You are on page 1of 1

Tekstong Argumentatibo

- Layunin nitong manghikayat at mangumbinsi ng mga mambabasa sa pamamagitan ng


pagbibigay ng mga tamang impormasyon at datos
- Naglalahad din dito ng mga argumento, katwiran at ebidensyang nagpapatibay sa kanyang
posisyon o punto

Halimbawa ng Tekstong Argumentatibo:

Paggamit ng mga hayop sa pananaliksik ng makabagong gamot


Ang paggamit ng hayop upang subukan ang mga bagong gamot ay lubos na nakatulong sa
modernisasyon ng gamot. Mangilan-ngilan na låmang ang nagkakaroon ng polio ngayon dahil sa bakunang
sinubukan sa mga hayop. Ang pagsulong ng antibiotics, insulin, at iba pang gamot ay naisakatuparan sa tulong ng
mga pananaliksik gamit ang mga hayop. Sa kabila ng maraming kabutihang naidulot ng paggamit ng hayop sa
mga ganitong klaseng pananaliksik, marami pa ring naniniwalang hindi tama ang paggamit sa mga ito.
Kung iisipin natin, hindi hamak na matipid ang paggamit sa mga hayop sa mga eksperimento upang
makatuklas ng mga tamang gamot sa sakit. Maraming laboratoryo ang gumagamit ng daga upang sa kanila
subukan ang mga tinutuklas na gamot. Hindi rin ganoon kamahal ang magparami ng daga upang magamit sa
kanilang pananaliksik. Ngunit marami ang pumipigil sa ganitong gawain dahil hindi raw ito makatarungan para sa
mga hayop. Silå raw ay mga nilalang na may bühay na dapat igalang, isa raw itong pagmamalupit sa mga hayop.
Subalit hindi ba hamak na mas malupit kung ang gagamitin sa pananaliksik ay mga batå? At hindi ba't isang
kalupitan din kung hahayaan nating mamatay na låmang ang maraming tao dahil hindi nalunasan ang kanilang
sakit?
Sinasabi ring mayroon na tayong sapat na mga gamot na maaaring gamitin para mabigyang-lunas ang
maysakit, subalit taon-taon ay naglalabasan ang iba't ibang uri ng mga nakamamatay na sakit.
Kailangang ipagpatuloy ang pagtuklas ng mga gamot.
Hindi malubos maisip ng mga doktor kung ilang tao ang magbubuwis ng buhay upang malåman kung
epektibo ba ang isang gamot. Tunay nga namang nakadudurog ng kung mamamatay ang maraming tao.

Halimbawa ng Tekstong Persuweysib:

Paggamit ng mga hayop sa pananaliksik ng makabagong gamot


Ang paggamit ng hayop upang subukan ang mga bagong gamot ay lubos na nakatulong sa
modernisasyon ng gamot. Mangilan-ngilan na lamang ang nagkakaroon ng polio ngayon dahil sa bakunang
sinubukan sa mga hayop. Ang pagsulong ng antibiotics, insulin, at iba pang pang gamot ay naisakatuparan sa
tulong ng mga pananaliksik gamit ang mga hayop. Nararapat låmang na ipagpatuloy ang paggamit nito dahil
walang dudang malaki ang naitütulong nila sa pagsulong ng industriya ng gamot.
Kung iisipin natin, hindi hamak na matipid ang paggamit sa mga hayop sa mga eksperimento upang
makatuklas ng mga tamang gamot sa mga sakit. Maraming laboratoryo ang gumagamit ng daga upang sa kanila
subukan ang mga tinutuklas na gamot. Hindi rin gaanong kamahal ang magparami ng daga upang magamit sa
kanilang pananaliksik. Tunay nga namang naisasalba ng mga hayop na ito ang buhay ng maraming tao.
May 99 na porsiyento ng mga doktor ra ang sumasang-ayon sa pagsubok ng mga gamot sa mga hayop
imbes na sa tao. Hindi nila lubos maisip kung ilang tao ang magbubuwis ng bühay upang malåman kung epektibo
ba ang isang gamot.
Hindi natin matatawaran ang napakalaking tulong ng mga hayop sa pananaliksik ng mga modernong
gamot na tutulong sa pagsagip sa mga tao. Ang tungkulin natin ay pangalagaan ang mga ito at siguruhing sulit
ang kanilang sakripisyo para sa ikabubuti ng sangkatauhan.

You might also like