You are on page 1of 9

SITWASYONG

PANGWIKA
SA TEXT
Siwasyong Pangwika sa Text
Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS( short
messaging system) na lalong kilala bilang text message
o text ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa
ating bansa. Katunayan, humigit- kumulang apat na bilyong
text ang pinapadala at natatanggap sa ating bansa araw
araw kaya naman tinagurian tayong“Texting Capital of the
World.” Higit na itong popular kaysa sa pagtawag sa
telepono o cell phone dahil bukod sa mas murang mag text
kaysa tumawag sa telepono ay may mga pagkakataong
mas komportable ang mga taong magparating ng maiikling
mensaheng nakasulat kaysa sabihin ito ng harapan o sa
pamamagitan ng tawag sa telepono .
Sa text nga naman ay hindi mo nakikita ang ekspresyon ng
mukha o tono ng taong tumatanggap ng mensahe. Sa
pagpindot din sa keypad ay mas nabibigyang pagkakataon ang
taong i-edit ang sarili niya at piliin ang mas angkop na pahayag
o salita kaysa sa kung aktuwal niya itong sinasabi sa harapan
man o sa telepono.
Subalit ano ba nag katangian ng wika sa SMS o
text? Ikaw mismo kapag nagte-text ay malamang na
gumagamit na magkahalong Filipino at Ingles at pinaikling mga
salita, hindi ba? Sa pagbuo ng mensahe sa text, madalas
ginagamit ang code switching o pagpapalit-palit na Ingles at
Filipino sa pagpapahayag.
Madalas ding binabago o pinaiikli ang baybay ng mga
salita para mas madali at mabilis itong mabuo, 160 characters
(titik, numero at simbolo) lang kasi ang nilalaman ng isang
padalahan ng mensahe kaya nangyayari ito para makatipid sa
espasyo at mapabilis ang pagpindot sa maliit na keypad ng cell
phone.Walang sinusunod na rule o tuntunin sa pagpapaikli ng
salita gayundin, kung sa Ingles o sa Filipino ba ang gamit
basta’t maipadala ang mensahe sa pinakamaikli, pinakamadali
at kahit paano’y naiintindihang paraan.
Halimbawa, ang okay ay nagiging ok o k na lang.Ang
dito ay nagiging d2 dinadaglat para masabing “d2 na me. Wr n
u?” mula sa mahabang “Nandito na ako. Where are you na?”
Madalas ding tintanggal ang mga patinig para mapaikli
ang mga salita tulad ng puwede na nagiging pwd, saan ka na
ba na nagiging sn k n b?Sa mga salitang Ingles naman ay
ginagamit nalang ang titik o numerong katunog sa salita.
Halimbawa, are na nagiging r; the nagiging d; to na nagiging 2;
for na nagiging 4. Ang “Are you going to see me today?” na
binubuo ng 23 titik ay nagiging “r u goin 2 c me 2day?” na
binubuo na lamang ng labing-apat na titik. Usong-uso rin sa
text ang paggamit ng mga daglat sa pagpapaikli ng mga
parirala lalo na s Ingles. Halimbawa:
AAP Always a Pleasure GTG Got To Go
AML All My Love GBU God Bless You
B4N Bye For Now IDC I Don’t Care
BFF Best Friends Forever ILY I Love You
BTW By The Way LOL Laughing Out
Loud
CUL8R See You Later OIC Oh, I See
HBD Happy Birthday OMG Oh My Gosh
EOD End of Discussion WTG Way To Go
J/K Just Kidding XOXO Hugs and
Kisses
Mga Tanong??
1. Bakit tinawag na “texting capital of the world”
ang Pilipinas?
2. Sa paanong paraan napalalaganap ang wika
sa pagpapadala at pangtanggap ng text o
SMS?
3. Anong katangian ng text ang madalas na
nagugustuhan ng mga tao kompara sa
pagtawag sa telepono?
4. Bakit mas marami ang nagpapadala ng text
kaysa sa tumatawag sa telepono?
Pagtataya
Panuto: Isulat ang sumusunod na mga daglat at
pinaikling mga salita sa wasto nitong baybay at
Isulat ang sagot sa kalahating papel.
1. HBD 2 u, CUL8R Ihnd m n ang mga mssrp n
pgkain pra sigurdong bsog.
2. Ayw q kmain ng guly at pruts. Gs2 q kmain ng
pnct at pza.
3. OMG,Dna q gl8 sau. Blik ka n.Nptwd na kta.
4. Mhl q ang wka ng bnsa dhl aqy isng Plpno at wla
ng iba.
5. I wll BRB. Pgktpos ng ksal ng kptd ng kaibgn q.
Takdang-aralin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga
katanungan sa pahina 131 tungkol sa Sitwasyong
Pangwika sa Social Media.
1. Ano ang kaibahan ng Social Media at Social Network?
2. Sa paanong paraan nakabubuti ang madalas na pagpo-post
sa Social Media?
3. Sa paanong paraan naman ito nakasasama?
4. Ano ang maipapayo mo sa mga kabatang mahilig mag post
sa Social Media?
5. Paano nakatutulong sa paglaganap ng wikang Filipino ang
pagpo-post sa Social Media?

You might also like