You are on page 1of 10

Kabanata I

Ang Suliranin at Ang Sanligan ng Paga–aral

Panimula

Tunay nga namang likas na sa mga Pilipino ang pagiging mahilig kumain, takot raw kasi
magutom kaya naman maya’t maya kumakain na parang walang kabusugan. At dahil sa ugaling
ito minsan ay hindi na nila naiisip kung ano ba ang tamang kainin, kung masustansya ba ito o
nakakasama na sa kalusugan, ang mahalaga ay masarap ito at sila’y nabubusog.

Isa na dito ang patok na patok sa panlasa ng kabataang estudyante na kung tawagin ay
fast food. Ayon sa National Institutes of health ang fast food ay ang mabilis at murang alternatibo
sa mga lutong bahay. Kahit na anong mga pagkain na may maikling oras sa paggawa ay
matatawag na fast food, ngunit ang kadalasan na tinutukoy nito ay ang mga pagkain na ibinibenta
sa restaurant o pamilihan na may mga sangkap na pinaiinitan o niluto na sa umpisa at inihain sa
mamimili nang naka balot. Ang ganitong uri ng mga pagkain ay kadalasang hindi nakakabuti sa
kalusugan kung ikukumpara sa pagkain o putahe na lutong bahay.

Sa fast food restaurant, ang mga pagkain ay mataas sa fats, sodium, MSG (monosodium
glutamate) at asukal, ngunit mababa sa sustansya ng prutas, gulay at fiber. Ngunit ito ay
nabebenta pa din dahil ito ay patok sa panlasa ng masa at mura kompara sa iba. Bukod pa rito,
maganda rin and pagkakagawa ng patalastas nito sa telebisyon at ito ay pino –promote ng mga
sikat na artista na nakaka –pukaw ng atensyon ng mga kabataan. Ngunit sa katagalan ng pagkain
ng mga tulad nito, kaunti pa lamang ang nakaka alam na napakalaki at napakaseryoso ng
kasiraang nadudulot nito sa katawan ng tao.

Ang ilang epekto ng pagkain sa fast food restaurant ay calories, insulin at type 2
diabetes, fats at cardiac events, depression at addiction, asthma, cancer at sakit sa atay. Ang fast
food rin ay dahilan ng napaka laking epidemya ngayon sa diet –related na mga sakit. Ito ay
madalas nagiging pang habang buhay na problema ng mga kabataan.

Layunin ng mga mananaliksik na malaman kung ano ano ang kaalaman at kamalayan ng
bawat kabataang estudyante patungkol sa masamang epekto, dulot ng madalas na pagkain sa fast
food restaurant. Isa na din dito ay ang tarukin ang mga kadahilanan sa madalas nilang pagkain sa
fast food restaurant kaysa lutong bahay.
Ang pagsasagawa ng pananaliksik na ito ay malaki ang maiaambag sa komunidad dahil
mabibigyan ang mga kabataang estudyante ng sapat na kaalaman patungkol sa masamang epekto
ng madalas na pagkain sa fast food restaurant ng sa gayon ay mas alagan pa nila ang kanilang
kalusugan

Paglalahad ng Suliranin

Ang paga aral na ito ay may paksang “Kamalayan ng mga Estudyante ng OLFU; Grade–11
STEM Patungkol sa Masamang Dulot sa Kalusugan ng Madalas na Pagkain sa Fast Food
Restaurant” ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin

1. Ano at saan nagsimula ang fast food restaurant?

2. Bakit madami ang tumatangkilik sa fast food restaurant?

3. Ano–ano ang nalalaman ng mga estudyante sa masamang epekto sa kalusugan ng


pagkain sa fast food restaurant?

4. Ano–ano ang mga pangunahing dahilan kung bakit madalas ang pagkain ng mga
estudyante sa fast food restaurant?

Layunin ng Pag-aaral

Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na isinagawa ng mga mananaliksik ay


“Mabigyang linaw ang mga mag-aaral ng Our Lady of Fatima University; Ika 11 na baitang
STEM na ang madalas na pagkain sa fast food restaurant ay nakasasama sa kanilang kalusugan.”

Ang ilan pang mga layunin ng pananaliksik ay ang mga sumusunod.

1. Upang malaman kung gaano kalawak ang kamalayan ng mga estudyante ng Our Lady of
Fatima University sa mga pagkain sa fast food restaurant.

2. Masuri ang sangkap at kemikal na ginagamit o nilalagay sa mga pagkain sa fast food
restaurant na nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan.
3. Gaano kadaming estudyante ang kumakain sa fast food restaurant mula sa Our Lady of
Fatima at kung gaano sila kadalas kumain dito.

Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay tiyak na mahalaga dahil ito ay magdudulot ng kaliwanagan at


karagdagang impormasyon na makatutulong sa mga kabataang estudyante ng OLFU at ng iba
pang mga tagapag basa ukol sa mga nakakasamang epekto ng pagkain ng fast food sa kanilang
kalusugan. Mahalaga ang magkaroon ng impormasyon patungkol sa kanilang kalusugan dahil ito
ay lubos na makakaapekto sa kanilang pamumuhay.

May kalakihan din ang maiaambag ng pagaaral na ito, hindi lamang sa mga mag-aaral,
kung hindi’y pati na rin sa mga magulang. Ang pananaliksik na ito ay makakapagdulot na
kaalaman at kamalayan sa mga pagkaing kinokonsumo ng kanilang mga anak.

Maaari ding malaman ng mambabasa ang mga disadbentahe, na saklaw sa pagaaral na


ito, na lubos na makatutulong upang malaman ang tunay na epekto ng mga fast food at maging
basehan ng pagbuo ng opinyon ng mambabasa ukol dito.

Ang pananaliksik na ito ay pwede ring gawing basehan, hindi lamang ng mga
kasalukuyang mambabasa, pati na rin ng mga susunod pang henerasyon ng mga mananaliksik na
naghahanap ng karagdagang kaalaman ukol sa fast food at ang mga epekto nito sa mga
estudyante at iba pang mga konsumer.

Sa pamamagitan ng pag-aaral na pinamagatang “Kamalayan ng mga Estudyante ng


OLFU; Grade–11 STEM Patungkol sa Masamang Dulot sa Kalusugan ng Madalas na
Pagkain sa Fast Food Restaurant”ay malalaman ng mga mananaliksik ang mga kasalukuyang
kaalaman ng mga estudyante at ang mga disadbentahe ng pagkonsumo ng fast food sa pangaraw-
araw na pagkain
Paradigma

INPUT PROSESO AWTPUT


Ano at saan Pagsasagawa ng Inaasahan na ang
nagsimula ang Serbey kalalabasan ng pag
fast food aaral ay ang
restaurant? makapagbigay ng
Pagsangguni sa sapat na kaalaman
Bakit madami ang mga Media sa mga estudyante
tumatangkilik sa at mga
fast food mambabasa ukol
restaurant? sa masamang
Paggamit ng
epekto sa
Internet
Ano–ano ang kalusugan ng
nalalaman ng mga madalas na
estudyante sa pagkain sa fast
masamang epekto food restaurant,
sa kalusugan ng ng sa gayon ay
pagkain sa fast mas maalagaan at
food restaurant? pahalagahan nila
ang kanilang
Ano–ano ang kalusugan.
mga pangunahing
dahilan kung bakit
madalas ang
pagkain ng mga
estudyante sa fast
food restaurant?
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Sinasaklaw ng pananaliksik na ito ang ilang mga indibidwal na napili upang sumagot ng
serbey kwestyuner na inihanda ng mga mananaliksik ukol sa kamalayan ng mga estudyanteng sa
masamang dulot sa kalusugan ng madalas na pagkain sa fast food restaurant.

Ang mga mananaliksik ay pumili ng tatlumpu (30) na responde na nakatakdang sumagot


sa serbey. Ang mga responde ay nagmula sa Our Lady of Fatima University Antipolo Campus,
ika–11 na baitang STEM

Depinisyon ng Terminong Ginamit

(check mo uli to may mga nabago eh)

Ang mga sumusunod ay ang mga terminolohiyang ginamit dito sa pag-aaral

Fast food - ang kinakainan ng mga tao na nakatayo malapit sa kalsada o malapit sa paaralan

Fast food restaurant

Putahe - ito ang tawag sa mga iba’t ibang klase ng pagkain

Type 2 Diabetes - isang uri ng sakit na nakapagpapataas ng sugar level sa katawan

Depression - nadarama ng isang tao kapag siya ay nasaktan, bumagsak sa eskwela o malungkot

Asthma - isang uri ng sakit sa baga kung saan ang mayroong sakit na ito ay hirap makahinga
kapag siya ay napapagod

Overweight - labis na pagkataas ng timbang ng isang tao

Bacteria - makukuha ito sa mga kontaminadong pagkain o sirang pagkain

Identity - kabuohan ng pagkatao

Cancer - isang malubhang sakit na may posibilad na ikamatay ng taong may sakit na ganito
Virus - nakakahawang sakit

Abnormalities - mga hindi normal na ikinikilos o inuugali

Mood - tumutukoy ito sa kung ano ang nararamdaman ng isang tao


Calories - ito ang nakukuha sa mga pagkain na kapag may mataas ka na calories ay hindi
nakabubuti sa iyong kalusugan

Insulin - ito ay uri rin ng diabetes na kung saan tumataas ang iyong sugar level

Fats - ito ay nakukuha sa mga baboy at ipa bang mga pagkain na mayroong taba

Fiber - ito ay maaaring mong makuha sa paginom o pagkain ng pinya


Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura

Lokal na Literatura

Kasabay na sa pagbabagong teknolohikal, nagbabago na rin ang pamumuhay nating mga


Pilipino. Dahil dito, tumaas ang pangangailangan ng mga ito sa mga pagkaing naihahanda nang
mabilisan, kaya nagsimula ang isang makabagong kainan na kung tawagin ay fast food. Base pa
lamang sa Pangalan nito, ang mga fast food restaurant ay nag-aalok ng mga pagkaing ihahain sa
iyong harapan sa loob lamang ng ilang minuto. Ilan sa mga sikat na fast food restaurant sa
Pilipinas ay ang Jollibee, McDonalds, Mang Inasal, Pizza Hut at marami pang iba. Hindi rin biro
ang pagpapanatili sa mga ganitong kainan. Nagsagawa ang isang mananaliksik ng pananaliksik
kung paano nga ba sila sumikat sa ating mga Pilipino at kung paano sila naging bahagi na rin ng
identity ng modernong Pilipino.

Nagsimula ang Jollibee bilang ice cream parlor noong 1975. Unti-unti itong lumaki at
nagkaron ng karagdagang sangay hanggang sa kumita ito ng isang bilyong piso at malista sa
Philippine Stock Exchange ilang taon ang makalipas. Pagkatapos ng 32 taon, umabot sa 600 ang
sangay nito sa ating bansa at 50 sa iba pang bahagi ng mundo. Naging paborito ito ng mga
karamihan ng mga Pilipino dahil pinanatili nito ang tatak-Pilipinong mga pagkain kasabay ng
mga pagkaing bago sa ating panlasa.

Ang pagkain ay isa sa mga salik na nagtatakda ng kultura ng isang bansa. Malaki ang
epekto nito sa kung paano namumuhay ang mga mamamayan doon. Pero dahil nga sa ang mga
Pilipino ay mahilig ng kumain sa mga fast food restaurant hindi na nila naiisip ang mga
posibleng mangyari sa kanilang kalusugan.

(intro muna bago reference, like example may ilang mananalik chu chu tungkol sa
kalusugan blable then lagay mo na yung mga references. Kulang kasi yung paragraph mo
pag reference agad)
Mayroong mga mananaliksik na pinag aralan at binigyang linaw ang ilang mga
katanungan at mga paksang patungkol sa mga pagkain, mayroong patungkol sa mga negatibo at
positibong epekto ng pagkain natin ng fast foods at mayroon ding patungkol sa kung saan
nagsimula ang mga pagkaing ating nakikita ang natitikman sa mga fast food chains. Isa pa rito ay
kung bakit ang iba sa atin ay tinatangkilik ang iba’t ibang mga fast foods. Ang mga mananaliksik
at mga pag aaral na ito ay ang mga sumusunod:

Ayon kay Alison Jacknowitz, isa isang awtor ng artikulong “Local Food Prices: Effects
on Child Eating Patterns, Food Insecurity and Overweight” (2012). Na nagsasabing ang mga
pagkain sa fast foods ay hindi dapat palaging kinakain o aaraw arawin, dahil marami pa din mga
lingid na epekto ang fastfood sa kalusugan ng mga tao. Kagaya na lamang ng French Fries sa
McDonalds, maraming teoryang ang nagsasabi na maaaring makahuha ng sakit na cancer mula
dito.

Sa blog ng Kalusugan PH (2008), ang pagkain ng fast food ay nakasasama sa resistensya


ng katawan ng tao. Ang resistensya ng katawan ay reponsable sa pagtatag ng depensa ng
katawan laban sa iba’t ibang organism na maaaring magdulot ng sakit.

Ayon sa Daily Fitness Center, ang fast food ay patok sa panlasa ng masa kaya naman ay
tinangkilik ito ng mga tao. Ngunit sa katagalang pagkain ng mga tulad nito, kaunti pa lang ang
nakakaalam na napakalaki at napakaseryoso ng kasiraang naidudulot nito sa katawan ng tao.

(intro ulit tungkol naman sa mental health kasi mga abnormalities eh, may mali ka ding
grammar check mo kasi di ko maintindihan)

Marami sa atin ang madalas ang pagkain sa mga fast food, marami din sa atin ang
inaaraw araw ang pagkain ng mga ito. Ngunit, hindi natin naiisip ang mga maaaring maging
epekto ng mga pagkaing ito sa ating kalusugan, positibo mn o negatibo. Marami ang mga
nanaliksik at pinag aralan ang paksang ito. Ang mga mananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:

(ilagay mo yung reference sa dulo ng paragraph tapos ilagay mo nalang sa () example (Dr
chcuchu) ganyan)

Ang labis na pagkain ay isang pangunahing sanhi ng asal abnormalities. Nang walang
tamang nutrients, ang katawan ay hindi maaaring gumawa ng mga naaangkop na mga kemikal at
hormones na kinakailangan para sa malinaw ng pag-iisip at mood, na kung saan ay maaaring
humantong sa hindi makatwiran ay kahit na mapanganib na pag-uugali. (Dr. Drew Ramsey)
Ang sensory, physiological at sikolohikal na mga mekanismo ay sinusuri na maging
batayan ng emosyonal na impluwensya sa pagpili ng pagkain. Parehong isinasaalang-alang ang
mood at emosyon. Ang pagkain ay inaasahang nagkapagbabago ng mood at emosyonal na
predisposisyon ng isang tao, karaniwang nakapagpababa ng arousal at pagkamayamutin at mas
nakakalma at nagbibigay positibong epekto. Subalit, nakadepende ito sa dami at komposisyon ng
kinakain sa pagsasaalang-alang sa kinasanayan, ekspektasyon at pangangailangan ng kumakain.
Ang mga hindi pangkaraniwang pagkain; masyadong maliit ang dami, masama sa katawan ay
nakadudulot ng negatibong epekto sa mood ng isang tao. (Edward Leigh Gibson (2006))

Ang kahalagahan ng serbisyo ng pagkain ay hindi lamang upang magbigay ng basta


bastang pagkaing kakainin, ngunit, ang mabigay ng pinakamagandang pagkaing maaaring kainin
at maayos na inihanda sa ilalim ng katanggap-tanggap na istandard ng kalinisan at ang maihain
ito nang may murang halaga. (Restaurant and Cafeteria Management Service (Villanueva, 2010)

Marami pa rin sa ating mga Pilipino ang tumatangkilik sa mga fast food restaurant dahil
nga sa ito ay abot-kaya at mabili ang kanilang serbisyo. Ngunit hindi pa rin natin maiaalis ang
masamang epekto ng pagkain sa mga fast food chain restaurant.

Dayuhang Literatura

(sa ibang bansa nagsimula yung fastfood restaurant, dagdagan mo pa intro mo like kung
gaano ka sikat ito sa bansa nila at ilang percent ng tao ang kumakain nito)

Sa ibang bansa, may mga fast food chain restaurants din ang naipatayo tulad ng
McDonalds at iba pa. Kaya't tinangkilik din nila ito. Gaya ng mga mamamayan dito sa ating
bansa, sikat na sikat din ang mga pagkaing fast foods sa ibang bansa dahil narin sa mas madali
itong lutuin at mas mabilis ito kumpara sa mga lutong bahay. Ayon sa pagsusuri o survey na
ginawa sa ibang bansa, 44 porsyento ng mga amerikano ang lumalabas upang kumain ng fast
foods isang araw sa isang linggo.

Sa pagsapit pa lamang ng taong 1921 naitayo na ang pinakaunang fast food restaurant sa
mundo. Ito ang White Castle Restaurant na itinatag ni Billy Ingram sa Wishina, Kansa. Puro
hamaburgers lamang ang laman ng kanilang menu. Ang bawat patty ng hamburgers nila ay
naghahalaga lamang ng $0.10 o humigit–kumulang Php. 4.00 sa ating bansa. Itong presyo ay
nagpatuloy sa paglipas ng taon kung kaya’t madami ang tumatangkilik sa fast food chain dahil sa
paga–alok nito ng marang pagkain. Sa paglipas ng panahon, unti unti nang dumami ang mga fast
food restaurant, isa na dito ang McDonalds, Jollibee, Burger King, Taco Bell at iba pa
Ayon kay Taryn W. Morrisse, isa sa awtor ng artikulang “Local Food Prices: Effects on
Child Eating Patterns, Food Insecurity and Overweight” (2012), na ang pagkain sa fastfood ay
nakabibigay ng enerhiya para sa mga mag-aaral.. Pero ito ay may masamang epekto sa
pangangatawan ng mag-aaral, isang dahilan nito ay sa mga kemikal na ginagamit ng fast food
para mareserba nila ang pagkain.

Dagdag pa rito, ang mga malalaking organisasyon rin kagaya ng World Health
Organization (WHO) ay umamin na may koneksyon ang fast food marketing sa pagkakaroon ng
sakit ang mga kabataan, lalo na sa United States of America. Kung kaya ito ay nangangahulugan
na sa ngayon ay may malawakang panawagan na protektahan ang kalusugan ng ating mga
kabataan laban sa mga industriyang gaya ng McDonalds, Jollibee at iba pa.

Ayon sa aklat na Quality Food Production, Planning and Management (Knight and
Kotschevar, 2000), ang serbisyong pang pagkain ay isa sa pinakamalaking industriya sa buong
mundo. Ang nakukuha dito ay mahigit 16 Bilyon sa taong 1999 lamang dahil sa bawat PHP 117
na nakukuha sa pagkain, PHP 50 rito ay napupunta sa serbisyong pang pagkain. Bago pa ang
World War II, nagsimula na nagpalago ng industriyang ito at tumataas ng 5% sa bawat taon kaya
naman masasabi nating ito ang pinakamabilis na na paglaki sa lahat ng mga tingian sa buong
mundo.

Kahit saang lupalop ng mundo, talamak pa din ang mga taong kumakain sa fast food
chain restaurants. Hanggang ngayon ay wala pa ding malay ang mga tao sa kanilang mga
kinakain kung ito ba'y malinis at masustansya pa din.

You might also like