You are on page 1of 3

Alternatibong medisina sa perspektibong Tomasino

By Tomas U. Santos -November 17, 200803986

Kaya ng katawan ng tao na pagalingin ang sarili. Ito ang nangingibabaw na konsepto sa lahat ng uri ng
alternatibong medisina, isang lumalaganap na pamamaraan ng panggagamot sa panahong patuloy ang
pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa botika at sinasaklaw na pagpili ng mga natural na pamamaraan ng
panggagamot na naiiba sa conventional o western medicine.

Ayon kay Dr. Maria Minerva Calimag ng Department of Pharmacology ng Faculty of Medicine and
Surgery, kung nakatuon ang western medicine sa mga bagay-bagay na panlabas na pinagmumulan ng
mga sintomas ng sakit, nakapokus naman ang alternatibong medisina sa pagbabalanse ng enerhiya –
pisikal, mental, sosyal, at ispiritwal na kalusugan ng loob ng katawan.

Naisabatas noong 1997 ang Republic Act 8423 o ang “Traditional and Alternative Medicine Act” ni
Senador Juan Flavier, na bumuo sa Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care
(PITAHC), ang pangunahing government-owned and controlled corporation na tumutugon sa mga
pangkalusugang pangangailangan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng alternative o
traditional health care na mga produkto, serbisyo, at teknolohiya na napatunayang ligtas, epektibo, at
abot-kaya. Kabilang dito ang herbal medicine, biomedicine, traditional chinese medicine, ayurveda, at
iridology.

Herbal medicine

Inalabas ng PITAHC noong 2000 ang 10 halamang gamot na iniindorso ng Kagawaran ng Kalusugan,
kasama ang: yerba buena (mint) para sa pananakit ng iba’t-ibang bahagi ng katawan; tsaang gubat para
sa pananakit ng tiyan; niyug-niyogan para sa bulateng askaris; bawang para sa pagpapababa ng
kolesterol; acapulco para sa fungi; bayabas para sa paglilinis ng sugat o impeksyon; lagundi para sa hika o
ubo; sambong para sa manas; at pagtunaw ng bato at ulasimang bato (pansit-pansitan) para sa
pagpapababa ng uric acid sa dugo. Iniinom ang nilagang dahon ng karamihan sa mga halamang
nabanggit samantalang itinatapal sa apektadong bahagi ng katawan ang dinikdik na dahon ng iba.
Bilang tugon sa panawagan ng pamahalaan na paunlarin ang mga gawang Pilipino, masusing pinag-
aralan ng Department of Pharmacology ng Unibersidad ang ilang halamang gamot gaya ng lagundi,
pansit-pansitan at sambong. Kanilang napatunayan na mayaman sa natural na pharmacological agents
ang plant kingdom.

READ

Artlets prop, bagong junior writing associate

Ayon kay Dr. Calimag, kailangan pa ring maging maingat sa pag-inom ng mga natural na gamot. Maaring
maging lason ang halaman kapag sumobra o di tama ang paggamit.

Traditional Chinese Medicine (TCM)

Ang TCM ay base sa mga pamamaraang medikal ng mga Tsino may 2500 taon na ang nakararaan.
Binubuo ito ng acupuncture, oriental medicine, tai chi, at qiqong. Pangunahing layunin ng TCM na
makontrol ang daloy ng enerhiya ng buhay na tinatawag na qi. Sa di nakikitang jing luo o meridian
dumadaloy ang qi. Mayroong 12 pangunahing meridians, anim na yin, at anim na yang na tumutukoy sa
baga, bato, gall bladder, tiyan, spleen, puso, bituka, urinary bladder, sin jiao (three heater) at
pericardium.

Sa acupuncture, itinutusok ang mga pinong-pinong karayom sa mga acupuncture points upang
makatulong balansehin ang qi. Napatunayang epektibo ang pamamaraang ito para maibsan ang matagal
nang hindi gumagaling na pananakit o chronic pains.

Isa namang modernong pagsasagawa ng acupuncture ang Automatic Reflective Diagnostic Kinetics
(ARDK).

Ayon kay Dr. Delia Maceda-Patawaran ng Biomedicine Prevention and Healing Center, isang internet-
based software ration machine ang ARDK na gumagamit ng sensors upang malaman ang mga organ na
may mahinang enerhiya na kahit bata ay maaaring sumailalim.

Biomedicine
Ayon kay Dr. Patawaran, ang biological medicine (biomedicine) ang unang sangay ng alternatibong
medisina na nakilala sa Europa. Kilala ito bilang nutritional at environmental medicine sa ibang bansa. Sa
pagsasailalim sa biomedicine, naiiwasan ang pagkakaroon ng sakit na dulot ng paglanghap ng toxins
mula sa kapaligiran at nutritional deficiency.

Katulad sa acupuncture, naniniwala ang biomedicine na mayroong meridian o energy channel sa


katawan ng tao na maaring masukat upang malaman kung may abnormalidad. Sinusukat ang energy
level ng pasyente gamit ang isang energy-based machine at sinusuri ang mga bahaging may mataas o
mababang enerhiya. Iwawasto ang mga imbalance na ito sa pamamagitan ng pag-inom ng mga
detoxifying natural products at immune boosters. Nakatutulong ang mga nasabing natural food
supplements na sinang-ayunan ng Bureau of Food and Drugs.

You might also like