You are on page 1of 4

NARATIBONG ULAT

Naratibong Ulat- Ito ay isang dokumentadong ulat ng isang pangyayari na isinusulat sa paraang
kronolohikal.
Ayon kina Onega at Landa (1996) ,ang naratibo ay isang representasyon ng serye ng mga
pangyayari.Kailangang tandaan na sa isang naratibong ulat, may isinasalaysay o ikinukwento
kaya ang sumusulat nito ay kailangang may ideya ng banghay o pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
Ayon naman sa artikulong How to Write a Solid Narrative Report , ang pangunahing
katangian na kailangang tandaan sa pagsulat ng mahusay na naratibo ay ang paglilista ng mga
detalye sa kronolohikal na ayos habang ipinapasok ang personal na punto de bista sa kabuuan
ng papel.

KAHALAGAHAN AT BENTAHE NG PAGSULAT NG NARATIBONG ULAT SA KOMUNIKASYONG


TEKNIKAL
Ayon kay Legitt (2011) , batay ang agham sa mga obserbasyon , katotohanan, estadistika at
pagsusuri, gayundin ang mga ulat na teknikal ay nararapat na obhetibo, masinsin at nagtataglay
ng ilang tuyot na nilalaman.

Ayon kay Vrouvas(2010) , ginagamit ito ng mga opisyal ng pulisya sa paglalarawan sa isang
aksidente, ng mga doktor na naglalarawan ng mga operasyon at kalagayan ng pasyente at mga
propesyonal sa human resource na nagpapaliwanag sa maling asal ng empleyado.

Ang mga bentahe ng naratibong ulat ayon kay Barton (1988) ay:
1. mas madaling maunawaan ng mambabasa at mas mabilis basahin ang teksto;
2. Mas epektibong napoproseso sa utak ng mambabasa;
3. Mas natatandaan ang daloy ng mga isinalaysay na pangyayari; at
4. Higit na kapani-paniwala at mapanghikayat kaysa sa paglalahad.

PARAAN NG PAGSULAT NG NARATIBONG ULAT


1. Sundin ang SAKS-BP (Sino-Ano-Kailan-Saan/Bakit-Paano)
2. Pahalagahan ang elemento ng oras at detalye
3. Iwasan ang paggamit ng aktuwal na pangalan kung ang iniimbestigahan ay isang kaso o di-
tiyak na salarin o pangyayari.
4. Piliin ang pinaakmang anyo ng naratibo batay sa iyong layunin.
5. Gumamit ng unang panauhan
6. Gawing detalyado ang ulat.
7. Gumamit ng anekdota kung kailangan.
8. Gumamit ng teknik tulad ng maayos na pagkakasunod-sunod at karakterisasyon at
paglalarawan sa mga karanasan ,kasukdulan at resolusyon.

PROPOSAL
Ang mga proposal ay mga espesyalisado at teknikal na dokumentong pangnegosyo na
nagbibigay ng mapanghikayat na solusyon sa mga suliranin.Lahat ng dokumentong teknikal ay
kinakailangang makapagpahayag ng malinaw at obhetibong mga ideya.
Ang isang proposal ay isa ring pananaliksik.Taglay nito ang mga elementong kailangan sa
pananaliksik, mula introduksiyon hanggang sa kongklusyon.

Tatlong Pangunahing Layunin ng Pagsulat ng Proposal


1. Maglarawan , magtukoy o maghain ng problema na kailangang masolusyunan.
2. Maghain ng solusyon para sa problema.
3. Magpatupad ng solusyon.

MGA BAHAGI NG PROPOSAL


I. Pamagat
-dito matutunghayan ang paksa at kung ano ang ginagawang pag-aaral,
proposal o proyekto.
II. Introduksiyon
-Ito ang nagpapakilala sa kaligiran o background ng suliranin.
III. Kaligiran
-Ito ay mga sitwasyon o pangyayari, kalakaran, mga kaugnay na
programang ipinatupad o hindi ipinatupad o anumang naganap na sanhi o dahilan
ng kasalukuyang suliraning nagaganap.

IV. Mga Kasalukuyang Suliranin


-Ito ang mga tiyak na karanasan, kalakaran, proyekto at programa sa isang
kompanya o institusyon sa larangan ng empleyo o trabaho na nagbibigay ng
suliranin sa organisasyon o sa partikular na mga empleyado.
V. Rasyonal at Kaugnay na Literatura
-Dito tuwirang binabanggit ang dahilan kung bakit kailangang maisagawa
ang proyekto o programang inihahain bilang solusyon sa kasalukuyang suliranin.
Literatura- kalipunan ng mga papel , dokumento , babasahin , partikular na mga
pag-aaral o pananaliksik na nasusulat na kaugnay ang isang konsepto, ideya , isyu,
o problema sa anumang larangan.
Sa pagsulat ng kaugnay na literatura , nararapat na ilagay ang pinagkunan o
source ng impormasyon. Kailangang bigyan ng kredito ang sumulat ng isang
dating proyekto, pananaliksik, proposal o anumang konseptong nagmula sa ibang
hanguan.

American Psychological Association (APA) PORMAT


Trenholm , S.T.(2008). Thinking through Communication.USA:Pearson.
 Sarah T. Trenholm - awtor
 2008 -taon ng paglalathala ng libro
 Thinking trough Communication -pamagat ng libro
 Pearson -publisista o publisher
 USA -lugar ng paglalathala
VI. Diskusyon
Ang tinatawag na diskusyon ang nagpapaliwanag sa kompletong detalye ng
panukalang solusyon.
VI. Kongklusyon at Rekomendasyon
Ang Kongklusyon ay dapat na magbigay diin sa mga benepisyong makukuha
ng mga mambabasa mula sa inihaing solusyon sa problema.
VII. Mga Kalakip na Dokumento o Apendiks
Maaaring maglakip ng mga dokumento sa proposal.Ilan sa mga maaaring
idagdag ay mga talaan ng gastos, ipon, kita o pagkalugi, materyales at tauhan,
bibliyograpiya o talaan ng reperensiya, at mga opisyal na liham.
VIII. TALAAN NG REPERENSIYA
Dito itinala ang mga dokumentong ginamit na pinaghanguan ng
impormasyon.

FEASIBILITY STUDY
-Isang ebalwasyon ng mga inihaing proposal o aksiyon kaugnay sa mga proyekto ng
pagpapaunlad sa mga sitwasyon o mga bagay sa trabaho.

ULAT-ANALITIKAL
-Ito ay isang teknikal o propesyonal na dokumento na isinusulat para gamitin sa
pamahalaan o sa negosyo.Nagmumula ang mga impormasyong inilalagay sa isang ulat-analitikal
sa mga sarbey, rekord-pinansyal at iba pang mapagkakatiwalaang hanguan ng impormasyon.
Taglay ng isang ulat analitikal ang mga katangian ng isang ulat at ng isang pananaliksik.

Ang mga ulat ay may iba’t ibang tungkulin sa trabaho tulad ng pagbibigay o paglilipat ng
pangkalahatang impormasyon , pagpepresenta ng resulta ng imbestigasyon at paggawa ng
mapanghikayat na imbestigasyon.
Iba’t iba ang tunguhin ng ulat-analitikal depende sa larangan. Ilan sa mga tunguhing ito ay
magtaya ng mga oportunidad, bumuo ng mga solusyon, sumuporta sa mga desisyon at
magsuri ng mga napapanahong isyu.

May iba’t ibang bahagi ang ulat-analitikal na wala sa ibang uri ng ulat.Ang liham-paglilipat ay
isang liham na ginagamit kung tagalabas ang gagawa ng ulat-analitikal. Talaan ng ilustrasyon
ang listahan ng mga imahen tulad ng mga grap at dayagram upang maglahad ng mga
komplikadong ideya sa kanilang mambabasa.
Memorandum- ginagamit kung mga empleyado ng iisang organisasyon ang nag-utos ng
paggawa ng lat-analitikal at ang magsusulat ng ulat.

PAGBUO NG MANWAL
Ang MANWAL- ay mga pasulat na gabay o reperensiyang materyal na ginagamit sa pagsasanay,
pag-oorganisa ng mga gawain sa trabaho, pagbuo ng mga mekanismo , pagpapatakbo ng mga kagamitan
o makinarya, pagseserbisyo ng mga produkto o pagkukumpuni ng mga produkto.
Iba’t ibang uri ng manwal ayon sa gamit:
1. Manwal ng Pagbuo- para sa konstruksiyon o gamit , alignment, calibration , testing at adjusting ng
isang mekanismo.
2. Manwal para sa Gumagamit- naglalaman ng gamit ng isang mekanismo.
3. Manwal na Operasyonal-Kung paano gamitin ang mekanismo
4. Manwal-Serbisyo- routine maintenance ng mekanismo.
5. Teknikal na Manwal- nagtataglay ng mga espesipikasyon ng mga bahagi, operasyon, calibration at
pagbuo.
6. Manwal para sa pagsasanay- ginagamit sa mga programang pampagsasanay ng partikular na mga
grupo o indibidwal.
AWDIYENS- Pangunahing konsiderasyon sa pagbuo ng manwal para sa gumagamit.
TALAAN NG NILALAMAN- dito itinatala ang mga pahina at ang pagkakasunod-sunod ng mga gawain sa
loob ng manwal.
INTRODUKSIYON- nagpapaliwanag tungkol sa ANO-PAANO-SINO.
APENDIKS- mga kalakip na dokumentong may kaugnayan sa kabuuan ng nilalaman ng manwal
BIBLIYOGRAPIYA- Paalpabetong talaan ng mga reperensiya o mga binasang dokumento.

MGA ELEMENTONG BISWAL


PIE TSART- bilog na representasyon, pagkakahati, magkakaugnay
BAR O KOLUM GRAP- sukat , halaga, panahon, pataas , pababa
DAYAGRAM-drowing o dibuho na nagpapakita ng mga komponent ng isang mekanismo, proseso at
sistema.
LINYANG GRAP- Nagpapakita ng mga pagbabago at pagkakaunlad, ang pag-angat o pagbaba ng mga
datos.
TALAHANAYAN- Kolum , hanay
ISKEMATIKS- Proseso , circuit diagrams
LITRATO-mga biswal na reproduksiyon na nakarekord sa film o naka-encode bilang datos na digital

You might also like