You are on page 1of 5

KAANTASAN

NG
PAGBASA
Kaantasan ng Pagbasa
a. Ang Batayang Antas- tinatawag na panimulang
pagbasa o elementaryang pagbasa sapagkat
pinapaunlad dito ang mga kakayhan o dinidebelop
ito mula sa kamangmangan.
Wika ang fokus sa antas na ito ng pagbasa.
Unang konsentrasyon dito ang pagkilala sa
aktuwal na mga salita at ang pagpapamalay sa
kahulugan ng mga ito.
b. Ang Inspeksyunal na Antas- Panahon ang
pinakamahalaga sa antas na ito ng pagbasa.
Itinakda sa limitadong oras ang pagbasa. Hindi
hangad ditong kunin ang lahat lahat sa binasa.
Tanging ang mga mahahalagang impormasyon
lamang.
Pre-reading- o sistematikong iskiming din kung
tawagin ito na naglalayong tayahin ang isang aklat
kung dapat o di dapat basahing mabuti.
c. Ang Mapanuri o Analitikal na Antas- Aktibo naman
ang antas na ito ng pagbasa sapagat hangad
ditong intindihing mabuti ang ipinakahulugan sa
pamamgitan ng malinaw na pag-iinterpretasa mga
metapora. Interpretatibo ito, sapagkat matalinong
hinihinuha ang mga pahiwatig at tagong
kahulugang matatagpuan, wika nga, sa pagitan ng
mga teksto o linya.
d. Ang Sintopikal na Antas- Pinaamataas ito ng antas
ng pagbasa. Kumplikado at sistematikong pagbasa
ito. Humahamon sa kakayahan ng mambabasa.

You might also like