You are on page 1of 6

PERSEPSYON NG MGA PILING MAGULANG NG MGA MAG-AARAL SA

UNIBERSIDAD NG PERPETUAL HELP SYSTEM DALTA PATUNGKOL SA

BENEPISYO AT PAGKAKAIBA NG NATURAL AT NAPROSESONG PAGKAIN

Abarro, Ariza

Amponin, Rhea Christina V.

Apiado, Glydel E.

Bansing, Grishan Lake D.

Laput, Andrew Miguel M.

Pahoyo, Julienne

11 HE-A1

Las Piñas City


KABANATA I

INTRODUKSYON

Ang natural na pagkain ay hindi pa niluluto o hindi pa dumadaan sa proseso. Ang mga

naprosesong pagkain ay nagsisimula sa paghanap ng sariwang produkto na angkop sa panahon.

Ang ilang naprosesong pagkain ay mayroong mataas na lebel ng asukal, nakaprosesong mantika

at iba pang pampalasa na maaaring maka-apekto sa ating kalusugan, ang intensyon ng mga

naprosesong pagkain ay maganda ngunit ang iba naman nito ay nagbibigay ng hindi magandang

epekto para sa kalusugan ng mga mamimili.

Ang mga natural at naprosesong pagkain ay masustansya base sa iniisip nila dahil hindi

lahat ng prosesong pagkain ay masama sa kanilang kalusugan.Kapag kumakain ng natural na

pagkain ay nagkakaron ng bitamina at nutrisyon ang ating katawan. Ang mga natural na pagkain

ay madaming binibigay na magandang benepisyo sa ating katawan katulad na lamang ng lakas,

magandang kutis at balat, pagbaba ng timbang at mababang tsansa na magkaroon ng sakit sa

puso. Ang mga naprosesong pagkain naman ay mayroong benepisyo na pwedeng makapatay ng

mga uri ng mikrobyo at ang mga naprosesong pagkain ay madaling maluto o makain sa mga

panahon ng sakuna.

Kamakailan lamang inirerekomenda ng World Health Organization (2017) na putulin nila

ang asukal sa paggamit ng 10% kabuuang kaloriya sa 5% ng kaloriya. Na katumbas ng halos 6

na kutsarang asukal o 25 gramo bawat araw. Ang gatas o prutas ay naka-packete na may

maraming mga nutrisyon kaya ang mga kaloriya ay nakatuon sa pagbawas ng idinagdag na

asukal. Ang mga mamimili ay dapat na piliin ang kanilang mga sangkap ng pagkain.
Paglahad ng Suliranin:

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na matugunan ang ilan sa mga problema na may

kaugnayan sa pagtuklas sa benepisyo at pagkakaiba ng natural at naprosesong pagkain.

Ang mga problema na kailangang bigyang pansin ay ang mga sumusunod:

1) Ano ang persepsyon ng mga magulang sa pagkakaiba ng natural at naprosesong

pagkain?

2) Paano pumipili ang mga magulang sa natural at naprosesong pagkain at ano ang

kanilang naging batayan?

3) Bakit kailangan ng mga magulang na pumili ng mas makakabuting pagkain para sa

kanilang minamahal?

Kahalagahan ng Pag-aaral:

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang magkaroon ng kaalaman sa pagkakaiba ng natural

at naprosesong pagkain at para maunawaan ang mga bagay na dapat gawin at hindi dapat. At

kung ang natural at naprosesong pagkain ay isa nga ba sa mga masusustansyang pagkain o hindi.

Ang makikinabang ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

Mga piling magulang- Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang mga magulang ay

kikilalanin kung bakit ang mga nagbebenta ay naglalagay ng tatak sa kanilang produkto.
Mga mananaliksik sa hinaharap- Ang resulta sa pag-aaral na ito ay makakatulong

bilang sanggunian at batayan para sa ibang mananaliksik.

UPHSD Las Piñas City- Ang unibersidad ay ipagbibigay-alam at sila ay

makapagrerekomenda ng epektibong solusyon base sa mga suliranin tungkol sa natural at

naprosesong pagkain.

Iskop at Delimitasyon:

Ang mga mananaliksik ay nais pag-aralan ang resulta ng pagsusuri na patungkol sa pag-

aaral ng pagkakaiba ng natural at naprosesong pagkain nang hindi gumagamit ng mga salita na

sumasang-ayon at hindi sumasang-ayon.

Ang pagsusuring ito ay naka-pokus sa pag-pili ng mga magulang sa pagkain at kalidad

nito. Ang pagsusuring ito ay susi din sa pag-alam kung ano ang mga kahalagahan ng natural at

naprosesong pagkain para sa kalusugan.

Ang pagsusuri o pag-aaral na ito ay hindi magpo-pokus sa mga sangkap o kung paano ito

ginawa.

THEORITIKAL

Ayon sa Teorya ng Nutrisyon (2016), ang pagkain ay ang esensya at ang unang

kondisyon ng buhay. Hindi nakakagulat na ang lahat ng mga unibersal na natural na konsepto ng

agham ay kasama ang teorya ng nutrisyon bilang kanilang mahalagang bahagi. Ang bawat
nabubuhay na organismo sa mga proseso nito ay patuloy na gumugugol ng ilang mga sangkap na

binubuo. Karamihan sa mga sangkap na ito ay "sinusunog" sa katawan at ito ay nagreresulta sa

paglalabas ng enerhiya.

Ang mga natural na pagkain ay hindi pa luto at ang mga pagkaing naka-handa ay pwede

nang kainin. Kailangan ng ating katawan ng mga masusustansyang pagkain dahil ang ibang

pagkain ay pwedeng makasama sa ating katawan kahit ang mga ito ay masarap. Kadalasan sa

atin ay gusto na lamang kumain ng mga pagkaing madali na lang kainin at hindi na nila

kailangang lutuin pa. Ang pagkain ng mga natural na pagkain ay mas nakakapag-bigay ng

sustansya at nutrisyon para sa kanila. Mas maiging malaman ng mga tao ang benepisyo at

pinagkaiba ng mga naproseso at natural na pagkain dahil kailangang alam natin ang mga

makakabuti para sa ating kalusugan at kung ano ang mga prosesong pinagdaanan nito.

PANGYARIANG KONSEPTUAL
INPUT PROCESS OUTPUT

Pagpili ng
Pagkakaiba Ng Masustansyang
Pakikipanayam sa
Natural At Pagkain
mga Respondente
Naprosesong Pagkain

Sa unang kahon ay naglalaman ng input kung saan kasama ang paksa na parehong natural

at naprosesong pagkain ay nakakabuti para sa kalusugan. Sa ikalawang kahon naman ay


naglalaman ng mga impormasyon na makukuha sa interview questionnaire na nang gagaling sa

mga respondente. Sa pangatlong kahon naman ay madadagdagan ang kaalaman ng mga tao sa

pagbili ng mga mabuti sa kalagayan ng kalusugan.

KAHULUGAN NG MGA SALITA

Prosesong Pagkain.

Ayon kay Sydney Fry (2015), ang mga naprosesong pagkain ay isang pagkain na
dumaan sa ibat-ibang proseso para ma-preserba.

Natural na Pagkain.

Ayon kay Dr. Ryan Andrews (2020), ang hilaw na pagkain ay ang pagkain na hindi na
niluluto at umaabot lamang sa 115 hanggang 118 na temperature. Ito ay isa sa nagpapanatili ng
sustansya sa pagkain at napananatili nito ang natural na itsura ng pagkain.

You might also like