You are on page 1of 4

PAGBUO NG SULATING MAY BATAYANG PANANALIKSIK

Mga Sulatin Ayon sa Pangangailangan


Ang mga sulating may batayang pananaliksik ay  Alam mo ba kung paano nagkaroon ng mga
sinusulat ayon sa pangangailangan ng manunulat. Ito ay telepono, gadgets, kompyuter, mga
nangangailangan ng matiyagang pangangalap ng datos, makabagong transportasyon, malalaking
pag-oobserba sa paksang napili, pag-aaral sa bawat konstruksiyon ng mga establisyamento,
detalye at paglalahad ng wasto at malinaw na pagkakaroon ng mga gamot, pagkain at marami
impormasyon at iba pa. pang iba.
 Ang lahat ng mga pagbabago at pag-unlad na ito
Ang pagsulat nito ay nakabatay sa pangangailangan nito ay dahil sa pananaliksik na ginawa ng mga tao.
sa pangaraw-araw na gawain, pang-akademiko, pang-  Ang pananaliksik ay nangangalap ng mga
kalakal o kaya naman ay pang-institusyong gobyerno. impormasyon at nag-iimbestiga ng mga
Lahat ng ito ay naglalayon na matuklasan ang mga pangyayari sa ating paligid.
impormasyon tungkol dito upang magkaroon ng  Susubok sa mga teorya, batas, at mga
pagbabago sa ikabubuti ng mga bagay ayon sa paniniwala nang sa gayon ay makagawa ng mga
pangangailangan nito. pagbabago sa ikabubuti ng ating komunidad.
 Nakalilikha ng bagong kaalaman, kasanayan at
1.Pang-araw-araw na gawain pang-unawa sa maraming bagay.
-Isa sa gamit ng sulatin ay ang personal na  Ito rin ang sumasagot sa mga problemang ating
pangangailangan nito upang lumawak ang kaalaman ng kinahaharap maging pansarili man, pang-
isang indibidwal sa kanyang interes o larangang komunidad o pambansa sa kabuuan
kinabibilangan. Ganundin naman ito ay ginagamit sa  Nagagawa din nitong malimitahan ang ating
pagpapalawak at pandagdag kaalaman, pag-aanalisa sa sarili na makagawa o makapili ng mga desisyon
pang-araw-araw na buhay at maging sagot sa mga na maglalagay sa atin sa kapahamakan,
kinahaharap na problema sa araw-araw  Magsisilbing proteksiyon natin sa mga maling
kaalaman at paniniwala.
2. Pang-akademikong Gawain  Ang pananaliksik rin ang magsisilbing gabay
-Ito rin ay ginagawa sa pang-akademikong natin sa pagtuklas ng maraming bagay sa iba’t
pangangailangan na ipinapasa habang nag-aaral na ang ibang kaparaanan.
tawag ay kapanahunang papel o kaya nama’y tesis. Ito
ay may iba’t- ibang pormat at pamamaraan ng Mga Kailangan sa Pagsulat
pananaliksik sa ibat ibang disiplina, larangan o kursong 1. Paksa
napili.. -isang tapik na napiling isulat. Maaaring ito ay interes ng
manunulat, kaalaman o ideya mula aklat na nabasa,
3. Pang-Kalakal o Pambisness dyornal at iba pa.
-Ito rin ay ginagamit sa pagsisimula ng isang negosyo o
bisnes. Ito ay tinatawag na feasibility study o masusing
pag-aaral sa isang balak na simulang negosyo. 2. Layunin
Karaniwang ito ay isinasagawa upang maiwasan ang -ito ay ang dahilan ng pagsulat. Isa sa dapat malinaw sa
pagkalugi o pagbagsak ng isang negosyo. Maraming isipan ng manunulat ang dahilan sa pagsusulat
naitayong mga malalaking kumpanya, negosyo o
establisyamento na hanggang ngayon ay nakikita natin 3. Interaksyon at Pagbuo sa Kamalayan ng Awdyens
na matagumpay sa kanilang pinasok na negosyo. -– dapat alamin ng manunulat kung sino ang sinusulatan
o ang kanyang awdiyens nang sa gayon ay maisaalang-
4. Iba’t Ibang Institusyong Pang-gobyerno alang nito ang dapat masulat na angkop sa mga
-Ang bawat departamento ng gobyerno ay may kani- mambabasa, ganundin ang istilo at paggamit ng wika na
kniyang responsibilidad upang mapabuti ang kani- babagay sa mga babasa nito o ang awdiyens.
kanilang serbisyo, pagtuklas sa mga suliranin at
pagkakaroon ng mabisang solusyon o tugon sa 4. Wika
kinahaharap ng bansa. Ang ganitong uri ng pananaliksik -ang isang manunulat ay nararapat laman na maraming
ay nakakatulong sa gobyerno upang mapaunlad ang kaban ng wikang maaring gamitin at may alam sa istilo
mga ito sa kani-kanilang larangan ng pampublikong ng wikang gagamitin ayon sa pangangailangan nito..
serbisyo at kapakanan.
5. Konbensyon 4. Pag-oorganisa
-dapat bigyang pansin ang pormat na ginagamit ng -pagbabalangkas ng mga impormasyong nakalap.
pamayanan sa pagsulat. Isa itong istruktura o pinakakalansay ng sulatin at
makikita rito ang mga 13 pagbabalangkas ng pinag-
6. Kasanayan sa Pag-iisip ugnay-ugnay na kaisipan ayon sa pagkakasunud-
-kinakailangan ng isang manunulat na marunong sa sunod na mga bahagi - introduksyon, katawan at
pagtatangi ng mga bagay o pangyayari o impormasyon kongklusyon
kung alin ang mahalaga na makakatulong sa kabuuan ng
mga ideyang nilalahad 5. Pagsulat ng Burador
-Kinakailangan ring may kaalaman sa lohika upang -dapat magbigay ng sapat na panahon sa pagsulat
maging mabisa at epektibo ang pangangatwiran. at iwasan ang abala habang ginagawa ito.
Nararapat din magtaglay ito ng malikhaing isip upang -Mayroong mga paraan sa paglabas ng mga ideya.
makatulong sa kawili-wiling paglalahad ng mga Isa na rito ang pagtatala o paglilista ng mga kaisipan
kaalaman nakapaloob sa sulatin. sa pamamagitan ng pagsisipi, pagdadaglat o maging
pagguhit.
7. Kasanayan sa Pagbubuo -Ang malayang pagsulat ay karaniwan ring
-nararapat lamang na marunong rin nitong pag-ugnayin ginagamit sa pagdaloy ng ideya. Ang palitang- kuro
ang mga pagkakasunud-sunod na mga pangyayari na sa kapwa mananaliksik o sa grupo sa diskusyon na
sinusuportahan ng mga ideya at mga ebidensyang maari nang magplawak ng paksa sa iba’t ibang
pinrisinta. anggulo at kaligiran ng paksa. Karaniwan ring
ginagamit ang pamamaraang tanong-sagot upang
8. Sariling Sistema ng Pagpapahalaga magkaroon ng kawili-wiling kaisipan o ideya na
-dapat bigyang konsiderasyon ang pagpapahalagang masusulat
pinanaligan ng isang manunulat. Piliin ang mga
mahalaga patungkol sa paksa, o alin ang maganda at 6. Pagrerebisa
mahusay sa pagsulat. -pagbalik sa naisulat o ang muling pagbusisi o
pagsusuri sa mga inilahad na ideya. Tinitiyak rito
9. Mahahalagang Sangkap sa Pagsusulat ang malinaw na paglalahad ng ideya, ang istruktura
-ang teksto, manunulat at mga mambabasa ang at organisasyon ng sulatin, at ang matibay na
tinuturing na mahahalagang sangkap sa pagsusulat. introduksyon ganundin ang kongklusyon o muling
pagdidiin sa mga pangunahing puntos at
PROSESO NG PAGSULAT pagsasaayos ng mga datos.
1. Imbensiyon
-tinatawag na paglikha ng paksa sa pamamagitan ng 7. Proofreading o Pagwawastong Basa
brainstorming o paglalahad ng mga ideya upang -ito ang muling pagbasa ng sulatin upang makita
magkaroon ng posibleng paksang nais talakayin o ang maling ispeling, gramatika at paggamit ng salita.
pag-aralan. Maari rin maglista ng mga paksang -Sinisiguro rin ang daloy ng pagpapahayag,
interes ng manunulat. Ganundin, ang pagmamapa paglalahad ng pagkasunud-sunod ng mga
ng mga ideya o klaster ay maari ring gawin. pangyayari, mga impormasyon at katwirang
nakapaloob sa komposisyon. Tinitignan rin ang
2. Pangangalap ng Impormasyon paggamit ng mga bantas tulad ng mga tuldok,
-ang pagtatanong at pag-uusisa ay mga paraan na gitling, at mga tandang pananong o padamdam at
kadalasang ginagamit ng mananaliksik sa pagkuha marami pang iba
ng mga impormasyon sa mga respondente. Ang
interbyu ang karaniwang paraan gingagamit rito. 8. Pinal na Papel
-ang kabuuan ng papel na maari ng isumite sa guro
3. Pala-palagay o sa mga panel na susuri nito matapos ang
-sa bahaging ito, wala pang tiyak na paksang nais masusing pagsusuri ng mga teknikal na mga bahagi
talakayin. Binubusisi at pinag-iisipang mabuti ang nito.
mga namulatang sanhi at bunga ng pangyayari kung
paano sisimulang buuin o gumawa ng balangkas ng
napiling paksa.
Etika ng Pagsulat  Sinasadyang di-paglalagay ng datos o
 etika o ethos impormasyon
karakter o pagkatao sa Filipino  Modipikasyon o tahasang pagbabago ng mga
 tumutugon sa tanong kung ano ang mabuti at datos o impormasyon
tama sa ating ginagalawang lipunan.  Pagbili ng mga gawa ng kapanahunang papel,
 ang etika ay batayan o istandard na dapat tesis at disertasyon
bigyang pansin para magkaroon ng kaayusan  Pangongopya ng mga artikulo sa website upang
ang mga taong nabibilang sa kani-kanilang gamitin at angkinin bilang sariling gawa na
larangan. isusumite sa pang-akademikong
 Sa larangan ng pagsulat, dapat maisaalang – pangangailangan
alang ang paggamit ng etika. Ito ay matuturing  Pagpapagawa o pagbabayad sa iba upang igawa
na pagpapahalaga sa mga manunulat, may-akda ng report, tesis o disertasyon
o awtor. Ito ang magdidikta kung ano ang dapat  Maramihan o malawakang pagkopya sa mga
at hindi dapat gawin ng isang manunulat. Ito ay bahagi ng mga sipi o datos na nang hindi
isang obligasyon, karapatan at halaga sa nagbibigay ng pagkakilanlan sa pinagkuhanan o
kinabibilangang larangan. awtor

1. Karapatang-ari o copyright Mga Gabay para sa mga Etika sa Pananaliksik


-ay karapatang legal na pinagkakaloob sa mga  Ang gabay sa etika sa pananaliksik ay
manunulat o may-akda na nagbibigay ng naglalaman ng batayan at istandard sa iba't
natatanging karapatang gumawa o maglathala ibang proseso ng pananaliksik, kasama na ang
ng sulatin o sipi, makapagbahagi man sa ugnayan ng mga mananalisik o mga mag-aaral
pangkalakalan o pang-komersiyo man o sa iba sa guro o tagapayo.
pang kaparaan.  Ganundin naman ang ugnayan ng mga mag-
-Mahalaga ring malinawan ang mga karapatang aaral o mananaliksik sa mga kalahok sa
ito at obligasyon na nakapaloob dito upang pananaliksik, ugnayan ng mga mananaliksik sa
maiwasan ang anumang isyu sa paggamit ng mga kasangkot sa pag-aaral, mga tungkulin at
mga sipi at pagbubuod. Kinakailangan banggitin pananagutan sa paggamit, distribusyon at
ang mga pinagkunan ng iyong mga sipi. Ilagay pagpapalaganap ng pag-aaral.
ang pangalan ng awtor, pamagat, taon ng
pagkakasulat nito at iba pang detalye upang Hinggil sa karapatang-ari sa pananaliksik
magbigay ng kredito sa may-ari.  Hindi maaring gamitin ninuman ang datos,
2. Plagiarism papel na isinulat ng walang pahintulot mula sa
 ay illegal na pangongopya ng ideya, pananaliksik mananaliksik lalong lalo na sa paggamit sa ibang
o anumang pahayag ng ibang tao na may pagaaral at publikasyon
layuning angkinin o akuhin ito. Ang hindi
pagbanggit ng pangalan ng awtor, di-paglagay Hinggil sa pananaliksik-artsibo
mga ng panipi sa mga sinabing salita ng mga  Isa sa bahagi ng pananaliksik ay ang magsagawa
pahayag ng taong may-akda at pagkopya ng ng saliksik-artsibo ang mga mag-aaral o
salita o mga salita na hindi hinalaw o binuod ay mananaliksik tulad panayam o sarbey.
ilan lamang sa mga paglabag sa batas ng Kailangang magpakita ang mga ito ng kasanayan
plagiarism. sa wastong pagtatala, pagsipi at paggamit ng
 Maituturing ring plagiarism ang pagkopya ng sangguniang bunga ng pananaliksik upang
sariling akda o sariling gawa. Ito ay maiwasan ang plahiyo o plagiarism.
pangongopya ng manunulat ng sulatin na kanya Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
ng inilathala at hindi binanggit ang 1. Kailangang magpasa ng liham na napirmahan ng guro
 pinaglathalaan nito. Ito ay tinatawag na self- o tagapayo na humihingi ng permiso sa pananaliksik.
plagiarism o plagiarism sa sariling gawa. Ito ay 2. Sa mga pananaliksik na nangangailangan ng
masasabing hindi etikal na gawain lalo na sa partisipasyon ng mga indibidwal, kailangang nagabayan
larangan ng pagsusulat. ang mga mag-aaral sa proseso ng pananaliksik lalo na
3. Paghuhuwad o Pandaraya ng datos kung sangkot ang mga sensitibong paksa sa pagaaral.
 Pag-iimbento ng datos o impormasyon sa mga
pag-aaral, estadistika o eksperimento
3. Kailangan rin humingi ng permiso sa mga Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
kakapanayaming indibidwal sa pamamagitan ng Mula sa aklat nina Baisan-Julian at Lontoc, (2016).
paggawa ng liham ng pahintulot na binigyang pansin ng  Pumili ng paksa na malapit sa iyong puso.
guro sa pamamagitan ng kanyang paglagda dito.  Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil
4. Tiyaking nabasa at naaprubahan ng guro ang listahan sa napiling paksa
ng mga tanong para sa sarbey o talatanungan, mga  Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis.
tanong sa panayam nago magsagawa ng pananaliksik.  Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong
5. Kailangan ring napag-aralan nang mabuti ng mag- pahayag ng tesis o posisyon
aaral ang kaniyang paksang pag-aaralan o sasaliksikin  Magpatuloy sa pangangalap ng mga
bago magsagawa ng panayam upang matiyak ang kakailanganing ebidensya.
layunin, pag-iingat at paggalang sa kapapanayamin, sa  Buoing ang balangkas ng posisyong papel.
proseso nito at pangangalap ng mahahalagang
impormasyon o datos. Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel
6. Isa sa responsibilidad ng mananaliksik ay ang ingatan Panimula
ang kapakanan ng mga kalahok. Ingatan rin ang -kailangan mailahad na ng maayos ang paksa at ang
pagsasalin ng mga ideya ng mga kalahok sa pananaliksik katwiran ukol sa pinapanigang isyu upang makumbinsi
mula sa pasalita patungong pasulat. Mahalagang ang mga mambabasa na pumanig sa nasabing posisyon.
matiyak at malinaw sa indibidwal ang katapatan ng
salin. Katawan
7. Gawing pribado ang mga datos o impormasyon na -mahalaga ang lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga
nakalap mula sa indibdwal o grupong kalahok sa argumento at mga ebidensya.
pananaliksik.
8. Isa sa mahalagang tungkulin ng mga mananaliksik ay Konklusyon
ang pagbabahagi o pagbabatid ng malinaw at may -ilahad muli ang argumento at ang talakayin ang
pananagutan sa mga sangkot sa pananaliksik. magiging implikasyon nito.

POSISYONG PAPEL
 isang akademikong sulatin na naglalahad ng
mga matitibay na katwiran ukol sa pinapanigang
isyu.
 naghihikayat itong maipaglaban ang
pinapaniwalaang tama.
EBIDENSYA
 maaaring kunin sa obserbasyon, mga pahayag
mula sa awtoridad (pulis, abogado, dalubhasa,
doctor o propesor, atbp) upang maipakita na
makakatohanan ng ipinaglalabang isyu.
-Sa bawat paglalahad ng argumento mahalagang
madepensahan ito upang mapatunayang mali o di
kapani- paniwala ang mga binabatong isyu. Mas
makatotohan ang pinapanigang isyu kung may tatlo o
higit pang matitibay na ebidensya na magpapatunay.

Ayon kina Constantino at Zafra, (1997) sinipi mula sa


aklat nina Baisan-Julian at Lontoc, (2016).
1. Mga katunayan (facts) - nakabatay ito sa
makakatotohanang ideya mula sa mga nakita, narinig,
naamoy, nalasahan at nadama.
2. Mga opinyon- nakabatay sa mga ideyang
pinaniwalaang totoo o sariling pananaw.

You might also like