You are on page 1of 1

Pagkain ng na-proseso tulad ng de-lata at instant noodles

Bago pa man nagsimula ang pandemya, naging likas na sa ating mga Pilipino
ang kumain ng mga naprocesong pagkain. Tuwing may sakuna, de-lata at instant
noodles ang nagpapawala ng ating gutom. Gayun rin sa mga mahihirap na pamilyang
nagsasalo-salo sa maliit na lata ng sardinas. At ngayong pandemya, nasanay tayong
mag-imbak ng mga ganito sapagkat nagkaroon ng panic buying at pagpapatupad ng
quarantine. Ngunit ano nga ba ang epekto ng pagkain ng mga de-lata at instant
noodles sa katawan natin?

Ayon kay Dr. Ernie Castillo, isang Toxicologist, hindi tama na madalas tayong
kumain ng mga de-lata dahil naglalaman ang mga ito ng bisphenol A na maaaring
maging dahilan ng chronic toxicity at maaapektohan ang mga hormon natin na
magdudulot ng pagkabaog o maagang regla sa mga kabataan. Maaari rin ito magiging
dahilan sa pagbaba ng libido at paglala ng diabetes ng tao. Bukod sa bisphenol A
naglalaman rin ang mga de-lata at iba pang naprocesong pagkain ng mga
preservatives, pampalasa at pampakulay. Pagkaraan ng maraming oras sa loob nito
mas lalong naiipon ang mga kemikal sa loob ng lata kung kaya’t ang madalas na
pagkain nito ay kaugnay ng dahan dahang paglason sa katawan.

Ukol naman sa mga instant noodles, ito ay maaaring magdulot ng metabolic


syndrome na kalaunang hahantong sa sakit sa puso. Bagamat ayon sa pag-aaral ni Dr.
Braden Kuo, nanatiling buo pa rin at hindi natunaw sa tiyan ang instant noodles
makaraan man ang maraming oras. Naglalaman rin noong preservatives at kemikal na
maaaring magdulot ng sakit, paghina ng mga organo, pagtaas ng tsansang magkaroon
ng tumor at kanser. Mayroon rin itong sangkap na mamamataan rin sa tobacco at mga
sigarilyo. Bukod dito, mataas rin ang nilalaman nitong sodium kung kaya’t
ipinagbabawal ang pagkain nito sa may mga mataas na blood pressure.

Hindi na bago sa ating kaalaman ang mga panganib dala ng pagkain ng


naproceso nang pagkain ngunit tila kinakalimutan na nga natin. Isang paalala lamang,
masama ang lahat na sobra. Payo nga ng mga doktor, isang beses o dalawa lamang
dapat kumain ng instant noodles sa isang buwan at hindi dapat araw araw ang pagkain
ng mga de-lata. Importante ang hindi magutom ngunit importante rin maging malusog
ang pangangatawan.

You might also like