You are on page 1of 2

Salok-Dunong (46 – 47)

1. Aktibong nag-iisip

Sa pagsulat ng isang lathalain, mahalaga ang pagbibigay ng mga puntos na talagang


tatatak sa mambabasa. Dito pumapasok ang aktibong pag-iisip ng isang mapanuring
manunulat. Isa na rito ay ang patuloy na pag-alam sa mga paksang relatibo sa mga uri ng
mambabasa kaniyang pinagpopokusan. Halimbawa nalamang sa isang pananaliksik,
mahalaga na ang magiging pokus ng pag-aaral ay napapanahon at talagang kapupulutan ng
aral.

2. Gumagamit ng datos na mapagkakatiwalaan

Halimbawa nito ay ang ginagawa ng mga estudyante sa tuwing sila ay bumubuo ng


isang pananaliksik o research paper. Kinakailangan ng mga paraan upang mapatunayan ang
kanilang hipotesis kung saan pumapaloob naman ang aktuwal na pagkuha ng mga datos mula
sa kanilang mga tagatugon. Isang partikular na sitwasyon ay ang pagkapalap kung ilang oras
ba gumagamit ng telepono ang mga kabataan ng baiting 7 at kung paano ito nakakaapekto sa
kanilang pagtulog.

3. Nagtatanong

Maraming bagay ang hindi mo alam na masasagot naman ng iba. Upang punan ang
pagkukulang ng isang tao sa aspektong ito, mahalaga na matutong magtanong. Halimbawa sa
isang pananaliksik na tumatalakay sa pamumuhay ng mga Igorot. Bilang mananaliksik na
nagmula sa ibang proinsya, hindi mo alam at hindi ka pamilyar sa mga nakagawian ng
naturang grupo. Sa pamamagitan ng pagtatanong ay maaari kang makakalap ng mga bagong
kaalaman mula sakanila at matitiyak pa nito ang kredibilidad ng iyong papel.

4. Malayang nag-iisip
Ang malayang pag-iisip ay mahala upang lubos na maunawaan ang isang paksa na
nais mong talakayin. Halimbawa nito ay ang isang pananaliksik na ginawa ko noong ako ay
nasa ika-10 baitang. Sa pananaliksik na ito, aking inaral kung ilang beses ligtas na gamitin ang
mantika sa pagpiprito ng taba ng baboy. Ngunit, sa pamamagitan ng malayang pag-iisip,
hinananap ko ang iba pang salik na maaaring makaapekto sa pag-aaral na ito. Dahil dito,
napagpasyahan ko na gumamit ng iba’t ibang uri ng mantika, kung gayon ay malaman ng mga
tao kung anong mantika ang pinaka mainam.
5. Nagsusuri mula sa iba’t ibang lente or perspektiba
Maaaring mayroon tayong sari-sariling paniniwala at opinyon, ngunit bilang isang
mapanuring manunulat, mahalaga na unawain ang iba pang perspektiba upang hindi lumabas
na manipulatibo ang lathalaing isinusulat. Halimbawa nito ay ang pagsulat ng isang artikulong
pumapatungkol sa pagsang-ayon ng gobyerno sa paggamit ng bakunang panlaban sa COVID-
19 na nagmula sa Tsina. Hindi maaaring ilahad lamang ang mga bagay na negatibo tungkol
dito upang mapatunayan ang opinyon ng manunulat, kinakailangang bigyang tanaw rin ang
mga positibong maidudulot nito sa mga tao o ang mga bagay na naging sanhi ng ganitong
desisyon.

6. May suportang katuwiran at ebidensya

Sa pagbibigay ng ating mga pananaw, hindi maaaring sa sariling opinyon lamang


manggagaling ang ating mga puntos. Kinakailangan na kumalap tayo ng mga opinyon upang
suportahan ang katuwirang ito. Halimbawa nito ay sa isang pananaliksik, sa parte ng
ikalawang kabanata, kung saan naroroon ang mga buod ng iba’t ibang paksa na may
kauganayan sa pangunahing punto ng papel. Sa pamamagitan ng mga ito, mas mabibigyang
katwurian ang kung ano mang kalalabasan ng pananaliksik at syang sasalamin na malaman
na konklusyon.

7. Organisado, malinaw, at masusi and pagtalakay sa mga ideya


Walang nagnanais ng isang magulong lathalain. Sa gayon ay mahalaga ang pagiging
organisado at malinaw na pagtalakay ng mga ideya. Sa ganitong paraan, mas madali ang pag-
intindi ng mga mambabasa. Halimbawa na rito ay ang paggawa ng isang sanaysay.
Importante na ang bawat talata ay naglalaman ng magkakaibang paksa na mayroong
uganayan sa isa’t isa.

8. Nirerespeto ang katangian o kalagayan ng kapuwa (pisikal, edad, kasarian, relihiyon, at


iba pa)

Isang napapanahon na halimbawa rito ay ang ngayo’y kontrobersyal na pelikula sa


direksyon ni Daryl Yap. Binatikos ito ng mga tao dahil sa kakulangan sa pag-aaral tungkol sa
pokus ng pelikula – ang mga taong may sakit sa pag-iisip. Mahalaga na kumalap muna ng
mga edibensya upang mas maging epektibo ang pagbibigay impormasyon sa pamamagitan
ng isang lathalain. Alalahanin ang mga taong maaaring maapektuhan at masaktan lalo na
kung ang gagawin ay may kaugnayan sa mga kalagayan ng kapuwa.

You might also like