, o, anunsiyo ang impormasyon na inilalahad. Iwasan ang maligoy na salita o ang
paglalarawan ng isang pangyayari.

Halimbawa:
Ang babalang “Mag-ingat sa aso” ay malinaw at simple. Pinag-iingat ang tao sa aso dahil tiyak na may
panganib na dala ang aso sa tao. Maaari itong makakagat ng tao o kaya ang simpleng pagtahol nito ay
magdulot ng katatakutan sa tao. Samantala, ang babalang “Mag-ingat sa itim na ‘’aso” ay
makapagbibigay ng kalituhan sa tao dahil iisipin ng tao na mapanganib ang itim na aso ngunit ang
kayumanggi o kaya’y puting aso naman ay hindi dapat kinatatakutan.

2. Paggamit ng imahen o simbolo

Sa kasalukuyan, ang paggamit ng imahen at/o simbolo, kalakip ang mahahalagang impormasyon,
ay tinatawag na infographics. Sa kasalukuyang panahon, mas nakapupukaw sa mag-aaral ang paggamit
nito dahil sa pagiging malikhain, kakaunti ang tekstong babasahin, malinis ang pagkakagawa, at
nakaaakit sa mata dahil sa kulay. Ang mga nabanggit sa itaas ay mga palatandaan na epektibo ang
infographics.
Maliban sa usapin ng infographics, mahalagang ipaalala sa mag-aaral na ang mga imahen at/o simbolo
ay dapat na may kaugnayan sa ginagawang paunawa, babala, o anunsiyo. Kapag hindi malinaw ang
imahen at/o simbolong ginamit sa patalastas, makalilikha ito ng kaguluhan.

Halimbawa:

Malinaw sa imahen na isa itong babala na kung saan ang sasakyan ay maaaring
mahulog mula sa isang bangin na tubig ang kaniyang babagsakan.
Pagpapayaman ng Talasalitaan

PABABA

1. paraan ng pag aanunsyo ng isang bagay o pangyayari sa pamamagitan ng ibat ibang anyo ng
komunikasyon pang madla.
2. larawan
3. isang anyo ng papel advertisement nilayon para sa malawak na pamamahagi at karaniwang nai-post o
ipinamahagi sa isang pampublikong lugar

PAHALANG
4. dito nakapaskil ang mga anunsyo
5. paggamit ng simbolo na may kalakip ng mahahalagang impormasyon

III. Mga gawain

Gumawa ng isang paunawa, babala o anunsiyo. Pumili lamang ng isa sa mga sumusunod

PAUNAWA:

1. Mayroong pagbabago sa petsa ng programa para sa pagdiriwang ng “Nagkakaisang Bansa”.


2. Mayroong bagong batas na ipatutupad sa barangay patungkol sa IATF Guidelines.
3. Mayroong paglilipat ng silid-aralan ng mga mag-aaral sa ika-11 baitang
4. Mayroong paparating na malakas na bagyo at inaabisuhan ang lahat ng nakatira sa tabing-dagat at
mababang lugar na lumikas.
5. Mayroon programa sa paaralan at magkakaroon pagbabago sa iskedyul ng mag-aaral (shortened
period)

BABALA:

1. Babala sa hinggil sa negatibong epekto ng labis na paggamit ng cellphone.


2. Babala sa madalas na paglabag sa patakaran o alituntunin na ipinatutupad ng IATF sa inyong lugar.
3. Babala sa masamang epekto ng paninigarilyo sa kalusugan.
4. Babala sa masamang dulot ng labis na pagpupuyat
5. Babala sa mga sakit na maaring makuha tuwing tag-araw.

Anunsyo:

1. Panawagan para sa “Tree Planting Project” na gagawin sa paaralan.


2. Panawagan para sa gaganaping pagbabakuna laban sa covid 19 sa inyong lugar..
3. Panawagan para sa exhibit sa mga produkto ng mga mag-aaral sa TechVoc
4. Panawagan para sa pagkakaroon ng malinis at payapang paaralan
5.Panawagan para sa nagnanais lumahok sa “Mutya ng Barangay” na gaganapin sa araw ng pista.

Ang bawat awtput ay tatasahin gamit ang sumusunod na rubric

3 2 1
Nakapagsaliksik ng impormasyon tungkol sa paksa.
Nakapaglista ng mahahalagang impormasyon.
Gumamit ng naayong salita.
Madaling maintindihan ang ginawang patalastas
Mabilis maintindihan ng kapuwa mag-aaral ang ginawa.

A. Paglalahat

Ibigay at isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng anunsyo, paunawa at babala gamit ang
organizational chart sa ibaba.

paunawa
babala

anunsiyo

IV. Pagtataya

A. IDENTIPIKASYON. Tukuyin ang hinihinging sagot sa bawat bilang.

1. Pangkalahatang tawag sa anumang pagbabatid ng mahalagang impormasyon sa tao


2. Nagsasaad ng mahalagang impormasyon at mistulang din itong magsasabi kung ano ang maaari at
hindi maaaring gawin
3. Nagsasaad ng maaaring maging panganib sa buhay ng tao
4. Mahalagang impormasyon na makapagbibigay ng sapat na kaalaman sa sinumang tao
5. Tawag sa pagsasama ng impormasyon at simbolo/imahen

B. Gumawa ng isang anunsiyo tungkol sa gaganaping bakuna laban sa Covid 19. Narito ang
impormasyon

Lugar: Alumni Hall San jose City National High School


Oras: 12 ng tanghali
Petsa: 7 JULY 2021
Pag-uusapan: Bakuna kontra Pandemya
Mga sanggunian:
Filipino sa Piling Larangan (Tech-Voc). Christian George C. Francisco at Mary Grace H. Gonzales. Rex Book Store, Manila Philippines.
Filipino sa Piling Larangan: Tech-Voc ni Maureen Carasig et. Al. p. 138-145
Filipino sa Piling Larangan (TECH-VOC) pp.144-150
Francisco, Christian George et.al (2017)
Kavin Tipay - Dibisyon ng Tarlac
Jennifer Mendoza - Dibisyon ng Tarlac
Elsie Mariano - Dibisyon ng Tarlac
Generosa Fetalvero - Dibisyon ng Tarlac
Daina Manez - Dibisyon ng Bulacan
Cecilia Nabong -Dibisyon ng Bulacan
Princess Reyes -Dibisyon ng Nueva Ecija
Ruth N. Pablo
Maria Teresa Dagan -Dibisyon ng Zambales
Analiza Cruz -Dibisyon ng Angeles
Laureen B. Aguilar -Dibisyon ng Bataan
Abel G. Magpoc -Dibisyon ng Bataan
Aileen B. Yabut - Dibisyon ng Angeles City
Rodel J. David -Dibisyon ng Mabalacat Pampanga
Nestor C. de Guzman
Roberto L. Tibus -Dibisyon ng Bulacan
Ma. Dolores DJ. Pineda
Maria Victoria S. Villanueva
Melanie E. Lotino
Mary Grace E. Cruz -Dibisyon ng Cabanatuan City
Jenny Rose A. Oronos

Inihanda ni:

ALVIN L. ALEJO
SJCNH-SHS

You might also like