You are on page 1of 4

Mga Uri ng Pagbasa

Upang malinang ang kasanayan sa pagbasa, narito ang iba’t ibang uri ng

pagbasa.

1. Skimming – Ito ay isang paraan ng pagkuha ng nilalaman ng teksto o materyal sa mabilisang paraan.
Kinukuha ng mambabasa ang pangunahing punto ng teksto sa pamamagitan ng sistematikong
pagsasagawa ng sarbey sa materyal o teksto nang hindi gaanong pinapansin ang mga detalye nito.
Nilalaktawan nito ang ilang mga salita o detalye upang mabasa ng mabilisan ang teksto o materyal.
Ginagawa ito upang makabuo ng pangkalahatang impresyon sa buong teksto.

May apat na lawak ng impormasyon ang ibinibigay ng estratehiyang skimming:

1. ang kahalagahan ng materyal;


2. pangangailangan ng materyal;

3. kahirapan at kasalimuotan ng materyal; at

4. ang istruktura ng materyal.

Ang apat na lawak na binanggit ay nakatutulong sa mambabasa na makatipid sa

oras sa paggalugad ng materyal dahil makikita agad kung kailangan and materyal, kung organisado ito,
kung mahirap unawain o kung mahalaga ang materyal.

Nagbigay si Roldan ng ilang paalala sa pagsasagawa ng estratehiyang

skimming.
a. Basahin ang pangunahing seksyon ng materyal gaya ng pamagat, pantulong na pa-

magat, simula sa wakas ng talata, pamaksang pangungusap at buod bago masusing

basahin ang materyal.

b. Iwasan ang mga detalye.

c. Ituloy lang ang pagbasa.

d. Magpasya kung mahalaga sa iyo ang materyal.

2. Scanning – Isinasagawa ito ng mambabasa upang matukoy o mahanap agad ang partikular na
impormasyon. Ipinakikita sa estratehiyang ito ang paghanap sa tiyak na impormasyon gaya ng salita,
bilang at ideya. Sa pagsasagawa ng scanning, ayon kay Roldan (1993), mahalaga na maging tiyak kung
ano ang iyong hinahanap at kung ano ang pangalan ng tao, lugar, bilang at iba pa.Nakakatulong din ang
mga biswal na palatandaan para matukoy agad ang hinahanap.
3. Pagbasa para sa Pag-aaral – Ito’y mas mabagal, malalim at paulit-ulit na pagbasa para maunawaang
ganap ang nilalaman ng teksto.

4. Magaan na Pagbasa – Ginagawa ito ng maraming tao kung nais na magpalipas ng oras gaya ng
pagbabasa ng nobela, komiks, magasin, pahayagan at iba pa na hindi nangangailangan nang malalim na
pagsusuri. Karaniwan ito’y mabilis at paimbabaw na pagbasa lamang.

5. Salita-sa-Salitang Pagbasa – Karaniwan itong ginagamit sa mga dayuhang wika, teknikal, o


siyentipikong terminolohiya at mga pormulang matematikal.

You might also like