You are on page 1of 6

Introduksyon sa Pagsulat ng Abstrak

Abstrak

 “Tip of the iceberg” ng isang saliksik.


 Nagbibigay ng pasilip sa isang mas malaki at mas komprehensibong pag-aaral.
 Isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag-aaral na inilalagay bago ang introduksyon.
 Siksik na bersiyon ng mismong papel.
 Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng
tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report.
 Kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos
ng title page o pahina ng pamagat.
 Naglalaman ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat.
 Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang
mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksiyon, mga kaugnay na
literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon.

Aralin 1: Pagsulat ng Abstrak


1.1.Kahulugan ng Abstrak

 Mula sa Latin na abstracum

 Buod ng artikulo o ulat na inilalagay bago ang introduksyon.

 Ipinaaalam sa mga mambabasa ang paksa at kung ano ang aasahan nila sa pagbabasa ng isinulat
na artikulo o ulat.

 May dalawang uri: deskriptibo at impormatibo.

 Ang uri ay nakadepende sa paksa o disiplinang kinapapalooban nito.

1.2. Kalikasan at Bahagi ng Abstrak

 Bagama’t maiksi, kailangang makapagbigay pa rin ng sapat na deskripsiyon at impormasyon


tungkol sa laman ng papel.

 Karaniwang isang pangungusap lamang ang bumubuo sa bawat bahagi ng nasabing abstrak
ngunit may kalayaan ang manunulat na maging malikhain kung paano aayusin ang mga ito.
Deskriptibo Impormatibo
 Inilalarawan nito sa mga mambabasa  Ipinahahayag nito sa mga
ang mga pangunahing ideya ng mambabasa ang mahahalagang ideya
papel ng papel

 Nakapaloob dito ang kaligiran,  Binubuod dito ang kaligiran, layunin,


layunin, at tuon ng papel o artikulo tuon, metodolohiya, resulta, at
kongklusyon ng papel
 Kung ito ay papel pananaliksik, hindi
na isinasama ang pamamaraang  Maikli ito, karaniwang 10% ng haba
ginamit, kinalabasan ng pag-aaral, at ng buong papel, at isang talata
kongklusyon lamang

 Mas karaniwan itong ginagamit sa  Mas karaniwan itong ginagamit sa


mga papel sa humanidades at agham larangan ng agham at inhenyeriya o
panlipunan, at sa mga sanaysay sa sa ulat ng mga pag-aaral sa
sikolohiya sikolohiya

 1.3. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak

 Ang abstrak ay batayan sa panimulang pagsala sa isang saliksik na ipinasa sa isang dyornal o sa
isang kumprehensiya.

 Kahit maikli, tiyaking magiging kumprehensibo ang nilalaman nito at mahusay ang pagkakasulat
upang makalampas sa unang pagsusuri.

Maaring sundin ang mga sumusunod na hakbang sa pagsulat ng isang mahusay na abstrak:

1. Basahin muli ang buong papel.

a) Habang nagbabasa, isaalang-alang ang gagawing abstrak.

b) Hanapin ang mga bahaging ito: layunin, pamamaraan, sakop, resulta, kongklusyon,
rekomendasyon, o iba pang bahaging kailangan sa uri ng abstrak na isusulat.

2. Isulat ang unang burador o draft  ng papel.


a) Huwag kopyahin ang mga pangungusap.

b) Ilahad ang mga impormasyon gamit ang sariling salita.

3. Rebisahin ang unang burador upang maiwasto ang anumang kahinaan sa organisasyon at
ugnayan ng mga salita o mga pangungusap.

a) Tanggalin ang mga hindi na kailangang impormasyon.

b) Dagdagan ng mahahalagang impormasyon.

c) Maging matipid sa mga gamit ng salita; at iwasto ang mga maling gramatika at mekaniks.

4. Basahing muli ang nabuong papel upang matiyak na masinsin ang pagkakasulat nito.

5. I-proofread  ang pinal na kopya.

1.4. Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak

 Ang isang mahusay na abstrak ay matapat na sumasalamin sa saliksik.

 Hindi ito nagdaragdag ng mga datos na wala sa aktuwal na pag-aaral upang magmukhang lalong
maganda.

 Hindi rin ito nagkukulang sa pagtatanghal ng mahahalagang impormasyon.

Ang isang mahusay na abstrak ay:

 Binubuo ng 200-250 salita.

 Gumagamit ng mga simpleng salita.

 Kumpleto ang mga bahagi.

 Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel.

 Nauunawaan ng target na mambabasa.

Introduksyon sa Pagsulat ng Bionote


Bionote
 Maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.

 Ayon kay Duenas at Suanz (2012), ito ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng
kanyang academic career na madalas ay makikita sa mga dyornal, aklat, abstrak ng mga sulating
papel, website at iba pa.

 Kapag ilalathala sa dyornal, magasin, antolohiya, o iba pang publikasyon ang iyong artikulo,
hihingan ka ng editor ng bionote.

 Ganito rin kapag magbabasa ka ng papel-pananaliksik sa isang kumperensiya, magsusulat ng isang


libro o bubuo ng sariling blog o website.

Aralin 2: Pagsulat ng Bionote


2.1. Ang Bionote

 Impormatibong talata tungkol sa isang indibidwal.


 Sa pamamagitan nito, naipakikilala ng isang indibidwal ang kanyang sarili sa mambabasa at
naipababatid din ang kaniyang mga nakamit bilang propesyonal.
 Inilalahad dito ang iba pang impormasyon tungkol sa isang indibidwal na may kaugnayan sa
paksang tinalakay sa papel, sa aklat na isinulat, o sa nilalaman ng blog o website.
 Nakasulat gamit ang punto de bistang pangatlong panauhan.
 Itinataguyod ang kredibilidad at integridad ng isang propesyunal na kwalipikasyon ang ilalagay rito
sa halip na personal na impormasyon.
 Iba sa talambuhay at autobiography.
 Maikli at siksik sa laman, samantalang ang talambuhay at autobiography ay mas detalyado at mas
mahaba.
 Iba rin sa biodata  at curriculum vitae o CV.
 Hinihingi sa biodata ang mga personal na impormasyon tulad ng pangalan, kasarian, edad, petsa at
lugar ng kapanganakan, tangkad, timbang, at iba pa.
 Karaniwan itong ginagamit ng mga naghahanap ng trabaho, mga kasanayang may kaugnayan sa
inaaplayang posisyon, o trabaho, mga nilahukang seminar, kumperensiya, at iba pa.
 Karaniwan itong ginagamit ng mga akademiko o mga propesyonal.

2.2. Kahalagahan ng Pagsusulat ng Bionote

 Nagsusulat tayo ng bionote upang ipaalam sa iba ang ilang personal na impormasyon maging
ang ating kredibilidad sa larangang kinabibilangan.

 Ito ang paraan upang ipakilala ang sarili sa mga mambabasa.


 Halimbawa, hindi tatangkilikin ng mga paaralan ang isang batayang aklat sa accounting  kung
makikita sa author’s profile na wala naman talagang background ang awtor sa larangang ito.

 Kung makikita naman sa profile ng isang travel blogger na sa mga lokal na destinasyon lamang sa
Pilipinas siya nakapunta, maaaring hindi maging kapani-paniwala ang kanyang mga blog tungkol
sa mga dapat at hindi dapat gawin sa iba’t ibang internasyonal na destinasyon.

2.3. Mga Katangian ng Mahusay na Bionote

 Ang isang mahusay na bionote  ay maikli ngunit taglay ang lahat ng esensiyal na kwalipikasyon
ng may-akda.

 Katulad ng iba pang akademikong sulatin, mapanghamon ang pagsulat ng  bionote.

 Sa katunayan, marami ang hindi nagtatagumpay sa pagsulat nito.

 Karaniwang hindi nagtutugma ang gustong sabihin ng awtor at gustong mabasa ng mambabasa.

 Higit na epektibo ang isang bionote kung bibigyang-diin nito ang mga kwalipikasyong may
kinalaman sa isinusulat na akda o dinadaluhang pagtitipon.

 Hindi nakapag-aambag sa pagtataguyod ng kredibilidad at integridad ang pagbanggit ng mga


kwalipikasyong walang kinalaman o hindi gaanong kaugnay sa paksa.

Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang mahusay na bionote:

 Maikli ang nilalaman.

 Sikaping paikliin ang bionote at isulat lamang ang mahahalagang impormasyon.

 Iwasan ang pagyayabang.

 Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw. 

 Laging gumamit ng pangatlong panauhang pananaw sa pagsulat ng bionote, kahit ito pa ay


tungkol sa sarili.

 Halimbawa: “Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa UP-Diliman.

 Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Microeconomic Theory sa parehong pamantasan”.


 Sa ganitong paraan, hindi iisipin ng mambabasa na “nagbubuhat ng sariling bangko” o
nagyayabang ang sumulat ng kanilang binabasa.

 Kinikilala ang mambabasa. 

 Kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa pagsulat ng bionote. 

 Kung ang target na mambabasa ay ang administrador ng paaralan, kailangang hulmahin ang
bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila.

 Halimbawa, ano ang kalipikasyon at kredibilidad mo sa pagsulat ng batayang aklat.

 Gumagamit ng baliktad na tatsulok. 

 Katulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhektibong sulatin, unahin ang pinakamahalagang
impormasyon.

 Ito ay upang mabigyang diin agad ang pinakamahalagang kredensiyal.

 Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian. 

 Iwasan ito:” Si Mailan ay guro/ manunulat/negosyante/ environmentalist/ chef”.

 Mamili lamang ng mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng bionote.

 Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan, halimbawa, hindi na kailangang banggitin
sa bionote ang pagiging negosyante o chef.

 Binabanggit ang digri kung kinakailangan. 

 Kung halimbawa ay may PhD sa antropolohiya at  nagsusulat ng artikulo tungkol sa kultura ng
Ibanag sa Cagayan, mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal o katibayang ito.

 Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon. 

 Kung kailangan upang matanggap sa inaaplayan o upang ipakita sa iba ang kakayahan, walang
masama kung ito ay babanggitin.

You might also like