You are on page 1of 7

ANG TEKSTONG EKSPOSITORI:

MGA KATANGIAN AT BAHAGI


KATANGIAN
Ayon kay Alejo (2008), ang tekstong ekspositori ay
nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:
a. Nakapagbigay ng iba’t ibang pamamaraan ng
paglalahad sa isang teksto, kung papaano ito
babasahin at susulatin.
b. Gumagamit ng iba’t ibang awtoridad sa
pagtalakay sa mga paksa.
c. Sinusundan ng mga mambabasa ang
pagpapaliwananag ng manunulat at sa pagsulat
naman, mas pinagtututunan ng manunulat ang
paraan ng pagpapaliwanag sa paksa.
d. Ginagamitan ng mga pantulong grapiko gaya ng
grap, ilustrasyon at iba pa.
PANIMULA :
PAKSA O TESIS
 Mahalagang bahagi ito ng teksto sapagkat dito’y
parang hinahatak mo ang iyong mambabasaupang
basahin ang iyong isinusulat.
Maihahalintulad sa display window ng mga tindahan
na hindi lamang nagsisilbing pang-akit sa mga
mamimili kundi nagpapakita rin ng ilang mga
abeylabol na paninda o haylayt na paninda.
(Bernales, et al., 2001).
Nagbibigay ng ideya sa mga mambabasa kung saan
tungkol ang teksto, kung ano ang paniniwala,
asersyon o proposisyon ng may-akda sa paksang iyon.
Pang-akit at panawag –pansin
Kaialngang mailahad nang maayos ang
pagpapakilala ng paksa at tesis ng teksto upang
mahatak din ang kanilang kuryosidad.
Katawan ng teksto
 Tinaguriang pinakamalaki at pinakamahalagang
bahagi ng isang teksto.
 Kailangang maging maingat ang manunulat sa
bahaging ito dahil dito nakapaloob ang
pinakamahalagang impormasyon na nauukol sa tesis
at paksa.
 Kailangang isaalang-alang sa bahaging ito ang mga
kasanyang nabuo sa gramatika at maging ang mga
kasanayan sa pagsulat.
Dito rin masusukat ang isang sapat na kaaalamn ng
isang manunulat sa pasang tinatalakay kung kaya’t
maging maingat dapat sa mga salitang gagamitin na
siyang magbibigay hugis sa nilalaman.
 Ang nilalaman ang pinakakaluluwa ng isang teksto
at ang estruktura naman ang pinakakalansay nito.
(Bernales, et al., 2009).
 Ang mga napapaloob na ideya at pansuportang
detalye ay dumaan sa isang mapanuring kaisipan ng
isang manunulat.
 Inaasahan ang matalinong paraan ng manunulat
kung paano sinusuportahan ang kanayang tesis o
pangunahing ideya upang lubos na maunawaan ng
mambabasa ang teksto.
Wakas: paglalagom at
konklusyon
 Ang wakas ang panghuling bahagi ng isang
teksto.
 Kailangan makatawag-pansin sapagkat ang
pangunahing layunin nito ay mag-iwan ng isa o
ilang mahahalagang kakintalan sa mga
mambabasa.
 Ang bahaging ito, ang magsisilbing impresyon na
mananatili sa isipan ng mambabasa.
 Alam nating hindi maaalala ng mambabasa ang
buong laman ng testo, ngunit kung maganda ang
wakas ay tiyak na hindi makakalimutan ang
tekstong kanayang binasa.
 Sa bahaging ito, inaasahang magamit ang
kasanayan sa paglalagom at pagbubuod.
 Ang lagom ang pinakabuod ng teksto na
inilalahad sa pinakamaikling paraan.
(Bernales, et al., 2009)
 Inilalahad naman sa konklusyon ang inferences,
proposisyon o deductions na mahahango sa
pagtalakay sa teksto.
 Maikli at matalino dapat ang pagtatapos.
 Hanggat maari ay huwag tayong maligoy,
sapagkat nakababawas sa bisa ng teksto ang
mahabang pangwakas.
 Ang hamon sa atin ay ma-satisfy ang mambabasa
at maisip niyang hindi aksaya sa oras ang
pagbasa niya sa teksto.
Kailangang may dating ang wakas. Kumbaga sa
boksing, ito ang huling suntok na
magpapabagsak sa kalaban.

You might also like