You are on page 1of 42

Epekto ng Kakulangan ng Pasilidad sa

Pag-aaral ng mga Mag-aaral ng APEC


Schools-España

Ipinasa Nina

Antoinne Matthew G. Albao


Julliana M. Estanislao
Chantel Mae A. Garcia
Marlan V. Larracochea
Jan Edrize Padrique

Ipinasa kay

G. Michael John F. Gamba


Mayo 2019
Talaan ng Nilalaman

I. Ang Suliranin at Kaligiran Nito

A. Panimula

B. Paglalahad ng Suliranin

C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

D. Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral

E. Depinisyon ng mga Terminolohiya

II. Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

III. Metodolohiya at Pamamaraan

A. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

B. Instrumento ng Pananaliksik

C. Tritment ng mga Datos

IV. Resulta at Diskusyon

V. Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

VI. Mga Sanggunian

VII. Appendix

Kabanata 1
Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula
Napakahalaga ng edukasyon sa panahon natin ngayon, dahil ito ang naghahatid ng
mga kapakina-pakinabang na kaalaman sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Ito rin ang
siyang instrumento upang mabigyang katuparan ang mga pangarap na magdadala sa bawat
isa tungo sa maunlad na pamumuhay sa hinaharap.

Ang K-12 kurikulum ay nagdudulot ng malaking problema hindi lamang sa


pamahalaan ngunit maging sa mga mamamayan nito, lalong-lalo na ang mga mag-aaral at
guro dahil sa kakulangan ng mga pasilidad at kagamitan na kinakailangan ng mga mag-aaral
tulad ng mga bagong silid-aralan, kompyuter, mga aklat para sa kanilang aralin at maging ang
bilang ng mga gurong magtuturo rito. (Ang isang paaralan ay nangangailangan ng
kompletong pasilidad at kagamitan upang makapag-aral ng maayos ang mga estudyante tulad
ng kompletong libro para sa silid aklatan, kompletong kagamitan sa loob ng silid aralan tulad
ng mga upuan at lamesa na kailangan ng mga mag-aaral. Kailangan din ng bawat paaralan
ang maayos na palikuran at kompletong kagamitan para dito, ay mapabuti ang kanilang pag-
aaral at mas ganahan pa silang makapag-aral dahil sa kompletong kagamitan.)

Isinagawa ang pananaliksik na may kinalaman sa “Epekto ng kakulangan sa


pasilidad at kagamitan ng APEC Schools-Espanya” upang maipaunawa sa mga
mambabasa kung ano ang magiging epekto ng kakulangan ng kagamitan at pasilidad sa
pag-aaral ng isang mag-aaral. Ang layunin nito ay para bigyan ng karampatang
impormasyon ang mga administratibo ng paaralan kung paano solusyunan ang ganitong
klaseng sitwasyon. Nakatutulong ito upang mas lalo pang maging oraganisado, maging
maayos at bigyang linaw ang bawat isa sa APEC Schools-Espanya upang mas mapabuti
pa ang kanilang pag aaral patungkol sa kanilang tagumpay.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtuklas ng epekto ng kakulangan ng pasilidad
sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng APEC Schools-Espanya sa taong paaralang 2018-2019.
Layunin ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang mga pasilidad ang kadalasang nagkukulang sa APEC Schools-
Espanya?
2. Ano ang mga dahilan sa pagkakaroon ng kakulangan sa pasilidad sa APEC
Schools-Espanya?
3. Ano ang epekto ng kakulangan sa pasilidad sa mag-aaral ng SHS?
4. Ano ang mga paraan na makapagbibigay ng solusyon sa kakulangan ng
pasilidad sa APEC Schools-Espanya?

Layunin ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay may pangunahing layunin na malaman ang Epekto ng
kakulangan na pasilidad at kagamitan ng APEC Schools-Espanya.

Ang mga sumusunod ay may espesipikong layunin:


a. Alamin at tukuyin kung ano ang mga pasilidad ang kadalasang nagkukulang sa APEC
Schools-Espanya.
b. Alamin ang dahilan sa pagkakaroon ng kakulangan sa pasilidad sa APEC Schools-
Espanya.
c. Tukuyin kung ano ang epekto ng kakulangan sa pasilidad sa mag-aaral ng SHS.
d. Alamin at tukuyin kung ano ang mga paraan na makapagbibigay ng solusyon sa
eskwelahan upang masusulusyunan ang kakulangan ng pasilidad sa APEC Schools-
Espanya.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtuklas ng epekto sa pag-aaral at kakulangan sa
pasilidad ng mga mag-aaral sa APEC Schools-Espanya.

Para sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang malaman ng mga
mag-aaral ang kahalagahan sa pag-aaral nang may maayos at kumpletong pasilidad sa isang
paaralan.
Para sa mga Guro. Ang pag-aaral na ito ay maaaring magsilbing patnubay sa
pagpapabuti sa paraan ng kanilang pagtuturo sa kabila ng mga kulang na pasilidad. Maaari
din itong maging batayan kung bakit nahihirapan ang mga mag- aaral na makasabay sa
kanilang mga leksyon.

Para sa mga Magulang. Ang pag- aaral na ito ay para din sa mga magulang ng mag-
aaral ng APEC Schools-Espanya upang magabayan at lubos na ipaunawa ng bawat
magulang sa kanilang mga anak ang kahalagahan ng edukasyon upang lalo pang magsumikap
ang mga mag-aaral sa kabila ng kakulangan ng pasilidad sa kanilang paaralan.

Sa administrasyon ng paaralan. Ang pag-aaral na ito ay maaaring magsilbing


sanggunian ng isang paaralan upang lalo pang pagandahin at ayusin ng administratibo sa
paglutas ng kakulangan ng mga pasilidad sa kanilang paaralan.

Para sa mga Mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang maging


basehan at makuhaan ng iba’t ibang ideya patungkol sa kakulangan ng pasilidad sa mga
paaralan.

Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral


Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa epekto ng kakulangan ng pasilidad sa
pag-aaral ng mga pag-aaral ng APEC Schools-Espanya. Ito ay binubuo ng isandaang (100)
mag-aaral mula sa APEC Schools-Espanya na nakapagtala sa taong 2019 at siyang sisilbing
tagatugon sa pananaliksik na ito. Ililikom ang mga datos sa pamamagitan ng pamumudmod
ng mga talatanungan tungkol sa epekto ng kakulangan sa pasilidad ng mga mag-aaral sa
APEC Schools-Espanya na personal na ginawa nang mga manananaliksik.
Saklaw din ng pananaliksik na ito ang mga personal na kaalaman, damdamin,
saloobin at pahayag ng mga mag-aaral pati na rin ang kani-kanilang reaksyon ukol sa
problemang ito na makakatulong upang mas maintindihan at malaman ng ibang mag-aaral na
hindi nakakaranas ng kakulangan ng kagamitan at pasilidad ang mga pinagdadaanan at
saloobing ng mga mag-aaral na nag-aaral sa pampublikong paaralan.
Depinisyon ng mga Terminolohiya

Pasilidad- ay isang salitang hiram mula sa wikang Kastila na tumutukoy sa mga


bagay, kagamitan, istruktura, o lugar na may partikular na gamit o layon.
Pananaliksik- ay ang proseso ng pag-hanap ng mga totoong impormasyon na
humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang
nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng
pagpapatunay o ng hindi-pagpapatotoo ng mga pamamaraan o sistema, at sa pagsubok sa
mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin obserbasyon. Isang prosesong
mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan.
Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o ipotesis. Sa ganitong paraan,
dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi
nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan.
Kagamitan- ay mga bagay na ginagamit upang makatulong sa pagpapadali ng mga
gawain.
Sarbey- paraan ng pangongolekta ng mga inpormasyon sa iba’t-ibang tao.
Mag-aaral- ang mag-aaral o estudyante ay siyang taong nag-aaral at maaaring bihasa
sa talino.
Gabay- isang patnubay.m
Literatura- ay isang solong katawan ng nakasulat ng mga gawa.
Kalinisan- pagiging malinis sa isang lugar o katawan.
Administrasyon- o- pangangasiwa- ay pagkuha ng impormasyon hingil sa isang
pangyayari, tao, hayop at iba pa.
Kabanata 2

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Sa kabanatang ito ay isinaalang-alang ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral.


Inilalahad din ng mga local at banyagang mananaliksik ang mga kaugnay na literatura at pag-
aaral na higit na makatutulong sa ginawang pagsusuri ng kakulangan sa pasilidad at kalinisan.

Banyagang Literatura

Ayon kay Neuman (2003), “the relatively simple matters, such as maintaining a
consistent sign system or a standard exterior light fixture, are important components to the
appearance and sense of order of the campus.” Ang responsibilidad na ito ay noong
pinangasiwaan ng ating mga lungsod, ngunit tila nawala na ngayon sa postmodern na
panahon ng globalisasyon at pag-unlad ng exurban, Isa ring dahilan nito ay ang kakulangan
ng badyet. Tinalakay din dito na dapat angkop ang disenyo ng bawat gusali ng isang paaralan
para mas epektibong maturuan ang mga mag-aaral at makapagturo ang mga guro, subalit ang
pagkakaroon ng kakulangan sa mga pasilidad at kagamitan ng isang paaralan ay maaari itong
maka sagabal sa kanilang pag-aaral.
Ayon kay Lackney at Picus (2019), “an effective school facility is responsive to the
changing programs of educational delivery, and at a minimum should provide a physical
environment that is comfortable, safe, secure, accessible, well illuminated, well ventilated,
and aesthetically pleasing.”

Ayon kay Fritz (2002), Ikinalulugod ng mga mag-aaral ang transpormasyon ng mga
silid-aralan at iba pang pasilidad na binago ng modernisasyon mula sa isang kartong paaralan
noong 1600s hanggang sa isang kompleks na estruktura ng isang paaralan ngayong mga aral.
Mas magiging komportable ang mga mag-aaral kung mayroong bago sa kanilang paligid
kagaya na lamangng pagpapatayo ng mga bagong silid-aklatan para sa mga mag-aaral ng
Senior High School

Lokal na Literatura

Inilithala ni Santiago (2010) ng National Center for Disease Prevention and Control,
“There is a lack of awareness and appreciation for sanitation and hygiene resulting in the lack
of demand for sanitation services and facilities.” Dahil sa mababang pagpapahalaga ng
komunidad sa kalinisan at kaayusan ng mga pasilidad sa paaralan nagreresulta ng dahilan ng
madaling pagkalat ng mga sakit.

Ayon sa Department of Education (DepEd) Undersecretary Umali (2010), isa sa mga


dahilan kung bakit hindi na napapanatili ang mga pasilidad ng isang paaralan ay ang
pagapapalit ng kurikulum sa K-12, kung saan hindi pa handa ang maraming pampublikong
paaralan at madalas hindi na sinusunod ang mga regulasyon ng DepEd.

Ayon kay Dela Cruz (2017), malaking epekto sa mga estudyante ang kakulangan ng
pasilidad at kagamitan sa SHS, gaya na lamang ng kakulangan sa pasilidad, silid-aralan,
libro, kompyuter, gayundin ang kakulangan sa mga guro. Ilan lamang ito sa mga problema ng
mga pampublikong paaralan. Dahil sa kakulangan ng badyet para sa sektor ng edukasyon.
Hindi parin natutugunan ng gobyerno ang mga kakulangan ng pangangailangan sa
edukasyon.
Banyagang Pag-aaral

From elementary schools to college campuses, an unclean, untidy environment can be


detrimental to students’ learning experience. A lack of cleanliness in educational facilities
affects students in the following areas:

Health:
Schools are a breeding ground for germs and illness.

Attendance:
When students are constantly getting sick, that means more time out of school.

Concentration:
Lack of cleanliness can also be a major distraction to students.

Performance
These factors all contribute to a student’s academic performance.

According to “How School Cleanliness Affects Student Performance” (2017)

Ayon kay Earthman (2002), ang pangkalahatang epekto ng gusali ng paaralan sa mga
mag-aaral ay maaaring maging positibo o negatibo, depende sa kalagayan ng gusali.

May mga kaso kung saan ang mga mag-aaral ay pumapasok sa gusaling masyado ng
matanda o hindi na pumapasa sa safety standards ng pamahalaan. Paulit-ulit na nakita ng mga
mananaliksik ang pagkakaiba sa pagitan ng 5-17 porsyento na pagkakaiba sa pagitan ng mga
nakamit ng mga mag-aaral sa mga mahihirap na gusali at mga estudyante sa maayos na
gusali, kapag ang kalagayang socioeconomic ng mga estudyante ay kinokontrol.

Ayon kay Doane (2008), mayroong mga pasilidad na nasisira dahil sa natural na sanhi
tulad ng anay, pero mayroon ding mga gusali na nangangailangan ng pangangalaga upang
manatili ang kaayusan, ang ilang pasilidad na hindi gaanong napapanatili ang kaayusan ay
dahil sa kakulangan ng budyet. Dahil kailangang paglaanan ng budyet ang mga ibang
proyekto ng isang paaralan. Dahil sa kakulangan ng budyet sa pagpapanatili ng mga pasilidad
ng paaralan, ito ay maaring magresulta sa maraming aksidente. Ang ganitong klaseng
kapabayaan ay maaring magresulta sa maraming aksidente sa loob ng paaralan Kung saan
ang mga biktima ay mga mag-aaral at mga guro.

Ayon kay McGowen (2019), nakakaapekto ang pisikal na pasilidad sa pangkalahatang


pagganap ng mga mag-aaral at mga guro mula baitang 9 - 12. Gamit ang Total Learning
Environment Assessment (TLEA), isa-isang inembestigahan ang mga epekto ng pasilidad sa
mga guro at mag-aaral. Una ang tagumpay, pagdalo at pagkumpleto ng mga mag-aaral,
pangalawa ang disiplina ng mga mag-aaral at pangatlo ang paglilipat ng tungkulin ng mga
guro. Ang tanging marerekomenda ng mananaliksik ay para sa mga tagapangasiwa at taga-
disenyo ay dapat kumuha ng mga kadahilanan tulad ng panloob na kapaligiran at espasyo sa
pag-aaral ng pag-aaral kapag nagpaplano ng mga paaralan upang positibong makaapekto sa
disiplina ng estudyante.

Ayon kay Umil (2017), ang Members of the Alliance of Concerned Teachers (ACT)
ay pinili ang DepEd para magbigay ng karagdagang budyet para masulusyonan na ang
kakulangan ng pasilidad at kagamitan ng mga pampublikong paaralan. Kahit nadagdagan ng
labimpitong porsiyento (17%) ang budyet ng bawat pampublikong paaralan, hindi parin
nasusulosyunan ang kakulangan ng mga pasilidad at kagamitan ng marami sa mga
pampublikong paaralan.

Lokal na Pag-aaral
Ayon kay Figueroa (2016), “A decentralized approach is beneficial for the management
of school facilities in the Philippines where education resources are limited.” Dahil sa mga
limitasyon ng ating bansa, maraming mga paaralan na Hindi masyadong napagtutuunan ng
pansin ay nagreresulta sa mababang grado ng kanilang mga estudyante.

Ayon kay Peque (2015), Hindi nagagawan ng paraan ng gobyerno ang matagal na
problema sa kakulangan ng mga kagamitan at pasilidad sa maraming public schools. Ang
kakulangan ng pasilidad at kagamitan ng isang paaralan ay pinalala lamang ng K-12 program,
at ayon sa 1987 Philippine Constitution Article XIV, Section 1: “The State shall protect and
promote the right of all citizens to quality education at all levels.” Pero hindi na nasusunod ng
gobyerno ang batas na ito.
Ayon sa “LACK OF CLASSROOMS” (2017), masyadong marami na mga pilipinong
mag-aaral at sobrang konti ng mga silid-aralan para magamit ng mga mag-aaral. Ang
problemang Ito at nagmula sa over-crowding ng isang paaralan hanggang hindi na nito
kayang maturuan ng maayos Ang mga mag-aaral. Wala rin ginagawa Ang gobyerno para
masolusyunan problemang ito, hindi rin pinapansin ng gobyerno ang paghingi ng tulong
pinansyal ng mga mahihirap na paaralan. Dahil dito unti-unting bababa ang kalidad ng
edukasyon sa Pilipinas.

Ayon kay Pastrana (2014), 21 million ang mga kabatan ang nageenroll taon-taon
kungsaan marami ang nag-aaral sa mga paaralan na maraming kulang na pasilidad at
kagamitan. Ang problemang ito ay nagmula sa pagbabawas ng budyet na nakalaan sa sistema
ng edukasyon ng pamahalaan.
Kabanata 3
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

Ang kabanatang ito ay naglalayon na maipaliwanag at mailahad ang disenyo ng pag-


aaral, instrumentong gagamitin at pamamaraan sa pangangalap ng datos at maging ang bilang
ng mga respondente na nakilahok sa pag-aaral na ito upang mabigyang katuparan ang layunin
ng pagaaral.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay patungkol sa epekto ng kakulangan ng
pasilidad. Ito ay nakaaapekto sa kanilang pag-aaral, sa kanilang kalusugan at sa pakikipag-
ugnayan nila sa ibang tao. Ang pag-aaral na ito ay susuriin ang kasalukuyang kaalaman,
damdamin, kaisipan at pananaw ng mga estudyante sa maaaring maging dahilan at epekto ng
may kakulangan na pasilidad. Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng deskriptib sarbey upang
makakalap ng datos mula sa mga respondente na magagamit at makatutulong sa aming
pananaliksik.

Ang mga napiling tumugon sa pananaliksik na ito ay magmumula sa Junior High


School at Senior High School ng APEC Schools - España. Ang mga respondente ay limitado
sa isangdaan (100) na mag-aaral na maaaring sumagot sa bawat talatanungan na ibabahagi ng
mga mananaliksik.

Instrumento sa Pananaliksik
Ang mga instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay mga Chromebook, tablet at
cellphone. Ito ay ipa-sasagot sa
(100) mag-aaral ng APEC Schools España Branch.

Tritment ng Datos
Ang mga katanungan na ginamit ay hingil sa Dahilan at Epekto ng kakulangan ng
pasilidad sa Pag-aaral ng mga mag-aaral sa APEC Schools España. Ilan sa mga ito ang mga
sumusunod:

1. Ano ang mga pasilidad ang kadalasang nagkukulang sa APEC Schools-Espanya?

2. Ano ang mga dahilan sa pagkakaroon ng kakulangan sa pasilidad sa APEC Schools-


Espanya?

3. Ano ang epekto ng kakulangan sa pasilidad sa mag-aaral ng SHS?

4. Ano ang mga paraan na makapagbibigay ng solusyon sa kakulangan ng pasilidad sa


APEC Schools-Espanya?

Sa pamanahong papel na ito, ginamit ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapos


i-graph ang mga kasagutan ng mga respondante sa kwestyuner. Ang impormasyon at tugon
na nakalap sa pagsasagawa ng sarbey ay hindi kumakatawan sa pananaw ng buong paaralan.
Ang mga tugon na ito ay kakalkulahin sa pamamagitan ng pormula sa ibaba:
f
P= x 100
N
na kung saan:

P ay nangangahulugang bahagdan
F ay nangangahulugang prekwensi o bilang ng mga tumugon
N ay nangangahulugang kabuuang bilang ng mga respondente
Kabanata 3
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN
Ang kabanatang ito ay naglalayon na maipaliwanag at mailahad ang disenyo ng pag-
aaral, instrumentong gagamitin at pamamaraan sa pangangalap ng datos at maging ang bilang
ng mga respondente na nakilahok sa pag-aaral na ito upang mabigyang katuparan ang layunin
ng pag-aaral.

Instrumento sa pananaliksik
Ang instrumentong gagamitin sa pananaliksik na ito ay kwestyuner o talatanungan na
sariling gawa ng mga mananaliksik. Ipinamahagi ito sa 100 na mag-aaral ng APEC Schools-
Espanya. Ang talatanungan ay binubuo ng walo na katanungan at ipapasagot sa mga
respondente. Sasagutin ng mga kasali ang bawat tanong sa pamamagitan ng pag lalagay ng
tsek sa kanilang kasagutan.

Hakbang sa Paglikom ng mga datos


Ang pamamaraan at hakbang ng pangangalap o paglikom ay nagsisimula sa pag gawa
ng mga talatanungan at sundin ang instrumento ng pananaliksik na ginamit upang maiwasto
ang kaayusan ng mga tanong at upang matiyak ang kaangkupan ng tanong sa mga nais na
malamang pag-aaral.
Ang paghingi ng pahintulot sa bawat respondente. Sumunod, ang pagbibigay ng mga
talatanungan sa bawat respondente at ibigay ang mga tamang panuto sa pag sagot upang
makuha ang tamang tugon. Ililikom ang mga instrumento at ihahambing ang mga sagot ng
bawat kalahok at bigyan ng kabuuan at konklusyon.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay deskriptib-sarbey, patungkol sa epekto
ng kakulangan ng pasilidad. Ang pag-aaral na ito ay susuriin ang kasalukuyang kaalaman,
damdamin, kaisipan at pananaw ng mga estudyante sa maaaring maging dahilan at epekto ng
may kakulangan na pasilidad. Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng deskriptib sarbey upang
makakalap ng datos mula sa mga respondente na magagamit at makatutulong sa aming
pananaliksik.
Ang mga napiling tumugon sa pananaliksik na ito ay magmumula sa Junior High
School at Senior High School ng APEC Schools-España. Ang mga respondente ay limitado
sa isangdaan (100) na mag-aaral na maaaring sumagot sa bawat talatanungan na ibabahagi ng
mga mananaliksik.
Estatistikang Pamamaraan

Ang estatistikang ginamit ay ang pagkuha ng porsyento o bahagdan upang makuha


ang resulta ng pag aaral na ‘to. Batay sa nabilang na tugon ng mga respondente sa bawat
katanungan, maaari nang makita ang prekwensi sa bawat bilang ng tugon.

Sa pamanahong papel na ito, ginamit ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapos


i-graph ang mga kasagutan ng mga respondante sa kwestyuner. Ang impormasyon at tugon
na nakalap sa pagsasagawa ng sarbey ay hindi kumakatawan sa pananaw ng buong paaralan.
Ang mga tugon na ito ay kakalkulahin sa pamamagitan ng pormula sa ibaba:
f
P= x 100
N
na kung saan:

P-nangangahulugang bahagdan
f-bilang ng sagot sa bawat katanungan
n-bilang ng mga respondente
Kabanata 4

Resulta at Diskusyon
Sa kabanatang ito ay ipapakita ng mga mananaliksik ang mga nakalap na datos mula
sa ika-9 hanggang ika-12 mag-aaral ng APEC Schools-Espana tungkol sa epekto ng
kakulangan sa pasilidad sa kanilang pag-aaral.

Talahanayan 1
Mga Pasilidad ng Paaralan na Madalas Nagkakaroon ng Problema

Kasagutan Porsyento Ranggo


Silid-Aralan 58% 2

Palikuran 36% 4

Kantina 65% 1

Klinika 46% 3

Silid-Aklatan 37% 5

Makikita sa talahanayan 1 na karamihan ng mga mag-aaral mula sa APEC Schools-


España na sinang ayunan ng animnapu't limang (65) respondente na ang kantina ang
pinakamaraming problema.

Samantalang sinagot ng limang pu’t walong (58) respondente ang silid aralan ay ang
pinakamaraming problema.
Habang apatnapu’t anim (46) na respondente ang nagsasabi na ang klinika ay marami
ding problema.
Ang tatlongput pitong (37) respondente ang nagsasabi na ang silid-aklatan ay may
maraming problema din
Ang panghuling tatlong pu't anim (36) na respondente ay nagsasabi na ang silid-
aklatan ay may mga problema din.
Pangalawang parte ng Sarbey Kwestyuner kung saan tutukuyin ng mga respondente
ang kagamitang kadalasang nag kukulang sa mismong pasilidad.
Talahanayan 2.1
Mga Pasilidad na Nagkukulang sa Mismong Paaralan

Silid-Aralan:

Kasagutan Porsyento Ranggo

Upuan 63.5% 2

Lamesa 66.7% 1

Pisara 39.7% 6

Ilaw 30.2% 9

Panulat 41.3% 5

Kompyuter 38.1% 7

Projektor 36.5% 8

Walis at Daspan 58.7% 3

Aircon/Electric Fan 49.2% 4

Sa silid aralan kung saan pangalawa sa pinaka problemang pasilidad sa isang


paaralan, isa sa mga kagamitang nagkukulang sa isang paaralan ay mga:

Makikita sa talahanayan na karamihan ng mga mag-aaral mula sa APEC Schools-


España na sinang ayunan ng animnaput pito (67%) porsyento respondente na ang upuan ang
kadalasang nagkukulang.

Samantalang sinagot ng animnaput apat (64%) porsyento respondente ang upuan ang
sumunod na kadalasang nagkukulang.
Habang limangput siyam (59%) porsyento na respondente ang nagsasabi na ang walis
at daspan ay kadalasang nagkukulang.

Ang apatnaput siyam (49%) porsyento na respondente ang nagsasabi na ang silid-
aklatan ay may maraming problema din.
Ang apatnaput isa (41%) porsyento na respondente ang nagsasabing na ang panulat
ang may maraming problema.

Ang tatlumput siyam (39%) porsyento na respondente ang nagsasabing pisara ang
may maraming problema.

Ang tatlumput walong (38%) porsyento na respondente ang nagsasabing kompyuter


ang may maraming problema.

Ang tatlumput anim (36%) porsyento na respondente ang nagsasabing projektor ang
may maraming problema.

Ang tatlumpu (30%) porsyento na respondente ang nagsasabing ilaw ang may
maraming problema.

Talahanayan 2.2
Mga Pasilidad na Nagkukulang sa Mismong Paaralan

Palikuran:

Kasagutan Porsyento Ranggo

Inidoro 61.5% 2

Lababo 59.6% 3

Basurahan 50% 5

Mop 30.8% 6

Kubiko o Kwarto 51.9% 4

Tabo at Balde 59.6% 3

Sabon 65.4% 1

Palikuran 11.5% 7

Sumunod ay ang Palikuran kung saan ang may pinakamataas na bilang ay ang inidoro
na may animnaput isa (61.5%) ang nagsasabi na ang inidoro ang may pinaka maraming
problema.
Subalit ang limang put siyam na porsyento (59.6%) ng respondente ang nagsasabi na
ang lababo ay marami rin problema.

Habang ang limangpu na porsyento (50%) na respondente ang nagsasabi na ang


basurahan ay marami rin problema.

Ang tatlongpu na porsyento (30.8%) na respoendente ang nagsasabi na ang Mop ay


marami rin problema.

Ang limangput isa porsyento (51.9%) na respondente ang nagsasabi na ang Kubiko o
kwarto ay marami rin problema.

Ang limangput siyam na porsyento (59.6) na respondente nagsasabi na ang tabo at


balde ay marami rin problema.

Ang animnaput lima na porsyento (65.4%) na respondente ang nagsasabi na ang


sabon ay marami rin problema.

Ang huling labing isang porsyento (11%) ng respondente ang nagsasabi na ang
palikuran ay mayroong mga problema din.

Talahanayan 2.3
Isa sa mga Pasilidad na Nagkukulang

Kantina:

Kasagutan Porsyento Ranggo

Lamesa 58.4% 1

Upuan 54.5% 2

Basurahan 41.6% 4

Basahan 35.1% 6

Walis at Daspan 40.3% 5


Mop 32.5% 7

Food Stall 46.8% 3

Makikita sa talahanayan na karamihan ng mga mag-aaral mula sa APEC Schools-


España na sinang ayunan ng limamput walo (58%) porsyento respondente na ang lamesa ang
kadalasang nagkukulang sa kantina.

Subalit ang limamput apat (54%) porsyento na respondente na nagsasabi na ang


upuan ang kadalasang nagkukulang sa kantina.

Samantala ang apatnaput anim (46%) porsyento na respondente na nagsasabi na ang


food stall ang kadalasang nagkukulang sa kantina.

Ang apatnaput isa (41%) porsyento na respondente na nagsasabi na ang basurahan


ang kadalasang nagkukulang sa kantina.

Ang apatnapu (40%) porsyento na respondente na nagsasabi na ang walis at daspan


ang kadalasang nagkukulang sa kantina.

Ang tatlumput lima (35%) porsyento na respondente na nagsasabi na ang basahan ang
kadalasang nagkukulang sa kantina.

Ang tatlumput dalawa (32%) porsyento na respondente na nagsasabi na ang mop ang
kadalasang nagkukulang sa kantina.

Talahanayan 2.4
Isa sa mga Pasilidad na Nagkukulang

Silid-aklatan:

Kasagutan Porsyento Ranggo

Libro 71.7% 1

Kompyuter 64.2% 2
Upuan 58.5% 3

Lamesa 50.9% 5

Electric Fan 43.4% 6

Walis at Daspan 52.8% 4

Makikita sa talahanayan na karamihan ng mga mag-aaral mula sa APEC Schools-


España na sinang ayunan ng pitumput isa (71%) porsyento na respondente na ang libro ang
kadalasang nagkukulang sa silid-aklatan.

Subalit ang animnaput apat (64%) porsyento na respondente na nagsasabi na ang


kompyuter ang kadalasang nagkukulang sa silid-aralan.

Samantala ang limamput walo (58%) porsyento na respondente na nagsasabi na ang


upuan ang kadalasang nagkukulang sa silid-aralan.

Ang limamput dalawa (52%) porsyento na respondente na nagsasabi na ang walis at


daspan ang kadalasang nagkukulang sa silid-aralan.

Ang limampu (50%) porsyento na respondente na nagsasabi na ang lamnesa ang


kadalasang nagkukulang sa silid-aralan.

Ang apatnaput tatlo (43%) porsyento na respondente na nagsasabi na electric fan ang
kadalasang nagkukulang sa silid-aralan.

Talahanayan 3
Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng Kakulangan ng Pasilidad at Kagamitan sa inyong
Paaralan

Kasagutan Porsyento Ranggo

Malaking bilang ng
populasyon ng mga mag- 62.9% 1
aaral

Maliit o limitadong espasyo 58.8% 2


ng paaralan

Hindi maayos na paggamit


ng mga pasilidad ng mga 47.43 3
mag-aaral

Kakulangan ng badyet sa
pagpapatayo ng 24.7% 4
karagdagang pasilidad

Pagkakaroon ng
pagkukumpuni sa loob ng 23.7% 5
paaralan

Makikita dito na animnaput isang (61) respondente ang nagsasabi na nahihirapan


silang isagawa ang mga aktibidad nila sa ibang asignatura.
Limangput pitong (57) respondente naman ang nagsabing maliit ang espasyo ng
paaralan.
Sinundan naman nito ng apatnaput anim (46) na respondente at nagsasabing hindi
maayos ang paggamit ng mga pasilidad.
Dalawatput apat (24) na respondente ang nagsasabing kulang ang budyet sa
pagpapatayo ng panibagong gusali
At dalawatput tatlo (23) na respondente ang nagsabi ng pagkakaroon ng
pagkukumpuni sa loob ng silid.

Talahanayan 4
Epekto ng Kakulangan ng Kagamitan at Pasilidad sa Paaralan

Kasagutan Porsyento Ranggo

Hindi naisasagawa nang


maayos ang mga aktibidad 83% 1
sa bawat asignatura.

Tinatamad o nawawalan ng
ganang makilahok sa mga 42% 2
gawaing pang-eskwela.

Nawawalan ng interes sa 39% 3


pag-aaral ang mga
estudyante.

Nababawasan ang pokus sa


pag-aaral ng mga 36% 4
estudyante

Makikita sa nakalap na datos na walatput tatlong (83%) porsyento na respondente ang


nagsasabing nahihirapan silang isagawa ang mga aktibidad nila sa ibang asignatura.

Sinundan ng apatnaput dalawang (42%) porsyento na respondente ang nagsasabing


tinatamad o nawawalan ng ganang makilahok sa klase.
Habang tatlumput siyam (39%) porsyento na respondente ang sumagot na nawawalan
sila ng interes sa pag-aaral.

At sa huli, tatlumput anim (36%) porsyento na respondente ang sumagot na


nababawasan ang pokus nila sa pag-aaral.

Talahanayan 5
Kahalaga ng Pagkakaroon ng Kumpletong Kagamitan at Pasilidad sa inyong Paaralan

Kasagutan Porsyento Ranggo

Mahalagang-Mahalaga 89% 1

Mahalaga 14% 2

Di-Gaanong Mahalaga 1% 3

Ayon sa nakalap na datos halos lahat ng respondente ang sumagot na mahalaga Ang
kumpletong kagamitan at pasilidad para sa kanila.

Talahanayan 6
Bakit Mahalaga na Magkaroon ng Kumpletong Pasilidad at Kagamitan ang inyong
Paaralan

Kasagutan Porsyento Ranggo


Maisagawa nang maayos ang 86% 1
mga aktibidad ng paaralan

Makapagtuon ng atensyon 31% 2


ang mga estudyante sa
itinuturo ng mga guro

Mahalaga ang kumpletong 29% 3


pasilididad upang madaling
makakasabay sa leksyon ang
mga estudyante

Matutunan o mapag-aaralan 23% 4


ng mga estudyante ang mga
makabagong teknolohiya

Maiwasan ang pagkalat ng 18% 5


sakit

Marami sa mga respondente ang nagsabing mahalaga ang pagkakaroon ng


kumpletong pasilidad upang maisagawa nang maayos ang mga aktibidad ng paaralan na may
bilang na walongpu’t anim (86%) porsyento na respondente ang nagsabi nito.

Sumunod naman dito ay may bilang na tatlongpu’t isa (31%) porsyenyo na


respondente kung saan sinasabi nila na upang higit na makapagtuon ng atensyon ang mga
estudyante sa itinuturo ng mga guro.

Ang pumangatlo naman ay may bilang na dalawampu’t siyam (29%) porsyento na


respondente kung saan mahalaga ang kumpletong pasilididad upang madaling makakasabay
sa leksyon ang mga estudyante.

Ang mga sumunod naman ay may bilang na dalawampu’t tatlo (23%) porsyento na
respondente ang nagsasabing para sa matutunan o mapag-aaralan ng mga estudyante ang
mga makabagong teknolohiya na gagamitin sa pag aaral.
At sa huli, labing pitong (18%) porsyento na respondente naman ang nagsabi na
upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Talahanayan 7
Mga Problemang Maaari Mong Kaharapin Kung Kulang ang mga Kagamitan at
Pasilidad ng inyong Paaralan

Kasagutan Porsyento Ranggo


Maaaring hindi maisagawa 89.9% 1
nang maayos ang mga
aktibidad ng bawat
asignatura

Maaaring mahirapan 31.3% 2


makasabay sa mga
makabagong teknolohiya
dahil sa kakulangan ng
kompyuter

Posibleng magsiksikan ang 28.3% 3


mga estudyante sa isang
lugar dahil maliit lamang
ang espasyo na kanilang
ginagalawan

Pagkakaroon ng insidente 24.2% 4


kung saan marami ang
nadidisgrasya dahil sa
masikip at kulang na
pasilidad ng paaralan.

Maaaring pagmulan ng sakit 21.2% 5


ang maruming pasilidad
Makikita sa talahanayan na walumput siyam (89%) porsyente na respondete na
nagsasabi na ang mga problemang maaari mong kaharapin kung kulang ang mga kagamitan
at pasilidad ay ang maaaring hindi maisagawa nang maayos ang mga aktibidad ng bawat
asignatura.

Subalit ang tatlumput isa (31%) porsyento na respondente ang nagsasabi na ang isa sa
mga problemang maaari mong kaharapin kung kulang ang mga kagamitan at pasilidad ay ang
maaaring mahirapan makasabay sa mga makabagong teknolohiya.

Samantala ang dalawamput walo (28%) porsyento na respondente ang nagsasabi na


ang isa sa mga problemang maaari mong kaharapin kung kulang ang mga kagamitan at
pasilidad ay ang posibleng magsiksikan ang mga estudyante sa isang lugar dahil maliit
lamang ang espasyo na kanilang ginagalawan.

Ang dalawamput apat (24%) porsyento na respondente ang nagsasabi na ang isa sa
mga problemang maaari mong kaharapin kung kulang ang mga kagamitan at pasilidad ay ang
pagkakaroon ng insidente kung saan marami ang nadidisgrasya dahil sa masikip at kulang na
pasilidad ng paaralan.

Ang dalawamput isa (21%) porsyento na respondente ang nagsasabi na ang isa sa mga
problemang maaari mong kaharapin kung kulang ang mga kagamitan at pasilidad ay ang
maaaring pagmulan ng sakit ang maruming pasilidad.

Talahanayan 8
Paraan na naiisip upang masolusyunan ang kakulangan ng kagamitan at pasilidad sa
paaralan

Kasagutan Porsyento Ranggo


Pagkakaroon ng disiplina sa 81% 1
paggamit ng mga kagamitan
at pasilidad ng aming
paaralan

Paglalaan ng badyet upang 36% 2


mapanatili ang kaayusan ng
mga kagamitan at pasilidad.

Pagsasagawa ng isang 33% 3


proyekto na magtutuon sa
kalinisan at kaayusan ng
mga kagamitan at pasilidad
ng paaralan.

Maghanap ng lugar na 28% 4


malapit sa mismong
eskwelahan kung saan
pwedeng mag tayo ng
panibagong gusali o
karugtong ng paaralan
(annex).

Makikita sa datos na ang unang solusyon na nakikita ng mga respondente ay ang


pagkakaroon ng adisiplina sa paggamit ng pasilidad ng mga mag-aaral na may bilang na
walongpu’t isa (81%) porsyento na respondente ang sumagot nito.

Habang ang sumunod naman ay tatlongpu’t anim (36%) porsyento na respondente na


nagsabi na paglalaan ng badyet upang mapanatili ang kaayusan ng pasilidad sa paaralan.

Sumunod naman ang Pagsasagawa ng isang proyekto na magtutuon sa kalinisan at


kaayusan ng mga kagamitan at pasilidad ng paaralan na nakakuha ng tatlumput tatlo (33%)
porsyento.
At sa huli, nakatanggap ng dalawamput walo (28%) porsyento na respondente ang
nagsasabi na ang maghanap ng lugar na malapit sa mismong eskwelahan kung saan pwedeng
mag tayo ng panibagong gusali o karugtong ng paaralan (annex).

Kabanata 5

Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

Lagom
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtuklas ng epekto ng kakulangan ng pasilidad
sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng APEC Schools-Espanya sa taong paaralang 2018-2019.
Layunin ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang mga pasilidad ang kadalasang nagkukulang sa APEC Schools-Espanya?
2. Ano ang mga dahilan sa pagkakaroon ng kakulangan sa pasilidad sa APEC Schools-
Espanya?
3. Ano ang epekto ng kakulangan sa pasilidad sa mag-aaral ng SHS?
4. Ano ang mga paraan na makapagbibigay ng solusyon sa kakulangan ng pasilidad sa
APEC Schools-Espanya?

Ang naging respondente ay mula sa mga baitang 7, 9, 10 and 12.

Ang instrumentong gagamitin sa pananaliksik na ito ay ang mga teknolohiya tulad ng


Chromebook, tablet, at cellphone

Ang ginamit na statistical strategy ay ang deskriptibo. Ang tekstong deskriptibo ay


nagtataglay ng mga kaukulang detalye sa katangian ng isang tao, lugar, bagay, o pangyayari.
Ang tekstong ito ay laging sumasagot sa tanong na “Ano“.
1. Batay sa resulta ng pag-aaral tungkol sa kakulangan ng pasilidad sa pag-aaral ng mga
mag-aaral ng APEC Schools-Espanya. Napag alaman ng mga mananaliksik na ang isa
sa mga pasilidad na kadalasang nagkukulang sa APEC Schools-Espanya ay ang
Kantina sumunod ang silid-aralan, pangatlo ang klinika, pang-apat silid-aklatan, at
huli ay palikuran.
2. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang pinaka dahilan sa pagkakaroon ng
kakulangan ng pasilidad sa APEC Schools-Espanya ay ang malaking bilang ng mga
mag-aaral sumunod ang maliit at limitadong espasyo.
3. Ayon sa mga nakalap na mga datos, na tuklasan ng mga mananaliksik na isa sa mga
maaaring maging epekto ng kakulangan sa mag-aaral ay maaaring hindi maisagawa
nang maayos ang mga aktibidad ng bawat asignatura dahil sa kakulangan ng pasilidad
at kagamitan.
4. Napag alaman ng mga mananaliksik na ang paraan upang mabigyang solusyon sa
kakulangan ng pasilidad sa APEC Schools-Espanya ay ang pagkakaroon ng disiplina
sa paggamit ng pasilidad ng mga mag-aaral, sumunod ang paglalaan ng badyet upang
mapanatili ang kaayusan ng pasilidad sa paaralan.

Konklusyon:

Batay sa mga nalikom na datos. Ang mga mananaliksik ay dumating sa konklusyon,


malaki ang nagiging epekto ng kakulangan ng pasilidad sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
Tulad ng kakulangan ng espasyo na nakakasagabal sa paggawa ng mga aktibitad ng mga
mag-aaral sa ibang asignatura. Kahit ang pinaka simpleng kagamitan tulad ng sabon sa
palikuran at mga gamot sa klinika ay nawawala, ang kalinisan ng paaralan at kalusugan ng
lahat ng guro, trabahador at mag-aaral na dapat na isinaalang-alang sa pagplapalno sa
paaralan ay nawawala. Batay sa ibang datos na nakalap ang kawalan ng espasyo at gusali ay
nagreresulta sa pagkasikip ng mga silid dahil sa dami ng mag-aaral na nasa loob nito, kasama
rin ng pagdami ng populasyon ang paglala ng disiplina ng mga mag-aaral. Kahit mahalagang-
mahalaga para sakinila ang kumpletong kagamitan at pasilidad, dahil sa kawalan nila ng
disiplina unti-unting nasisira ang mga kagamitan at pasilidad ng paaralan. Ang kawalan ng
kagamitan at pasilidad ay nagreresulta sa mababang grado ng mga mag-aaral.
1. Madalas na nagkakaroon ng problema sa paaralan ay ang kantina.
2. Madalas na nagkakaroon ng kakulangan ng pasilidad at kagamitan sa paaralan dahil
malaking bilang ng populasyon ng mag aaral sa paaralan.
3. Nakakaapekto ang kakulangan ng pasiladad sa mag-aaral sa paraang nahihirapan silang
isagawa ang mga aktibidad nila sa ibang asignatura.
4. Mahalaga ang pagkakaroon ng kompletong pasiladad sa paraang maisagawa nang maayos ng
mga mag-aaral at guro ang mga aktibidad ng paaralan.
5. Batay sa mga mag-aaral ang mga problemang kinakaharap ng isang estudyante kung kulang
ang pasilidad at kagamitan maaaring hindi maisagawa nang maayos ang mga aktibidad ng
bawat asignatura dahil sa kakulangan ng pasilidad at kagamitan.
6. Isa sa mga paraan na pinaka naiisip ng mga estudyante ay ang pagkakaroon ng disiplina sa
paggamit ng pasilidad ng mga mag-aaral.

Rekomendasyon:

Matapos ang aming pagsusuri, base sa nakalap naming impormasyon sa mga respondente
inererekomenda ng aming grupo ang mga sumusunod:

Kailangan munang pagtuonan ang mga panig ng mag-aaral upang makakuha ng


impormasyon tungkol sa mga hinaing nila at sa mga nangyayari sa mismong paaralan Dahil
napaka tagal na ng problemang Ito na kinkaharap ng mga paaralan ng ating bansa. Kaya
kailangan ding magtulungan tayo para masolusyunan ang problemang ito, Hindi lamang
tulong pinansyal makatutulong din ang pagkakaroon ng disiplina sa paggamit ng mga
pasilidad at kagamitan sa paaralan.
Ang nakikitang solusyon ng mga mag-aaral una ay pagkakaroon ng disiplina sa
paggamit ng mga pasilidad, paglalaan ng budyet upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan
ng mga pasilidad. Ang isa naman ay ang pagsasagawa ng isang proyekto na magtutuon sa
kalinisan at kaayusan ng mga kagamitan at pasilidad ng paaralan. At ang pinakahuling
solusyon at paraan na naiisip ng mga mag-aaral ay maghanap ng lugar na malapit sa
mismong eskwelahan kung saan pwedeng mag tayo ng panibagong gusali o karugtong ng
paaralan (annex) na siguradong hindi imposibleng mangyari sa mga sumusunod na taon.
Sumunod ay kailangan munang alamin ang hinaing ng mga guro at magulang bago
gawin ang mga naturang aksyon sa kinakaharap na problema. Upang matugunan ang mga
problemang kinakaharap ng mga mag-aaral ng sagayon ay maging maayos ang kanilang pag-
aaral at maiwasan ang pagkalat ng mga sakit, para naman sa kumpletong kagamitan
nararapat lamang na kumpleto at tugunan sapagkat para matutunan o mapag-aaralan ng
mga estudyante ang mga makabagong teknolohiya na gagamitin sa pag aaral.
Inirekomenda ng mananaliksik ng pag-aaral na ito na magkaroon ng isang mas
epektibong pag-aaral pa sa mga problemang pang-edukasyon ng ating bansa upang mas
mapalawak pa ang mga kaalaman at isipan ng mga tao tungkol na rin sa Problamang Pang-
edukasyon na nararanasan ng ating bansang Pilipinas.

Mga Sanggunian
Nueman, D. J., (2003). College and University Facilities. Hoboken, New Jersey: John Wiley
& Sons.

https://www.wiley.com/en-us/
Building+Type+Basics+for+College+and+University+Facilities%2C+2nd+Edition-p-
9781118008027

Santiago, R. I., (2010). National Center for Disease Prevention and Control. Rizal Avenue,
Manila.

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://www.doh.gov.ph/sites/
default/files/publications/
Local_Sustainable_Sanitation_Promotion_Program.pdf&ved=2ahUKEwjG_-K-
9eXgAhVXxYsBHVhuAssQFjAAegQIARAB&usg=AOvVaw3i-G9AQGCZoE6JvTMrlZh5

Lackney, J. A. at Picus, L. O. (2019). OVERVIEW, MAINTENANCE AND


MODERNIZATION OF SCHOOL FACILITIES. Galing sa:

https://education.stateuniversity.com/pages/2394/School-Facilities.html

How School Cleanliness Affects Student Performance. (2017). Galing sa:

http://bescleaning.com/school-cleanliness-affects-student-performance

Earthman, G. I. (2002). School Facility Conditions and Student Academic Achievement.


Galing sa:

http://escholarship.org/uc/item/5sw56439.

Doane, B. T. (2008), The Relationship Between School Facilities and Academic Achievement.
Galing sa:
https://www.ohio.edu/education/academic-programs/teacher-preparation/department-of-
teacher-education/masters-programs/loader.cfm?csModule=security/
getfile&PageID=2184634

McGowen, R. S. (2019). The impact of school facilities on student achievement, attendance,


behavior, completion rate and teacher turnover rate in selected Texas high schools. Galing
sa:

https://www.researchgate.net/publication/
41014782_The_impact_of_school_facilities_on_student_achievement_attendance_behavior_
completion_rate_and_teacher_turnover_rate_in_selected_Texas_high_schools/amp

Dela Cruz, A. (2017). Epekto ng Kakulangan ng Gamit sa SHS. Galing sa:

http://angelaydelacruz.blogspot.com/2017/03/epekto-ng-kakulangan-ng-gamit-sa-shs.html?
m=1

Figueroa, L. L. (2016). Investigating the relationship between school facilities and academic
achievements through geographically weighted regression. Galing sa:

https://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/19475683.2016.1231717

Peque, E. (2015). Philippine basic education: Adequacy of School Facilities in Philippine


Public Schools. Galing sa:

http://erlinda0429.blogspot.com/?m=1

LACK OF CLASSROOMS. (2017). Galing sa:

https://nigeltayrus.wordpress.com/2017/02/09/first-blog-post/amp/

Umil, A. M. D. (2017). New school year, same old problems: K to 12, Shortages in
Classrooms, Teachers. Galing sa:
https://www.bulatlat.com/2017/06/06/new-school-year-old-problems-k-12-shortages-
classrooms-teachers/

Pastrana, D. (2014). Dilapidated, overcrowded public schools in the Philippines. Galing sa:

https://www.wsws.org/en/articles/2014/06/20/phil-j20.html
Apendiks

Pangalan (Opsyonal): ____________________________ Antas/Taon:__________________


Edad: _______________________ Kasarian: ___________________

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na aytem. Lagyan ng
tsek (✓) ang kahon ng iyong napiling sagot.

1. Anu-ano ang mga pasilidad ng inyong paaralan ang madalas na nagkakaroon ng problema?
❏ Silid-aralan
❏ Palikuran
❏ Kantina
❏ Klinika
❏ Silid-aklatan
❏ Iba pang sagot:_______________

2. Batay sa iyong sagot sa #1, ano ang mga kagamitan ang kadalasang nagkukulang dito?

Silid Aralan Palikuran Kantina Klinika Silid Aklatan Iba pang sagot:

❏ Upuan ❏ Inidoro ❏ Lamesa ❏ Medical ❏ Libro


❏ Lamesa ❏ Lababo ❏ Upuan Equipment ❏ Kompyuter
❏ Pisara ❏ Basurahan ❏ Basurahan ❏ (Timbangan, ❏ Upuan
❏ Ilaw ❏ Mop ❏ Basahan Stethoscope, ❏ Lamesa
❏ Panulat ❏ Kubiko o ❏ Walis at Med kit) ❏ Electric Fan
❏ Kompyuter kwarto Daspan ❏ Medicine ❏ Walis at
❏ Projector ❏ Tabo at ❏ Mop ❏ First aid kit Daspan
❏ Walis at Balde
Daspan ❏ Sabon
❏ Aircon/E.
Fan

3. Sa iyong palagay, ano ang dahilan ng pagkakaroon ng kakulangan ng pasilidad at kagamitan


sa inyong paaralan?
❏ Malaking bilang ng populasyon ng mga mag-aaral
❏ Hindi maayos na paggamit ng mga pasilidad ng mga mag-aaral
❏ Pagkakaroon ng pagkukumpuni sa loob ng paaralan
❏ Maliit o limitadong espasyo ng paaralan
❏ Kakulangan ng badyet sa pagpapatayo ng karagdagang pasilidad
❏ Iba pang sagot: ______________________________
4. Paano nakakaapekto ang kakulangan ng kagamitan at pasilidad ng inyong paaralan sa iyong
pag-aaral?
❏ Hindi naisasagawa nang maayos ang mga aktibidad sa bawat asignatura.
❏ Nawawalan ng interes sa pag-aaral ang mga estudyante.
❏ Tinatamad o nawawalan ng ganang makilahok sa mga gawaing pang-eskwela.
❏ Nababawasan ang pokus sa pag-aaral ng mga estudyante
❏ Iba pang sagot: ___________________________

5. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng kumpletong kagamitan at pasilidad sa inyong paaralan?


❏ Mahalagang-mahalaga
❏ Mahalaga
❏ Di-gaanong mahalaga
❏ Hindi mahalaga

6. Para sa iyo, bakit mahalaga na magkaroon ng kumpletong pasilidad at kagamitan ang inyong
paaralan? ?
❏ Upang maisagawa nang maayos ng mga mag-aaral at guro ang mga aktibidad ng
paaralan.
❏ Upang higit na makapagtuon ng atensyon ang mga estudyante sa itinuturo ng mga
guro.
❏ Upang madaling makakasabay sa leksyon ang mga estudyante.
❏ Upang maiiwasan ang pagkalat ng sakit (hal. dengue)
❏ Nang matutunan o mapag-aaralan ng mga estudyante ang mga makabagong
teknolohiya na gagamitin sa pag aaral (hal: internet)
❏ Iba pang sagot:_______________

7. Anu-ano ang mga problemang maaari mong kaharapin kung kulang ang mga kagamitan at
pasilidad ng inyong paaralan?
❏ Maaaring hindi maisagawa nang maayos ang mga aktibidad ng bawat asignatura dahil
sa kakulangan ng pasilidad at kagamitan (hal. Exhibit)
❏ Maaaring mahirapan makasabay sa mga makabagong teknolohiya dahil sa
kakulangan ng kompyuter
❏ Posibleng magsiksikan ang mga estudyante sa isang lugar dahil maliit lamang ang
espasyo na kanilang ginagalawan
❏ Maaaring pagmulan ng sakit ang maruming pasilidad
❏ Pagkakaroon ng insidente kung saan marami ang nadidisgrasya dahil sa masikip at
kulang na pasilidad ng paaralan.
❏ Iba pang sagot: __________________

8. Anong paraan ang iyong naiisip upang masolusyunan ang kakulangan ng kagamitan at
pasilidad sa inyong paaralan?
❏ Pagkakaroon ng disiplina sa paggamit ng mga kagamitan at pasilidad ng aming
paaralan
❏ Paglalaan ng badyet upang mapanatili ang kaayusan ng mga kagamitan at pasilidad.
❏ Maghanap ng lugar na malapit sa mismong eskwelahan kung saan pwedeng mag tayo
ng panibagong gusali o karugtong ng paaralan (annex).
❏ Pagsasagawa ng isang proyekto na magtutuon sa kalinisan at kaayusan ng mga
kagamitan at pasilidad ng paaralan.
❏ Iba pang sagot:____________________

You might also like