You are on page 1of 5

FILIPINO SA PILING LARANGAN

ARALIN 1:
(Tech-Voc):
MODYUL 5
Deskripsiyon ng Produkto at
Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang
Bagay o Produkto
I. LAYUNIN:
a. Nabibigyang-kahulugan ang deskripsyon ng produkto
b. Natutukoy ang kahalagahan ng deskripsyon ng produkto
c. Nakagagawa ng sariling poster tungkol sa deskripsyon ng napiling produkto.

II. PANIMULANG PAGSUSULIT

Panuto: TAMA o MALI. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag. Kung mali, tukuyin ang
salitang nagpamali sa pahayag.
_______1. Sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto, gumagamit ng pangangatwiran ang
manunulat.
_______2. Inilalagay sa deskripsiyon ng produkto ang detalyadong paglalarawan dito.
_______3. Kolokyal ang ginagamit na wika sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto. _______4.
Marapat na panatilihing payak ang pagkakabuo ng mga pangungusap kung susulat ng
deskripsiyon ng produkto.
_______5. Mahalaga ang deskripsiyon ng produkto upang higit na masuri at makilatis ang
isang produkto.
_______6. Sa pagbuo ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto, isinasaad ang
mga kinakailangan sa proseso ng paggawa ng produkto.
_______7. Mahalaga ang kronolohiya ng mga hakbang na nakasaad sa dokumentasyon sa
paggawa ng isang bagay o produkto.
_________8. Maaaring maglagay ng ilustrasyon kung susulat ng dokumentasyon sa paggawa ng
isang bagay o produkto.
_______9. Masasabing teknikal ang pagkakaayos ng mga proseso kung nasa tamang
pagkakasunod-sunod ang mga ito.
_______10. Nagsisilbing gabay ang dokumentasyon sa sinumang nais gumawa ng isang bagay
o produkto.

III. TALAKAYAN
Deskripsyon ng Produkto
Sadyang mahalaga ang wasto at sapat na pagpapakilala at pagbibigay katangian sa isang
produkto o serbisyo bago ito tangkilin ng isang mamimili. Kaugnay nito, kalimitang
matatagpuan ang ganitong paglalarawan sa pabalat, sa website ng gumawa nito, o kaya’y sa
iba pang babasahin tungkol dito. Tiyak, wasto, at makatotohanan ang inaasahang Deskripsiyon
sa isang produkto.
Nakatutulong din ito upang mailahad kung ano ang katangi-tangi o kaya nama’y
limitasyon ng isang bagay, gayundin kung paano ito gagamitin nang tama.
Hindi rin maitatanggi ang kagustuhan ng indibidwal sa patuloy na pagkatuto, kung kaya’t
lagi tayong bukas sa pagkakaroon ng mga bagong kaalaman. Mas madaling matutunan ang
iba’t ibang bagay kung may akses sa mga materyales na nagtuturo kung paano ito magagawa.
Kalimitang may sinusunod na proseso o mga hakbang sa paggawa ng isang bagay. Nakalagay
rin ang mga espesipikong gamit na kinakailangan upang mabuo at magawa ang isang bagay
bago ang mga hakbang sa paggawa. Maaari ding maglagay ng mga larawan para sa bawat
hakbang upang makita nang mambabasa ang dapat na kalabasan sa bawat proseso. Marapat
lamang na sundin ang mga ito upang hindi magkamali at maging angkop ang kinalabasan ng
isang gawain. Malaking tulong ang dokumentasyon ng mga ito upang higit na maging madali
para sa mga tao ang sumunod sa mga hakbang na nakasaad dito.

Kahalagahan ng Deskripsyon ng Produkto

1.Upang mabigyang impormasyon ang mamimili tungkol sa mga

a. benepisyo d. estilo
b. katangian e. presyo
c. gamit

2. Mahalaga rin ang deskripsyon ng produkto upang maipakita sa mamimili na ang produkto ay
akma sa kanilang pangangailangan.
3. Mahalaga ito sa larangan ng kalakalan o nesgosyo dahil sa napakalakas ang kompetensiya ng
iba’t ibang kompanya
 Hindi lamang boutique o mga pisikal na estruktura ng mga tindahan ang
gumagawa ng mga deskripsyon ng produkto na dati ay inilalagay sa mga
magazine. Laganap na rin ang mga online store na totoong may mas higit na
kompetesyon dahil sa malawak ang maaaring marating ng produkto at mas
maraming potensyal na kliyente.
 Karaniwan ang deskripsyon ng produkto ay isang maikling talata lamang.
 Maaaring gumamit ng bulleted lists sa pagsulat ng deskripsyon sa produkto lalo
na kung online stores.

Mga hakbang sa pagsulat ng Deskripsyon ng Produkto

1. Ang deskripsiyon ng produkto ay nagtataglay ng paglalarawan sa isang produkto.

 Maikli lamang ang deskripsyon ng produkto
 Kailangang masabi sa maikling talata ang mga kinakailangang ilarawan tungkol sa
produkto.
2. Sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto, mahalagang panatilihin ang pagiging tiyak sa mga
katangiang ilalahad sa deskripsiyon.
 May iba’t ibang persona ang mga buyer ng bawat produkto.
 Ito ay kung para sa kanino ibinebenta ang isang produktyo
 Kailangang malaman ang katangian ng target na mamimimili sapagkat sa pagsulat ng
deskripsyon ng produkto, sila ang nararapat na direktang kausapin.
3. Mahalaga ring panatilihin ang pagiging payak, tiyak, makatotohanan, at akma sa aktuwal na
produkto ang pagkakabuo ng deskripsiyon nito upang maiwasan ang kalituhan ng mambabasa.
4. Kalimitang binubuo ang deskripsiyon ng tuwiran at detalyadong paglalarawan sa mga
produktong inaasahan ng mga ibig bumili o gumamit nito.
5. Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng deskripsiyon ng produkto at maaaring
kakitaan ng mga salitang teknikal na kinakailangan sa isang partikular na trabaho.
6. Gumamit ng kaakit-akit na larawan.
7. Iwasan ang gasgas na pahayag.
8. Pukawin ang imahinasyon ng mambabasa.
Gawain:
Panuto: Gumawa ng sariling produkto at bumuo ng sarili nitong deskripsyon, gawing gabay ang
mga hakbang sa pagbuo nito.
Pamantayan sa pagmamarka
Kategorya Deskripsyon Puntos
Pag-oorganisa Pagkakasunod-sunod ng mga impormasyon 10
Nilalaman Isinaalang-alang ang mga katangiang dapat laman ng isang 25
deskripyon ng produkto
Presentasyon Malinis, may pagkamalikhain sa disenyo at isinaalang-alang ang 15
wastong gamit ng wikang Filipino.
Kabuuan 50

IV.PAGLALAHAT
Ano ang natutuhan mo sa ginawang munting pananaliksik sa deskripsyon ng produkto?

__________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

V.EBALWASYON
May epekto kaya ang deskripsiyon ng produkto o trabaho sa industriyang nais mong
tahakin?? Ano/ano-ano ito?

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

VI. PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: TAMA O MALI. Tukuyin ang pahayag kung ito ay wasto ay ilagay ang TAMA at MALI
naman kung ito ay hindi wastong pahayag.

________1.Ang deskripsyon ng produkto ay ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto

para sa isang negosyo.
________2. Gumamit ng di kaakit-akit na larawan.
________3. Sa deskripsiyon ng produkto, mahalagang panatilihin ang pag-aalinlangan sa mga
katangian ng produkto.

________4. Ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng deskripsiyon ng produkto ay maaring

balbal na salita ang gamitin.

________5. Detalyadong paglalarawan sa mga produktong inaasahan ng mga ibig bumili.

________6. Maaaring may kahabaan ang deskripsyon ng produktong nais ipakilala sa

mamimili.

________7. Mas tatangkilikin ang produkto kung ito ay may kaakit-akit na deskripsyon.

________8. Palamuti lamang ang deskripsyon ng produkto upang magandahan ang mga
mamimili o tagatangkilik dito.

________9. Maaaring kahit sino ay bumuo ng isang produkto.

________10. Hindi kailangang ilagay ang presyo ng isang produkto sapagkat pm/dm sent ang
uso.

You might also like