You are on page 1of 4

TEKSTONG PERSUWEYSIB

Layunin ng isang tekstong persuweysib ang manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.


Isinusulat ang tekstong persuweysib upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi
na ang punto ng manunulat, at hindi sa iba, ang siyang tama. Hinihikayat din nito ang mambabasa na
tanggapin ang posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto.
Ang tekstong persuweysib ay may subhetibong tono sapagkat malayang ipinapahahayag ng
manunulat ang kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig. Taglay nito
ang personal na opinyon at paniniwala ng may-akda. Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga
iskrip para sa patalastas, propaganda para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o
networking.
Inilarawan ng Griyegong pilosopo na si Aristotle ang tatlong paraan ng panghihikayat o
pangungumbinsi. Ito ay ang sumusunod:
1. Ethos- ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat. Dapat makumbinsi ng isang
manunulat ang mambabasa na siya ay may malawak na kaalaman at karanasan tungkol sa
kanyang isinusulat, kung hindi ay baka hindi sila mahikayat na maniwala rito. Halimbawa
nito ay isang taong nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang isang isla ng Pilipinas
gayong hindi pa siya nakapupunta rito ay maaaring maging kaduda-duda. Ang estilo ng
pagsulat ay mahalaga upang magkaroon ng kredibilidad. Ang paraan ng pagsisipi ng
sanggunian ay maaaring makatulong sa pagpapatibay ng kredibilidad. Kailangang
mapatunayan sa mga mambabasa na ang mga datos at impormasyon ay wasto at napapanahon
upang makumbinsi na ang isinulat ay tama at mapagkakatiwalaan.

2. Pathos- ito ay tumutukoy sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang


mambabasa. Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala ng
kanilang emosyon. Ang halimbawa nito ay pagsasalaysay ng isang kuwentong makaaantig ng
galit o awa ay isang mabisang paraan upang mahikayat silang pumanig sa manunulat.

3. Logos- ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa. Kailangang
mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa mga impormasyon at datos na
kanyang inilatag ang kanyang pananaw o punto na siyang dapat paniwalaan. Madalas
nagiging pagkakamali ng mga manunulat ang paggamit ng ad hominem fallacy, kung saan,
ang manunulat ay sumasalungat sa personalidad ng katunggali at hindi sa pinaniniwalaan
nito. Kailangang tandaan na sa paggamit ng mga paraang ito dapat isaalang-alang kung sino o
anong uri ang mga mambabasa.

TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Sa kabilang banda, ang tekstong argumentatibo naman ay naglalayon din na kumbinsihin ang
mambabasa ngunit hindi lamang ito nakabatay sa opinyon o damdamin ng manunulat, batay ito sa
datos o impormasyong inilatag ng manunulat. Sa tatlong paraan ng pangungumbinsi ̶ ethos, pathos,
at logos, ginagamit ng tekstong argumentatibo ang logos. Upang makumbinsi ang mambabasa,
inilalahad ng may-akda ang mga argumento, katuwiran, at ebidensiya na nagpapatibay ng kanyang
posisyon o punto.

Hindi nagkakalayo ang tekstong argumentatibo at persuweysib, kapwa ito nangungumbinsi o


nanghihikayat. Gayumpaman, may pagkakaiba rin ang mga ito.
Suriin ang talahanayan sa ibaba:
Tekstong Argumentatibo Tekstong Persuweysib
▪ Nangungumbinsi batay sa datos o ▪ Nangungumbinsi batay sa opinyon
impormasyon ▪ Nakahihikayat sa pamamagitan ng
▪ Nakahihikayat dahil sa merito ng mambabasa at pagpokus sa
mga ebidensiya kredibilidad ng may-akda
▪ Obhetibo ▪ Subhetibo
Isiping ang pagsulat ng isang tekstong argumentatibo ay parang pakikipagdebate nang pasulat
na bagama’t may isang panig na pinatutunayan at nais panindigan ay inilalatag pa rin ang mga
katwiran at ebidensiya ng kabilang panig.

Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Argumentatibo


1. Pumili ng paksang isusulat na angkop para sa tekstong argumentatibo.
2. Itanong sa sarili kung ano ang panig na nais mong panindigan at ano ang mga dahilan mo sa
pagpanig dito.
3. Mangalap ng ebidensiya. Ito ay ang mga impormasyon o datos na susuporta sa iyong
posisyon.
4. Gumawa ng burador (draft)
▪ Unang talata: Panimula
▪ Ikalawang talata: Kaligiran
▪ Ikatlong talata: Ebidensiyang susuporta sa posisyon. Maaaring magdagdag pa ng
talata kung maraming ebidensiya.
▪ Ikaapat na talata: Counter argument. Ilahad dito ang iyong mga lohikal na dahilan
kung bakit iyon ang iyong sinulat.
▪ Ikalimang talata: Unang kongklusyon na lalagom sa iyong sinulat.
▪ Ikaanim na talata: Ikalawang kongklusyon na sasagot sa tanong na “E ano ngayon
kung ‘yan ang iyong posisyon?”
Tekstong Persuweysib Tekstong Argumentatibo
Paggamit ng mga hayop sa pananaliksik ng Paggamit ng mga hayop sa pananaliksik ng
makabagong gamot makabagong gamot

Ang paggamit ng hayop upang subukan Ang paggamit ng hayop upang subukan
ang mga bagong gamot ay lubos na ang mga bagong gamot ay lubos na
nakatulong sa modernisasyon ng gamot. nakatulong sa modernisasyon ng gamot.
Mangilan-ngilan na lamang ang nagkakaroon Mangilan-ngilan na lamang ang nagkakaroon
ng polio ngayon dahil sa bakunang ng polio ngayon dahil sa bakunang sinubukan
sinubukan sa mga hayop. Ang pagsulong ng sa mga hayop. Ang pagsulong ng antibiotics,
antibiotics, insulin, at iba pang gamot ay insulin, at iba pang gamot ay naisakatuparan
naisakatuparan sa tulong ng mga sa tulong ng mga pananaliksik gamit ang mga
pananaliksik gamit ang mga hayop. hayop. Sa kabila ng maraming kabutihang
Nararapat lamang na ipagpatuloy ang naidulot ng paggamit ng hayop sa mga
paggamit nito dahil walang dudang malaki ganitong klaseng pananaliksik, marami pa ring
ang naitutulong nila sa pagsulong ng naniniwala na hindi tama ang paggamit nito.
industriya ng gamot. Kung iisipin natin, hindi hamak na
Kung iisipin natin, hindi hamak na matipid ang paggamit sa mga hayop sa mga
matipid ang paggamit sa mga hayop sa mga eksperimento upang makatuklas ng mga
eksperimento upang makatuklas ng mga tamang gamot sa mga sakit. Maraming
tamang gamot sa mga sakit. Maraming laboratory ang gumagamit ng daga upang sa
laboratory ang gumagamit ng daga upang sa kanila subukan ang mga tinutuklas na gamot.
kanila subukan ang mga tinutuklas na Hindi rin gaanong kamahal ang magparami ng
gamot. Hindi rin gaanong kamahal ang daga upang magamit sa kanilang
magparami ng daga upang magamit sa pananaliksik. Ngunit maraming pumipigil sa
kanilang pananaliksik. Tunay nga namang gawaing ito dahil hindi raw ito makatarungan
naisasalba ng mga hayop na ito ang buhay para sa mga hayop. Sila raw ay mga nilalang
ng maraming tao. na may buhay na dapat igalang, isa raw itong
May 99 na porsiyento ng mga doktor ang pagmamalupit sa mga hayop. Subalit hindi ba
sumasang-ayon sa pagsubok ng mga gamot hamak na mas malupit kung ang gagamitin sa
sa mga hayop imbes na sa tao. Hindi nila pananaliksik ay mga bata? At hindi ba’t isang
lubos maisip kung ilang tao ang magbubuwis kalupitan din kung hahayaan nating mamatay
ng buhay upang malaman kung epektibo ba na laman ang maraming tao dahil hindi
ang isang gamot. Tunay nga naming nalunasan ang kanilang sakit?
nakadudurog ng puso kung mamamatay ang May 99 na porsiyento ng mga doktor ang
maraming tao. Hindi natin sumasang-ayon sa pagsubok ng mga gamot sa
matatawaran ang napakalaking tulong ng mga hayop imbes na sa tao. Hindi nila lubos
mga hayop sa pananaliksik ng mga maisip kung ilang tao ang magbubuwis ng
modernong gamot na tutulong sa pagsagip
ng mga tao. Ang tungkulin natin ay
pangalagaan ang mga ito at
siguraduhing sulit ang kanilang sakripisyo buhay upang malaman kung epektibo ba ang
para sa ikabubuti ng sangkatauhan. isang gamot. Tunay nga naming nakadudurog
ng puso kung mamamatay ang maraming tao.
Hindi natin matatawaran ang napakalaking
tulong ng mga hayop sa pananaliksik ng mga
modernong gamot na tutulong sa pagsagip ng
mga tao. Ang tungkulin natin ay pangalagaan
ang mga ito at siguraduhing sulit ang kanilang
sakripisyo para sa ikabubuti ng
sangkatauhan.

You might also like