Professional Documents
Culture Documents
S SA PAGBASA
1. Kasanayan sa Paggamit ng Pasalidad ng Silid-Aklatan
--- ang silid-aklatan ay pinakamahigpit na katuwang ng isang
mambabasa o nanaliksik.
3. Paggamit ng babasahin/sanggunian
• tingnan ang pamagat
• tingnan ang indeks kard
• halungkatin ang talauna ( headings)
• basahin ang introduksyon ng bawat aklat
• basahin ang konklusyon ng bawat pahayag
• gumawa ng pagtatala
4. Paghanap ng kaukulang babasahin para sa saliksik sa pamamagitanng
kard-katalog --- ito ay magagawa sa tulong ng kard para sa may-akda, pamagat
o paksain.
TEKNIK SA PAGBASA
1. Iskiming -- itoy Pagbasa nang madalian para magkaroon lamang ng
impresyon sa materyal kung dapst o di-dapat basahing mabuti.
Mga Hakbangin sa Pag-iiskim
a. Prevyuwing - pag-iisip ito bago magbasa ng mga inaasahang isyu
tungkol sa paksang gustong malalaman.
b. Surveying at Overvyuwing - pagtingin sa iba't ibang bahagi ng
aklat para madetermina kung may kaugnayan o walaang
nilalaman ng materyal sa sinaliksik na Paksa, sa gayon,
masinsinang itong basahin kung sakaling mayroon.
2. Iskaning -- mabilisang TEKNIK sa Pagbasa na naglalayong
makakuha agad ng kasagutang sa ispisipikong katanungan, kaya'y
matagpuan kaagad ang susing salita, kung hindi naman, ang mensahe
ng isang babasahin.
3. Kaswal -- karaniwang pagbasang isinasagawa.
4. Komprehensivo -- intensivo o matiim na pagbasa ang teknik na
ito. Iniisa-isa ang bawat detalye, walang pinalalampas sa pagkat
matuturing ng isang malakimg kawalan.
5. Kritikal -- malikhain ang teknik na ito. Dito makakuha at
mauunawaan ang kahulugan ng binabasa sapagkat layunin dito ang
maging mapanlikhan.
6. Basang Tala -- teknik ito ng pagbasa na sinasabayan ng pasusulat
TATLONG URI NG PAGTATALA