You are on page 1of 1

Scanning at Skimming

Ang Scanning at Skimming ay dalawang uri o paraan ng pagbabasa ng teksto.

Ito ay nakakatulong sa mag-aaral upang makakuha ng impormasyon mula sa

mga salitang nakaulat sa teksto. Ginagamitan ito ng mabilisan na pagbabasa

ngunit sa magka-ibang paraan at layunin.

Scanning

Ang scanning ay kasanayan sa masinsinang pagbabasa ng teksto na

nagbibigay sa mambababasa na hanapin ang tiyak na impormasyong

nakatakda, kinakailangan ito ng bilis at talas ng mata sa pagbabasa hanggang

sa makita ang partikular na impormasyong hinahanap na maaring makatulong

tulad ng petsa, simbolo, pangalan, at larawan.

Skimming

Ang skimming naman ay mabilisan din na pagbabasa sa maraming teksto sa

loob ng maigsing oras. Ang mambabasa na ka kadalasang gumagamit ng

skimming ay nagnananais malaman ang kahulugan ng kabuuang ideya ng

teksto. Kadalasan rin itong ginagamit sa tuwing may pangkalahatang tanong

ukol sa akda at nakakatulong rin ito para sa pagdedesiyon ng mambabasa kung

ipagpapatuloy o mas lalaliman ba ang pagbabasa sa nasabing teksto.

You might also like