You are on page 1of 6

KABANATA III

METODO NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito inilalahad ng mga mananaliksik ang metodolohiya na ginamit sa

pananaliksik, instrumentong ginamit, at paraan na ginamit upang makapangalap ng mga

impormasyon.

A. URI NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay may pamagat na Komparatibong Pananaliksik sa Pagtangkilik ng

Fastfood Chain o Karinderyang Lutong Bahay ng ABM Student sa Ika-11 Baitang ng

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta. Mesa, Manila ay gumamit ng kwantitatibong

pamamaraan ng pananaliksik upang makakalap ng mga datos mula sa mga respondente na

magagamit at makatutulong sa nasabing pag-aaral. Ginagamitan ito ng mga sa sistematiko at

emperikal na imbestigasyon ng iba’t-ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng

matematikal, estadistikal, at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng komputasyon.

Kailangang ipaliwanag ang data na nakolekta, statistical treatment at ang lahat ng

kaugnay na mga resulta na may kaugnayan sa problema sa pananaliksik na sinisiyasat. Iuulat din

ang mga hindi inaasahang pangyayari na naganap sa panahon ng iyong koleksyon ng data.

Aalamin kung paano naiiba ang aktwal na pag-aaral mula sa nakaplanong pag-aaral. Kailangan

din malaman ang mga nawawalang data at kung bakit ang anumang nawawalang data ay hindi

nagpapahina sa pagiging wasto ng pag-aaral. Ilarawan ang mga pagpapalagay para sa bawat

pamamaraan at ang mga hakbang na kinuha upang matiyak na hindi sila lumabag.
B. POPULASYON O ESTADISDIKANG GAGAMITIN

Upang makakuha ng mga impormasyon ang mananaliksik ukol sa paksang

“Komparatibong Pananaliksik sa Pagtangkilik ng Fastfood Chain o Karinderyang Lutong Bahay

ng ABM Student sa Ika-11 Baitang ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta. Mesa,

Manila” ginamit ang purposive sampling kung saan pumili ng mga respondente na akma sa

layunin ng pananaliksik. Ang napiling respondente sa pagsusuring ito ay ang mga mag-aaral ng

ika- 11 baitang mula sa ilalim ng ABM ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na kumakain

sa mga fast food chains at karinderiya.

Ang mananaliksik ay nagsagawa ng maikling oryentasyon sa mga mag-aaral upang

masiguro na nauunawan ng mga sasagot sa mga talatanungan ang bawat bagay maging ang

pagiging kompidensyal ng bawat datos upang maipahayag ang nararapat at kailangang mga

impormasyon.

C. INSTRUMENTONG GINAMIT

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionaire bilang pangunahing

instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang talatanungan ay nahahati

sa dalawang pangkat: ang profile at ang survey ukol sa paksang pinagaaralan. Ang profile ay

naglalaman ng mga personal na impormasyon ng mga respondent tulad ng kanilang pangalan

(opsyunal), edad, kasarian at badyet sa pagbili ng pagkain. Ang survey ay nagbigay ng iba’t

ibang persepsyon ng mag-aaral upang malaman kung ano ang mas tinatangkilik nilang kainan.

Narito ang sipi ng survey questionaire upang lubos na maunawaan ang komposisyon ng

mga talatanungan na ginamit sa pag-aaral.


Pangalan(opsyonal):_____________________________________________________________

Edad: Kasarian:

Badyet sa pagbili ng pagkain:

___50 pababa

___51-100

___101-150

___151-200

___201 pataas

Isa sa mga nais maisakatuparan ng mga mag-aaral sa ABM 11-4 na nag-aaral sa

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ay ang magsagawa ng pananaliksik. Layunin ng pag-

aaral na ito ay ang alamin kung ano ang mas pipiliin ng mga estudyante ng kakainan sa

larangan ng layo, presyo, serbisyo, kaligiran, kalinisan ng pagkain at sustansya ng pagkain.

Inaasahan na ang mga respondente ay masasagutan ang survey questionnaire sa loob ng labing

limang minuto. Ang inyong pakikilahok ay hindi sapilitan. Mananatiling pribado ang mga

kasagutan na aming makakalap.

Ang inyong oras at partisipasyon ay aming binibigyang halaga at ang talatunungan na

ito ay para sa pananaliksik lamang. Maraming Salamat!


Panuto: Lagyan ng (✔) ang kahon na naaayon sa iyong kasagutan.

Fast Food Chains Matinding Di Hindi Sumasang- Matinding


Di Sumasang sigurado ayon Sumasang-
Sumasang -ayon ayon
-ayon
1, Natutuwa sa layo ng
kainan.
2. Sapat sa badyet ang
mga presyo ng pagkain
3. Maayos ang serbisyong
inisagawa ng mga
empleyado
4. Malinis at maayos ang
lugar na pinagkakainan
5. Nakasisigurado na
malinis ang pagkaing
inihahain.
6. Sapat ang sustansya na
nakukuha sa mga
pagkain.
Karinderiya Matinding Di Hindi Sumasang- Matinding
di Sumasang sigurado ayon Sumasang-
sumasang- -ayon ayon
ayon
1. Natutuwa sa layo ng
kainan
2. Sapat sa badyet ang
mga presyo ng pagkain
3. Maayos ang serbisyong
inisagawa ng mga
empleyado
4. Malinis at maayos ang
lugar na pinagkakainan
5. Nakasisigurado na
malinis ang pagkaing
inihahain.
6. Sapat ang sustansya na
nakukuha sa mga
pagkain.
Matapos mapatunayan ang mga talatanungan, ibinihagi ito sa 10 mga mag-aaral ng ika-

11 baitang ng ABM sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Ginawa ito upang malaman ang

mga sumusunod:

 Ano ang magiging reaksyon ng mga respondente

 Kung ang mga tanong ay tama at naiintindihan

 Kung mayroong mga tanong na hindi nila sasagutan

D. PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS

Sa kabanatang ito ilalahad ang pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik para sa

pagsasakatuparan ng pag-aaral. Gumamit ng talatanungan ang mga mananaliksik sa pagkuha ng

datos at pagsusuri ng magiging resulta ng survey.

Ang talatanungan ay gumamit ng interval scale upang malaman ang koneksyon ng mga

sagot ng mga respondente. Isinagawa ang survey questionnaire na ito upang alamin kung ano

ang mas pipiliin ng mga estudyante ng kakainan sa larangan ng layo, presyo, serbisyo, kaligiran,

kalinisan ng pagkain at sustansya ng pagkain.

Opsyon Interpretasyon Lebel ng Pagkagusto


1 Matinding Di Sumasang-ayon 1.00-1.50
2 Di Sumasang-ayon 1.50-2.50
3 Hindi sigurado 2.50-3.50
4 Sumasang-ayon 3.50-4.50
5 Matinding Sumasang-ayon 4.50-5.00
E. ISTATISTIKAL NA PAGSUSURI NG MGA DATOS

Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang pagtataya rito. Gagamit ang

mga mananaliksik ng Percentage, sample mean, at standard deviations sa paglalarawan ng


profile ng mga respondent. Gagamit din ang mga mag-aaral ng Independent sample t test upang

malaman ang pagkakaiba ng fast food chains at karinderya. Ito ang napili ng mga mananaliksik

dahil mas madaling maintindihan ang mga datos sapagkat nakabuod ang mga datos gamit ang

iba’t ibang uri ng talaan gaya ng talahanayan, tsarts at graphs. Sa pagbuo ng interpretasyon at

resulta, pinakamaigi at mabilis na maintindihan para mga mananaliksik ay ang paggamit ng

talahanayan at graphs kung gayon ay magiging epektibo ang Independent sample t test sa pag-

aaral na ito.

BUOD

Isinagawa ang talatanungan na ito na may layunin na malaman ang pagkakaiba ng mga

kahiligan ng mga estudyante sa pagpili ng kakainan. Ginawa rin ito upang alamin kung ano ang

mas tinatangkilik ng mga estudyante sa larangan ng layo, presyo, serbisyo, kaligiran, kalinisan at

sustansya ng pagkain sa fast food chains at karinderiya. Ang mga nakalap na datos mula sa mga

respondente ay mananatiling pribado.

You might also like