You are on page 1of 12

ARALIN 2:

MAPANURING PAGSULAT SA
AKADEMIYA : PAG-BUO NG
MAPANURING SANAYSAY
MAPANURING Pagsulat at Tekstong Akademiko:

Malaking hamon sa isang mag-aaral na


makasulat ng teksto sa loob ng akademiya.Ang
kaalaman at kasanayan sa mapanuring pagsulat ng
maaga pa lang ay natutuhan na ang salik sa
matagumpay na pag-aaral sa mataas na
edukasyon.
KATANGIAN NG MAPANURING PAGSULAT:
1. LAYUNIN - Karaniwang pagpapaunlad o paghamon ito
sa mga konsepto o katuwiran.
Hal.
Sa problema ng environmental pollution o
pagdumi ng kapaligiran, ang magagandang intensiyon
sa isang larangan ay nagkakaroon ng masamang
epekto sa ibang larangan.
2. TONO – Impersonal ito , hindi parang nakikipag-usap lang.
Hindi rin emosyonal.

Hal.

Impersonal
Ang pagkamatulungin natin ay nahahaluan ng
pagkamaawain, pagkamakialam, pagka-usyoso,
pakikipagkapuwa, pakikisama,at marami pang iba.

Personal
Matulungin ka ba? Maawain? Pakialamero?
Usisero? Di marunong makipagkapuwa-tao? Di-
marunong makisama?
3.BATAYAN NG DATOS : Pananaliksik at kaalamang
masusing
sinuri upang patunayanan ang batayan ng katuwiran dito.

• OBHETIBO ang posisyon- batay ito sa pananaliksik.


Iniiwasan dito ang anumang pagkiling. Makikita ang pagka-
obhetibo sa paksa, organisasyon, at mga detalye.
• KATOTOHANAN (Fact) Vs. OPINYON – Kailangan ang
pruweba o ebedensiyang mapagkakatiwalaan o talagang
nangyari, hindi haka- haka o gawa-gawa lamang.
OPINYON – batay sa sariling damdamin o gawa –gawa
lamang.
4. BALANGKAS NG KAISIPAN o PERSPEKTIBA – Ito ang piniling
ideyao kaisipan na gustong patunayan ng sumulat na ipokus ang
atensiyon ng mambabasa sa espisipikong direksyon o angulo
hangang sa umabot sa konklusyon. Ginagamit ng sumulat ang
mga datos at konsepto upang paunlarin ang argumento.

Hal.
Hindi kailangang idikta sa bata ang mga salita para matuto ,
sa halip ay matutuhan niya ito sa kaniyang normal na
kapaligiran.
5. PERSPEKTIBA –Nagbibigay ng bagong perspektiba o solusyon sa
umiiral na problema.
Hal.
Ang kasaysayan ay hindi kapalaran. Maraming pagkakamali ang
kasaysayan na hindi na dapat maulit , mga krimen ng mga tao at
gobyerno na hindi dapat maganap muli.
6. TARGET AT MAMBABASA – Kritikal at mapanuri , at may
kaalaman din sa paksa kaya naman mga akademiko o
propesyonal ang target nito. Tinatawag silang mga ka
diskursong komunidad.
ESTRAKTURA AT PROSESO NG MAPANURING PAGSULAT :

1. Introduksiyon
Ito ang pinaka tesis o pokus ng pag-aaral o paksa.
Dito napapakitid ang isang malawak na paksa. Kailangan itong
mapagdebatehan sa dahilang kung wala naming problema, ano ang
magiging tunguhin o patutunayan sa paksa?
Hal. Masama sa kapaligiran ang polusyon. ( Hindi na
pagdedebatehan)
2. Katawan
Sa bahaging ito pinapaunlad at nagsusulat ng mga
talata . Mahalaga rito ang tuloy-tuloy, organisado, maayos at makinis
na daloy ng ideya.
3. Kongklusyon – Ito ang huling bahagi ng teksto na
isinasagawa sa pamamagitan ng pagbubuod, pagrebyu ng
tinalakay, paghahawig, o kaya’y paghamon,pagmungkahi, o
resolusyon.
Katangian ng Mapanuring Manunulat:

1. Aktibong nag-iisip
2. Gumagamit ng datos o batayan na pahayag
3. Nagtatanong
4. Malayang nag-iisip
5. Sinusuri ang mga sitwasyon
6. Sinusuportahan ang ibat-ibang perspektiba ng
katuwiran at ebidensya.
7. Tinatalakay ang mga ideya sa paraang organisado
8. Nirerespeto ang kalagayan ng kapuwa
Gawain: Pumili ng isang senaryo at sumulat ng isang sanaysay
na ilalahad sa klase .

1. Kung makakausap mo ang isang paru-paro ano ang sasabihin


mo?
2. Kung papipiliin ka , sa aling bansa mo gusting manirahan?
Bakit?
3. Kung ikaw ay napadpad sa isang isla na walang kasama, ano ang
gagawin mo?
4. Kung kailangan mong magbigay sa isang dalagitang may bilang na
ang araw sa mundo, mula sa iyong ari-arian, alin sa mga ito
at bakit?
- Signature bag
- 20,000 pesos
- Mamahaling cellphone
- Mamahaling sapatos
5.Paano kung hindi na natutulog ang tao? Ano ang gagawin mo sa

You might also like