You are on page 1of 34

Ulat-Analitikal

Aralin 15
Ang Ulat

Ang mga ulat o report ay may ibat ibang tungkulin sa trabaho. Sa


anuman laranggan papasukin maaring maatasang gumawa ng
isang ulat para:
1. magbigay o maglipat ng pangkalahatang impormasyon;
2. mapresenta ng resulta ng imbestigasyon; at
3. Gumawa ng mapanghikayat na argumento.
Ang Ulat
Minsan, kailangan ding matugunan o maisagawa ang lahat ng
layuning nasa itaas. Kaya naman, ang isang mahusay na ulat ay
nararapat na nagpapakita na ang nagsulat nito ay mahusay
umunawa at gumawa ng solusyon sa problema, mabisa ang
pakikipagkomunikasyon, at kalaunan ay makatulong sa pag-unlad
ng iyong karera. May iba’t ibang uri ang ulat. May mga ulat na
pangkaraniwan. Mayroon ding komprehensibong ulat. Ang
susunod na tatalakayin ay isang uri ng komprehensibong ulat.
Pagsulat ng Ulat-Analitikal
Ang isang ulat analitikal ay isang teknikal o propesyonal na
dokumento na isinusulat para gamitin sa pamahalaan o sa
negosyo . Nagmumula ang mga impormasyong inilalagay sa
isang ulat-analitikal sa mga sarbey, rekord-pinasiyal, at iba pang
mapagkakatiwalaang hanguan ng impormasyon. Tinutulungan
nitong makabuo ng mahahalagang desisyon ang mga opisyal ng
gobyerno o mga ehekkutibo ng isang negosyo. Taglay ng isang
ulat-analitikal ang mga katangian ng isang ulat at ang isang
pananaliksik.
May Tunguhin ng Ulat-Analitikal sa Iba’t
Ibang Larangan
1. Magtaya ng mga oportunidad. Nagbibigay ng impormasyon
sa mga decision-maker ng isang kompanya o institusyon tungkol
sa bago, Kapana-panabik at matagumpay ng gawain. Halimbawa
sa isang magtagumpay na kompanya ng mga sabon, maaring
magmungkahi na magkaroon din ng produksiyun ng lotion. Sa
ganitong mgaa uri ng ulat kinakailangan ng pananaliksik tungkol
sa merkado.
2. Bumuo ng mga solusyon. mga ulat na nagbibigay-solusyon sa
mga problema ay naghahain ng mga solusyonan nagbibigay ng mga
halimbawan ng mga dating kaso, tumitimbang sa mga pagpipiling
solusyon, at nagbibigay ng mga rekomendasyon sa mga decision-
maker batay sa pananaliksik na inipon. Halimbawa, paano
sosolusyunan ng isang kompanya ng fastfood chains ang ganitong
problema: Marami sa kanilang branch ay nagsasara na at nalulugi
ngunit ayaw nilang mawalan ng trabaho ang napakaraming tao?
3. Sumuporta sa mga desisyon. Sa isang malaking organisasyon o
kompanya na magkaroon ng isang malaking pagbabago, ang ulat-
analitikal ay magagamit upang suriin ang positibo o negatibong
epekto ng malaking desisyong ito.
4. Maglarawan ng problema. Maaari ding masusing pag-aralan ang
isang problema at ilarawan ito gamit ang ulat-analitikal. Ang paghahain
ng problema ay susundan ng pagbuo ng mga solusyon.
5. Pagsusuri ng mga produkto. Nagsusuri rin ng mga produkto
(nahahawakan o hindi) at serbisyo ang isang ulat-analitikal.
Pinaghahambing sa ulat ang hindi bababa sa apat na pangunahing
katangian ng dalawang produkto o serbisyo upang malaman kung alin
sa dalawa ang angkop sa pangangailangan ng kliyente.
6. Magrekomenda ng produkto. Nagrerekomenda ang ulat-analitikal
ng pinakamahusay na produkto at hinihikayat ang mambabasa upang
tanggapin ang mga rekomendasyon.
7. Magsuri ng mga napapanahong isyu. Ang isang ulat-analitikal sa
larangan ng midya ay maaaring magsuri ng mga napapanahong isyu sa
bansa na maaaring ekonomiko, kultural, politikal, at iba pa. Ang ulat-
analitikal sa larangan ng midya ay ipinapalabas sa pamamagitan ng
mga lathalaing balita (news feature), mga natatanging ulat (special
report), mga dokumentaryo, at editoryal—na lahat ay binubuo sa
pamamagitan ng intensibong pananaliksik.
8. Magbigay ng mga bagong pananaw kaugnay sa dati nang isyu.
Maaari ding gumawa ng pagsusuri sa isang makabuluhang isyu sa
lipunan at sumulat ng ulat-analitikal tungkol dito. Sa ganitong paraan,
hindi subhetibo ang ulat, sapagkat ibinatay sa mga nakalap na datos sa
pananaliksik.
Pormat ng Ulat-Analitikal
I. Pahina ng Pamagat
Sa bahaging ito, inilalagay sa gitna ang pamagat ng Ulat
Analitikal. Sa ilalim nito ay ilagay ang mga pangalan ng mga
taga-ulat o ang mga taong sumulat at nagpapasa ng ulat. Susunod
na ilagay ang pangalan ng taong pinadadalhan ng ulat.
Pinakahuling ilagay ang petsa ng pagpapasa ng ulat.
II. Liham Paglilipat o Memorandum ng Paglilipat
(Letter/Memorandum of Transmittal)
Ang liham paglilipat ay isang liham para sa taong nagtalaga sa nagsulat
ng ulat- analitikal. Kadalasang ginagamit ang liham kung tagalabas ng
kompanya ang pinagsusulat ng ulat-analitikal. Memorandum naman
ginagamit kung mga empleyado ng iisang organisasyon ang nag-utos ng
paggawa ng ulat-analitikal at a ang magsusulat ng ulat.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng liham
paglilipat:
• Laging gumamit ng tamang pormat ng liham o memo.
• Ipaliwanag ang gawaing ibinigay. Banggitin ang uri ng teknolohiyang
ginamit at ang metodolohiyang isinagawa, gayundin ang organisasyon
o daloy ng ulat.
• Ang nilalaman ng liham o memorandum ng paglilipat ay dapat na
makahikayat sa mambabasa na ang dokumentong ipinepresenta ay
impormatibo, kapana- panabik, mahalaga, at makabuluhan. Kasama dito
ang pangunahing mga argumento at kongklusyon ng papel, at madalas na
may kasamang kakaibang natuklasan upang suportahan ang argumento.
• Magbigay ng magalang na pagbati sa nagbabasa at manghain ng tulong
sa susunod na mga proyekto.

III. Talaan ng Nilalaman


Dito inilalagay ang pahina ng bawat bahagi ng ulat, ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod ng mga ito. Maaaring magsama dito ng talaan ng
mga
pigura o ilustrasyon na nagtataglay ng mga grap, at/o iba't ibang uri ng
tsart, at/o iba pang larawan. Talaan ng talahanayan naman ang tawag sa
listahan ng mga ginamit natalahanayan (tables) sa loob ng mismong ulat.
• Talaan ng mga llustrasyon – ang mga manunulat na teknikal at
propesyonal ay kadalasang gumagamit ng mga imahen tulad ng mga grap
at dayagram upang maglahad ng mga komplikadong ideya sa kanilang
mambabasa. Inililista sa unahan ng dokumento ang mga imaheng kasama
sa loob ng ulat.
IV. Ehekutibong Buod
Sa tunay na sitwasyong pangnegosyo, ang taong may pinakamataas na
katungkulan sa kompanya ay walang panahon para basahin ang kabuuan
ng ulat. Ang bahaging ito ay karaniwang isa hanggang dalawang pahina
ang
haba at ibinubuod ang bawat puntong isinagawa sa papel, kabilang dito
ang layunin ng ulat at mga hinarap, ang proseso ng pananaliksik, at ang
kongklusyon at rekomendasyon. Mahaba at maiikling talata na may
pamagat ang ginagamit sa pagbubuod ng buong ulat.
V. Introduksiyon
Sa introduksiyon ng ulat-analitikal, isinusulat ang pangunahing
pahayag na naglalarawan ng layunin ng papel. Kasama rin dito ang
bahaging naglalarawan kung saan nagmula ang impormasyon,
gayundin, inilararawan ang saklaw o kung aling bahagi ng paksa ang
tatalakayin, at alin ang binibigyang-tuon ng papel at ang mga
limitasyon na nagsasabi kung alin sa mga bahaging kaugnay sa paksa
ang hindi isasama sa papel.
VI. Diskusyon
Ang nilalaman ng ulat ay inilalahad sa pamamagitan ng maiikling talata
na may iba't iba ngunit magkakaugnay na mga paksa (subsections).
Gumagamit din ng mga impormatibong pamagat na may kaugnayan sa
paksang tinatalakay (subheadings), upang tulungan ang mambabasa na
madaling makaunawa sa isang paksa patungo sa isa pang paksa.
Mahalaga ang paggamit ng mga pamagat upang madaling matukoy ng
mga abalang tao ang isang partikular na bahagi ng ulat. Gumagamit din
dito ng mga larawan (images) na makatutulong sa pag-unawa sa teksto.
Inilalahad din sa bahaging ito ang paghahambing at pagsusuri sa mga
resulta upang malaman kung alin ang mas kapaki-pakinabang sa mga
kliyente.
VII. Kongklusyon at Rekomendasyon
Inilalahad sa bahaging ito ang mga sagot, solusyon, o pangwakas na
argumentong mula sa isinagawang pagkalap ng datos at pagsusuri. Ang
kongklusyon ay sinusundan ng rekomendasyon o plano ng gawain para
sa kompanya. Sa rekomendasyon, sinasagot ang tanong na, "Ano ang
nararapat kong gawin kaugnay nito?". Ipinapalagay sa rekomendasyon na
tagumpay ang ulat at ang mambabasa ay nakumbinse sa mga
argumentong ginawa at sa mga kongklusyong inihain.
VIII. Sanggunian
Kadalasang gumagamit ng MLA Format o APA Format sa paglalagay ng
sipi o citations. Ito ang bahagi na kailangang ilista ang mga
pinaghanguan o sanggunian na binasa, kinonsulta, ginamit, o kinopya sa
pananaliksik para sa ulat.
Mga Gabay sa Dokumentasyon
1. gumamit ng direct quote o tuwirang pagsipi. Ito ay ang mismong
sinabi ng isang awtor o ang mismong bahagi ng isang talata. Ang
isang ulat-analitikal nararapat na isulat sa sariling mga salita ng
tagasulat o gumagamit ng paraphrasing. Kapag gumamit ng
paraphrase, nilalagyan pa rin ito ng sanggunian o in-text citation na
kadalasang kasama ang apelyido ng awtor at ang taon ng publikasyon.
Halimbawa: (Marquez, 2015)
2. Huwag kopyahin nang direkta ang isang teksto mula sa sanggunian.
Hindi maaari ang sa ulat-analitikal. Ang ganitong pagsipi ay
matatawag na plagiarism.3. Iwasan ang maling interpretasyon sa
sinabi ng isang awtor o teksto (misquote).
IX. Apendiks
Inilalagay rito ang mga halimbawa ng sarbey at talatanungan
(questionnaire) na ginamit at iba pang dagdag na impormasyon.
Pahina ng Pamagat

MEDIKAL NA PAGKILATIS AT MASUSING PANANALIKSIK SA STEM CELL THERAPY

Buela, Polene Blaire A. Ofren, Ma. Leodelene B.


Santos, Nicole Joan P

Marso 2013
Liham Paglilipat o Memorandum ng Paglilipat (Letter/Memorandum of Transmittal)
Para kay: Bb. Susana Gaco
Mula kina: Buela, Polene Blaire A.; Ofren, Ma. Leodelene B. at Santos, Nicole Joan P.
Petsa: Marso 2013
Paksa: Ulat-Analitikal Tungkol sa Stem Cell Therapy

Nakalakip dito ang ulat-analitikal na nagsusuri sa stem cell treatment.


Nagpapasalamat kami sa suporta at gabay na ibinigay ninyo sa amin sa pagbuo ng ulat na ito.
Maaari ba kaming humingi ng inyong oras upang mapag-usapan nang personal ang nilalaman ng ulat? Maraming
salamat po.
Talaan ng Nilalaman
INTRODUKSIYON

Ehekutibong Buod 1
Memorandum ng Transmittal 2
Layunin 3
Saklaw at Limitasyon 7
DISKUSYON

Kongklusyon 16–29
Rekomendasyon 30–31
31–32
Ehekutibong Buod
Sa mabilis na pagbabago ng panahon, bumibilis din ang pag-usbong ng mga produkto at proseso sa larangan ng
medisina. Mas maunlad ang teknolohiya na siyang magiging dahilan ng mas magagandang resulta ng
panggagamot o pagpapaganda na gaya na lamang ng stem cell therapy. Kailangan ng masusing pag-aaral upang
mapatunayan ng bisa ng stem cell therapy at ng dokumentasyon ng mga posibleng karaniwang dahilan ng
pagtangkilik dito ng mga tao sa kasalukuyan.
Iniuulat sa papel na ito ang mga epekto ng stem cell therapy at ang mga dahilan ng patuloy na pagtangkilik dito
ng mga tao.

Introduksiyon
Ang stem cell therapy ay isang proseso ng pagpapalit ng panibagong selula sa mga Amang selula sa loob ng
katawan ng tao upang mapabuti ang kalusugan o magpagaling ng karamdaman. Bukod pa rito, maaari din itong
gamitin bilang prosesong pampaganda ng hitsura.
Ayon mga peminista, ang kababaihan ngayon sa ating lipunan ay ahil sa kanilang pangangatawan kaysa sa mga
lalaki at mas pinapahalagahan batay sa kanilang hitsura (Bordo, 1993). Upang tumaas ang pagtanggap ng
lipunan, maraming a babae ang napipilitang itama ang kanilang pangangatawan at hitsura at sumunod sa mga
ideyal na pambabaeng hitsura ng kanilang panahon o ang tinatawag na “pamantayan pambabaeng anyo”(Saul,
2001). Dahil nga sa pagkakaroon ng impresyon sa pagpapaganda ng kaanyuan ang mga babae, nagiging tanyag
na ang stem cell therapy sa bansa, kahit na hindi kinakailangan upang mapanatili ang magandang kalusugan at
pangangatawan.
Ang mga Pilipino ay likas na mahilig sa mga produktong pampaganda at pampabata. Dahil sa mainit na klimang
taglay ng Pilipinas at mga problemang kinakaharap ng isang indibidwal, hindi maiiwasan ang mabilis na
pagtanda at lalong-lalo na ang mukha. Ayon kay Dra. Vicki Belo, isang sikat na doktor sa larangan ng
pagpapaganda sa Pilipinas, “Ang mg stem cell ay ang mga reserbang selula ng katawan na maaaring gamitin para
sa ikabubuti ng sariling kalusugan”. Nabanggit niya ito sa isang programa sa telebayon. Ipinakita sa asabing
programa ang proseso ng pagtatanggal ng labis na taba sa isang parte ng katawan, pagkatapos ay kumukuha ng
fat stem cell mula sa tinanggal na taba na siyang ituturok sa mukha ng pasyente upang mapabata ang hitsura niya.
Sa paraang ito, hind masasabing retoke ang ginawang proseso sa pasyente dahil mismong katawan din niya
galing ang ginamit sa kanya.

Ayon sa explorable.com, ang stem cell therapy ay makatutulong sa pag-ayos ng nasang organo upang
mapanumbalik ang dating maayos na takbo nito. Kung sakaling mapatunayan ng mga eksperto ang potensiyal
nitong makalikha ng panibagong organo, gaya na lamang ng puso, magiging isang malaking tagumpay to sa pag
aaral sa medisina. Masosolusyonan nito ang humahabang listahan ng mga nangangailangan ng organo gamit ang
paggawa ng panibagong organo galing sa selula ng orihinal na organo ng pasyente.
Base sa artikulong “Hope For Infertile Cancer Survivors” ni Fish (2013), ang nasabing prosesong medikal ay
maaari ding maging alternatibong lunas sa kanser na siyang magiging pamalit sa nakasanayang proseso ng
panggagamot na chemotherapy Sirtasabi sa pag-aaral na maaaring mapalitan ng stem cells ang mga selula ng
kanser upang maiwasang kumalat ito sa katawan ng tao na siyang nagiging dahilan sa unti-unting pagkamatay ng
selula ng katawan. Ang chemotherapy ay maaari ding makapagdulot ng side-effect na puwedeng makapagpabaog
sa isang pasyente dahil sa
Labis na radyasyon. Ngunit sa tulong ng stem cell therapy, maaaring maiwasan o mapagaling ang mga baog na
pasyente na madalas ay wala nang lunas.

Ayon naman sa pag-aaral ng ALS Therapy Development Foundation, may mga kaso na walang mabuti o
masamang dulot ang maaaring maibigay sa kalusugan ng isang pasyenteng sumailalim sa stem cell therapy.
Inobserbahan ng mga eksperto ang mga taong naging instrumento sa kanilang eksperimento upang matukoy kung
mayroong masama o mabuting epekto nga ba talaga ito sa katawan ng tao. Makalipas ang ilang linggo, walang
naging pagbabago sa kalusugan ng mga taong kasangkot sa eksperimento. Sa kabilang banda, nakakagimbal
naman ang resulta ng eksperimento ng ibang mga eksperto at natuklasan nilang maaaring maging mitsa ito sa
pagkabuo ng mga bukol sa parteng tinurukan dahil hindi maayos ang pagdaloy ng selula sa ugat. Naging tipak ng
kalamnan ang selula dahil hindi na makontrol ang mabilis na pagdami nito.

Maraming klase ang stem cell therapy, iba’t iba ang maaaring mapagkuhanan ng mga selula na gagamitin sa
proseso ngunit magkakaiba ang bilis ng aksyon nito depende kung saan ito nakuha. Ang embryonic stem cell
therapy ay isang uri ng nasabing proseso na gumagamit ng stem cell na galing sa mga namumunong embryo
dahil mas mabisa at aktibo ito sa pagdedebelop ng mga organo at kalamnan. Sinasabing hindi etikal ang
prosesong ginagawa rito dahil ikinamamatay ng supling ang pagkuha sa kanila ng mga selula na maaari ding
maisahalintulad sa aborsyon dahil sa pagkitil ng murang buhay. Nagiging instrumento na lamang ang mga ito
upang mapaganda ang kalusugan ng ibang tao.
Layunin
Ang ulat-analitikal na ito ay naglalayong maipabatid sa mga mambabasa ang proseso ng stem cell therapy at ang
mga posibleng masasamang epekto na maidudulot nito sa mga taong sumailalim na rito. Naglalayong masagot
ng pag-aaral sa stem cell therapy ang mga sumusunod:
Ano-ano ang posibleng masamang epekto ng stem cell therapy sa katawan ng tao?
1. Ano-ano ang kapaki-pakinabang na dulot ng stem cell therapy at ang pagiging posibilidad nito bilang
lunas sa kanser?
2. Ano-ano ang rason sa patuloy na pagtangkilik ng mga tao sa stem cell therapy?
Saklaw
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mambabasa tungkol sa sumisikat na
prosesong medikal na stem cell therapy upang hindi basta-bastang tumangkilik ang mga tao sa nasabing proseso.
Nakatuon din ito sa mga pangunahing impormasyon na dapat malaman ng isang tao tungkol sa prosesong
medikal upang hindi mapasama sa kanilang kalusugan ang pagtangkilik dito. Inilarawan sa pag-aaral ang mga
possibleng mabubuti nito at masasamang epekto ng stem cell therapy, patunay na maaaring makapagpagaling ito
sa mga malulubhang sakit gaya ng kanser at ang patuloy na pagdami ng pagtangkilik ng mga tao rito.

Limitayon
Nakabatay lamang ang pag-aaral na ito sa ebidensiyang mula sa mga iba’t ibang babasahin, mga balita,
programang pangkalusugan, mga nakapanayam na doktor, at mga opinyon ng mga tagatugon sa isinagawang
sarbey.
Hindi ito batay sa mga eksperimento o resulta ng mga pagsusuring medikal mula sa mga taong aktuwal na
nakaranas ng mabutu o hindi mabuting epekto ng stem cell therapy.

Diskusyon
Mga Posibleng Masamang Epekto ng Stem Cell Therapy sa Katawan ng Tao
Ang pangunahing suliranin ng pag-aaral sa stem cell therapy ay tungkol sa pagkilanlan sa mga masasamang
epekto nito sa katawan ng tao. Ayon sa mga natuklasan ng mga mananaliksik, kahit na marami ang mga
mabubuting dulot nito sa katawan ng tao, mayroong kaakibat naman ito na posibleng makapagdulot ng
masamang epekto ngunit hindi gaanong karami gaya ng inaasahan ng mga mananaliksik. Ang mga masasamang
dulot ng nasabing prosesong medikal ay ang mga sumusunod:
1. Pagkabuo ng mga bukol sa katawan ng tao. Sinasabi na kapag hindi nabantayan ang mga selulang
itinuturok, namumuo ang mga ito sa isang parte ng katawan ng tao na siyang nagiging bukol na gawa sa
laman. Sa mabuting palad, hindi naman nakakamatay ang mga bukol na natuklasang epekto ng proseso.
2. Ataxia telangiectasia o abnormal na pagtubo ng spinal cord at utak. Base sa pag-aaral ng mga eksperto,
isang lalaki na sumailalim aa embryonic stem cell therapy ang nagkaroon ng nasabing karamdaman. Ang
nabanggit na sakit ay isang hindi pangkaraniwan na karamdaman na nagreresulta sa pagiging inkapasidad ng
isang tao at paghina ng sistemang imyuno at baga.
3. Pagiging hindi etikal na gawain partikular na ang embryonic stem cell therapy. Hindi man ito isang
masamang epekto sa kalusugan ay masasabing hindi naman ito nararapat na gawain upang ipalit ang murang
buhay sa ibang taong may malibhang karamdaman. Isang napakakontrobersiyal na usapin ito dahil nababangga
nito ang karapatan ng taong mabuhay at ang batas na bawal kumitil ng buhay.
4. Sanhin ng stroke at pamamaga ng parte ng utak dahil sa hindi maayos na pagsasagawa ng proseso.
Bumabara ang stem cells sa mga ugat na nagiging sanhi ng pagputok nito kapag hindi namakadaloy ang dugo
rito. Ang pagdami ng mga hindi mapagkakatiwalaang website na nag-aalok ng nasabing proseso ay isa sa
mga pinagkukuhanan ng pag-asa ng mga may wala nang lunas na sakit, ngunit ang masama rito ay linoloko
lamang sila ng mga ito upang kumita, imbis na makatulong sa kalusugan ay lalo pa nitong nailalagay sa
peligro ang buhay ng umaasang pasyente.
5. Posibilidad na walang maging epekto ang pagtuturoj sa stem cell dahil aa sistemang imyuno ng tao sa
kadahilanang pinapatay kaagad nito ang mga itinuturok sa selula.
6. Mula sa ika-walong tanong sa talatanungan, 77 tagatugon ang sumagot ng Oo, samantalang 67 naman ang
Hindi. Halos smapung sagot lamang ang ikinalamang ng Oo sa Hindi at mula rito ay makikita na mas
pumapanig ang mga tagatugon na hindi etikal o imoral ang pagsasagawa ng embryonic stem cell therapy
dahil sa proseso nitong pangangalap ng mga selula sa mga namumuong embryo. Sa kabilang banda, marami
pa rin ang mga sang-ayon na hindi ito imoral. Ngunit kung sakaling ipagpatuloy ang ganitong pangangalap ng
selula, mas maiging sa napalaglag nang mga sanggol ang kuhanan nila ng mga selulang kakailanganin sa
proseso.

Mula sa ika-pitong tanong ng talatanungan, 66 tagaugon ang sumago na “Nakakapagpabata ito”; 33 sa


“Nakakapag-ayos ng nasirang organo”; 30 sa “Nakakapagpagaling ng malubhang sakit”;
18 sa “Nakakalakas ng sistemang imyuno”; 12 sa “Nakakapagbalik ng paningin”; 5 sa “Nakakamatay ito”; 4 sa
“Mas nakakapagpalala ng sakit”; 3 sa “Nakakatulong sa pag-iwas sa pagkabaog”; 2 sa “Nagreresulta aa mga
bukol sa katawan”; at parehong 1 sa “Walang masama o mabuting epekto sa katawan.”

Ang grap 4 ay nakapokus aa pagsaragdag ng datos para aa suliranin bilang 1 at 2. Naipakita sa resulta na mas
maraming magagandang dulot ang alam ng mga kalahok kaysa sa mga masamang epekto nito. Sinasabi na hindi
pa talaga lingis sa kaalaman nila ang mga masasamang dulot nito kaysa naman sa tulong ng pag-aaral tungkol sa
paksang ito, malalaman ng mga mambabasa ang mga posibleng maging negatibong dulot nito sa katawan ng tao.
Malaking puntos ngsagot ng mga tagatugon ay nasa epektong nakakapagpabata ito. Gaya ng nabanggit kanina,
maraming kilalang personalidad ang nagsasabing nakakapagpabata ito, kaya naman ito ang unang pumapasok na
pangunahing magandang dulot nito sa katawan ng tao. Mas ginagamit kasi ang nasabing proseso bilang
pampaganda ng panlabas anyo dahil mabilis makita ang resulta nito hindi gaya ng mga produktong pinapahid sa
mukha.
Malaking puntos ngsagot ng mga tagatugon ay nasa epektong nakakapagpabata ito. Gaya ng nabanggit kanina,
maraming kilalang personalidad ang nagsasabing nakakapagpabata ito, kaya naman ito ang unang pumapasok na
pangunahing magandang dulot nito sa katawan ng tao. Mas ginagamit kasi ang nasabing proseso bilang
pampaganda ng panlabas anyo dahil mabilis makita ang resulta nito hindi gaya ng mga produktong pinapahid sa
mukha.
Pakinabang na Dulot ng Stem Cell Therapy sa Katawan ng Tao
Ang pangalawang suliranin naman ay ang pakinabang na dulot ng nasabing prosesong medikal at ang posibilidad
nito bilang lunas sa malulubhang sakit gaya ng kanser. Ayon sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik,
napakarami ng mga posibleng mapagaling ng stem cell therapy. Ang mga ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
1. Parkinson’s Disease
2. Alzheimer’s Disease
3. Heart Disease, Stroke, at Diabetes (Type 1)
4. Birth defects o kapansanan simula noong ipinanganak
5. Pinsala sa spinal cord
6. Pagsasaayos sa mga nasirang organo
7. Pagpapabata ng mukha
Mula sa pangatlong tanong sa talatanungan 116 tagatugon ang sumagot ng Oo, samantalang 28 naman ang
Hindi.

Lahat ng mga bagay na walang siguradong pagkakakilanlan ay natural na pinagsasaliksikan ng mga eksperto
upang mahasa ang mga posibleng postensiyal na kontribusyon nito. Maraming bilang ng tagatugon ang sumang-
ayon na dapat bigyang importansiya ang pag-aaral sa stem cell therapy. Hindi kasi maikakaila ang mga
positibong balita ng nasabing prosesong medikal dahilan upang makilala ito ng mga tao sa iba’t ibang bansa.
Inilagay ng mga tagatugon ang kani-kanilang mga rason sa pagiging malaking ambag nito sa larangan ng
medisina ang pangunahing sagot ng mga kalahok dito, samantalang para sa iba hindi ito mahalaga sapagkat
ginagamit lang ito bilang pampaganda.
Sa ikalimang tanong sa talatanungan, 113 tagatugon ang sumagot ng Oo, samantalang 31 naman ang sa Hindi.

Karamihan ng mga tagatugon ay sumasang-ayon na maaaring maging lunas ang stem cell therapy sa sakit na
kanser. Kahit na wala pang kasiguraduhan ang pagiging gamot nito, naniniwala pa rin ang mga tao sa kakayahan
nito.
To, naniniwala pa rin ang mga tao sa kakayahan nito.

Ayon sa pag-aaral ng mga mananaliksik, mayroong kakayahan ang nasabing proseso na masolusyonan ito dahil
sa taglay nitong aktibidad sa katawan na maaaring makapagpalit ng mga selula ng kanser. Natural sa mga stem
cell na bumuo ng panibagong selula kaya naman akmang-akma ito bilang lunas sa nasabing sakit. Ang pagiging
posibilidad nitong maging lunas sa kanser ay hindi pa rin sigurado kung kaya nitong mapagaling ang isang daang
porsiyento ang naturang sakit. Ngunit maraming eksperto na ang nagsasabi na malaki ang potensiyal nitong
maging pamalit sa chemotherapy na pangunahing lunas sa kanser. Kaya naman ay patuloy pa rin ang
pagsasaliksik ng mga eksperto sa mga maaaring maging kapaki-pakinabang na dulot nito upang magamot ang
mga malulubhang sakit na walang lunas gaya ng kanser.
Mga Rason sa Patuloy na pagtangkilik ng mga Tao sa Stem Cell Therapy

Ang panghuli at pangatlong suliranin ay tungkol sa mga rason kung bakit patuloy ang pagtangkilik ng mga tao sa
stem cell therapy bilang pampaganda ng hitsura at kalusugan. Ayon sa teorya ni Bartky at Bordo na pinag-aralan
ng mga mananaliksik, malimit sa ilang kababaihan na tumangkilik ng mga prosesong pampaganda upang maging
kaaya-aya sa paningin ng mga tao sa lipunan. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pagiging mapanghusga
ng lipunan ang nag-uudyok sa kanila na sumailalim sa nasabing proseso katulad ng stem cell therapy. Ngunit sa
naging resulta sa isinagawang sarbey, kakaunti lamang ang pumayag na magpasailalim sa stem cell therapy. Ilan
sa mga dahilan nila ay hindi sila sigurado kung ano ang mga puwedeng maidulot nito sa kanilang kalusugan at
ang ilan naman ay kontento na sa kung ano ang ibinigay ng Panginoon sa kanila. Kahit papaano, mayroon
namang mga tagatugon na gustong sumailalim sa nasabing prosesong medikal kung bibigyan sila ng tsansa;
malimit na kadahilanan nila ay ang magagandang dulot nito sa kalusugan na kanilang nabalitaan tungkol dito.

Mula sa ika-anim na tanong sa talatanungan, 77 tagatugon ang sumagot ng Hindi, samantalang 67 naman ang sa
Oo. Isa sa mga dahilan ng mga tumatangkilik nito ay ang kakayahan nitong makapagpabata at makapagpaganda
ng hitsura. Marami na ring mga patunay na galing pa sa mga sikat na personalidad ang nagsabing epektibo itong
paraan sa pagtatanggal ng wrinkles at iba pang signs of aging. Ngunit ayon sa resulta ng isinagawang sarbey,
hindi lahat ay naniniwala sa kakayahan nitong makapagpabata.
Mula sa ika-siyam na tanong naman, 131 tagatugon ang sumagot ng Hindi, samantalang 13 naman ang sa Oo.
Ang lahat ng mga sumagot sa Oo ay hiningan ng dahilan kung ano ang rason sa likod ng pagsasailalim sa
nasabing prosesong medikal. Lisa lamang ang naging sagot na mga tagatugon: ito ay dahil sa dulot ng stem cell
therapy na makapagpabata ng mukha.

Ayon sa isinagawang sarbey sa katanungang “Ano-ano ang kalimitang dahilan tao sa pagsasailalim sa stem cell
therapy?”, 78 tagatugon ang sumagot na “Para sa pagpapaganda ng hitsura”; samantalang 25 sa “Dahil sa
magandang dulot nito sa kalusugan”; 24 sa “Dahil gusto nilang sumubok ng bagong lunas para sa kanilang sakit”;
18 sa “Dahil may pera silang pambayad para sa pagsasailalim dito”; 15 sa “Dahil pinayuhan sila ng doktor na
sumailalim sa prosesong medikal na ito”; 12 sa “Para subukan kung totoo ang mga balita tungkol dito”; 4 sa
“Dahil gusto nilang magyabang”; at 1 sa ibang sagot.

Gaya ng inaasahan, karamihan sa mga tagatugon ang sumagot ng mayroong


kinalaman sa pagpapaganda. Mas nagiging tanyag kasi ang nasabing proseso bilang
gamit sa pagsasaayos ng hitsura ng mukha. Ito rin ang nauusong paggamit ng naturang
proseso dahil na rin sa malakas na impluwensiya ng mga artista na nagkokomento tungko
sa pagiging mabisa nitong pampabata.
Kongklusyon
Ang stem cell therapy ay makabubuti lamang sa ating kalusugan kapag tama ang ang paggamit dito at kung ang
dahilan ng pagsailalim ay pinayo ng isang espesyalista o eksperto, dahil ang medikal na prosesong ito ay hindi
lamang basta pampaganda o pampabata, ito rin ay isang medikal na proseso na maaaring magbigay ng bagong
pag- asa sa mga may karamdaman o maging katapusan ng isang buhay. Mahalaga ang ating kalusugan; ito ay
isang kayamanang kailangan nating ingatan kaya’t huwag basta-basta isailalim ang sarili sa anumang medikal na
proseso para lang sa walang katuturang bagay.

Masasabing kahit hindi man isang daang porsiyentong nakuha ng mga mananaliksik ang kanilang mga
inaasahang resulta sa pagsasagawa ng sarbey, naging bukas ang isipan nila sa iba pang dahilan kung bakit hindi
ito nangyari. Maaaring hindi pa talaga gaanong popular ang stem cell therapy sa buong bilang ng mga kalahok
dahil marami sa kanila ang hindi handang magpasailalim sa nasabing prosesong medikal.

Marami lamang ang nakakaalam sa terminong stem cell therapy ngunit iilan lamang sa mga ito ang nakaalam sa
mga proseso kung paano isinasagawa ito. Mahalaga rin na bigyang-importansiya ang masusing pag-aaral ng stem
cell therapy upang mabigyang linaw at kasagutan ang mga kuro-kuro kaugnay rito. Sa kabilang banda, maraming
sakit naman ang kayang bigyang lunas ng stem cell therapy ngunit kailangan munang alamin o siguraduhin mula
sa mga eksperto kung ano-ano lang ba talagang sakit ang angkop sa ganitong uri ng panggagamot.
Rekomendasyon
Para sa lahat ng taong gustong magpasailalim sa stem cell therapy, nararapat lamang na sa ospital o medikal na
institusyon lamang magsagawa nito. Maging maingat sa pagtitiwala sa mga makabagong medikal na proseso lalo
na’t kung hindi pa ito napapatunayang maigi ng siyensiya, at hindi pa ito subok ng panahon. Hindi lamang dapat
basta-basta tinatangkilik ang isang proseso lalo na kung wala pang sapat na kaalaman tungkol dito. Hangga’t
maaari, basahin ang mga pahayag ng mga eksperto o mga taong may awtoridad, gaya na lamang ng sekretarya ng
Department of Health (DOH) upang malaman kung maaaring magpasailalim dito.

Para sa mga susunod na mananaliksik, makatutulong ang mga programang pangkalusugan sa telebisyon para
makapagbigay ng mga impormasyong may kinalaman sa pangkalahatang kalusugan, lalong-lalo na kung walang
makuhang eksperto na maaaring makapanayam ng personal. Maging masipag at matiyaga rin sa paghahanap ng
mga reperensiyang magagamit ng lubusan sa pag-aaral.

Para sa iba pang maipayo ng mga mananaliksik, maging kuntento na sa kung ano ang ibinigay ng Diyos lalo na
sa mga nagbabalak na sumailalim sa stem cell therapy para pagpapaganda ng pisikal na anyo. Hindi sagot and
medisina upang masabing maganda ang itsura ng isang tao.
Sanggunian
Barrett, S. (M.D.). (2012, September 14). The Shady Side of Embryonic Stem Cell Therapy. Retrieved December
19, 2012, fromhttp://www.quackwatch.org/06ResearchProjects/ stemcell.html/ Stem Cell Research: Pros and
Cons in Research. (2008). Retrieved December 19, 2012, from

http://explorable.com/stem-cell-pros-and-cons.html/ Fish, C. (2012, December 13). Hope For Infertile Cancer


Survivors Provided By Stem Cell Research [Medical News Today]. Retrieved December 19, 2012, from
http://www. Medicalnewstoday.com/releases/253864.php

Heger, M. (2010, January-February). Stem Cell science takes off. Discovery Magazine, XXXI. 23.

Maienschein, J. (2003). Whose view of life? Embryos cloning and Stem cells. London: Harvard University Press.
Odorico, J., Zhang, S.C., Pedersen, R., et. Al. (2005). Human Embryonic Stem Cells. USA:

Garland Science/BIOS Scientific Publishers.

Panno, J. (Ph.D.). (2005). The New Biology: Stem Cell Research: Medical Applications and

Ethical Controversy. USA: Facts on File Inc.


Papadaki,, E. (2012, December 21). Feminism Objectification. Retrieved March 1, 2013, from
http://plato.stanford.edu/entries/feminism-objectification/#FemAppObj

Park, A. (2011, June 25). Stem Cell Miracle? New Therapies May Cure Chronic Condition like Alzheimer’s.
Retrieved December 15, 2012, from http://www.time.com/time/ magazine/article/0,9171,2078130,00.html

Pelley, S. (2012, January 8). Stem Cell Fraud: A 60 minutes Investigation. Retrieved March 1, 2013, from
http://www.cbsnews.com/8301-18560_162-57497588/stem-cell-fraud- a-60-minutes-investigation/?pageNum=2

Ross, V. (2012, January-February). Stem Cell research hits more painful setbacks. Discovery Magazine, 69.

You might also like