You are on page 1of 13

KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

PANIMULA:
Nag hahanap kaba ng prutas na masustansiya at magpapataas ng
inyong enerhiya? Papasok ditto ang hinog na manga. Ang hinog na manga
ay nag lalaman ng 107 calories at naglalaman ito ng nutrients katulad na
lamang ng mga: Vitamin C, Vitamin E, Vitamin K, Thiamin, Riboflavin,
Niacin, Vitamin B6 Folate, Pantothenic, at Choline. Ang manggang hinog
ay nakatutulong upang maiwasan ang mga sakit katulad ng cancer,
nakakapagpababa ng cholesterol, at nakakapagpataas ng immune system.

Kung may magandang epektong maidudulot ito mayroon ding


masamang epekto ito katulad ng pangangati lalo na sa mga may allergy o
sensitibong balat. Ngunit ang hinog na manga ay hindi lamang kinakain o
hindi lamang nagpapataas ng resistensya ng isang tao, ngunit
nakakatulong din ito para kuminis ang ating balat sa mukha. At ang
paksang ito ay makatutulong upang magkaroon tayo ng kaalaman hindi
lamang sa pagkain kung hindi para na din sa ating kalusugan. Ang layunin
ng paksang ito ay makatulong sa mga taong may tigyawat sa mukha na
gusting kuminis ang kanilang balat sa mukha. Ang aming layunin ay
makatulong sa pagbigay kaalaman sa mga taong ang alam lang ay kumain
ng hinog na manga.

Kaligiran ng Pag-aaral
 Upang masabukan kung epektibo ang produkto ng aming
pananaliksik. May mga mangangalap ng impormasyon
tungkol sa mga bitamina ng hinog na manggang kalabaw na
maaaring makatulongsa pagpapakinis ng mukha. May
naatasan rin sa aming grupo kung sino ang gagamit ng
hinog na manggang kalabaw at may magsusuri rin kung
umepekto ba ang hinog na kalabaw sa pagpapakinis ng
mukha.

Balangkas Teoretikal
Ayon sa FASEB Journal, April 2016, vol. 30 no. 1 Supplement
1166.6 Ang pag susuplementasyon ng mangga ay nakakatulong sa pag-
iwas sa Gut Microbial Dybiosis at napapanatili ang produksyon ng Short
Fatty Acid tulong sa pag-papababa ng timbang ng katawan.

Ang Department of Nutrition and Food Science, sa Texas A&M


University naimbistigahan nila na may potensyal tulong ang mangga sa
Metabolismo ng Mikrobyo sa pagreregula sa Metabolismo ng Lipid at
Adipogenisis.

Ayon kay Ravi Teja Tadimalla, isang Australian ang nagsabi na


mahusay sa kalusugan ang manga at naglalaman ng mga bioactive
compounds. Ang isang ulat na inililathala ng lowa Department of Public
Health ipinihahayag na ang mangga ay naglalalaman ng pinakamalaking
halaga ng beta-karotina, na kung saan ay kilala upang protektahan ang
katawan mula sa maraming mga sakit. Ang mangga ay mayroong 20 na
ibat-ibang bitamina, na nagpapatunay na napakasustansya ng mangga.
Balangkas Konseptwal

INPUT PROSESO OUTPUT

Kaalaman sa Pagkuha ng ideya Makakatulong ito


pagggamit ng sa internet tungkol upang mapakinis
manggang hinog sa sa mga sustansyang ang mukha.
sa mukha. pwedeng makuha sa
manggang kalabaw.

Kahandaan sa Pagbili ng Mabawasan ang


posibleng maging manggang hinog at dumi sa mukha na
epekto nito. pagpahid sa iyong nagiging sanhi na
mukha. pagkakaroon ng
tigyawat.

Kaalaman sa mga Pagkuha ng katas Maaaring


positibo at negatibong ng hinog na makatulong ito sa
epekto nito. manggang kalabaw mga taong hindi
at paghalo ng makinis ng mukha
honey. pero hindi ito
pwedeng gamitin ng
mga taong
sensistibo ang balat.
Paglalahad ng suliranin
Sa ating panahon ngayon ay marami ng naimbentong produktong
pampakinis ng ating mukha. Halos lahat ng produktong pampakinis ng
mukha ay may halong kemikal na kung minsan ay nagdudulot ng
pangangati sa balat o allergy at iba pang sakit sa balat. Kung kaya’t sa
pananaliksik na ito ay sama sama naming tutuklasin kung epektibo ang
manggang hinog na pampakinis ng mukha.
Mga Katanungan
1. Ano ang mabuting epekto nito?
2. Ano ang masamang epekto nito?
3. Ano ang pwedeng ihalong kemikal dito?

Hypotesis
Maaaring makagamot sa ating mukha ang hinog na manggang
kalabaw dahil nagtatagalay ito ng ibat’t ibang bitamina. Kung mayroong
magandang dulot ito, mayroon din masamang epekto ito lalo sa mga
sensitibo ang balat. Ang hinog na manggang kalabaw ay pwedeng gawin
toner dahil mayroon itong mga sangkap na pwedeng makapagpatanggal
ng tigyawat sa mukha. Mas magandang gumamit ng manggang hinog dahil
natural ito at walang halong kemikal.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa mga Mag-aaral
Mabibigyan ng bagong kaalaman tungkol sa pamamaraan ng
pag-lunas sa mga problema sa mukha. Bilang mga Binata at Dalaga sila
ang madalas makaranas ng pagkakaroon ng tigyawat sa mukha.
Sa mga Guro
 Maibahagi ang bagong pamamaraan sa mga estudyanteng
nakakaranas ng mga problema sa mukha.
Sa mga Magulang
 Ang bagong natuklasan na lunas ay maaari nilang
mairekomenda sa kanilang mga kaanak o kaya’y kanilang
anak.

Sa mga Susunod na Mananaliksik


 Para mapalawak lalo ang kanilang ideya kung
magsasagawa din sila pagsasaliksik na hango din sa aming
papanaliksik.

Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kalalabasang resulta ng
paggamit ng hinog na mangga sa pagpapakinis ng mukha na kung saan ay
gagawin ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pag-eeksperimento ng
paggamit ng hinog na mangga sa mukha.
Ang pananaliksik na ito ay kasalukuyan nagaganap sa loob ng Binan
Integrated National High School ng ikalawang markahan ng Unang
semester sa taong 2018-2019 na may bilang na nagmula sa grade 11
STEM at piling mga kamag-anak.
Katuturan ng mga salitang ginamit
 Cancer – isang malalang sakit na epekto ng pagakalat ng cells sa
iba’t-ibang parte ng katawan
 Choline – Nakakatulong para mapabilis ang metabolismo
 Mangifera – Scientific name ng mangga
 Vitamins – isang substansya na kadalasang matatagpuan sa mga
pagkain na nakakatulong sa ating katawan para maging malusog

Layunin
 Maging epektibo ang aming produkto kapag ginamit sa mukha
 Makapagbigay ng produkto sa murang halaga

KABANATA 2: MGA KAUGNAY NA PAG-


AARAL AT LITERATURA
Banyagang pag aaral
Ayon sa PH.Hair-Action.COM, isang Australian ang
nagsabi na mahusay sa kalusugan ang mangga at naglalaman ng
mga bioactive compounds. Ang isang ulat na inililathala ng lowa
Department of Public Health ipinihahayag na ang mangga ay
naglalalaman ng pinakamalaking halaga ng beta-karotina, na
kung saan ay kilala upang protektahan ang katawan mula sa
maraming mga sakit.

Lokal na pag-aaral
Ayon sa Wordpress.com sa ordinaryong perception lamang, ang
Pilipinas na ang isa sa kilalang sources nitong mangga. Kalakhan
sa iniluluwas nating mangga, galing sa islang probinsya ng
Guimaras at ini-export naman natin sa Japan, sa Hongkong, sa
Australia, sa U.S. at sa Europa.
Banyagang literatura
Ayon sa The Mango: Botany, uses, Ang mangga ay
nagtagagaylay ng Production lay ng amino acids, carbohydrates,
fatty acids, minerals, organic acids, proteins at mga bitamina. Ang
hinog na mangga ay nagtataglay ng katamtamang lebel ng
Vitamin C ngunit mayaman sa provitamin A at B, and B2. Ayon
kay Perry at Zilva (1932), nagtataglay ng Vitamin A, C, D ang
mangga sa India at nalamang ng purong Vitamin C.

Lokal na literatura
Ayon sa Ethnic Group Philippines, ang ay maraming
benipisyo sa katawan ng isang tao, nakakatulong ito upang
makaiwas sa mga sakit na tulad ng Colon, Breast at Prostate
Cancer, saka napapababa din nito ang kolesterol at nakakatulong
din upang mabawasan ang tigyawat.

Sintesis
Ayon kay Ravi Teja Tadimalla ang hinog na manggang kalabaw ay nag
lalaman ng 20 bitamina na maaring makagamot ng ibat ibang uri ng sakit.
At sa aming pag-aaral, napag alaman naming na ang hinog na
manggang kalabaw ay mayroong mga bitamina na pwedeng
makapagpakinis ng balat o mukha batay sa PH.Hair-Action.COM.
KABANATA 3: METODO NG
PANANALIKSIK

Pananaliksik na eksperimental
Ito ay paraan ng pananaliksik na ginagamitan ng
laboratory upang tuklasin ang kadalisayan at katotohanang bunga
ng mga datos na nakalap para sa isang mahalagang problema at
paksa. (Joy Ann Feliciano, 2015)

Populasyon
Ang bilang ng aming mga respondente ay 4 na mag-
aaral mula sa Biñan Integrated National High School at 1 sa mga
piling kamag-anak. At ang kabuuan ng bilang ng aming
respondent ay 5.

Paraan ng pagpili ng kalahok


Ang aming naging mga kalahok sa pagkuha ng datos ay
ang mga mag-aaral ng 11 STEM sa Biñan Integrated National
High School at ang aming mga piling kamag-anak.

Deskripsyon ng mga respondante


Ang mga nahanap naming respondente ay may edad na
16 pataas, na hindi makikinis ang balat at hindi sensitibo ang
balat.

Instrumento
- Manggang hinog
- Honey
- Mortar and Pestle
- Kutsilyo
- Kustara
- Baso

Paraan ng pangangalap ng datos


Ang pamamaraan na aming ginamit sa pangangalap ng
datos ay eksperimental. Ang bilang ng aming mga respondente
ay anim, mula sa 11-STEM Students ng BINHS at sa aming mga
kamag-anak.
KABANATA 4: PAGLALAHAD,
PAGSUSURI AT PAGPAPAHALAGA SA MGA
DATOS

DAY 1
Bilang Bahagdan
Epektibo 0 0
Di-epektibo 5 100%
DAY 2
Bilang Bahagdan
Epektibo 0 0
Di-epektibo 5 100%
DAY 3
Bilang Bahagdan
Epektibo 1 20%
Di-epektibo 4 80%
DAY 4
Bilang Bahagdan
Epektibo 2 40%
Di-epektibo 3 60%
DAY 5
Bilang Bahagdan
Epektibo 3 60%
Di-epektibo 2 40%
DAY 6
Bilang Bahagdan
Epektibo 3 60%
Di-epektibo 2 40%
DAY 7
Bilang Bahagdan
Epektibo 4 80%
Di-epektibo 1 20%

KABANATA 5: PAGLALAGOM SA
NATUKLASAN, KONKLUSYON AT
REKOMENDASYON.

Lagom na natuklasan

1. Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kaalaman kung paano


kuminis ang mukha ng napili naming mag-aaral ng Biñan
Integrated National High School at ang piling mga kamag-
anak sa pamamagitan ng paggamit ng hinog na manggang
kalabaw.
2. Hindi lang beauty products ang pwedeng gamitin pampakinis
ng mukha, dahil maaari ang hinog na manggang kalabaw
ang gamitin.

Konklusyon
1. Matapos ang ilang araw na obserbasyon sa mga
respondente na nagpahid ng hinog na manggang kalabaw
sa mukha, natuklasan namin na sa limang respondente 4
ang lumabas na epektibo at 1 ang hindi epektibo. Masasabi
na epektibo ang hinog na manggang kalabaw bilang
alternatibong pampakinis ng mukha.
2. Lumalabas na parehas lang ang epekto ng hinog na
manggang kalabaw tulad ng mga beauty products.

Rekomendayon
1. Inererekomenda naming sa mga susunod na mananaliksik
na gamitin ang mga sangkap na inihalo sa aming produkto at
maghanap pa ng sangkap na makakapagpahaba ng buhay
ng produkto.
2. Inererekomenda namin na gumamit ng natural na produkto
gaya ng mangga kaysa sa mga mamahaling beauty products
na may halong kemikal.

REFERENCES:

ph.hair-action.com
www.ethnicgroupsphilippines.com
tl.m.wikipedia.org
www.herbaldynamicsbeauty.com
ph.michaelrmccartyspalmbeach.com
themangobotanyuses.com
www.wordpress.com

You might also like