You are on page 1of 20

FILIPINO SA PILING

LARANG
AKADEMIKONG PAGSULAT

 Ito ay nangangailangan ng mas mataas na


antas ng kasanayan. Ito ay isang
makabuluhang pagsasalaysay na
sumasailalim sa kultura, reaksyon at
opinion base sa manunulat, gayundin ay
tinatawag din na intelektwal na pagsulat.
 Ito ay may layuning mailahad ng
maayos ang mga sulatin at ang tema
upang maayos itong maipabatid o
maiparating sa mga makakikita o
makababasa.
Kahulugan at Kalikasan
 Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o anumang
kasangkapang magagamit na mapagsasalinan ng mga
nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng tao, o mga
tao sa layuning maipahayag ang isipan

 Ito ay kapwa pisikal at mental na gawain na


ginagawa para sa isang layunin.
1.Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang
kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng
mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao.
(Bernales, et al.,2001)
2.Ito ay kapwa pisikal at mental na Gawain na ginagagawa
para iba’t ibang layunin. (Bernales, et al.,2001)
3.Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang
komprehensib na kakayahang naglalamanng wastong gamit
ng, talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, retorika at iba pang
elemento.
4. Ayon naman kay Keller (1985) ang pagsulat ay isang
biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan
ng nagsasagawa nito.
5. Ito ay isang proseso ng imbensyon.
6. Isang prosesong Panlipunan na maaaring bunga ng
mga sumusunod:
a. Bilang reaksyon ng isang tao sa kanyang nabasa,
naranasan o namasdan upang maipaabot ang
kanyang pananaw at panuntunan sa buhay;
b. Sa layuning makapagbigay lugod o kasiyahan lalo’t ito
ay malikhaing sulatin na nagpapasigla ng imahinasyon at
tumutugon sa damdamin.
7. Isang Sariling pagtuklas
8. Isang proseso sa intelektwal “ inquiry”
9. Isang pahuhunos ng damdaming bumubukal at nagpapahinog
sa diwa’t kaisipan.
10. Isang malikhaing gawaing binubuo sa papel.
11. Pagbibigay ng sustansya sa mga bagay na para sa iba ay
walang kahulugan.
12. Isang pakikipag- usap sa kapwa.
13. Ayon kay White at Strunk ito ay matrabaho at mabagal
na proseso dahil sa ugnayan at koneksyon ng pag-iisip.
PREWRITING PROSESO
DRAFTINGNG PAGSULAT
REVISING
BAGO PAGSULAT NG
PAGREBISA
SUMULAT BURADOR

FINAL
EDITING DOCUMENT
PAG- EEDIT PAGLALATHAL
A
KATAWAN NG TEKSTO

 INTRODUKSYON
 GITNA O NILALAMAN
 WAKAS O KONGKLUSYON
 LAGOM
MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT

1. WIKA- ANG MASISILBING BEHIKULO UPANG


MAISATITIK ANG MGA KAISIPAN, KAALAMAN,
DAMDAMIN, KARANASAN, IMPORMASYON AT IBA PANG
NAIS ILAHAD NG ISANG TAONG NAIS SUMULAT.
2. PAKSA- MAHALAGANG MAGKAROON NG ISANG
TIYAK NA PAKSA O TEMA NG ISUSULAT. ITO ANG
MAGSISILBING PANGKALAHATANG IIKUTAN NG MGA
IDEYANG DAPAT MAPALOOB SA AKDA.
3. LAYUNIN- Ang magsisilbing giya mo sa paghahabi ng mga datos o
nilalaman ng iyong isusulat. “ motibo”

4. PAMAMARAAN NG PAGSULAT-
 PARAANG IMPORMATIBO- magbigay ng impormasyon o kabatiran
sa mga mambabasa
 PARAANG EKSPRESIBO- Naglalayong magbahagi ng sariling
opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hinggil sa isang
tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral.
 PAMAMARAANG NARATIBO- Ang layunin nito ay magkwento o
magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na
pagkakasunod- sunod.
 PAMAMARAANG DESKRIPTIBO- Ang pakay ng pagsusulat ay
maglarawan ng mga katangian, anyo, hugis ng mga bagay o
pangyayari batay sa nakita, narinig, natunghayan, naranasan, at
nasaksihan.
 PAMAMARAANG ARGUMENTATIBO- Naglalayong manghikayat
o mangumbinsi sa mga mambabasa.

5. KASANAYANG PAMPAG- ISIP- Sa pagsulat, dapat taglayin ng


manunulat ang kakayahang mag- analisa o magsuri ng mga datos na
mahalagi o hindi mahalagao maging mga impormasyong dapat isama sa
akdang isusulat.
6. KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAANG PAGSULAT-
Dapat isaalang- alang ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at
retorika particular sa wastong gamit ng maliit na titik, wastong
pagbabaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang
pangungusap upang magkabuo ng isang mahusay na sulatin.

7. KASANAYAN SA PAGHAHABI NG BUONG SULATIN-


Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at
impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at ,asining na
pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa
wakas nito.
MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG
AKADEMIKONG PAGSULAT
1.OBHETIBO
2.PORMAL
3.MALIWANAG AT ORGANISADO
4.MAY PANINIDIGAN
5.MAY PANANAGUTAN
OBHETIBO
 - Kinakailangan ang mga datos na isusulat ay batay sa
kinalabasan ng ginawang pag- aaral at pananaliksik.
 Iwasan ang pagiging subhetibo o ang pagbibigay ng
personal na opinyon o paniniwala hinggil sa paksang
tinatalakay.
 Iwasan ang paggamit ng mga pahayag na batay sa aking
pananaw o ayon sa aming haka- haka o opinyon.
PORMAL
 Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal.
Sa halip, gumamit ng mga salitang pormal na madalinng
maunawaan ng mga mambabasa.
 Ang tono o himig ng paglalahad ng mga kasipan o
impormasyon ay dapat maging pormal din.
MALIWANAG AT ORGANISADO

 Ang paglalahad ng mga kaisipan at datos ay nararapat na


maging malinaw at organisado.
 Ang mga talata ay kinakailanagng kakitaan ng mga maayos
na pagkasunod- sunod at pagkakaugnay- ugnay ng mga
pangungusap na binubuo nito.
 Ang punong kaisipan o main topic ay dapat mapalutang o
mabigyang – diin sa susulatin.
MAY PANININDIGAN

 Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais


niyang bigyang- pansin o pag- aralan, ibig sabihin hindi
maganda ang magpabago- bago ng paksa.
 Maging matiyag sa pagsasagawa ng pananaliksik at
pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang pagsulat sa
napiling pksa.
 Ang layuning maisagawa ito mula simula hanggang matapos.
MAY PANANAGUTAN

 Ang mga ginamit na sanggunian ng mga nakalap ng


datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat
na pagkilala.
 Isang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga
taong nakatulong sa iyo bilang bahagi ng etika ng
akademikong pagsulat upang mabuo ang iyong sulatin,
ito rin ay makatutulong upang higit na mapagtibay ang
kahusayn at katumpakan ng iyong ginawa.

You might also like