You are on page 1of 10

Ano ang Flyers o

Leaflets?
 Ang mga flyer at leaflet ay
kadalasang inililimbag sa isang
pahina lamang. Kalimitang ginagamit
ang mga ito bilang handout,
ipinamimigay upang maipakilala ang
isang produkto o taong
ikinakampanya at makahikayat sa
mga tagatangkilik ng isang produkto
o serbisyo.
 Ginagamit din ito bilang pabatid sa
mga okasyon o bilang talaan ng mga
impormasyon tungkol sa isang
bagong kainan, pasyalan o produkto,
at ibang patalastas.

 Hindi
maligoy ang pagkakasulat at
impormatibo sa mga mambabasa.
 Karaniwan ding nagtataglay ng mga
larawan ang mga ito upang higit na
makita ang biswal na katangian ng
isang produkto. Makulay rin ang mga
ito na posibleng makatulong na
makahikayat sa mga potensiyal na
gagamit o susubok sa isang bagay na
iniaalok o ipinaabot sa mas
nakararami.
 Posiblering makita ang ilang mga
detalyeng may kinalaman sa
pagkontak sa mga taong nasa likod
ng pagbuo ng mga nasabing
materyales, gayundin ang kanilang
logo.
 May mga pagkakataon ding
pumapasok ang paglalaro sa mga
salita at iba pang pakulo sa paglikha
ng mga flyer/leaflet at promotional
material upang lalong tumatak sa mga
mamimili ang pangalan o kaya’y iba
pang impormasyon hinggil sa isang
produkto o serbisyo. Makikita ito
halimbawa sa kanilang mga tag line.
 Pormal ang kadalasang ginagamit na
wika sa pagsusulat ng flyer at
promotional materials at maaaring
kakitaan ng mga salitang teknikal na
kinakailangan sa isang partikular na
trabaho o larangan.
Mga Halimbawa ng
Flyers o Leaflets

You might also like