You are on page 1of 4

Tekstong

impormatibo
Sa pagpag
SUBMITTED BY: Mari Eunice Guinto
SUBMITTED TO: Ginoong Nordell Flores
Juan
EPEKTO SA KATAWAN NG PAGKAIN NG
MGA PAGKAING NA-PROSESO TULAD NG DE
LATA, INSTANT NOODLES AT IBA PA
Magandang umaga mga kamag-aral, ako nga po pala si Mari Eunice Guinto, ang inyong
tapagsalita ngayong umaga. Ang tatalakayin nating paksa ay ang mga “Epekto sa katawan ng
mga pagkaing na-proseso tulad ng instant noodles at iba pa”. Pag-aaralan natin ito upang tayo ay
makaiwas sa mga sakit na puwedeng idulot nito. Una, ano nga ba ang prosesong pagkain? Ang
prosesong pagkain ay tinatawang ring “processed food” sa Ingles, ay mga pagkaing sumasailalim
sa food processing techniques tulad ng freezing, canning, baking, drying, pasteurizing at iba pa.
Sa tulong ng teknolohiya, mas dumami rin ang mga prosesong pagkain na nabuo o nalikha
kagaya ng tocino, chorizo, corned beef, ham, instant noodles, junk foods at marami pang iba.

Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging mahilig kumain, kaya naman palagi tayong
kumakain na parang wala ng bukas. Sa kadahilanang ito hindi natin masyadong napapahalagahan
kung ano ba ang masustansya at nakakasama para ating katawan. Kinakain ng halos maraming
tao ang mga prosesong pagkain dahil mas mabilis itong kainin, tinatawag ring “fast food” sa
kadahilanang hindi na nito kinakaylangan ng oras para sa preparasyon at hindi kaylangan bumili
ng maraming kasangkapan upang makatikim nito.

Bakit ba bumibili ang tao ng prosesong pagkain? Isang kadahilanan ng pagkain ng


proseso ay dahil mas mura kumpara sa natural na pagkain, dahil ayon kay Oz (2018) ang natural
na pagkain ay madaling masira kumpara sa proseso kaya mas mahirap sya ilikha. Dahil sa
napakaraming kemikal na idinadagdag sa ating mga kinakain sa araw-araw. Hindi natin ito
napagtatanto sapagkat nakahalo nga ito. Kung kakain tayo ng mga pagkaing de-lata, hindi natin
naiisip na kaya ito hindi nabubulok, dahil ang pagkaing laman nito ay maraming preservatives na
taglay. Pansinin natin na ang tagal ng expiry date na nakalagay sa plastic o latang sisidlan,
patunay na maraming kemikal ang nakahalo upang mapanatiling sariwa ito sa paglipas ng
panahon.

Tumungo naman tayo sa mga masasamang epekto o sakit na puwede nating maranasan sa
pagkain ng mga prosesong pagkain, ayon sa Food and Drugs Administration (FDA),
napakaraming Pilipino ang nagkakasakit dahil sa pagkain ng mga prosesong pagkain. Maari
kang magkaroon ng sakit sa buto o kidney dahil ang Ang mga instant food ay kadalasang may
mataas na lebel ng sodium, phosphorus, at mga artipisyal na pampalasa. Ang pagkonsumo sa
mga sangkap na ito, kung mapaparami, ay maaaring makasama sa kalusugan, partikular sa mga
bato. Maaari itong magdulot ng pamumuo ng bato (kidney stones) sa mga bato at magdulot ng
pagbabara sa daluyan ng ihi.
Pumapangalawa naman ang altapresyon, dahil ang mineral na sodium na mataas din sa
mga instand food ay nakaaapekto sa presyon ng dugo. Kung ang lebel nito sa katawan ay tataas
nang husto mula sa sobrang pagkonsumo ng mga instant food, malamang ay tumaas ang presyon
ng dugo at maranasan ang kondisyon ng altapresyon o high blood pressure. Ang kondisyong ito
ay hindi biro sapagkat kung mapapabayaan, maaari itong humantong sa stroke o atake sa puso.
Ayon sa pag aaral ng mga researcher sa Bayer at Harvard University sa Amerika, mas mataas
ang posiblidad na makaranas ng stroke at dapuan ng sakit sa puso ang mga taong madalas
kumain ng instant noodles. Taglay ng instant noodles ang isang uri ng preservative na hinahalo
sa maraming uri ng pagkainparaito ay magtagal. Lumabas sa pag aaral na ang sangkap na
preservative na inihahalo sa instant noodles ay walang benepisyo sa kalusugan at hindi rin
kayang tunawin ng katawan. Ito ay magiging sanhi ng paghina ng metabolismo na maaari
namang humantong sa pagkakaron ng sakit sa puso, stroke at iba pang sakit.

Pumapangatlo naman ang malnutrisyon, dahil pa rin sa dalas ng pagkain ng mga instant
food, posible na hindi matapatan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng katawan sa iba’t
ibang mahahalagang sustansya. Ito’y sapagkat limitado ang mga bitamina, mineral at iba pang
mahahalagang sustansya na matatagpuan sa mga pagkaing instant. Malnutrisyon ang maaaring
kahinatnan ng mga indibidwal na aasa nang husto sa mga ganitong uri ng pagkain.

Hindi tama na araw araw tayong nag-uulam ng mga prosesong pagkain. Isa sa panganib
nito sa ating kalusugan ay ang kemikal na bisphenol A. ang bisphenol A ay ang nilalagay sa
lining ng de-lata at ito ang nagsisilbing pangprotekta upang di mapunta ang metal at aluminum
sa pagkain. Maari itong makaapekto sa ating hormone. Upang mas humaba pa ang ating buhay at
mapanataling malusong ang ating pangangatawan, ay iwasan natin ang pagkain ng mga de lata o
anumang klaseng prosesong pagkain sapagkat ito ay may mga kasangkapang nakakasira ng ating
maayos na kalusugan.

Ang pagkain ay napakaimportante sa buhay ng isang tao pati na rin sa ating kalusugan.
Ang wastong pagkain ay isang malaking bagay para sa ating kalusugan. Mahalaga ang pagkain
ng mga masusustansyang pagkain, hindi na importante kung ito'y inangkat galing sa ibang bansa
at kung ito'y mamahalin ang mahalaga ay masustansya ito para sa ating kalusugan. Makatutulong
ang pagkain ng mga luntiang dahong gulay, sarieang prutas at pag-inom ng gatas at tubig at pag-
eehersisyo para maiwasan ang pagkakasakit.

Talasalanggunian: https://medium.com/@alyssasadorra/epekto-sa-katawan-ng-mga-pagkaing-na-
proseso-tulad-ng-de-lata-instant-noodles-at-iba-pa-e19ad2477888

https://medium.com/@caila.eballe.16/epekto-ng-prosesong-pagkain-sa-katawan-63f7b6638538

https://mediko.ph/masasamang-epekto-ng-pagkain-ng-instant-food/
https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2016/04/29/1578268/food-additives-
preservatives-sa-pagkaing-de-lata

You might also like