You are on page 1of 18

Aralin 1: Katuturan, Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat

Ang pagsusulat ay…


 isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog.
 isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang wika.
Cecilia Austera et al. (2009), Komunikasyon sa Akademikong Filipino.
 isang pambihirang gawaing pisikal at mental. Edwin Mabilin et al., Transpormatibong
Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012).

Dahilan ng pagsusulat:
 nagsisilbing libangan
 magiging dokumento ng nakalipas na pangyayari
 magsisilbing tulay para sa kabatiran ng susunod na henerasyon
 ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang hindi naglalaho sapagkat ito ay maaaring
magpasalin-salin sa bawat panahon. Mabilin (2012).

Limang Makrong Kasanayan:


 Pakikinig
 Pagsusulat
 Pagbabasa
 Panonood
 Pagsasalita

Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat


 Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng damdamin at isipan ng tao. Royo, “Pagbasa ,
Pagsulat at Pananaliksik” (2001).
 Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang mapabatid sa mga tao ang paniniwala, kaalaman
at mga karanasan ng taong sumusulat.
 Layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi. Mabilin (2012).
Una:
- ito ay maaaring personal o ekspresibo kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa
pansariling pananaw,karanasan,naiisip o nadarama ng manunulat.
Pangalawa:
- ito ay maaari namang maging panlipunan o sosyal kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang
makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang tawag sa layuning ito ng
pagsusulat ay transaksiyonal.

Kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat:


1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng
obhetibong paraan.
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang
imbestigasyon o pananaliksik.
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging
obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.
4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap
ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat.
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-
aaral at akademikong pagsisikap.
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyong mula sa iba’t ibang batis ng
kaalaman para sa akademikong pagsusulat.

Kuwarter 1 - Modyul 1: Ang Kahalahagan ng Pagsusulat at Ang


Akademikong Pagsulat
Uri ng Paglalarawan:
 Subhetibo- ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan ng napakalinaw at halos
madama na ng mambabasa.
 Obhetibo- ang paglalarawan kung ito’y may pinagbatayang katotohanan.

Mga Gamit at Pangangailangan sa Pagsulat:


Ang pagsulat ay isang talento dahil hindi lahat ng tao ay may kakayahang lumikha ng isang
makabuluhang akda o komposisyon.
 Wika- Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan,
impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong nais sumulat. Nararapat magamit ang wika sa
malinaw, masining, tiyak, at payak na paraan.
 Paksa- Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang
simula dahil dito iikot ang buong sulatin.
 Layunin- Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong
isusulat.
 Pamaraan ng Pagsulat- May limang paraan ng pagsulat:
1. Paraang Impormatibo- magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
2. Paraang Ekspresibo- magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya sa isang tiyak na paksa
batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral.
3. Pamaraang Naratibo- magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at
tiyak na pagkakasunod-sunod.
4. Pamaraang Deskriptibo- maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari. Ito’y
maaaring obhetibo at subhetibo.
5. Pamaraang Argumentatibo- Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa.
6. Kasanayang Pampag-iisip- Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang
mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat.
7. Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin- tumutukoy sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan
at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas.

Uri ng Pagsulat
 Teknikal na Pagsulat- Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman bumuo ng
isang pag-aaral na kailangang para lutasin ang isang problema o suliranin sa isang tiyak na
disiplina o larangan.
Halimbawa: Feasibility Study ,manwal, Proyekto sa pag-aayos ng kompyuter, at iba pa.
 Reperensyal na Pagsulat- Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang
kaalaman o impormasyon. Karaniwang makikita ito sa huling bahagi ng isinagawang
pananaliksik o kaya naman ay sa Review of Related Literature (RRL).
 Dyornalistik na Pagsulat- may kaugnayan sa pamamahayag tulad ng pagsulat ng
balita ,editoryal, lathalain,artikulo at iba pa. Ito ay isinusulat ng mga mamamahayag, journalist,
reporter at iba pang bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga
balita at isyung nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan na kanilang isinusulat sa mga pahayagan ,
magasin, o kaya’y iniuulat sa radyo at telebisyon.
 Akademikong Pagsulat- Isang intelektwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakakatulong sa
pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayon kay Carmelita Alejo
et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang ginawang pananaliksik.
 Malikhaing Pagsulat- maghatid ng aliw,makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon
at isipan ng mga mambabasa.
 Propesyonal na Pagsulat- Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa
akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.

Ang Akademikong Pagsulat


Ang Akademikong Sulatin
Akademiya- mula sa salitang…
 Pranses na academie
 Latin na academia
 Griyego na academeia.
- Ito ay isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar at siyentista na ang layunin ay
isulong ,paunlarin ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan. Isa itong komunidad ng mga iskolar.

Malikhain at Mapanuring Pag-iisip


 Mapanuring pag-iisip- ang paggamit ng kaalaman upang epektibong harapin ang mga
sitwasyon at hamon sa buhay-akademiko at maging sa gawaing di-akademiko.
 Hindi kailangang maging henyo o talentado upang maging malikhain. Sa Akademiya, ang mga
katangiang ito ay nilinang at pinauunlad sa mga mag-aaral.

Akademiko vs Di-Akademiko
Ang salitang akademiko o academic ay mula sa…
Pranses: Academique
Medieval Latin: Academicus
noong gitnang bahagi ng ika-16 na siglo.
 Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, institusyon, o larangan ng pag-aaral na
nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat ,at pag-aaral kaiba sa praktikal o teknikal na gawain.
 Pinahahalagahan at pinatutunayan ang katangiang ito sa teoryang pangkomunikasyon ni
Cummins (1979) kung saan pinag-iba niya ang kasanayang di-akademiko sa kasanayang
akademiko. Tinawag niyang Basic Interpersonal Communication Skills (BICS) ang una at
Cognitive Academic Language Profeciency (CALP) naman ang huli.

 Isa sa pinakamahahalagang awtput ng sinumang mag-aaral ang mga gawaing nauukol sa


Akademikong Pagsulat. Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang
karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit
sa ikatataguyod ng lipunan. Layunin nito ang magbigay ng makabuluhang impormasyon.

 Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang


indibidwal (Arrogante et al. 2007).

 Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng piling- piling salita at isinasaalang-


alang ang target na mambabasa.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat:


Obhetibo- Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon. Iwasan ang mga
pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinyon.
Pormal- Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang
pormal na madali ng maunawaan ng mga mambabasa.
Maliwanag at Organisado- Sa paglalahad ay nararapat na maging malinaw at organisado ng mga
kaisipan at datos. Nakikitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangungusap na binubuo nito.
May Paninindigan- Ang layunin nito ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapos niya
ang kanyang isusulat.
May Pananagutan- Ang mga sanggunian na ginamit sa mga nakalap na datos o impormasyon ay
dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Ito ay isang etika at pagbibigay galang sa awtoridad na
ginamit bilang sanggunian.
Iba’t ibang uri ng Akademikong Sulatin:
1. Abstrak 7. Katitikan ng pulong
2. Sintesis/Buod 8. Posisyong Papel
3. Bionote 9. Replektibong Sanaysay
4. Panukalang Proyekto 10. Pictorial-Essay
5. Talumpati 11. Lakbay-Sanaysay
6. Agenda/Memorandum

Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Paglalagom


Uri ng Paglalagom: Abstrak
Lagom- ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.

Mga Kasanayan na Naghuhubog sa mga Mag-Aaral Habang Nagsasagawa ng


Paglalagom:

1. Natututuhan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa. Natutukoy


niya kung ano ang pinakamahalagang kaisipang nakapaloob dito gayundin ang mga pantulong na
kaisipan. Tandaan na sa pagsulat ng lagom, mahalagang matukoy ang pinakasentro o pinakadiwa ng
akda o teksto.
2. Natututunan niyang sumuri ng nilalaman ng kanyang binabasa. Natutukoy niya kung alin ang mga
kaisipan o mga detalye ang dapat bigyan ng malalim na pansin ng pagsusulat ng lagom at kung alin
naman ang hindi gaanong importante.
3. Nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat ng partikular na ideya at ang tamang
paghabi ng mga pangungusap sa talata sapagkat sa pagsulat ng lagom, mahalagang ito ay mailahad
nang malinaw, hindi maligoy o paulit-ulit.
4. Ito rin ay nakatutulong sa pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo sapagkat sa pagsulat
nito ay importanteng makagamit ng mga salitang angkop sa nilalaman ng tekstong binubuod.

Abstrak- ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at
teknikal, lektyur at mga report.
- naglalaman ng pinakabuod ng akdang akademiko o ulat.

Philip Koopman- sa kaniyang aklat na How to Write an Abstract (1997), bagama’t ang abstrak ay
maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng
Rasyunali/Introduksyon, metodolohiya, saklaw at delimitasyon, resulta at konklusyon. Naiiba nito
ang kongklusyon sapagkat ito ay naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.

Mga Bahagi ng Abstrak:


 Pamagat- pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin.
 Introduksyon/Panimula- nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin, mapanghikayat upang
makapukaw ng interes sa mambabasa at sa manunulat.
 Kaugnay na Literatura- batayan upang makapagbibigay ng malinaw na kasagutan o tugon sa
para sa mga mambabasa.
 Metodolohiya- isang plano o sistema para matapos ang isang gawain.
 Resulta- sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin.
 Konklusyon- panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinyon na mag-iiwan ng pala-
isipan kaugnay sa paksa.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak:


 Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel; hindi
maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.
 Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito
nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
 Gumamit ng mga simple ,malinaw at direktang mga pangungusap.
 Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat
ipaliwanag ang mga ito.
 Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng
babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral ng ginawa.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak:


Ang Abstrak ay ang pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang unang binabasa ng mga propesor o
mga eksaminer ng panel.

1. Basahing mabuti at pag-aralan akademikong sulatin na gagawan ng Abstrak.


2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan ng bawat bahagi ng sulatin mula sa
introduksyon ,kaugnay na literatura, metodolohiya resulta at kongklusyon.
3. Buuin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng
sulatin .Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng papel .
4. Iwasang maglagay ng ilustrasyon, graph, table at iba pa.
5. Basahing muli ang ginawang Abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahalagang kaisipang dapat
isama rito mabuti ang abstrak.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.

Uri ng Paglalagom: Sinopsis


Ano ang sipnosis o buod?
 Isang uri ng lagom na minsan ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo.
 Ito ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa. Maaaring 1/3 ng pahina lamang ng buong
nabasang teksto o mas maikli pa nito ang sinopsis o buod.
 Ang pagsulat ng sinopsis ay naglalayong makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng
seleksyon o akda, kung kaya’t nararapat na maging payak ang mga salitang gagamitin.
 Layunin din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng
pagtukoy sa pahayag ng tesis nito.
 Mahalagang matukoy ang sagot sa sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? Sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na ito, magiging madali ang pagsulat ng buod.
 Kailangang maging obhetibo sa pagsulat nito.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod:


 Gumamit ng ikatlong panauhang panghalip sa pagsulat nito.
 Isulat ito batay sa tono ng pagkasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang damdaming naghahari
sa akda ay malungkot ,dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
 Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan.
 Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay (gayunpaman,kung gayon, samakatuwid,gayundin, sa
kabilang dako ,bilang kongklusyon).
 Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay,at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
 Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit.

Mga hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis:


1. Basahin ang buong seleksyon at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan nito.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
3. Habang nagbabasa, magtala kung maaari ay magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinusulat.
5. - Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal na pagkakasunod-sunod.
- Laging sa pangkasalukuyan ang gamit ng pandiwa.
- Gamitan din ng malaking titik ang pangalan ng karakter sa unang pagbanggit nito.
- Tiyakin ang pananaw o punto de vista kung sino ang nagkukuwento.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan.

Uri ng Paglalagom: Bionote


Bionote- ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong
talambuhay o tinatawag sa Ingles na autobiography o kaya ng kathambuhay o katha sa buhay ng
isang tao o biography.

Duenas at Sanz (2012)- sa kanilang aklat na Academic Writing for Health Sciences, ang bionote ay
tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay
makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites, at iba pa.

- Ito rin ang madalas na mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita sa mga social
network o digital communication sites.
- Layunin din ng bionote na maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga
personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay.

Mga Dapat tandaan sa Pagsulat ng Bionote:


 Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume, kailangang
maisulat ito gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site,
sikaping maisulat ito sa loob ng 5-6 na pangungusap.
 Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay.
Maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala rin ang iyong mga tagumpay na
nakamit, gayunman, kung ito ay marami, piliin lamang ang dalawa 2 o 3 na pinakamahalaga.
 Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.
 Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita.
 May ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit na maging kawili-wili ito sa mga
babasa, gayunman iwasang maging labis sa paggamit nito.
 Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaaring ipabasa muna ito sa
iba bago tuluyan itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at kaayusan nito.
- Pangalan ng may-akda, kursong natapos (graduate at post-graduate), karangalang nakamit,
trabaho bilang guro, mga tungkulin sa paaralan, mga kumperensyang nadaluhan, kontribyutor,
angkop na kasanayan, akreditor, manunulat, at iba pa.

Katangian ng Bionote:
 Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang mahahalagang impormasyon.
 Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw.
 Kinikilala ang mga mambabasa o ang target market. Kailangang isaalang-alang ang
mambabasa sa pagsulat ng bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga administrador ng
paaralan, kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila.
 Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok. Tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong
sulatin, talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote .
 Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian. Mamili lamang ng mga
kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng bionote.
 Binabanggit ang degree o tinapos kung kinakailangan.
 Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon. Walang masama kung paminsan-minsan ay
magbubuhat ka ng sariling bangko kung ito naman ay kailangan upang matanggap sa inaplayan
o upang ipakita sa iba ang kakayahan. Siguruhin lamang na tama o totoo ang impormasyon.

Uri ng Paglalagom: Talumpati


Pagtatalumpati- uri ng sining
- nagpapakita ng katatasan at kahusayan sa panghihikayat
- pinaghahandaan bago bigkasin
- proseso sa pagpapahayag ng ideya

Mga Uri ng Talumpati:


Biglaang talumpati- ibinigay ng biglaan o walang paghahanda
Maluwag na talumpati- isinagawa ng biglaan
- nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahayag
Manuskrito- ginagamit sa mga kumbersyon o seminar
- pinag-aaralan ng mabuti at dapat nakasulat
Isinaulong talumpati- mahusay ding pinag-aaralan at hinabi ng maayos bago bigkasin

Huwaran sa Pagbuo ng Talumpati


Kronolohikal na Huwaran- ang mga nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunod ng
pangyayari o panahon.
Topikal na Huwaran- ang paghahanay sa talumpati ay nakabatay sa pangunahing paksa.
Huwarang Problema-Solusyon- nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpati.

Kasanayan sa Paghahabi ng Talumpati:


Introduksyon
- pinakapanimula
- naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati
Ang mga sumusunod na katangian sa isang mahusay na panimula:
- mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig.
- maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa.
- maipaliwanag ang paksa

Diskusyon o Katawan
- makikita ang pinakamahalagang bahagi
- tinatalakay ang mahahalagang punto o kaisipang nais ibahagi
Katangiang Taglayin ng Katawan sa Talumpati:
 Kawastuhan- wasto at maayos ang nilalaman ng talumpati
 Kalinawan- maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati
 Kaakit-akit- kawili-wili ang paglalahad ng mga paliwanag sa paksa.
Katapusan o Konklusyon
- nakasaad ang pinakakonklusyon ng talumpati.
- nilalagom ang mga patunay at argumentong inalahad.
Haba ng Talumpati
- ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas.

Talumpati- pormal na pagpapahayag na binibigkas sa harap ng manonood o tagapakinig


- ito ay pormal dahil ito ay pinaghahandaan, gumagamit ng piling wika, at may tiyak na layunin.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Talumpati:


Layunin ng Okasyon- upang maipaliwanag ang isyu sa isang komunidad o tao.
Layunin ng Magtatalumpati- nangangailangang naisentro sa tema ang pagtatalakay.
Manonood- para magkaroon ng mabisa at makabuluhang paksa na nababatay sa nakikinig.
Tagpuan ng Talumpati- isaalang-alang ang oras, kagamitan, kakayahan, at kondisyon ng lugar para
maayos ang daloy ng talumpati.

Mga Uri ng Talumpati:


Talumpating Impormatibo- naglalayong magbigay ng impormasyon
- maglahad at magpaliwanag para maunawaan ang paksang tinatalakay
Talumpating Persuweysib- mahalagang mahikayat ang tagapakinig na pagisipan ang pagpapahalaga
sa paksa.

Mga Gabay sa Pagsulat ng Talumpati:


 Piliin lang ang isang pinakamahalagang ideya
 Magsulat kung paano ka magsalita
 Gumamit ng kongkretong salita at halimbawa
 Tiyaking tumpak ang mga ebidensiya at datos na ginagamit sa talumpati
 Gawing simple ang pagpapahayag sa talumpati

Uri ng Talumpati Ayon sa Pamamaraan


Talumpating Nagbibigay Impormasyon- magbibigay ng impormasyon tungkol sa isang isyu o
pangyayari.
Talumpating Panglibang- Madalas itong binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo o kainan.
- ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento.
Talumpating Pampasigla- pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig.
Talumpating Panghikayat- hikayatin ang paniwala ng mga tagapakinig
Talumpating Nagbibigay-galang- Ito ay magandang talumpati sa pagbibigay galang at pagsalubong
sa isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis.
Talumpating Nagpaparangal/ Talumpating pagpuri- ginagamit sa pagbibigay ng parangal o papuri
sa mga kabutihang nagawa ng isang tao.
Talumpating Nagpapakilala- tinatawag ding panimulang talumpati.
- karaniwang maikli lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na.
Talumpating Pangkabatiran- gumagamit ng mga kagamitang makatutulong para lalong
maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay.
- Ginagamit ito sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong pang-siyentipiko.

Mga Isaalang-alang:
 Uri ng tagapakinig
 Bilang ng mga makikinig
 Kasarian
 Edukasyon o antas sa lipunan
 Mga saloobin at dating alam ng mga makikinig
 Tema o paksang tatalakayin

Mga Hakbang:
1. Pananaliksik ng datos at kaugnay na basahin
2. Pagbuo ng tesis
3. Pagtukoy sa pangunahing kaisipan o punto

Talumpati
- isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado para sa mga pangkat ng mga tao.
- Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon, at
maglahad ng isang paniniwala.
- isang sining ng pasalitang pagpapahayag na ang layunin ay makaakit o makahikayat ng mga
nakikinig
- isang maanyong pagpapahayag ng kaisipan sa paraang pasalita
- isang uri ng akda na tumatalakay sa napapanahong isyu o paksa na ang layunin ay bigkasin sa
harap ng madla
- isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag tungkol sa isang mahalagang paksa

Bahagi ng Talumpati:
Panimula- Inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang
atensyon ng madla
Katawan- Nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati
Pangwakas- Ang pinakasukdol ng isang talumpati. Dito nakalahad ang pinakamalakas na katibayan,
paniniwala, at katwiran upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati

Anyo ng Talumpati:
Impromptu/Biglaan- walang paghahandang isinagawa sapagkat biglang tatawagin ang
mananalumpati at pagsasalitain. Ngunit ang mga pagkakataong ito ay gaya lamang sa mga
simpleng okasyon gaya ng sa mga paaralan, kaarawan at iba pa.
Extemporaneous/Maluwag- Binibigyan ng kaunting panahon para maghanda ang mananalumpati
pagkatapos ibigay ang paksa o tanong.
Prepared/Handa- Mahabang panahon ang ibinibigay para maghanda ang mananalumpati;
isinasaulo na ang isang handang talumpati at pipiliin na lamang ang wasto at pinakamabuting
paraan ng pag- deliver.

Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Memorandum


Memorandum o Memo
Prof. Ma Rovilla Sudaprasert, English for the Workplace 3 (2014)- ang memorandum nagbibigay
kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain,
tungkulin, o utos.
- Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting. Sa pamamagitan nito ,naging
malinaw sa mga dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila.
- Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining.
- Dapat tandaan na ang memo ay hindi isang liham.
- maaaring maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang mahalagang balita o pangyayari at
pagbabago sa mga polisiya.

Dr. Darwin Bargo, Writing in The Discipline (2014)- ang mga kilala at malalaking kompanya at mga
institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang mga memo tulad
ng sumusunod:
Puti- ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon
Rosas- ginagamit naman para sa request o order na naggagaling sa purchasing department
Dilaw o Luntian- ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing at
accounting department nito.

Tatlong Uri ng Memorandum Ayon sa Layunin, Bargo (2014):


 Memorandum para sa kahilingan
 Memorandum para sa kabatiran
 Memorandum para sa pagtugon

Mahalagang Tandaan ng Isang Maayos at Malinaw na Memo at Dapat Magtalay ng


Sumusunod na mga Impormasyon. Sudaprasert, English for the Workplace 3 (2014):
1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon o organisasyon gayundin
ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging ang bilang numero ng telepono.
2. Ang bahaging ‘Para sa/Para kay/Kina ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o kaya
naman ay grupong pinag-uukulan ng memo. Sa pormal na memo mahalagang isulat ang buong
pangalan ng pinag- uukulan nito. Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang sa ibang
departamento, makatulong kung ilagay rin ang pangalan ng departamento. Hindi na rin
kailangang lagyan ng G.,Gng., Bb. ,at iba pa maliban na lamang na napakapormal ng memong
ginawa.
3. Ang bahaging ‘Mula kay’ ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo. Isulat
ang buong pangalan ng nagpadala kung pormal ang ginawang memo. Gayundin, mahalagang
ilagay ang pangalan ng departamento kung ang memo ay galing sa ibang seksyon at tanggapan.
4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng numero. Sa halip, isulat ang buong pangalan ng
buwan o ang dinaglat na salita nito.
5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran upang agad
maunawaan ang nais ipabatid nito.
6. Kadalasan ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang detalyadong memo
kailangan ito ay magtaglay ng sumusunod:
 Sitwasyon- dito makikita ang panimula o layunin ng memo
 Problema- nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin. Hindi lahat ng memo ay
nagtataglay nito
 Solusyon- nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan
 Paggalang/Pasasalamat- wakasan ang memo sa pamamagitan ng pagpapasalamat o
pagpapakita ng paggalang.
7. Ang huling bahagi ay ang ‘Lagda’ ng nagpadala. Kadalasang inilalagay ito sa ibabaw ng kanyang
pangalan sa bahaging Mula kay …

Pagsulat ng Adyenda/Agenda
Layunin:
 Natutukoy ang kahalagahan ng talaan ng pag-uusapan sa isang maayos na pagpupulong
 Nabibigyang-halaga ang etika sa pagsulat ng agenda
 Nakasusulat ng agenda ayon sa mga dapat isaalang-alang na pamamaraan

Ano ang Agenda?


Sudaprasert (2014)- nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
- Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga susi ng matagumpay na
pulong.
- Kung kayat ay napahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi
bago isagawa ang pulong.
Ilang Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Adyenda ng Pulong:
1. Ito ay nagsasaad ng sumusunod na mga impormasyon:
 mga paksa na tatalakayin
 mga tao na tatalakav o magpaliwanag ng mga paksa
 oras na itinakda para sa bawat paksa
2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas sa pulong tulad ng pagkakasunod-sunod na mga paksa na
tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito
3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang
tatalakayin ay kasama sa talaan.
4. Ito ay nagbibigay rin na pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang
tatalakayin o pagdedesisyunan.
5. Ito ay nakakatulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa
pulong.

Ano ang mga Hakbang sa Pagsusulat ng Adyenda?


1. Magpadala ng memo na nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o
layunin sa ganitong araw, oras at lugar.
2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo.
3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay
napadala na o nalikom na.
4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang araw bago ang pulong.
Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong at kung kailang at saan ito gaganapin.
5. Sundin ang nasabing agenda sa pagsasagawa ng pulong

Apat na Elemento ng Isang Organisadong Pagpupulong:


1. Pagpaplano (Planning)
Magkaroon ng malinaw na layunin kung bakit dapat may pagpupulong.
 Pagpaplano para sa organisasyon (Planning)
 Pagbibigay impormasyon (may mga dapat ipaalam sa mga kasapi)
 Konsultasyon (may dapat isangguni na hindi kayang sagutin ng ilang miyembro lamang)
 Paglutas ng problema (may suliranin na dapat magkaisa ang lahat)
 Pagtatasa (evaluation, sa mga nakaraang gawain o proyekto)
2. Paghahanda (Arranging)
Sa imbitasyon kailangan sabihan ang mga taong dapat na sumalo sa pulong ng mga sumusunod:
 kailan (petsa at oras)
 saan (lugar ng pulong)
 ano ang agenda na tatalakayin (mga bagay na pag-uusapan) pagbasa at pagsang-ayon sa
katitikan ng nakaraang pulong pagtalakay ng ibang paksa na may kinalaman sa nakaraang
pulong (pending matters)
 Pinakamahalagang pag-uusapan (business of the day), ibang paksa (other matters)
 pagtatapos ng pulong (adjournment)
 Ang paghahanda ay nakadepende rin sa mga partikular na tungkulin ng mga tao sa pulong.
Chairman/President (presiding officer)- kailangang alam nya ang agenda, kung paano patatakbuhin
ang pulong, at alam kung paano hahawakan ang mga mahihirap at kontrobersyal na mga isyu.
Secretary (kalihim)- Kailangan niyang ihanda ang katitikan noong nakaraang pulong at iba pang ulat
at kasulatan ng organisayon.
Mga kasapi sa pulong (members)- Kailangang pag-aralan nila ang mga agenda o mga bagay na pag
uusapan para aktibo ang kanilang pakikilahok.
Sa Paghahanda sa Pagpupulong:
 ihanda ang lugar (mesa, upuan, pagkaing kung kailangan,
 palikuran, kasiguruhan, seguridad atbp.)
 mga gagamitin (pisara, whiteboard, chalk, pentel pen atbp)
 pag-aralan ang paksa na tatalakayin, kung kinakailangan magtalaga ng taong mas higit na
nakakaalam sa usapin
3. Pagproseso (Processing)
- Ang pulong ay dapat mayroong mga "rules, procedures o standing orders" kung paano ito
patatakbuhin.
- Ang ilang mahalagang patakaran (rules) ng pulong at ang tungkol sa mga dumalo (attendance) at
pagsasagawa ng desisyon.
Quorum- bilang ng mga kasapi ng kasama sa pulong na dapat dumalo para maging opisyal ang
pulong. Madalas ito ay 50% + 1 ng bilang ng mga inaasahang dadalo sa pulong.
Consensus- kinukuha ang nagkakaisang desisyon ng lahat ng mga kasapi sa pulong
Simpleng mayorya- kinakailangan ang 50%+ 1 (simple majority) ng pagsang-ayon o hindi pagsang-
ayon ng mga nakadalo sa isang opisyal na pulong
2/3 Majority- kinakailangan ang 2/3 o 66% ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga dumalo
sa isang opisyal na pulong.
Pagsisimula at Pagtatapos ng Pulong- Simulan ang pagpupulong sa itinakdang panahon o oras
- Sikaping matapos ang pagpupulong sa itinakdang oras, alalahanin na ang ibang kasapi ay may iba
pang nakatatakdang gagawin.
4. Pagtatala (Recording)
- Ang tala ng pulong ay tinatawag na "katitikan (minutes)", ito ay mahalaga dahil ito ang opisyal na
rekord ng mga desisyon at pinagusapan sa pulong.
- Hindi lamang kalihim ang dapat magtala, ang mga kasapi dapat ay nagtatala rin upang hindi nila
makalimutan ang pinag-usapan.
Mga may mahalagang papel sa pulong:
 Pinuno (chairperson)
 Sekretarya (secretary/kalihim)
 Mga kasapi sa pulong (members of the meeting)

Pinuno- tinatawag na "facilitator" taga-patnubay o meeting leader naniniguro na maayos ang


takbo ng pag-uusap at pagde desisyon parang pulis-trapiko na nagpapaandar o nagpapahinto ng
usapan sa pulong Recomme Partikular na Gawain ng Chairperson:
Sekretarya- tinatawag ding recorder, minutes-taker, o tagatala responsibilidad nya ang
sistematikong pagtatala ng mga napag uusapan at desisyon sa pulong tungkulin nya na ipaalala
kung ano ang dapat pag-uusapan upang hindi mawala sa direksyon ang grupo at maging tuloy-tuloy
ang pag-uusap.
Mga kasapi sa pulong- sila ang mga aktibong miyembro o kalahok sa pulong responsibilidad nila na
ipaalala sa chairperson at secretary ang kanilang mga gawain sila ang nagbabahagi, nagpapaliwanag,
nagtatanong, makatuwirang pamumuna, at gumagawa ng desisyon.
Mga Dapat Iwasan sa Pulong:
 Malabong layunin sa pulong. Dapat malinaw ang layunin sa pulong, ang may iba't-ibang paksa
ang pinag-uusapan at walang direksyon ang pulong ay nakakawalang gana sa mga kasapi.
 Bara-bara na pulong. Walang sistema ang pulong, ang lahat ay gustong magsalita kaya
nagkakagulo kaya dapat ang "house rules".

Sino ang mga Kasamang Nakakagulo sa Pulong?


1. Mr. Huli (Parating Huli)- nahihinto ang takbo ng pag-uusap dahil kailangang ipaliwanag at ulitin
sa nahuling dumating kung anong nangyari o napag usapan.
2. Mr. Umali (Maagang Umaalis)- umaalis kaagad kahit hindi pa tapos ang pulong.
3. Mr. Sira (Sirang Plaka)- pauli-ulit ang sinasabi dahil maaaring hindi nakikinig o talagang may
kakulitan lang o gumagawa ng sariling "papel" o gustong palaging "bida".
4. Mrs. Duda (Parating Nagdududa)- Anumang tinatalakay sa pulong ay pinagdududahan o
pinagsususpetsahan.
5. Mr. Iling (Laging Umiiling-iling)- Parang laging hindi tanggap ang sinasabi ng mga kasama sa
grupo, na sa tuwing may sasabihin ang kasamahan ay pailing iling na wala namang sinasabi.
6. Ms. Gana (Walang Gana)- Bagamat pisikal na nasa pulong, ang kanyang isip ay nasa ibang lugar.
7. Mr. Whisper (Bulungero)- Nakakainis at nakakailang dahil kahit nagsasalita ang mga kasama sa
grupo ay bulong siya ng bulong (pangiti-ngiti pa kung minsan) sa kanyang katabi.
8. Mr. Apeng Daldal (Daldalero)- Halos sa buong pulong, siya at siya na lamang ang nagsasalita.
Kadalasan din siya ang may pinakamalakas na boses, at madalas ay "out of topic"
9. Miss Tsismosa- Nagdadala ng kung anu-anong balita, tsismis at intriga na walang katuturan sa
pulong.
10. Mr. Henyo (Masyadong Marunong)- Ayaw magpatalo kahit kanino. Ayaw din niyang makinig sa
mungkahi ng iba dahil akala niya ay siya ang palaging tama.
11. Mr. Pal (Paalis-alis)- Habang nagpupulong, paalis-alis pero pagbalik ay maraming tanong.
12. Mr. Tang (Tagasunod)- Taga-tango at nakikisanay sa lahat ng nangyayari sa pulong at walang
sariling opinyon, kundi sama-sama lang sa mas maraming kasama.

Pag-atake sa indibidwal- May mga kasama sa pulong na mahilig umatake o pumuna sa pagkatao ng
isang indibidwal. Nagiging personal ang talakayan, kaya't dahil dito nagkakasamaan ng loob ang
mga tao sa pulong.
Pag-iwas sa Problema- Posible sa isang pulong ay hindi ilabas ng mga kasama ang problema ng
organisasyon.
Kawalan ng pagtitiwala sa isa't isa- Walang ibubunga ang mga pulong na walang pagtitiwala at
pagbubukas sa isa’t isa.
Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
- Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitala ang mga napag-usapan o napagkasunduan .
- Ang opisyal na tala ng isang pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo,
organisado, sistematiko at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng
tinalakay sa pulong.
- Matapos itong maisulat at mapagtibay sa susunod na pagpupulong ,ito ay nagsisilbing opisyal at
legal na kasulatan ng samahan ,kompanya , o organisasyon na maaaring magamit bilang prima
facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para sa susunod na pagpaplano at pagkilos.

Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong:


1. Heading- naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon,o kagawaran. Makikita
ang petsa ,lokasyon , at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
2. Mga Kalahok o dumalo- nakalagay kung sino ang nanguna sa tagapagdaloy ng pulong gayundin
ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga
liban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito.
3. Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong- Dito makikita kung ang nakalipas na
katitikan ng pulong ay napagtibay o may pagbabagong isinagawa sa mga ito.
4. Action items/Usaping napagkasunduan- Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga
paksang tinalakay . Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong manguna sa pagtalakay ng isyu
at maging ang desisyong nabuo ukol dito.
5. Pabalita o patalastas- Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang
pabalita o patalastas mula sa mga dumalo ay tulad halimbawa ng mga suhestiyong agenda para sa
susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito .
6. Iskedyul ng susunod na pulong- Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang
susunod na pulong.
7. Pagtatapos- Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
8. Lagda- Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong
at kung kailan ito isinumite.
Mga Dapat Gawin ng Taong Naatasang kumuha ng Katitikan ng Pulong
Bargo (2014)- dapat tandaan ng sinumang kumuha ng katitikan ng pulong na hindi niya trabahong
ipaliwanag o bigyang -interpretasyon ang mga napag-usapan sa pulong. Napakahalaga na siya ay
maging obhetibo at organisado sa pagsasagawa nito.

Sudaprasert, English for the Workplace 3 (2014): Ang Kumukuha ng Katitikan ng Pulong ay
Kinakailangang:
 Hangga’t maaari ay hindi participant sa nasabing pulong
 Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong
 May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong
 Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong
 Nakapokus o natuon lamang sa nakatalang adyenda ng pangkat
 Tiyaking ang katitikang ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong
heading
 Gumamit ng recorder kung kinakailangan
 Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos
 Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan
 Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan ng pulong pagkatapos ng pulong

Tatlong Uri/ Estilo ng Pagsulat ng Katitikan ng Pulong:


1. Ulat ng katitikan- ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala. Maging ang
pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakay sa paksa kasama ang pangalan ng mga taong
sumang-ayon sa mosyong isinagawa.
2. Salaysay ng katitikan- isinalaysay lamang ang mahahalagang ng detalye ng pulong.
3. Resolusyon ng katitikan- Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung
napagkasunduan ng samahan. Kadalasan mababasa ang mga katagang “ Napagkasunduan na …
Napagtibay na..

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong


Dawn Rosenberg McKay, “The Everything Practice Interview Book at The Everything Get-a-job
Book”- sa pagkuha ng katitikan ng pulong mahalagang maunawaan ang mga bagay na dapat gawin
bago ang pulong, habang isinagawa ang pulong at pagkatapos ng pulong .
Bago ang Pulong- Tiyaking handa ang lahat ng mga kagamitan bago magsimula ang pagpupulong
tulad notbuk, papel, bolpen , laptop ,recorder.
- Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o balangkas ng katitikan ng pulong.
Habang Isinagawa ang Pulong- Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang
lagdaan ito ng bawat isa.
- Kilalanin ang bawat isa upang madaling matukoy kung sino ang magsasalita sa pulong.
- Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
- Itala ang mahalagang ideya o puntos.
- Itala ang mga mosyon o suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito, gayundin ang
mga sumang-ayon ,at ang naging resulta ng botohan.
- Itala at bigyang-pansin ang mga mosyon na pagbobotohan at pagdedesisyunan pa sa susunod na
pulong.
- Itala kung anong oras natapos ang pulong.
Pagkatapos ng Pulong
-Gawin kaagad ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos habang sariwa pa sa isip ang
lahat ng mga tinalakay.
- Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng kometi , uri ng
pulong (buwanan , lingguhan), at maging ang layunin nito.
- Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos .
- Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy ng
pulong. Lagyan ng “Isinumite ni” kasunod ng iyong pangalan.
- Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan pasa sa huling
pagwawasto nito,
- Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito.

You might also like