You are on page 1of 40

1

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Maituturing na tayong mga tao ay may mga pangunahing pangangailangan at

kagustuhan. Ito ay dapat natatamo natin upang sa gayon tayo ay mabuhay sa mundong

ibabaw. Isa sa mga pangunahing pangangailangan nating mga tao ay ang pagkain. Ito ang

nakapagbibigay enerhiya at napagkukunan natin ng iba't ibang bitamina na tumutulong

upang tayo ay magkaroon ng malusog at malakas na pangangatawan. Karagdagan pa dito,

ito rin ang dahilan kung bakit natin nagagawa ang ating mga pang-araw-araw na gawain

at nagagampanan ang ating mga tungkulin.

Tayong mga Pilipino ay kilala sa buong mundo bilang isa sa mga mahihilig

magluto at kumain. Mapagtatanto na ngang ang pagluluto ay bahagi na ng ating

pamumuhay at isa sa mga pangunahing pangkabuhayan o negosyo nating mga Pilipino.

Marami tayong makikita sa mall na mga kainan na kung tawagin ay restaurant o di kaya

ay sa tabi-tabi ng kalsada na kung tawagin naman ay karinderya. Nauso na rin nga ang

mga pedikab na nagtitinda ng mga tusok-tusok na pagkain kung tawagin, na siya namang

ating tinatangkilik dahil sa kakaibang sarap at mababang presyo nito. Ngunit sa kabilang

banda, dahilan na rin sa kagutuman hindi na natin napapansin o namamalayan kung

angkop o tama paba ang paghahanda na ginagawa sa mga pagkaing ito. Mga pagkain na

sa unang tingin ay masarap ngunit sa bandang huli ay makapagdudulot ng maraming

epekto sa ating mga tao.


2

Malaki ang papel na ginagampanan ng tamang sanitasyon o paghahanda ng

pagkain sa pamumuhay nating mga tao. Bagama't masustasya ang pagkaing kinakain

natin, hindi nito nasisigurado na tayo ay makakaiwas na sa sakit o karamdaman. Dahil

may mga pagkakataong nakukuha natin ang mga sakit o karamdamang iyon sa mga

mikrobyong kumapit sa ating pagkain habang ito ay inihahanda. Ang hindi tamang

paghahanda o hindi tamang sanitasyon ay nagdudulot rin ng pagkawala ng sustasyang

taglay ng mismong pagkain. Ayon kay Villanueva (2010) ang kahalagahan ng serbisyo

ng pagkain ay hindi lamang upang magbigay ng pagkain, ngunit, ang magbigay ng

pinaka magandang pagkaing maaaring kainin at maayos na inihanda sa ilalim ng

katanggap-tanggap na istandard ng kalinisan at ang maihain ito nang may murang halaga.

Kung kaya't masasabing ang sanitasyon o paghahanda sa pagkain ay lubhang

napakahalaga lalong lalo na sa pangkalusugang aspeto nating mga tao.

Layunin ng mga mananaliksik na malaman ang pananaw ng mga piling mag-aaral

sa usapin ng sanitasyon sa pagkain. Gayundin, ninanais rin ng mga mananaliksik na

malaman kung kinukunsidera pa ba ng mga mag-aaral ang sanitasyon sa pagkain bago

sila bumili. Ito ay paglilinaw lamang sa naisip ng mga mananaliksik na malaki ang

naidudulot ng sanitasyon sa pagkain sa pangkalusugan nating mga tao.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Pangkalahatang Suliranin

Ang pangunahing suliranin ng pag-aaral na ito ay naglalayon na alamin at tuklasin

ang suliraning PERSEPSYON NG MGA PILING MAG-AARAL NG SENIOR HIGH


3

SCHOOL PATUNGKOL SA TAMANG SANITASYON NG MGA PAGKAING

KALYE SA OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY,VALENZUELA CITY.

Mga Tiyak na Suliranin

Ang ilan pang suliraning nakikita ng mga mananaliksik na maaaring makatulong

sa paglutas ay ang mga sumusunod.

1. Ano-ano ang pananaw sa tamang sanitasyon ng pagkain ng mga piling respondente?

2. Ano-ano ang positibo at negatibong epekto sa mga piling respondente ng sanitasyon ng

pagkain?

3. Ikinukunsidera pa ba ng mga piling respondente ang sanitasyon ng pagkain bago sila

bumili?

4. Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng kaalaman ukol sa tamang sanitasyon ng

pagkain sa mga piling respondente?

5. Ano para sa mga piling respondente ang kahulugan ng Sanitasyon?

PAGLALAHAD NG LAYUNIN

Pangkalahatang Layunin

Nilalayon nang pag-aaral na ito na malaman ang tamang sanitasyon sa

paghahanda ng pagkaing tinatangkilik ng lahat. Gayundin, ninanais rin ng pag-aaral na

ito na matukoy ang mga pamamaraan sa pagpapanatili ng tamang sanitasyon sa pagkain.

Layon din ng pag-aaral na maipabatid sa mga mambabasa ang wastong paghahanda ng

pagkain at pagpapanatili ng kalinisan at sanitasyon nito.


4

Mga Tiyak na Layunin

Ang mga tiyak na layunin o kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang mga

sumusunod:

1. Malaman ang mga pananaw sa tamang sanitasyon ng pagkain ng mga piling

respondente.

2. Mabigyan ng tamang impormasyon ang mga piling respondente ukol sa

kahalagahan ng tamang sanitasyon ng pagkain.

3. Maipabatid sa mga kinauukulan ang mga saloobin ng mga piling respondente

ukol sa tamang sanitasyon ng pagkain.

4. Makapagbigay ng istatistikong ulat ukol sa kung ano ang saloobin o pananaw

ng mga piling respondente patungkol sa isyu ng tamang sanitasyon ng

pagkain.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong at mahalaga para sa mga sumusunod:

MGA MAMAMAYAN (KONSYUMER) Mahalaga ito upang maging alerto

sila sa tamang sanitasyon sa paghahanda ng pagkaing kanilang tinatangkalik.

MGA PRODYUSER Magsisilbi itong gabay para sa prodyuser na siyang

naghahanda ng mga pagkaing tinatangkilik ng lahat.

MGA MAG-AARAL Ang pag-aaral na ito ay mahalaga upang mabigyan sila

ng impormasyon at tamang kaalaman ukol sa tamang sanitasyon sa paghahanda

ng pagkain.
5

MGA GURO Ang kahalagahan sa kanila ng pag-aaral na ito ay mabigyan sila

ng karagdagang impormasyon at tamang kaalaman ukol sa tamang sanitayon sa

paghahanda ng pagkain na maituturo nila sa kanilang mga mag-aaral.

SA MGA SUSUNOD NA HENERASYON Ang pag-aaral na ito ang siyang

magiging daan upang makatulong sa mga susunod na henerasyong gagawa ng

pananaliksik patungkol din sa tamang sanitasyon sa paghahanda ng pagkain.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral ng pagbuo ng pamanahunang papel na ito ay sumaklaw ng ilang

mga indibidwal na siyang naging respondente o taga-tugon sa sarbey kwestyuner na

inihanda ng mga mananaliksik. Kumuha ang mga mananaliksik ng isang daan (100)

respondente mula sa Senior High School ng Our Lady of Fatima University,Valenzuela

City.

Ang unang dalawamput-limang (25) mga respondente ay magmumula sa lupon ng

mga mag-aaral ng ABM. Ang susunod na dalawamput-lima (25) ay mang-gagaling

naman sa mga mag-aaral ng STEM, ang ikatlong dalawamput-lima (25) ay mula sa mga

mag-aaral ng HUMMS at ang huling dalawamput-lima (25) ay sa mga mag-aaral ng

GAS.

Pinili ang mga kalahok dahil sila ay may kinalaman sa nasabing pananaliksik.
6

PARADAYM

PINAGBATAYAN

Nais malaman ng mga mananaliksik ang mga sumusunod.

Pananaw ng senior high students sa Our Lady of Fatima University, Valenzuela


patungkol sa tamang sanitasyon.

Ang naging epekto ng tamang sanitasyon sa paghahanda ng pagkain sa mga


respondente.

Kung paanong maipapamahagi ng mga mag-aaral ang nalamang kaalaman patungkol sa


tamang sanitasyon.

PAMAMARAAN

Pagsasagawa ng sarbey
Pangangalap ng impormasyon galling sa mga naunang pag-aaral
Paggamit ng Internet
Paghahanap ng impormasyon sa Silid-aklatan

KINALABASAN

Inaasahang kalalabasan ng pag-aaral ay ang makapaglahad at makapagbigay ng


impormasyon ukol sa tamang sanitasyon sa paghahanda ng pagkain sa mga piling mag-aaral
ng Our Lady of Fatima University.

PIGYUR 1

PERSEPSYON NG MGA PILING MAG-AARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL PATUNGKOL SA TAMANG SANITASYON NG

MGA PAGKAING KALYE SA OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY,VALENZUELA CITY.


7

Depinisyon ng mga Terminong Ginamit

Ang mga sumusunod ay ang mga terminolohiyang ginamit sa pag-aaral:

Konsyumer Tawag sa mga taong tumatangkilik sa pagbili ng pagkain

Mag-aaral- Sila ang magsisilbing respondente ng pananaliksik na ito

Pagkain Ito ang nakapagbibigay enerhiya at napagkukunan natin ng iba't ibang

bitamina na tumutulong upang tayo ay magkaroon ng malusog at malakas na

pangangatawan

Prodyuser Tawag naman sa mga taong naghahanda o nagtitinda ng pagkain

Respondente Ito ang katawagang ginamit sa mga taong tutugon sa mga

katanungang ilalahad ng mananaliksik

Restawrant Isang lugar kung saan kumakain ang mga tao o kung tawagiy

kainan

Sanitasyon Ito ay isang pamamaraan sa tamang paghahanda ng pagkain

Street foods- Ito ang tawag sa mga pagkaing itinitinda sa mga pampublikong

lugar.

Our lady of Fatima University, Valenzuela - Ito ang lugar kung saan idadaos ang

gagawing sarbey ng mga mananaliksik.


8

KABANATA II

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa pananaliksik na ito, may mga rebyung isinagawa at nakalap ang mga

mananaliksik mula sa internet, magasin, at tesis na patungkol sa sanitasyon sa pagkain.

Ang mga ito ay isinulat ng mga Pilipino at dayuhan patungkol sa kani-kanilang mga

karanasan sa pagkain ng mga street foods at mga impormasyon ukol sa tamang

sanitasyon ng pagkain na lubos na makakatulong sa pag-aaral na ito.

Kaugnay na Literatura

Dayuhang Literatura

Ayon kay Al, et.al., (2014) mahalaga ang ginagampanang bahagi ng usapin sa

pagkaing pangkalye o tinatawag ding street foods sa buhay at pangkalusugan ng tao.

Dahil sa pagtaas ng antas ng mga nalalason dahil sa hindi tamang sanitasyon o mas kilala

sa tawag na food poisoning nakadaragdag ito ng alarma sa mga tao. Isinaad din dito na

nararapat magkaroon ng kaalaman ang mga tao gayundin ang mga nagtitinda sa mga

sakit o karamdamang maaaring makuha dito.

Kaugnay nito, inilahad din ni Ajayi, et.al., (2014) na ang pagkaing kalye o street

foods ay pawang mga handang pagkain na ibinebenta sa kalye ng mga magtitinda. Sinabi

din dito na ang mga magtitinda ng mga street foods na ito ay yaong mga walang

partikular o permanteng lugar na pinagtitindahan sa halip sila ay palipat-lipat gamit ang

mga sasakyang di tulak o di kaya ay mga pedikab.


9

Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Choung (2010) sa U.S. sinasabing ang usapin sa

pangkaligtasan sa pagkain ay naging maugong sa administrasyon ni Obama. Sa unang

taon sa pwesto ni Tom Vilsack, ang sekretarya ng departamento ng agrikultura ay

binigyang pansin niya agad ang kahalagahan sa pangkaligtasan pagdating sa pagkain.

Ayon sa Departamento ng Agrikultura ng U.S. (2009) ang isyu pagdating sa

pangkaligtasan sa pagkain ay isa sa mga pangunahing agenda ni Pangulong Obama.

Inilahad din ni Mead et.al (2006) noong taong 2004 mahigit kumulang 325,000 ang na

ospital at 5,000 dito ay namatay dulot ng sakit na nakuha sa maduming pagkain. Sinasabi

ding malaking porsyento ng mga Amerikano ang mas mahilig kumain ng mga

preparadong pagkain.Naibalita rin na 945,000 mga kainan ang naghahanda ng halos 70

bilyong preparadong pagkain doon. Karagdagan pa dito, ipinahayag ng NRA (2009) na

mahigit kumulang 130 milyong mga tao roon ang kumakain sa labas, at kalahati sa

kanilang pera ay nagagastos nila sa mga preparadong pagkain.

Ang usapin sa pangkaligtasan sa pagkain ay nabigyang pansin hindi lamang dahil

ito ay nakakapagdulot ng mga matitinding sakit dulot ng tinatawag na food contamination

kung hindi pati na rin sa dahilang ang mga pagkaing ito ay maaaring nakawin at angkinin

ng mga terorista. Sinasabing 4.3 bilyong dolyar ang nilaan ng U.S. upang maprotektahan

ito laban sa pag atake ng mga terorista gayundin sa mga pangkalusugang aspeto.

Gayudin, nagbigay din ng pahayag si Holy, (2006) na ang mga pagkaing kalye o

street foods ay ibinibenta sa mga pampublikong lugar. Inilahad nya rin dito na ang street

foods ay mga pagkaing nakahanda na at pasok sa badyet o pera ng mga konsyumer na

bumibili na kung saan ay nagiging dahilan upang kumita ang mga nagtitinda nito ngunit

sa kabila nito kinakailangang pag-aralang mabuti ang kalidad at pangkaligtasang aspeto


10

nito. Sa kabila ng mga isyung ito naging sikat, kilala at dumami pa ang nagtitinda at

tumatangkilik sa mga produktong ito lalo na sa bansang Africa. Sa ngayon ang

negosyong ito ang isa sa mga mataas ang porsyento ng trabaho sa Africa na kabilang sa

impormal na sektor.

Ayon naman kay Devlieghere (2015) ang street foods ay isa sa mga pagkaing

nakapagdudulot ng mataas na porsyento ng karamdaman o sakit. May mga napaulat na

balita ng pagkalason dahil sa mga pagkaing ito. Tinatayang 691 katao ang nalason sa

China nong 1993 at 49 dito ay namatay.

Inilahad din nina Isah at Okijie (2014) na ang street foods ay may malaking

ginagampanan sa pagtaas ekonomiya ng bansang Nigeria. Dahil dito nagkakaroon ng

trabaho at kumikita ang mga tao doon partikular ang mga kababaihan. Gayundin ang

pagtangkilik ng mga konsyumer dahil sa mababa nitong presyo ay naging dahilan din

upang umunlad ang impormal na sektor ng trabahong ito.

Lokal na Literatura

Ayon kay Airoso (2007) masasabing isang phenomenon ang mga pagkaing kalye.

Saang sulok man ng bansa, sa syudad man o probinsya, napakaraming tao man o

kakaunti, mayaman man, may kaya o salat sa pera ang nabubuhay at ginagawang

hanapbuhay at tumatangkilik sa nga ito.

Karagdagan pa dito, sinabi nya rin na dito sa Pilipinas, hindi lamang maituturing

na isang uso datapwat ito ay naging bahagi na din ng kultura ng ating bansa at pang-

araw-araw na pamumuhay nating mga Pilipino. Sinabi nya rin dito na bagamat

nakabubusog ang karamihan sa mga pagkaing ito, kung hindi naman malinis at
11

mapangalaga sa kalusugan ay maaaring magkaroon ito ng masamang epekto sa kalusugan

ng tao.

Kaugnay naman nito, inilahad ng Department of Science and Technology (2015)

na ang halagang pang-nutrisyon ng ilang pagkaing di maayos ang pagkakahanda at

itinitinda sa mga lansangan ay higit na mababa kumpara sa mga panganib na maaari

nitong maidulot. Sa madaling salita ang mababang halaga ng pagkaing ito ay kulang na

kulang sa mga sakit na maaari nitong maidulot na nagmula sa mga mikrobyong kumapit

sa pagkain. Ipinahayag din dito na ang mga pagkaing kalye ay makolesterol na maaaring

makapagdulot ng mga karamdaman sa puso o di kaya ay ang pagkakuha ng tinatawag na

aflatoxin na napagalamang nakapagdudulot ng kanser sa atay at cirrhosis naman sa mga

bata. Sa kabuuan, ang panganib na dulot ng mga pagkaing kalye ay sanhi ng kakulangan

sa pangunahing imprastraktura o di kaya ay sa serbisyo.

Ayon sa World Street Food Congress (2016) ng FOOD magazine, sinasabing ang

Maynila ay isa sa mga pinakamaraming nagtitinda ng mga pagkaing kalye o tinatawag na

street foods.

Sinabi ni Caracas et.al., (2015) na ang pagkain ay isa sa mga pangunahing

pangangailangan ng bawat isa sa atin, ito ay nagbibigay ng sapat na sustansya upang

magkaroon ng wastong nutrisyon, pagiisip at lakas ng pangangatawan ngunit hindi lahat

ng tao ay may kakayahang bumili ngpagkain sa pang araw-araw dahil sa problemang

pinansyal.

Gayundin, inilahad nya dito na ang problemang pinansyal ay isa sa mga

pangunahing dahilan kung bakit pinipili ng mga estudyante na kumain sa mga


12

establisyemento na nagbebenta ng murang pagkain kagaya na lamang ng karinderya at

mga pagkaing kalye o street foods. Karagdagan pa dito, ipinahayag niya rin na

napakahalaga ng kalinisan pagdating sa pagkain o binibili man natin ito sa pamilihan,

kinakain sa isang restawran o kumakain man tayo sa bahay ng isang kainan.

Sintesis

May mga nakalap ang mga mananaliksik na mga impormasyon o pahayag mula sa

mga eksperto na nagkakaugnay-ugnay. Ipinahayag nina Ajayi, L. et.al., (2014) at Holy,

(2006) na ang pagkaing kalye o mas kilala sa tawag na street foods ay mga pawang mga

handang pagkaing ibinibenta sa mga pampublikong lugar. Samantalang binigyang tuon

nina Al, B. et.al., (2014), Caracas et.al., (2015) at ng Department of Science and

Technology (2015) na ang pagkaing kalye o street foods ay nakapagdudulot ng mga

epekto sa pangkalusugang aspeto ng tao.

Ang mga nakalap na impormasyon na ito ng mga mananaliksik ay may

kaugnayan sa paksang tinatatalakay na patungkol sa tamang sanitasyon ng pagkain. Ito ay

lubos na makatutulong sa pananaliksik na isasagawa.


13

KABANATA III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito makikita ang mga kalahok sa pananaliksik, mga instrumentong

ginamit at pamamaraan sa pangangalap ng datos. Makikita rin dito ang disenyong

ginamit sa pananaliksik. Pati na rin bilang ng mga respondenteng sasagot sa mga

isasagawang sarbey.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyo ng pananaliksik na ginamit ay deskriptibo. Ang disenyong

deskriptibo ay idinesenyo para sa mananaliksik tungkol sa isang kalagayan sa

kasalukuyan. Ang uri ng disenyong deskriptibo na ginamit ay ang sarbey na kung saan

talatanungan ang siyang naging gabay para makalap ang mga datos mula sa mga

respondente. Ang disenyong ito ang pinaka-angkop na gamitin para sa pag-aaral ng

kanilang paksa dahil mas maraming datos ang nakuha mula sa maraming mga

respondente.

Mga Respondente

Ang mga respondente ng pananaliksik na ito ay binubuo ng isang daan (100) na

mga mag-aaral partikular na sa mga Senior High School na nagmula sa Our Lady of

Fatima University, Valenzuela City. Ang respondenteng lumahok sa pananaliksik na

ginawa ay may kinalaman sa paglutas sa suliranin. Pipiliin ang respondente sa paraang

convenience sampling.
14

Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik

Sa pag-aaral na ito ay gagamitan ng sarbey kwestyuner o talatanungan na kung

saan sasagutin ng mga respondente ang mga tanong na ibibigay ng mga mananaliksik. Ito

ang magsisilbing pangunahing instrumento ng pag-aaral na isasagawa.

Paraan ng Pagkalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng pamaraan upang makakalap ng datos.

Una, ang pagbuo ng talatanungan base sa paglalahad ng suliranin. Pangalawa, ang

pagpapawasto sa gurong tagapayo ang nagawang talatanungan. Pangatlo, aayusin upang

maipahatid ang layunin nang sa gayon ay mapirmahan ang isasagawang pag-aaral. Pang-

apat, ang pagpapamigay ng talatanungan sa mga respondente.

Triment ng Datos

Ang tritment ng datos na gagamitin ay pagkuha ng porsyento. Ang pagkuha ng

porsyento ay ginagamit upang maipakita ang kinalabasan ng gagawing pag-aaral batay sa

mga sagot ng mga respondente. Ginagamit din ito upang makuha ang pangkalahatang

bahagdan ng bilang ng pare-parehong sagot ng mga respondente. Ang pormula ng

pagkuha ng porsyento ay ang: P= f/n * 100%

Kung saan: P= porsyento n= kabuuang bilang ng respondente

f = bilang ng tumugon na respondente


15

Talatanungan

PERSEPSYON NG MGA PILING MAG-AARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL

PATUNGKOL SA TAMANG SANITASYON NG MGA PAGKAING KALYE SA

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY,VALENZUELA CITY

Pangalan: _________________________ Petsa:_____________

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang napiling sagot.

1. Ano ang pananaw mo sa tamang sanitasyon ng pagkain?

a. Ang tamang sanitasyon ay isang mahalagang sangkap para tangkilikin ng mga

mamimili.

b. Ang tamang sanitasyon ay unang bagay na dapat pinapatibay ng bawat negosyo

partikular na sa pagtitinda ng pagkaing kalye o street foods.

c. Ang tamang sanitasyon ay hindi gaanong mahalaga sa pagtitinda.

d. Iba pang sagot: _____________________________________________

2. Ano sa tingin mo ang maaaring positibong epekto ng tamang sanitasyon ng pagkain?

a. Sa aking palagay, ang positibong epekto ng tamang sanitasyon sa pagkain ay

ang hindi pagkakaroon ng sakit.

b. Sa aking palagay, ang positibong epekto ng tamang sanitasyon sa pagkain ay

malinis nitong maihahanda ang pagkain sa mga mamimili.

c. Sa aking palagay, ang positibong epekto ng tamang sanitasyon sa pagkain ay

mas tatangkilikin ito ng mga mamimili.


16

d. Walang positibong epekto ang tamang sanitasyon sa paghahanda ng pagkain.

3. Ano sa tingin mo ang maaaring negatibong epekto ng hindi pagsunod sa tamang

sanitasyon ng pagkain?

a. Ang negatibong epekto ng hindi tamang sanitasyon sa pagkain ay ang

pagkakaroon ng sakit.

b. Ang negatibong epekto ng hindi tamang sanitasyon sa pagkain ay bababa ang

tatangkilik na mamimili sa mga pagkaing kalye.

c. Ang negatibong epekto ng hindi tamang sanitasyon sa pagkain ay ang hindi

malinis na maihahanda ang pagkaing ititinda.

d. Walang negatibong epekto ang hindi tamang sanitasyon sa pagakain.

4. Mahalaga ba para sa mga mag-aaral kagaya mo ang malaman ang tamang sanitasyon

sa paghahanda ng pagkain?

a. Oo, mahalaga itong malaman ng mga mag-aaral na kagaya ko.

b. Hindi naman gaanong kaillangan na malaman ang sanitasyon sa paghahanda

ng pagkain ang mahalaga ay bumenta.

c. Hindi naalala ang sanitasyon sa paghahanda ng pagkain sa mga panahon

ngayon.

d. Oo mahalaga ito dahil isa ito sa sangkap para tangkilikin

5. Ano para sa iyo ang kahulugan ng salitang Sanitasyon?


17

a. Para sa akin, ang sanitasyon ay mahalaga para sa paghahanda ng pagkain.

b. Para sa akin, ang sanitasyon ay proseso sa tamang paghahanda ng pagkaing

ititinda.

c. Para sa akin, ang sanitasyon ay mabisang paraan para tangkilikin ang

negosyong ititinda.

d. Iba pang sagot: ______________________________________________

6. Ikinikunsidera pa ba ninyo ang sanitasyon ng pagkain bago kayo bumili?

a. Oo, ikinukunsidera pa namin ang sanitasyon sa pagkain bago bumili.

b. Hindi na naming ikinukunsedera ang sanitasyon sa pagkain bago bumili sa

panahon ng tag-gutom.

c. Wala na kaming iniitindi sa aming binibili basta lamang kaming bibili, lalo na

sa mga tinatangkilik na pagkain.

d. Minsan na lamang maalala ang tamang sanitasyon sa paghahanda ng pagkain

ng mga tao ngayon.

7. Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng kaalaman ukol sa tamang sanitasyon ng

pagkain sa inyong mga mag-aaral?

a. Mas napapalawak ang kaalaman naming mag-aaral sa tamang sanitasyon ng

pagkain.

b. Mas nagiging mulat kaming mag-aaral sa pagbili ng mga pagkaing kalye.

c. Mas nagiging mapagmatyag na kami sa mga tatangkiliking pagkain.


18

d. Iba pang sagot: ___________________________________________________

8. Sa panahon ngayon nagagawa pa ba ninyong mag-aaral na tingnan kung malinis ba

ang bibilhing pagkain?

a. Mahalagang tingnan muna kung malinis ang bibilhing pagkain.

b. Oo, nagagawa pa naming iwasto o tingnan kung malinis ang bibilhing pagkain.

c. Hindi na naming nagagawang tingnan pa kung malinis ang bibilhing pagkain

ang mahalaga ay makabili kami.

d. Wala ng pakialam sa ngayon ang mga mamimili kung malinis baa ng kanilang

kinakain o tinatangkilik.

9. Sa tingin mo, saan ba mas dapat ipatupad ang tamang sanitasyon sa paghahanda ng

pagkain?

a. Sa mga restaurant

b. Sa mga pampublikong lugar

c. Sa mga paaralan

d. Iba pang sagot: ___________________

10. Anong paraan ang maari mong gawin kung sakaling nakita mo sa isang bilihan ng

pagkaing kalye na hindi tama ang paghahanda ng pagkaing ititinda sa inyo?

a. Papaliwanag ko sa tindero/tindera ng maayos at may galang ang kahulugan ng

tamang sanitasyon.
19

b. Sasabihan ko ang naghahanda na baka hindi na siya tangkilikin kung

ipagpapatuloy pa niya ang hindi tamang paghahanda ng pagkain.

c. Magsasawalang-kibo na lamang ako sa aking nakita.

d. Iba pang sagot: _________________________________________


20

KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG DATOS
Sa kabanatang ito makikita ang mga nakalap na datos ng mga mananaliksik mula

sa mga piling respondenteng sumagot sa ibat-ibang mga katanungan.

TALAHANAYAN BLG. 1
Pananaw ng mga Mag-aaral sa Tamang Sanitasyon ng Pagkain

TITIK NA BILANG NG SUMAGOT SA BAHAGDAN

PAGPIPILIAN BAWAT TITIK

A 37 37%

B 59 59%

C 3 3%

D 1 1%

KABUUAN 100 100%

Makikita sa talahanayan bilang 1.1 sa pananaw ng mga mag-aaral sa tamang

sanitasyon ng pagkain, makikita na may pinakamaraming tumugon sa titik na B na may

bilang 59 at may bahagdang 59%, pumangalawa naman ang titik A na may 37 bilang at

may bahagdang 37% ang tumugon, pumangatlo naman ang titik C na may bilang 3 at

may bahagdang 3%, at pumang-apat naman ang titik D na may bilang na 1 at may

bahagdang 1% ang tumugon.


21

Mapagtatanto na mas marami ang pumili ng titik B na kung saan nakasaad dito na

ang tamang sanitasyon ay unang bagay na dapat pinapatibay ng bawat negosyo partikular

na sa pagtitinda ng pagkaing kalye o street foods.

Pinatutunayan ito ng pahayag ni Al, et.al., (2014) na mahalaga ang

ginagampanang bahagi ng usapin sa pagkaing pangkalye o tinatawag ding street foods sa

buhay at pangkalusugan ng tao. Dahil sa pagtaas ng antas ng mga nalalason dahil sa hindi

tamang sanitasyon mas kilala sa tawag na food poisoning nakadaragdag ito ng alarma sa

mga tao. Isinaad din dito na nararapat magkaroon ng kaalaman ang mga tao gayundin ang

mga nagtitinda sa mga sakit o karamdamang maaring makuha dito kung kaya dapat

unang pinapagtibay ng bawat negosyo ang tamang sanitasyon.

TALAHANAYAN BLG. 2

Positibong Epekto ng Tamang Sanitasyon ng Pagkain

BILANG NG SUMAGOT
TITIK NA PAGPIPILIAN BAHAGDAN
SA BAWAT TITIK

43 43%

45 45%

10 10%
22

2 2%

KABUUAN 100 100%

Makikita sa talahanayan bilang 2.1 sa positibong epekto ng tamang sanitasyon ng

pagkain, makikita na may pinakamaraming tumugon sa titik na B na may bilang 45 at

may bahagdang 45%, pumangalawa naman ang titik A na may 43 bilang at may

bahagdang 43% ang tumugon, pumangatlo naman ang titik C na may bilang 10 at may

bahagdang 10%, at pumang-apat naman ang titik D na may bilang na 2 at may bahagdang

2% ang tumugon.

Mapagtatanto na mas marami ang pumili ng titik B na kung saan nakasaad dito na

para sa mga piling respondente, ang positibong epekto ng tamang sanitasyon sa pagkain

ay malinis nitong maihahanda ang pagkain sa mga mamimili.

Pinatutunayan ng pahayag ni Villanueva (2010) na ang kahalagahan ng serbisyo

ng pagkain ay hindi lamang upang magbigay ng pagkain, ngunit, ang magbigay ng

pinakamagandang pagkaing maaring kainin at maayos na inihanda sa ilalim ng

katanggap-tanggap na istandard ng kalinisan at ang maihain ito ng murang halaga. Kung

kayat masasabing ang sanitasyon o paghahandasa pagkain ay lubhang napakahalaga

lalong lalo na sa pangkalusugang aspeto nating mga tao.


23

TALAHANAYAN BLG. 3
Negatibong Epekto ng hindi pagsunod sa Tamang Sanitasyon ng Pagkain

TITIK NA BILANG NG SUMAGOT SA


BAHAGDAN
PAGPIPILIAN BAWAT TITIK

64 64%

B
16 16%

C
15 15%

D
5 5%

KABUUAN 100 100%

Makikita sa talahanayan bilang 3.1 sa negatibong epekto ng hindi pagsunod sa

tamang sanitasyon ng pagkain, makikita na may pinakamaraming tumugon sa titik na A

na may bilang 64 at may bahagdang 64%, pumangalawa naman ang titik B na may 16

bilang at may bahagdang 16% ang tumugon, pumangatlo naman ang titik C na may

bilang 15 at may bahagdang 15%, at pumang-apat naman ang titik D na may bilang na 5

at may bahagdang 5% ang tumugon.


24

Mapagtatanto na mas maraming pumili sa titik A na kung saan nakasaad dito na

ang negatibong epekto ng hindi tamang sanitasyon sa pagkain ay ang pagkakaroon ng

sakit.

Pinatunayan ito ni Devlieghere (2015) na nag street foods ay isa sa mga pagkaing

nakapagdudulot ng mataas na porsyento ng karamdaman o sakit. May mga napaulat na

balita ng pagkalason dahil sa pagkaing ito. Tinatayang 691 katao ang nalason sa China

nong 1993 at 49 dito ay namatay.

TALAHANAYAN BLG. 4
Kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa Tamang Sanitasyon

TITIK NA BILANG NG SUMAGOT SA


BAHAGDAN
PAGPIPILIAN BAWAT TITIK

64 64%

11 11%

6 6%

19 19%

KABUUAN 100 100%

Makikita sa talahanayan bilang 4.1 sa kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman

sa tamang sanitasyon, makikita na may pinakamaraming tumugon sa titik na A na may


25

bilang 64 at may bahagdang 64%, pumangalawa naman ang titik D na may 19 bilang at

may bahagdang 19% ang tumugon, pumangatlo naman ang titik B na may bilang 11 at

may bahagdang 11%, at pumang-apat naman ang titik C na may bilang na 6 at may

bahagdang 6% ang tumugon.

Mapagtatanto na mas marami ang pumili ng titik A na kung saan nakasaad dito na

para sa mga piling respondente, ang tamang sanitasyon ng pagkain ay mahalagang

malaman ng mga mag-aaral na kagaya ko ang tamang sanitasyon ng pagkain.

Pinapatunayan ng Department of Science and Technology (2015) na ang halagang

pang-nutrisyon ng ilang pagkaing di maayos ang pagkakahanda at itinitinda sa mga

lansangan ay higit na mababa kumpara sa mga panganib na maari nitong maidulot.

.TALAHANAYAN BLG. 5

Kahulugan ng Sanitasyon

BILANG NG SUMAGOT SA
TITIK NA PAGPIPILIAN BAHAGDAN
BAWAT TITIK

25 25%

B
57 57%

C
11 11%

D
7 7%
26

KABUUAN 100 100%

Makikita sa talahanayan bilang 5.1 sa kahulugan ng sanitasyon, makikita na may

pinakamaraming tumugon sa titik na B na may bilang 57 at may bahagdang 57%,

pumangalawa naman ang titik A na may 25 bilang at may bahagdang 25% ang tumugon,

pumangatlo naman ang titik C na may bilang 11 at may bahagdang 11%, at pumang-apat

naman ang titik D na may bilang na 7 at may bahagdang 7% ang tumugon.

Mapagtatanto na mas marami ang pumili ng titik B na kung saan nakasaad dito na

para sa mga piling respondente na ang tamang sanitasyon ay proseso sa tamang

paghahanda ng pagkaing ititinda.

Pinapatunayan ng Department of Science and Technology (2015) na ang halagang

pang-nutrisyon ng ilang pagkaing di maayos ang pagkakahanda at itinitinda sa mga

lansangan ay higit na mababa kumpara sa mga panganib na maari nitong maidulot.

TALAHANAYAN BLG. 6
Pagkukunsidera ng Tamang Sanitasyon sa Pagbili ng Pagkain

TITIK NA PAGPIPILIAN BILANG NG SUMAGOT SA BAHAGDAN


BAWAT TITIK
A
68 68%
B
13 13%
C
4 4%
D
15 15%
KABUUAN 100 100%
27

Makikita sa talahanayan bilang 6.1 sa pagkukunsidera ng tamang sanitasyon sa

pagbili ng pagkain, makikita na may pinakamaraming tumugon sa titik na A na may

bilang 68 at may bahagdang 68%, pumangalawa naman ang titik D na may 15 bilang at

may bahagdang 15% ang tumugon, pumangatlo naman ang titik B na may bilang 13 at

may bahagdang 13%, at pumang-apat naman ang titik C na may bilang na 4 at may

bahagdang 4% ang tumugon.

Mapagtatanto na mas marami ang pumili ng titik A na kung saan nakasaad dito na

ang piling mga respondente ay ikinukunsidera pa ang sanitasyon sa pagkain bago bumili.

Pinatutunayan ng pahayag ni Airoso (2007) na hindi lamang maituturing na isang

uso ang street foods datapwat ito ay naging bahagi na din ng kultura ng ating bansa at

pang-araw-araw na pamumuhay nating mga Pilipino. Sinabi nya rin dito na bagamat

nakabubusog ang karamihan sa mga pagkaing ito, kung hindi naman malinis at

mapangalaga sa kalusugan sy maaring magkaroon ito ng masamang epekto ng kalusugan

ng tao.

TALAHANAYAN BLG. 7
Maidudulot ng pagkakaroon ng kaalaman ukol sa tamang sanitasyon ng Pagkain

TITIK NA BILANG NG SUMAGOT


BAHAGDAN
PAGPIPILIAN SA BAWAT TITIK

49 49%

B
34 34%
28

C
14 14%

D
3 3%

KABUUAN 100 100%

Makikita sa talahanayan bilang 7.1 sa maidudulot ng pagkakaroon ng kaalaman

ukol sa tamang sanitasyon ng pagkain, makikita na may pinakamaraming tumugon sa

titik na A na may bilang 49 at may bahagdang 49%, pumangalawa naman ang titik B na

may 34 bilang at may bahagdang 34% ang tumugon, pumangatlo naman ang titik C na

may bilang 14 at may bahagdang 14%, at pumang-apat naman ang titik D na may bilang

na 3 at may bahagdang 3% ang tumugon.

Mapagtatanto na mas marami ang pumili ng titik A na kung saan nakasaad dito na

mas napapalawak ang kaalaman naming mag-aaral sa tamang sanitasyon ng pagkain.

Ayon kay Airoso (2007) masasabing isang phenomenon ang mga pagkaing kalye.

Saang sulok man ng bansa, sa siyudad man o probinsya, napakaraming tao man o

kakaunti, mayaman man, may kaya o salat sa pera ang nabubuhay at ginagawang

hanapbuhay at tumatangkilik sa mga ito, dito isinaad na napakalawak ang makukuhang

kaalaman ng mga mag-aaral sa tamang sanitasyon ng pagkain.


29

TALAHANAYAN BLG. 8
Pagtingin ng Mag-aaral sa bibilhing Pagkain

BILANG NG SUMAGOT
TITIK NA PAGPIPILIAN BAHAGDAN
SA BAWAT TITIK

35 35%

B
50 50%

C
10 10%

D
5 5%

KABUUAN 100 100%

Makikita sa talahanayan bilang 8.1 sa pagtingin ng mag-aaral sa bibilhing

pagkain, makikita na may pinakamaraming tumugon sa titik na B na may bilang 50 at

may bahagdang 50%, pumangalawa naman ang titik A na may 35 bilang at may

bahagdang 35% ang tumugon, pumangatlo naman ang titik C na may bilang 10 at may

bahagdang 10%, at pumang-apat naman ang titik D na may bilang na 5 at may bahagdang

5% ang tumugon.
30

Mapagtatanto na mas marami ang pumili ng titik B na kung saan nakasaad dito na

ayon sa mga piling respondente ay nagagawa pa naming iwasto o tingnan kung malinis

ang bibilhang pagkain.

Pinapatunayan ni Al, et.al., (2014) na mahalaga ang ginagampanang bahagi ng

usapin sa pgkaing pangkalye o tinatawag ding street foods sa buhay at pangkalusugan ng

tao. Dahil sa pagtaas ng antas ng mga nalalason dahil sa hindi tamang sanitasyon o mas

kilala sa tawag food poisoning nakadaragdag ito ng alarma sa mga tao. Isinaad din dito na

nararapat magkaroon ng kaalaman ang mga tao gayundin ang mga nagtitinda sa mga

sakit o karamdamang maaring makuha dito kung kaya dapat unang pinapagtibay ng

bawat negosyo ang tamang sanitasyon.

TALAHANAYAN BLG. 9
Lugar kung saan dapat ipatupad ang Tamang Sanitasyon ng Pagkain

BILANG NG SUMAGOT
TITIK NA PAGPIPILIAN BAHAGDAN
SA BAWAT TITIK

10 10%

B
61 61%

C
9 9%

D
31

15 15%

KABUUAN 100 100%

Makikita sa talahanayan bilang 9.1 sa lugar kung saan dapat ipatupad ang tamang

sanitasyon ng pagkain, makikita na may pinakamaraming tumugon sa titik na B na may

bilang 61 at may bahagdang 61%, pumangalawa naman ang titik D na may 15 bilang at

may bahagdang 15% ang tumugon, pumangatlo naman ang titik A na may bilang 10 at

may bahagdang 10%, at pumang-apat naman ang titik C na may bilang na 9 at may

bahagdang 9% ang tumugon.

Mapagtatanto na mas marami ang pumili ng titik B na kung saan nakasaad dito na

para sa mga piling respondente, dapat ipatupad ang tamang sanitasyon sa paghahanda ng

pagkain ay sa mga pampublikong lugar.

Isinasaad ni Ajayi, et.al., (2014) na ang pagkaing kalye o street foods ay pawang

mga handang pagkain ba ibinebenta sa kalye ng mga magtitinda. Sinabi din dito na ang

mga magtitinda ng mga street foods na ito ay yaong mga walang partikular o

permanenting lugar na pinagtitindahan sa halip sila ay palipat-lipat gamit ang mga

sasakyang di tulak o si kaya ay mga pedikab.


32

TALAHANAYAN BLG. 10
Paraang gagawin para sa isang bilihan ng pagkaing kalye na hindi tama ang paghahanda
ng pagkain

BILANG NG

TITIK NA PAGPIPILIAN SUMAGOT SA BAWAT BAHAGDAN

TITIK

48 48%

43 43%

5 5%

4 4%

KABUUAN 100 100%

Makikita sa talahanayan bilang 10.1 sa paraang gagawin para sa isang bilihan ng

pagkaing kalye na hindi tama ang paghahanda ng pagkain, makikita na may

pinakamaraming tumugon sa titik na A na may bilang 48 at may bahagdang 48%,

pumangalawa naman ang titik B na may 43 bilang at may bahagdang 43% ang tumugon,

pumangatlo naman ang titik C na may bilang 5 at may bahagdang 5%, at pumang-apat

naman ang titik D na may bilang na 4 at may bahagdang 4% ang tumugon.


33

Mapagtatanto na mas marami ang pumili ng titik A na kung saan nakasaad dito na

ang maaaring dapat gawin ng mga piling respondente ay ipaliwanag sa tindero/tindera ng

maayos at may galang ang kahulugan ng tamang sanitasyon.

Pinapatunayan ni Caracas et.al., (2015) na ang pagkaing kalye o street foods ay

nagdudulot ng mga epekto sa pangkalusugang aspeto ng tao kung kayat dapat tama ang

paghahanda ng pagkaing ititinda.


34

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng lagom, kongklusyon, at rekomendasyon sa


isinagawang pananaliksik.

Lagom

Ang disenyo ng pananaliksik na ginamit ay deskriptibo. Ang disenyong

deskriptibo ay idinesenyo para sa mananaliksik tungkol sa isang kalagayan sa

kasalukuyan. Ang uri ng disenyong deskriptibo na ginamit ay ang sarbey na kung saan

talatanungan ang siyang magiging gabay para makakalap ng mga datos mula sa mga

respondente. Ang disenyong ito ang pinaka-angkop na gamitin para sa pag-aaral ng

kanilang paksa dahil mas maraming datos ang makukuha mula sa maraming mga

respondente. Ang mga respondente ng pananaliksik na ito ay binubuo ng isang daan

(100) na mga mag-aaral partikular na sa mga Senior High School na nagmula sa Our

Lady of Fatima University, Valenzuela City. Ang respondenteng lumahok sa pananaliksik

na ginawa ay may kinalaman sa paglutas ng suliranin. Pinili ang respondente sa paraang

convenience sampling. Sa pag-aaral na ito ay ginamitan ng sarbey kwestyuner o

talatanungan na kung saan sinagot ng mga respondente ang mga tanong na ibinigay ng

mga mananaliksik. Ito ang nagsilbing pangunahing instrumento ng pag-aaral na

isinagawa. Ito ay naglalaman ng mga katanungang sasagot sa suliraning inilahad ng mga

mananaliksik. Ang tritment ng datos na ginamit ay pagkuha ng porsyento. Ang pagkuha

ng porsyento ay ginamit upang maipakita ang kinalabasan ng ginawang pag-aaral batay

sa mga sagot ng mga respondente. Ginamit din ito upang makuha ang pangkalahatang

bahagdan ng bilang ng pare-parehong sagot ng mga respondente. Ang pormula ng


35

pagkuha ng porsyento ay ang: P= f/n * 100%, Kung saan: P= porsyento, n= kabuuang

bilang ng respondente, at f = bilang ng tumugon na respondente.

Konklusyon

Ang mga nabuong kongklusyon sa isinagawang pananaliksik ay ang mga sumusunod:

1. Karamihan sa mga mag-aaral ay may pananaw na ang tamang sanitasyon ay

unang bagay na dapat pinapatibay ng bawat negosyo partikular na sa pagtitinda ng

pagkaing kalye o street foods.

2. Ang karamihan sa pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa positibong epekto ng

tamang sanitasyon sa pagkain ay malinis itong maihahanda sa mga mamimili.

3. Ang kadalasang opinyon ng mga mag-aaral patungkol sa negatibong epekto ng

hindi pagsunod sa tamang sanitasyon ng pagkain ay ang pagkakaroon ng sakit.

4. Ang karamihan sa mga mag-aaral ay may opinyon patungkol sa pagkukunsidera

nila sa sanitasyon ng paghahanda ng pagkain bago sila bumili.

5. Marami sa mga mag-aaral ang nagsasabi na nang pagkakaroon ng kaalaman ukol

sa tamang sanitasyon ay mas mapapalawak ang kaalaman nila tungkol sa tamang

sanitasyon ng pagkain.

6. Marami sa mga mag-aaral ang nagsasaad na ang kahulugan ng sanitasyon ay

isang proseso sa tamang paghahanda ng pagkaing ititinda.


36

Rekomendasyon

Base sa mga kasagutan at konklusyong nahinuha, ang mga mananaliksik ay nagbibigay

ng mga rekomendasyon.

1. Para sa mga magtitinda o mga nagnenegosyo ng mga pagkaing-kalye, laging

isaalang-alang ang pagsunod sa mga patakaran o proseso nang tamang sanitasyon upang

maiwasan ang mga hindi kanais-nais na pangyayari tulad na lamang ng food poisoning.

2. Para sa mga magulang, nirerekomenda ng mga mananaliksik na obserbahan,

bigyan ng atensyon at patnubayan ang kani-kanilang mga anak sa mga pagkaing kanilang

kinakain o kakainin.

3. Para sa mga mag-aaral na pangunahing konsyumer, obserbahan muna ang

isang bilihin kung ito ba ay malinis at kung ito ay sumunod sa proseso ng tamang

sanitasyon. Ito ay makakatulong sa kanila lalo na sa pangkalusugan nilang kalagayan.

4. Para sa mga susunod na henerasyon o mananaliksik, nirerekomenda ng mga

mananaliksik na mas palawakin pa ang pag-aaral ukol sa tamang sanitasyon ng pagkain.


37

BIBLIYOGRAPI

INTERNET

Airoso (2007). Ang Pagkaing Kalye: Bahagi ng Kulturang Pilipino. U.P. Manila:

Departamento ng Sining at KomunikasyonKolehiyo ng Agham at Sining. Nakuha noong

Enero 19, 2017 mula sa https://www.scribd.com/doc/44609362/Street-Foods

Ajayi, L. et.al., (2014). A survey of hygiene and sanitary practices of street food vendors

in the Central State of Northern Nigeria. Nakuha noong Enero 19, 2017 mula sa

http://www.academicjournals.org/article/article1400492581_Nurudeen%20et%20al.pdf

Al, B. et.al., (2014). Food Safety Challenges towards Safe, Healthy, and Nutritious Street

Foods in Bangladesh. Nakuha noong Enero 19, 2017 mula sa

https://www.hindawi.com/journals/ijfs/2014/483519/

Buted at Ylagan (2014). Street Food Preparation Practices. Nakuha noong Enero 19,

2017 mula sa http://apjeas.apjmr.com/wp-content/uploads/2014/05/APJEAS-2014-1-

031.pdf

Caracas, et.al., (2015). Kalinisan at sanitasyon ng mga karinderyang tinatangkilik ng mga

estudyante sa University belt. Quezon City: St. Paul University. Nakuha noong Enero 19,

2017 mula sa https://www.academia.edu/10925337/Bilang_Pagtupad_sa_Isa_sa_mga_

Pangangailangan_ng_Asignaturang_Filipino_02A

Choung (2010). An Analysis of restaurant food safety violations: human factors, non-

human factors, and food-borne illness. Nakuha noong Enero 19, 2017 mula sa

http://digitalscholarship.unlv.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=1015&context=thesesdisser

tations
38

Department of Science and Technology (2015). Kalinisan sa pagkain, mahalaga. .

Nakuha noong Enero 19, 2017 mula sa http://region4a.dost.gov.ph/news/649-kalinisan-

sa-pagkain-mahalaga

Devlieghere (2015). Food safety behavior, attitudes and practices of street food vendors

and consumers in Vietnam. Nakuha noong Enero 19, 2017 mula sa

http://lib.ugent.be/fulltxt/RUG01/002/217/245/RUG01-002217245_2015_0001_AC.pdf

Henares (2007). Street food in the Philippines. Nakuha noong Enero 19, 2017 mula sa

http://www.ivanhenares.com/2007/03/flavors-of-metro-manilas-streets.html

Holy, (2006). Improving street food vending in South Africa: Achievements and lessons

learned. Nakuha noong Enero 19, 2017 mula sa

http://ssu.ac.ir/cms/fileadmin/user_upload/Mtahghighat/tfood/ARTICLES/koliat/Improvi

ng_street_food_vending_in_South_Africa.pdf

Isah at Okijie (2014). Sanitary Conditions of Food Vending Sites and Food Handling

Practices of Street Food Vendors in Benin City, Nigeria: Implication for Food Hygiene

and Safety. Nakuha noong Enero 19, 2017 mula sa

https://www.hindawi.com/journals/jeph/2014/701316/

Labadarios, et.al., (2011). Factors which influence the consumption of street foods and

fast foods in South Africa-a national survey. Nakuha noong Enero 19, 2017 mula sa

https://nutritionj.biomedcentral.com/articles/10.1186/1475-2891-10-104

Canini et.al., (2013). Evaluation of Street Food Vending in Ozamiz City. Nakuha noong

Enero 19, 2017 mula sa file:///C:/Users/Admin/Downloads/391-1885-1-PB.pdf


39

Rheinlander (2006). Street food quality: A matter of neatness and trust. Nakuha noong

Enero 19, 2017 mula sa

https://cgspace.cgiar.org/bitstream/handle/10568/17110/17110.pdf?sequence

Zawide (2009). Strengthening the Role of Street Food Vendors to Reduce the Burden of

Foodborne Diseases in Developing Countries. Nakuha noong Enero 19, 2017 mula sa

http://journals.lww.com/epidem/fulltext/2009/11001/Strengthening_the_Role_of_Street_

Food_Vendors_to.304.aspx

MAGASIN

World Street Food Congress (2016). Street Foods in Manila. Food Magazine, p.50

TESIS

Bron, J. et.al., (2006). The Effect of Food Sanitation along the Area of Quezon City

Memoria Circle: Our lady of Fatima University


40

You might also like