You are on page 1of 3

Filipino sa Piling Larang (FPL) TechVoc

KABANATA 2, Aralin 4
MANWAL AT LIHAM-PANGNEGOSYO: Batayang Kaalaman sa Pagsulat ng Manwal

PANIMULA:
Karaniwang naglalaman ang isang manwal ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa isang produkto,
kalakaran sa isang organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso, estruktura, at iba pang
mga detalyeng nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito.

Komprehensibo ang nilalaman ng isang manwal dahil naglalayon itong magpaliwanag at maglahad ng mga
impormasyon tungkol sa isang bagay o paksa. Kalimitang nakaayos nang pabalangkas ang mga nilalaman ng isang
manwal na makikita sa talaan ng mga ito at pormal ang ginagamit na wika.

Maaari din namang magtaglay ng mga larawan o di kaya’y tsart ang isang manwal upang maging higit na
maging maliwanag ang paglalahad ng mga impormasyon, gayundin ng mga salitang teknikal kung hinihingi ng
pangangailangan.

KAHULUGAN NG MANWAL:
A.) Yari sa kamay o hindi ginagamitan ng makina.

B.) Isang babasahing karaniwang naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa, maaaring
tumalakay sa mga tuntunin ng isang kompanya o organisasyon at gayundin ng mga paraan o proseso
na may kinalaman sa paggawa, pagsasaayos o pagpapagana ng isang bagay o produkto.

Kalimitang binabasa ng mga baguhan ang manwal upang magkaroon sila ng impormasyon tungkol sa
isang usapin o bagay na ibig malinawan.

Karaniwang gamit ng manwal sa mga kompanya: ang mg kompanya ay madalas na nagtataglay ng manwal para
sa kanilang mga empleyado. Ito ay upang magkaroon sila ng kamalayan sa mga alituntunin at iba pang
impormasyon tungkol sa kompanya, samantalang ang iba’t-ibang produkto ay mayroon din nito upang maging
gabay sa mga gagamit nito.

Karagdagang Sanggunian sa Halimbawa ng Manwal:


Tokyo International Communication Committee (2009) Saklolo para sa mga Dayuhan ng Sakuna
at Kalamidad: Manwal ng mga Katanungan at Kasagutan. Urban Connections, Kita-
shinagawa, Shinagawa-ku Tokyo.

PANGKARANIWANG URI NG MANWAL:

a. User manual o instructional manual


- Maaari rin itong tawaging user guide o owner’s manual. Ito ay isang uri ng manwal sa
paggamit na kalimitang kalakip ng iba’t-ibang produktong binibili o binubuo bago gamitin.
(Hal. Ay mga produkto tulad ng appliances, kasangkapan, mga gadget at iba pang
elektronikong equipment).
- Gabay sa Paggamit ng Nokia 2310 (pisikal na halimbawa ng user manual)
b. Employee’s manual o handbook
- Ay manwal na naka disenyo para sa mga empleyado ng isang kompanya.
- Naglalahad ito ng mga kalakaran, alituntunin at iba pang prosesong mahalaga sa kompanya.
- Nagsisilbi itong gabay sa mga empleyado nang sa gayon ay magkaroon sila ng mga kaalaman
hinggil sa mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng kompanyang pinapasukan. Ilang
halimbawa nito ay ang mga ipinabasa sa klase gayundin ang katulad ng faculty manual o
students’ manual.

MGA KARAGDAGANG URI NG MANWAL UKOL KAY UGOT (2018):


1.1 Manwal sa Pagbuo (Assembly manual)
- Para sa konstruksiyon o pagbuo ng isang gamit, alignment, calibration, testing, at adjusting
ng isang mekanismo.

1.2 Manwal na Operasyonal (Operational Manual)


- Kung paano gamitin ang mekanismo at kaunting maintenance nito.

1.3 Manwal Serbisyo (Service Manual)


- Routine Maintenance ng mekanismo, halimbawa nito ang troubleshooting, testing, pag-aayos
ng sira o pagpapalit ng depektibong bahagi.

1.4 Teknikal na Manwal (Technical Manual)


- Nagtataglay ng espesipikasyon ng mga bahagi, operasyon, calibration, alignment, diagnosis at
pagbuo.

Paano ko isusulat ang isang manwal?


Narito ang kalimitang bahagi ng isang MANWAL:

1. PAMAGAT - nagbibigay ng pangunahing ideya sa kung ano ang nilalaman ng manwal.


2. TALAAN NG NILALAMAN - nakasaad dito ang pagkakahati-hati ng mga paksa sa loob ng manwal at
ang pahina kung saan ito tinatalakay.
3. PAMBUNGAD - naglalaman ng paunang salita tungkol sa manwal gayundin ng mensahe o
pagpapaliwanag tungkol sa nilalaman nito mula sa may-akda o sa isang taong may kaugnayan sa
kompanyang nagmamay-ari ng manwal.
4. NILALAMAN – tumatalakay sa katawan ng manwal, sa mismong pagpapaliwanang ng mga gabay,
pamamaraan at/o alituntunin.
5. APENDISE - matatagpuan dito ang mga kalakip na impormasyon hinggil sa manwal katulad ng mga
impormasyon sa pagkontak, mga tala, atbp.

ANG MANWAL BILANG ISANG SULATIN AY:

 Isang libro ng impormasyon o mga tuntunin.

 Pinapanatili ang pagiging tiyak kung para kanino ang manwal o kung sino-sino ang siyang gagamit nito.

 Pinapanatili ang ang pagiging payak, maiksi, at tiyak ng pagkakabuo ng mga ilalagay sa manwal upang
maiwasan ang kalituhan ng mga mambabasa.

 Binibigyang halaga ang nilalaman nito sa pamamagitan ng hindi paglihis sa pangunahing paksang
tinatalakay rito.

 Kalimitang binubuo ang manwal ng pamagat nito na siyang maglilinaw kung tungkol saan ang manwal.
Mayroon din itong talaan ng nilalaman kung saan nakalahad ang mga nilalaman ng manwal. Kadalasang
nagtataglay rin ito ng panimula upang maipaliwanag nang maayos ang nilalaman ng manwal. Karaniwan
ding makikita sa huling bahagi ng mga manwal ang apendise na naglalaman ng mga susing salita o
karagdagdang impormasyon tungkol sa nilalaman nito sakaling nais balikan ng mambabasa.

 Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng manwal at maaaring kakitaan ng mga salitang teknikal na
kinakailangan sa isang partikular na trabaho.

 Nakapokus ang manwal sa mambabasa. Kinakailangang matiyak na madaling maunawaan ng mga


mambabasa ang mga inilalahad sa isang manwal upang maiwasan ang kalituhan at kamalian sa pagsunod sa
mga nakasaad dito.
PAGBIBIGAY DIIN: Napakahalaga ng manwal lalo’t higit kung ito ay may kinalaman sa mga impormasyon o
tuntuning naka-angkla sa trabaho. Makatutulong ito sa mambabasa upang maging mabisa at sistematiko ang
pagiging bahagi ng isang indibidwal sa kaniyang trabaho.

BIBLIOGRAPIYA:
Ugot, A.A (2018, Jun 19) Manwal. Retrieved from:
https://www.scribd.com/presentation/382079538/Manwal (2020, Apr 21)

You might also like