You are on page 1of 12

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 1

Kabanata I

Ang Suliranin at Kaligiran Pangkasaysayan

Panimula

Ang pagkain ang isa sa mga pangunahin pangangailangan ng isang

nilalang na nabubuhay dito sa mundo. Ito ang nagbibigay enerhiya at nutrisyon

sa isang tataghay upang magbigay ng lakas at sustansya sa katawan. Kaya

naman ang pagkain ang kailangan ng isang tao upang mapanatili ang malusog

na pangangatawan. Ang uri ng pagkaing ating kinakain ay may malaking

nagagawa sa ating kalusugan.

Iba’t iba ang panlasa ng bawat estudyante ng senior high school sa

Polytecnic University of the Philippines. Nakapokus ang pananaliksik na ito sa

kung ano ang tinatangkilik na pagkain ng mga kabataan at kung paano pumili

ang mga negosyante sa produktong kanilang ihahanda. Paano ang gagawing

hakbang ng mga negosyante upang makuha ang atensiyon ng mga mag-aaral.

Higit sa lahat, kung paano nakakalikha ang mga negosyante ng malilikhaing

ideya sa paggawa ng produkto upang makuha ang panlasa ng mga tao.

Ang pagkakaroon ng mga kakaibang pagkain o (unique food) ang isang

negosyo ay maaring maging susi ng paglago ng isang negosyo sapagkat ito ay

bago sa panlasa ng mga tao. Makakatulong din dito ang pagbebenta ng mga

produkto na hindi mabigat sa bulsa ng mga estudyante. Sa pananaliksik na ito,

malalaman ng mga mananaliksik kung paanong paraan pumipili ang mga

negosyante ng mga produktong ibebenta at kung anong paraan nila ito ibebenta

sa mga tao.

1
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 2

Kaligirang Kasaysayan

Agham ng pagkain ang tawag sa pag-aaral ng pagkain. Ang World Food

Day ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Oktubre 16. Ang mga pagkain ay

may kasaysayan o pinagmulan. Maaaring ilarawan ng pagkain ang kultura at

tradisyon ng isang lugar. Sinakop ng kastila ang Pilipinas ng mahigit tatlong

daang tao kaya naisama sa kulturang pilipino ang pagkain ng mga kastila.

Iba’t-ibang uri ng pagkain ang matatagpuan sa bawat rehiyon.

Ang bakas ng halos 400 taong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas

ay makikita at malalasahan sa napakaraming pang-araw-araw o pampiyestang

pagkaing Pilipino. Ang impluwensiya ng Intsik ay makikita sa

iba’t ibang pansit tulad ng bihon, canton, miki, sotanghon, lomi, mami, ay

miswa. Sa mga Amerikano nakuha ng mga Pilipino ang bistik. Sa Hapon ay

ang pagluto ng mga pagkaing galing sa dagat. Anumang lutuing pagkain ang

natutunan ng Pilipino sa ibang bansa ay kanilang naiakma sa kanilang

katutubong panlasa at sa bandang huli ang mga ito ay natatawag na pagkaing

Pilipino.

Ang mga pagkain na inihahain sa bawat lugar ay nakadepende sa kung

ano ang saganang prutas o gulay ang mayroon sila na magsisilbing sangkap

sa kanilang gagawing putahe. Kilala ang mga Pilipino bilang isang masiba

pagdating sa pagkain, kung kaya naman mahilig mag-imbento ang mga

Pinoy ng bagong pagkain. Katulad na lamang sa lungsod ng Baguio na kung

saan sagana ang presa o ang mas kilala sa ingles bilang strawberry, dahil

1
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 3

sagana ito sa strawberry, nakaisip ang mga taga roon ng iba’t ibang produkto

gamit ang prutas na ito tulad ng strawberry taho, strawberry jam, strawberry

ice cream, at marami pang iba.

Isa sa mga patok na pagkain ngayun sa mga kabataan ay ang

tsaang may bula-bula o mas kilala sa pangalang milktea. Pumapalo ang halaga

nito sa presyong ₱50 hanggang ₱120. Isa pa sa mga sikat na sikat na pagkain

ngayun ay ang mga street foods. Bukod sa masarap na ito ay mayroon itong

murang halaga na kayang kayang bilhin ng mga tao lalo na ng mga estudyante.

Ang FEWA ang ay isa sa mga pinakasikat na pagkain sa Politeknikong

Unibersidad ng Pilipinas. Nakilala ito dahil sa mabangong amoy at sa dami ng

keso na nilalagay dito. Ang Unli lugaw ay isa rin na sikat sa paaralang ito dahil

sa mura at nakakabusog ito.

Upang malaman ng mga mananaliksik ang perspektiba ng mga stall

vendor sa Pagpili ng Produktong Ihahain sa mga nasa ika-11 baitang

ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, mag sasagawaang mga

mananaliksik ng surbey at sa kabuuan ng isinasagawang pananaliksik,

inaasahan na malalaman kung anu-ano ang mga salik na isinasaalang-alang ng

mga tindera sa pagbebenta ng produkto na kanilang ihahain para sa mga

estudyante.

1
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 4

Balangkas Teoretikal

Ang kinahinatnan ng klasiko teorya ng balanseng nutrisyon ay ilang

mga lubhang malubhang mga pagkakamali. Ang isa sa mga ito ay ang ideya at

mga pagtatangka na lumikha ng pagkain na walang balasto. Ang diskarte sa

pagbabalanse at ang ideya ng pinong (walang tulak) na pagkain, na nagreresulta

mula dito, ay tila nagdulot ng labis na pinsala. Kaya, mababawasan ang ang

proporsyon ng mga prutas at gulay sa diyeta ng ginagamot cereal, pinong mga

produkto at iba pa. Nag-ambag sa pag-unlad ng maraming mga sakit, kabilang

ang cardiovascular system, gastrointestinal tract, atay at ng apdo lagay,

metabolic disorder, ng labis na katabaan at iba pa. Mayroong ilang mga maling

pagpapalagay na ginawa tungkol sa mga paraan ng pag-optimize ng nutrisyon.

Ang isa pang pagkakamali ay ang ideya ng paggamit ng elemental na nutrisyon

bilang isang ganap na kapalit na pagkain ng tradisyonal na pagkain. Gayundin,

ang hindi direktang intravascular nutrition ay hindi makakapagbigay ng buong

kumplikadong biological effect na nangyari sa natural na nutrisyon. Medyo isa

pang tanong ang paggamit ng mga monomer bilang additives pagkain at simple

diets pansamantalang para sa mga medikal na rekomendasyon ilalim ng

matinding kalagayan.

Sinasaad dito na ang pagkain ng tama ang pinakamahala sa ating buhay

dahil sa mga binibigay nitong nutrisyon na nakakatulong sa katawan ng isang

tao. Nagbibigay ang masustansyang pagkain ng enerhiya at kalakasan ng

katawan. Nakatutulong din ito laban sa mga sakit sapagkat pinapalakas nito ang

immune system ng isang organismo. Ang sobrang pagkain ng hindi

masustansya ay nagiging sanhi ng mga sakit na maaring magdulot ng kahinaan

1
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 5

at kamatayan sa isang tao.Ang gulay ay tinuturing ding alternatibong medisina

sapagkat maraming nutrisyon ang binibigay nito.

Balangkas Konseptwal

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay upang magkaroon

ng kaalaman sa perspektiba ng mga stall vendor sa pagpili ng produktong

ihahain sa mga nasa ika-11 baitang ng Poleteknikong Unibersidad ng

Pilipinas taong 2019-2020. Makikita sa Balangkas Konseptwal na ito ang

suliraning kinakaharap at mga prosesong ginamit upang matugunan at mabigyan

ng kasagutan ang nasabing suliranin.

Input
Perspektiba ng mga stall vendor sa pagpili ng produktong ihahain sa mga
nasa ika-11 baitang ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas taong 2019-2020.

Process
Sa pamamagitan ng pagpili ng mga stall vendor ng mga pagkaing makakabuti at

makakasama sa mga estudyante batay sa teoryang balanseng nutrisyon ni Alexey Portnov.

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng interbyu na may mga katanungan para sa

mga stall vendor at mga mag-aarl ng ABM na nasa baitang 11.

OUTPUT
Sa pag-aaral na ito ay malalaman kung ano ang mas tinatangkilik na produkto ng

mga mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na nasa ika-11 baitang at kung

paano ito nakakaapekto sa pagpili ng mga stall vendors kung ano ang produktong

kanilang ihahain.

1
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 6

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito na may pamagat na “Perspektiba ng mga stall vendor

sa Pagpili ng Produktong Ihahain sa mga nasa ika-11 baitang ng Politeknikong

Unibersidad ng Pilipinas taong 2019-2020”. Pag-aaralan ng mga mananaliksik

ang mga perspektiba ng mga nagtitinda at maaaring idulot nito sa mga mga

aaral sa Senior High School ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas tungkol sa

mga produktong ihahain sa kanila. Ang papanaliksik na ito ay may katangiang

nais mabigyan ng kasagutan:

1. Ano ang isinasaangalang-alang ng mga nagtitinda sa produktong

ihahain nila sa mga estudyante?

2. Paano magiging mabenta ang mga produktong ipagbibili ng mga

stall vendor?

3. Ano ang epekto nito sa mga mag-aaral ng Senior High School?

Haypotesis

1. Pagsasangalang-alang sa pangunahing pangangailangan ng mga

estudyante, produktong mas papatok sa mga estudyante at kaligtasan na

din nilang mga bibili.

2. Ang pagiging mura, masarap at makalidad ng produkto ang dahilan kung

bakit nagiging mabenta ang produktong ipinangbibili ng mga stall

vendors/negosyante

3. Ang produktong bibilhin ng mga mag-aaral ay may epekto sakanila. Kung

ito ay mabuti sa kalusugan, mapapabuti sila at masisiyahan sa kanilang

1
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 7

binili. Kung ito ay masarap lang at masama sa kalusugan maaaring hindi

ito tangkilikin ng ibang tao.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa mga mag-aaral, naging epektibo ang naging pag-aaral tungkol sa

“Perspektiba ng mga stall vendor sa Pagpili ng Produktong Ihahain sa mga nasa

ika-11 baitang ng Politeknikong Unibersidad ng Plipinas taong 2019-2020” Sa

mga consumer na estudyante. Naging bukas sa mga ihahain ng mga tindera ang

mg mag-aaral lalo pa at kung kaakit-akit ang presentasyon ng isang produkto,

bukod pa sa maayos na prsentasyon nito’y nararapat lamang na pasok din ito sa

panlasa ng madla, lalo na sa mga kabataan na tumatangkilik nito, nang sa

gayo’y hindi lamang maging takaw mata sa paningin ng mga estudyante kundi

maging patok din ito sa kanilang panlasa. Panlasang patok sa mga kabataan

ngayon na may tiyak na sustansiyang hatid sa kanilang katawan.

Naging pokus din ng pag-aaral na ito ang pagpapahalaga sa kalusugan ng

mga estudyanteng tatangkilik ng isang particular na produkto, lalo na at hindi

lahat ng nakakain ngayon ay maari nating sabihing ligtas sapagkat ito lamang ay

masarap. Dapat isaalang alang ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa pagpili ng

kanilang ilalamang tiyan sapagkat malaking bahagi nito ay makatutulong upang

makapagproseso ng maayos ang isipan at makapagbigay ng sapat na enerhiya

upang maging aktibo sa mga gawain sa paaralan.

Sa mga guro, ang isinagawang pananaliksik ay nakakapagdulot ng

kabawasan ng oras na nailalaan ng mga guro sa Politeknikong Unibersidad ng

1
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 8

Pilipinas upang makapili ng kanilang makakain. Bukod sa puno ang kanilang

mga eskedyul dahil sa kanilang mga klaseng pinapasukan ay minsan may mga

biglaan silang gawaing kinakailangang tugunan kung kaya nahihirapan silang

isingit ang oras ng kanilang pagkain.

Sa unibersidad, makakatulong ang pananaliksik na ito sapagkat kumikita

ang unibersidad sa bawat negosyante na nagtitinda sa Politeknikong

Unibersidad ng Pilipinas. Nangungupahan ang mga negosyante sa paaralan

upang maibenta nila ang kanilang mga produkto na kanilang ihahanda sa mga

estudyante. Nang dahil sa paglakas ng kita ng mga stalls, nagkaroon ang mga

ito ng sapat na ipambabayad sa renta na kanilang inukupahang pwesto sa loob

ng Lagoon sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka upang malaman kung ano ang

isinasangalang-alang ng mga negosyante sa kanilang produktong ipinagbibili sa

mga estudyante sa baiting labing isa ng Senior High School ng pamantasang

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Ang mga impormasyong nakalap ay

naglalayong tulungan ang mga estudyanteng malaman ang idudulot ng kanilang

bibilhing pagkain. Panghuli, naglalayon ito na matulungan ang mga negosyante

kung paano mas magiging mabenta ang produktong nais ipagbili.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik ay nakatuon lamang sa perspektiba ng mga stall vendors

sa pagpili ng ihahain nilang produkto sa mga estudyante ng Politeknikong

1
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 9

Unibersidad ng Pilipinas. Layunin ng pananaliksik na alamin ang mga

produktong papatok sa panlasa at badyet ng mga mag-aaral na bumibili sa

Lagoon.

Kinabibilangan ito ng mga mag-aaral sa ika-11 isang baitang na bumibili at

kumakain sa loob ng lagoon, habang isinasangalang-alang ang mga salik tulad

ng kasarian ng mga respondante, paraan ng pagpili ng respondante at

populasyon sa naturang paaralan.

Katuturan ng mga Salita

Sa pag-aaral na ito ay may mga salitang may pagkakaiba ang pagbibigay

ng kahulugan ayon sa pananaliksik tulad ng mga sumusunod:

Agham ng ito ay ang pag-aaral ng pagkain

pagkain

Businessman ito ang tawag sa mga taong nagnenegosyo. Meron

silang sariling abilidad na marunong mapagkumbaba

at matalino sa kahit aspeto ng buhay.

Demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o paglilingkod

na gusto at kayang bilhin ng isang konsyumer sa

isang takdang presyo.

Ekonomiya ay ang mga aktibidad ng produksyon at pagkonsumo

na nagpapasiya kung gaano kakulang ang

mga mapagkukunan sa isang lugar.

1
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 10

Empleyado Ay ang tao o mga tao na nagtratrabaho para sa

mga nagmamay-ari ng kahit anong

restowran, kompanya at iba pa.

Enerhiya Ito ang pinagmumulan ng lakas ng isang nilalang.

FEWA Ito ay isang uri ng tinapay na nangangahulugang

“Footlong Egg Wrap Around”

Industriya Ay sektor ng ekonomiya na nagproproseso ng mga

hilaw na materyales upang makagawa ng bagong

produkto.

Kontaminasyon Ang kontaminasyon, paglalin, pagdumi ay ang

paglaho ng mapaminsalang sangkap na kagaya

ng dumi, lason, o mikrobyo.

Negosyo ay isang uri ng pinagmulan ng kita.

Negosyante Isang tao na nagtratrabaho sa negosyo o commerce,

lalo na sa isang executive na antas.

Nutrisyon ay tumutukoy sa proseso ng asimilisasyon o pagsipsip

ng sustansiya o pagkain ng katawan ng isang

organismo na nagdudulot ng paglaki at pananatiling

buhay nito, na may kaayusan, pagsulong, at malusog.

Pagkain Ito ay anumang masustansiya na karaniwang kinakain

o iniinom ng mga may buhay na organismo.

1
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 11

Perspektiba Ito ang pangkaisipang pagtanaw sa

relatibong kahalagahan ng mga bagay

Presa Ito ay isang uri ng prutas na matatagpuan lamang sa

mga lugar na may malamig na klima. Mas kilala ito

bilang strawberry

Respondente ito ay ang mga taong sumasagot sa mga binibigay ng

tanong ng mananaliksik

Tataghay isang bagay na may buhay. Mas kilala ito sa tawag

na organism

Tradisyon ay mga impormasyon, doktrina o kaugalian na

nagpasalin-salin mula sa mga magulang tungo sa

mga anak o naging kinagawiang paraan ng pag-isip

pagkilos.

Tsaang may Ito ay isang inumin na patok na patok ngayun

bula-bula sa mga kabataan. Kilala ito sa tawag na Milktea

Unique food Mga naiibang pagkain na bago sa panlasa ng mga tao

World Food Pinagdiriwang ito taon taon tuwing Oktubre 16

Day

1
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 12

Perspektiba ng mga stall vendor sa Pagpili ng Produktong

Ihahain sa mga nasa ika-11 baitang ng

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas taong 2019-2020

ABM 11-4

Taran, Christoper S.

Timog, Lorenz Ian S.

Calanoc, Kent C.

Estorninos, Nina Rose P.

Gajo, Riscyl C.

Gayol, Charlotte Anne

Nepomuceno, Jehan R.

Tarun, Shaine L.

Venus, Claudette V.

You might also like