You are on page 1of 7

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan

Unang Markahan
Handouts

ARALIN 1
PAKSA: KAHULUGAN, KALIKASAN, AT KATANGIAN NG PAGSULAT NG SULATING AKADEMIK

Ito ay maliwanag na paraan upang ang mga mahahalagang bagay na di matandaan ay muling
mapagbalikan sa isipan. Napakahalagang kasangkapan ang pagsusulat sa pagpapaabot ng pansin sa
isang tao ng mga hindi masabi nang harapan. (Lorenzo et.al1997,p.5)

Ayon kay E.B. White at William Strunk sa kaniyang aklat na “The Element of Style”, sinasabi niya
na ang pagsulat ay matrabaho at mabagal na proseso sa dahilang ugnayan at koneksyon ng pag-iisip.
Mabilis ang lakbay ng isipan kaysa panulat. Sa likod ng kahirapan sa panunulat, masasabi pa ring ito
ay kasiya-siya, at kapaki-pakinabang. (Aban at Cruz,1997,p.74)

Binanggit pa ni Kellogg na ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak.

PROSESO NG PAGSULAT

1. Bago Sumulat (Pre-writing). Sa bahaging ito, ang manunulat ay nagpaplano at


nangangalap ng impormasyon o mga datos para sa kanyang susulatin. Ito ang
pagmumulan ng kanyang balangkas sa siyang magiging gabay sa kanyang pagsulat.
2. Pagsulat ng Burador (Draft writing) . Ito ang malayang yugto ng pagsusulat sapagkat
hindi rito isinasaalang-alang ang mga pagkakamali, bagkus ay ang kaisipan o ideya ng
nagsusulat ay malayang naipahahayag.
3. Muling Pagsulat (Rewriting). Kinakailangang muling sulatin ang burador at dumaan ito
sa proseso ng Rebisyon at Pagwawasto.

LAYUNIN NG PAGSULAT

EKSPRESIV - Isa itong pormal na paraan ng pagsulat na may tiyak na target na mambabasa,
tiyak na layunin at tiyak na paksa.

TRANSAKSYUNAL - Pormal ang paraan ng pagsulat na may tiyak na target na mambabasa,


layunin at paksa.

Uri ng Pagsulat

1. Teknikal na Pagsulat – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng


impormasyon para sa komersyal o teknikal na layunin. Lumilikha ang manunulat ng
dokumentasyon para sa teknolohiya. Isang praktikal na komunikasyong ginagamit sa
pangangalakal at ng mga propesyonal na tao upang maihatid ang teknikal na
impormasyon sa iba't ibang uri ng mambabasa. Karaniwang nagtataglay ito ng mga
paksang teknikal. Halimbawa: manwal, gabay sa pag-ayos ng kompyuter, at iba pa.

2. Referensyal na Pagsulat - isang uri ng pagsulat na nagpa-paliwanag, nagbibigay ng


impormasyon o nagsusuri. Layunin nito na maiharap ang impormasyon batay sa
katotohanan. Ito ay may kaugnayan sa malinaw at wastong presentasyon ng paksa.
Ito ay isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagbibigay ng impormasyon o
nagsusuri. Ang ilang halimbawa nito ay teksbuk, balita, ulat panlaboratoryo,
pagsusuring pangkasaysayan.

3. Jornalistik na Pagsulat - isang uri ng pagsulat ng balita. Ang isang balita ay


sumasagot sa lahat ng mga tanong na pangjornalistik; sino, ano, saan, kailan, bakit,
paano. Pinipill nang maingat ang mga salita at pinananatiling simple at tuwiran ang
estilo ng pagsulat.

4. Akademikong Pagsulat - ito ay may sinusunod na partikular na kumbensyon. Ito ay


may layunin na maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa.
Katangian ng akademikong pagsulat: maliwanag, may paninindigan, may
pananagutan.

5. Malikhaing Pagsulat - masining na paglalahad ng naiisip o nadarama at karaniwang


bibigyang-pansin ang wikang gina-gamit sa susulatinito'y ginagawa ng ilang tao
bilang midyum sa paglalahad ng kanilang sariling pananaw sa mga bagay sa paligid o
di kaya'y isang libangan.

ARALIN 2
PAKSA: ABSTRAK

Ayon naman sa aklat ni Atanacio H.C. et al., 2009, ang abstrak o halaw ay pinaikling
deskripsyon ng isang pahayag o sulatin. Sa mga sulating pampanitikang maaaring ito ay
bahagi ng isang buo at mahabang sulatin, aklat, diyalogo, sanaysay, pelikula at iba pang
hinango ang bahagi upang bigyang-diin ang pahayag o gamitin bilang sipi.

Ang abstrak ay isang maikling buod na inilalagay sa unahan ng panimula o introduksyon ng


isang tesis o disertasyon. Nakakatutulong ito sa mambabasa na malaman agad ang layunin
sa isinagawang pag-aaral.
Sa higit na iklilinang ng pagsulat ng abstrak sa pananaliksik. Gawing gabay ang mga
sumusunod na terminolohiya

1. Buod
Ito ay ang muling pagpapahayag ng mga ibinigay na impormasyon sa maikling
pamamaraan. (hango sa aklat ni Bernales et al.,2013)

2. Layunin ng pag-aaral at kahalagahan ng pag-aaral


Kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa napiling
larangan. Gayundin kung sino ang makikinabang at ang posibleng implikasyon ng pag-
aaral. (batay sa aklat ni Astorga,Jr. E.R at Nucasa, W.P.,2010)

3. Resulta
Mahalagang datos sa kinalabasan ng pag-aaral.

4. Konklusyon
Inilarawan ang resulta o ang kinalabasan ng pag-aaral. Tinatalakay rin ang mahalagang
natutunan o nabuo mula sa pananaliksik. Karaniwang sumasagot sa mga tanong o
haypotesis na ibinigay sa panimula ng sulating pananaliksik

5. Rekomendasyon
Ang mga obserbasyon sa ginawang pag-aaral at nagbibigay ng mga mungkahi ang
mananaliksik na maaaring gawin pa ng ibang mananaliksik sa paksa na hindi nagawa
dahil sa limitasyon ng pag-aaral.

ARALIN 3
PAKSA: BUOD O SINTESIS

Ang buod ay maaari ring iuri na synopsis, ito ay isang maikling buod ng isang paksa. Ito’y
nasa anyong patalata at hindi sa anyong pabalangkas. Maikli lamang ang buod subalit
malaman. Ginagamit din ito sa nobela sa pamamagitan ng pagpapaikli ng buong nobela
mula sa simula hanggang sa wakas gayundin sa manuskrito at sa anumang aklat. (batay
sa aklat ni Astorga,Jr. E.R at Nucasa, W.P.,2010)

Ayon naman sa How to write an effective summary (2008), ang buod o sintesis
na madalas ding tawaging lagom ay muling pagpapahayag ng mga ibinigay na
impormasyon sa maikling pamamaraan. Ang mahusay na lagom ay naglalaman ng
tatlong mahahalagang katangian:
1. Conciseo pinaikli na naayon sa kahingian ng gawaing paglalagom.
2. Akyureyt, malinaw sa mambabasa ang tekstong binasa upang muling maipahayag
ang wastong detalye.
3. Objective, punto de bista lamang ng awtor ang maaaring lumitaw at hindi ang sa
mambabasa na siyang gumawa ng buod. Samakatuwid, ipinakilala ang pinakapunto
ng tekstong binasa.

ARALIN 4
PAKSA: BIONOTE

Ang kahulugan ng salitang bio ay “buhay” na nagmula sa salitang Greek Bios


“buhay” na may kaugnayan sa salitang latin na Vivus “buhay” at Sanskrit na “jiwas”.
(Dictionary.com)
Ang bionote ay maikling tala ng personal na impormasyon ukol sa isang awtor na
maaaring Makita sa likuran ng pabalat ng libro, at kadalasa’y may kasamang litrato ng
awtor. Isinusulat ito sa ikatlong panauhang pananaw.
Samantalang sa awtobiograpiya ay inululugar ng may-akda kung sino siya bilang
manunulat. Nagsisimula siya sa pamamagitan ng paglulugar at pagbabalangkas ng
kanyang karanasan at gunita. Ayon kay Cristina Pantoja-Hidalgo, itinuturing ang
awtobiograpiya bilang isang obra ng buhay o lifework. Ang mga pangyayari sa isang
awtobiograpiya ay hindi lamang pagbabalangkas ng karanasan ng may-akda kundi
pagpapahalaga rin sa mga pangyayari ng ito sa buhay ng may-akda.

ARALIN 5
PAKSA: PANUJKALANG PROYEKTO

Ano ang panukalang proyekto? Ito ay isang proyekto na iminumungkahing isagawa dahil
nakitang kinakailangan ng pagkakataon. Upang makamit ang inaasam, kinakailangan
kung minsan ang paghingi ng tulong na pinansiyal para maisagawa ang isang proyekto.
Ang pagbuo ng panukala ay hindi gawaing basta-basta. Ito ay nangangailangan ng
ibayong pagpaplano at pananaliksik dahil dapat na mapatunayan nito ang kahalagahan
ng pagsasagawa ng proyekto. Napakahalaga na maging maingat sa pagplano at
pagdisenyo ng proyekto.

Bahagi Paliwanag
1. Pangalan ng Makikita sa pangalan ng proyekto ang malinaw na isasagawang
Proyekto proyekto, kung saan isasagawa at kung sino/alin ang mga
tagatanggap. Dapat ito say tiyak at maikli hangga’t maaari.
2. Proponent ng Sa bahaging ito ay ipinapakilala kung sinong indibidwal o aling
Proyekto organisasyon ang nagmungkahi ng proyekto. Ibabahagi rin rito ang
tirahan, telepono at tungkulin ng utak ng proyekto.
3. Klasipikasyon ng Ilarawan kung sa aling Gawain kabilang ang panukalang proyekto. (ito
Proyekto ba ay pang-agrikultura, pang-edukasyon, pangkalusugan o iba pa?)
4. Kabuuang Pondong Isa-isahing itatala ang lahat ng mga kagastuhan at ang kabuuang
Kailangan pondong kinakailangan upang matagumpay na maisakatuparan ang
proyekto.
5. Rasyonale ng Ito ang batayan ng pagsasagawa ng proyekto. Ipapakita rito ang
Proyekto kahalagahan ng panukalang proyekto. Ang bahagin ito ang susuporta
kung bakit kailangan ang proyekto. Sa madaling salita, ito ang
pagkilala sa problema.
6. Deskripsyon ng Ang proyekto ay ilalarawan nang malinaw.
Proyekto
7. Layunin ng Proyekto Isasaad din ang layunin sa pagsasagawa ng Gawain at ilalahad ang
kalendaryo ng mga Gawain.
8. Mga Ilalahad kung sino ang mga makikinabang at isa-saad din ang mga
Kapakinabangang kapakinabangang makukuha matapos ang proyekto.
Dulot
9. Kalendaryo ng Ang bahaging ito ay magpapakita ng lahat at sunod-sunod na Gawain
Gawain tungo sa pagsasakatuparan ng mga layunin.
10. Lagda Lahat ng taong kasangkot sa panukalang proyekto ay lalagda upang
mapagtibay ang panukalang proyekto.

ARALIN 6
PAKSA: TALUMPATI
Ayon kay Jose Villa Panganiban, ang pananalumpati ay magalang na pagsasalita sa harap
ng isang publiko hinggil sa isang mahalaga at napapanahong paksa.

May mga hangarin kung bakit nagtatalumpati ang mga tao. Ang mga ito ay ang
sumusunod:
a. Magbigay-kabatiran – kabatiran sa mga bagay na hindi pa alam ng publiko.
b. Magturo- ituro sa publiko ang nararapat na paraan o paniniwala hinggil sa isang
kaisipan.
c. Manghikayat- hikayatin ang publiko sa katotohanan at kabutihan ng isang
kaisipan.
d. Magpaganap o magpatupad- gaya ng pagpapaboto sa isang kandidato,
pagpapaambag sa isang kawanggawa, pagpapagawa ng bagay na mabuti at
kailangan ng iba.
e. Manlibang- hangaring dapat maging laging kakambal ng unang apat sapagkat
ang bawat talumpati, anuman ang hangarin ay dapat makawili.

URI NG TALUMPATI
1. Talumpating pampalibang at pampasigla - Ang mga talumpating pangkaraniwan na
sa usapan sa araw-araw. Ang tagapagsalita sa kwentuhan, miting tungkol sa
kasiyahan.
2. Talumpating nagbibigay kabatiran o impormasyon - Ang talumpating nagbibigay
kabatiran o impormasyon sa tagapakinig.
3. Talumapting panghikayat - ginagamit ang ganitong talumpati sa paksa o isyu na
ninanais mong panigan ang katwiran o impormasyon
4. Talumpating nagbibigay-galang - Talumpating inihahandog sa pagpapakilala ng
bagong kaanib, pagtanggap ng tungkulin, pag-aalala sa taong nagkaroon ng malaking
ambag o gampanin
5. Talumpati ng nagmumungkahi - Ang talumpating nagbibigay ng opinion o suhestiyon
sa mga paksang pinag-uusapan.

Talong katangiang dapat taglayin ng paksa ng talumpati


a. Napapanahon- anumang paksa na makabuluhan sa kasalukuyang pangyayari sa paligid o
pangyayaring magaganap sa hinaharap ay tiyak na pahahalagahan ng publiko.
b. Kapaki-pakinabang sa publiko- mas gusto ng mga tagapakinig na mayroong maitutulong
sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay ang paksa ng talumpati
c. Katugon ng layon ng talumpati- upang hindi mabigo ang mga makikinig, kinakailangan
na makamit ng nagtatalumpati ang kanyang layunin.

Mga sangkap ng talumpati


a. Mga katunayan
b. Mga kuro-kuro
c. Mga damdamin

KUMPAS
d. Ang pagkumpas ay nakatutulong sa pagbibigay-diin sa ideyang nais ipahatid ng isang
mananalumpati. Ito ay may tatlong bahagi: PAGHAHANDA, PAGKUMPAS at PAGBABALIK
ng KAMAY.

URI NG KUMPAS KAHULUGAN


1. Palad na itinataas habang nakalahad Dakilang damdamin
2. Nakataob na palad bilang ibababa Marahas na damdamin
3. Palad na bukas at marahang ibinababa Mababang uri ng kaisipan o damdamin
4. Kumpas na pasuntok o kuyom ang palad Pagkapoot o galit at pakikipaglaban
5. Paturong kumpas Panduduro, pagkagalit at panghahamak
6. Nakabukas na palad na magkalayo ang mga Matimping damdamin
daliri at unti-unting ikinukuyom
7. Ang palad ay bukas, paharap sa nagsasalita Pagtawag ng pansin sa alinmang bahagi ng
katawan ng nagsasalita
8. Nakaharap sa madla, nakabukas ang palad Pagtanggi, pagkabahala at pagkatakot
9. Kumpas na pahawi o pasaklaw Pagsaklaw ng isang diwa, tao o pook
10. Marahang pagbababa ng dalawang kamay Pagpapahiwatig ng kabiguan o kawalan ng lakas

You might also like