You are on page 1of 24

PROMO MATERIALS

 Kalimitang ipinamumudmod ang mga


flyers/leaflets upang
at promo materials
makahikayat sa mga tagatangkilik ng isang
produkto o serbisyo.
 Nagbibigay impormasyon din ang mga
materyales na ito para sa mga mamimili
o kung sinomang makababasa ng mga
ito.
 Kapansin- pansin din ang pagiging
tiyak at
direkta ng mga impormasyong nakasulat
sa mga ito.
Hindi maligoy ang pagkakasulat at impormatibo sa
mga mambabasa
 Ilan sa mga kadalasang nilalaman ng mga
flyers/leaflets at promo materials ay mga
katanungan at kasagutan hinggil sa produkto o ang
mga batayang impormasyong may kinalaman dito.
 Karaniwan ding nagtataglay ng mga larawan ang
mga ito upang higit na makita ang biswal na
katangian ng isang produkto, makulay rin ang mga
ito na posibleng makatulong na makahikayat sa
mga potensyal na gagamit o susubok sa isang
bagay na iniaalok o ipinaabot sa mas nakararami.
 Posible ring makita ang ilang mga detalyeng may
kinalaman sa pagkontak sa mga taong nasa likod
ng pagbuo ng mga nasabing materyales gayundin
ang kanilang logo.
 May mga pagkakataon ding pumapasok ang
paglalaro sa mga salita at iba pang pakulo sa
paglikha ng mga flyers at promo materials upang
higit na tumatak sa mga mamimili ang pangalan o
kaya’y iba pang impormasyon hinggil sa isang
produkto o serbiyo. Makikita ito halimbawa sa
kanilang mga tag line.
FLYERS
PROMO MATERIALS

You might also like