You are on page 1of 2

Name: Justlyd Marie H.

Tandang
Year & Section: BEED II-A
MGA URI AT ESTILO NG PAGBASA
1. ISKANING
Isang uri ng pagbasa kung saan ang nagbabasa ay s’yang nagsasagawa ng
paggalugas sa materyal na hawak katulad ng pagbasa sa mga “key word”, pamagat, at
sub-titles. Hindi binibigyan ng pansin ang mahahalagang salita, subalit ang binibigyang
pansin ay ang mahalagang mensahe sa pahinang binabasa o tinitignan. Ito ay isang uri ng
pagbabasa kung saan kailangang hanapin ang partikular na impormasyon sa aklat o sa
anumang babasahin. Ginagawa ito ng mambabasa sa pamamagitan ng palaktaw-laktaw
na pagbuklat sa materyal at pag-uukol ng mabilisang pagsulyap sa mga ito. Ang mga
mata ay nakatuon sa particular na impormasyon sa isang tiyak na pahina ng materyal.
Ang ganitong pamamaraan ay nagagamit pagbasa ng nilalaman katulad ng Table of
Contents, index, classified ads, at sa paghahanap ng numero ng taong nais makausap.

2. ISKIMING
Ito ay ang pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang
ideya o impresyon, o kaya naman ay ang pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay
pagtingin o paghanap sa mahalagang impormasyon, na maaaring makatulong sa
pangangailangan tulad ng term paper o pamanahong papel, riserts at iba pa.
Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang magagwa
ng isang tao. Ang gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga
pahiwatig sa seleksyon katulad ng pamagat at paksang pangungusap. Binabasa nang
pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sa kanya
sa sandaling iyon.

3. PREVIEWING
Sa uring ito, sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at register ng wika ng
sumulat. Ang ganitong paraan ay makatutulong sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa
babasa. May iba’t ibang bahagdan ang pre-viewing gaya ng mga sumusunod:
a. Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding na karaniwang nakasulat ng italik.
b. Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print.
c. Pagbasa sa una at huling talata.
d. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata.
e. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart, ito ay binibigyan
suri o basa.
f. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman.

4. KASWAL
Ito ay ang pagbasa nang pansamantala o ‘di-palagian. Magaan ang pagbasa
katulad nang habang may inaantay o pampalipas oras lamang.

5. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
Ito ay ang pagbasa na may layuning malaman ang impormasyon katulad
halimbawa ng pagbabasa sa pahayagan kung may bagyo, o hangaring malaman kung may
pasok ba o wala. Maaari rin na ang pagbasa ng aklat sa layunin na masagot ang isang
takdang-aralin. Ito rin ay pagbasa na may hangaring mapalawak ang kaalaman.

6. MATIIM NA PAGBASA
Nangangailangan ang uri ng pagbabasa na ito ng maingat na pagbasa na may
layuning maunawaang ganap ang binabasa para matugunan ang pangangailangan tulad ng
report, research, at iba pa.

7. RE-READING O MULING PAGBASA


Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na
talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang muling pagbasa upang makabuo
ng pag-unawa o masakyan ang kabuuang diwa ng materyal na binasa.

8. PAGTALA
Ito ay ang pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o
ideya bilang pag-imbak ng impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker para
bigyan ng pansin o highlight ang bahaging mahalaga sa binabasa lalo na’t ito’y sariling
pag-aari.

You might also like