You are on page 1of 22

AKADEMIKONG PAGSULAT

Ang akademikong pagsulat ay isang uri ng pagsulat na pinakamataas sa lahat ng uri na naglalayong patalasin ang isipan ng mga
mag-aaral sa loob ng isang akademiya o paaralan.
Masasabing akademiko ang isang sulatin kung ito ay nakabatay sa isang disiplina o larangan na maaaring interdisiplinari o
multidisiplinari mula sa disiplinang siyentipko, pilosopikal, agham, humanistiko at iba pa.

Ang layunin ang nagtatakda ng dahilan kung bakit nais makabuo ng akademikong sulatin. Nakapaloob sa layunin ang mithiin ng
manunulat kung nais na magpahayag ng iba’t ibang impormasyon kaugnay ng katotohanan, manghikayat na paniwalaan ang
argumentong inilalahad, suportahan o pasubalian ang mga dati nang impormasyon at iba pang layuning nakaugat sa dahilan ng pagbuo
ng akademikong sulatin.
Habang likas na taglay naman ng akademikong sulatin ang maglaman ng samot saring kaalaman. Marapat na ang makilalang
kaalaman sa akademikong sulatin ay bago at mahalaga. Kalikasan ng akademikong sulatin na magpahayag ng kaalaman batay sa
angkop na paraan na nakaugat sa kakayahang umunawa ng manunulat upang ipaunawa ang kaniyang naisip at naranasan. Batayan o
kalikasan rin ng akademikong sulatin ang paraan upang ito ay maisulat. Ang paraan ng pagsulat ay umiikot sa batayang dikurso o paraan
ng pagpapahayag: Pagsasalaysay, Paglalarawan, Paglalahad at Pangangatuwiran

KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Dahil taglay ng akademikong pagsulat ang mataas na antas ng pag-iisip, nangangahulugan din ito ng pagsunod sa isang tiyak
na proseso. Mula sa mga paraang ito ng pagsulat ay masasalamin ang mga taglay nitong katangian na iniisa-isa nina Villanueva at Bandril
(2016).

1. Komprehensibong Paksa. Ang isang sulatin ay masisimulan lamang ng isang manunulat kapag tapos na siyang mag-isip at pumili
ng paksang tatalakayin. Kaugnay nito, may dalawang paraan kung paano nagkakaroon ng paksa sa isang akademiya. Una, pinili
ng guro. Ito ay isang katotohanang hindi natin maipagkakaila—karaniwang ang guro ang nagtatakda ng paksang isusulat ng
mga mag-aaral upang kontrolado niya ang tatakbuhin o daloy ng sulatin sa saklaw na kaniyang inaasahan. Ikalawa, pinili ng mag-
aaral o malayang pagpili na kadalasang mula sa sarili nilang interes.
Sa dalawang paraan na ito kalimitang nagaganap ang mga suliranin kung kaya’t ang pagsulat ay hindi nagiging
epektibo. Bilang solusyon, isaisip natin na sa pagpili ng paksa nararapat na ito ay napapanahon o di kaya’y batay o angkop sa
interes ng mga manunulat at ng mambabasa. Nararapat din na sa pagpili ng isang komprehensibong paksa ay komprehensibo
rin ang iyong kaalaman bilang manunulat nito.
2. Angkop na Layunin. Sa pagtalakay ng pagsulat ay binigyang-pansin ang iba’t ibang layunin nito na ayon kay Mabilin at Mendillo
(2011) ay personal at panlipunan. Bukod pa rito ay sinabi rin nila na ang layunin ay maaaring i-angkla sa paraan ng pagsulat. Sa
kanilang banda, inuri naman ito ni Bernales et.al (2010) sa tatlo: impormatibo, mapanghikayat at malikhain. Alin man sa mga ito
ang iyong sundin at piliin ang mahalaga ay maitakda mo bilang manunulat ang dahilan kung bakit ka magsusulat. Mula sa mithiing
ito ay maiaangkop mo na ang tamang mga datos na iyong kakailanganin at pamamaraan na iyong gagamitin sa pagsulat.
3. Gabay na Balangkas. Ang balangkas ay kinikilala bilang iskeleton ng isang sulatin. Ibig sabihin, di pa man nagsisimula ang pormal
na pagsulat ay makikita o nakikita na ng manunulat ang tutunguhin nito sapagkat ito ang nagsisilbing gabay upang organisahin
ang mga ideya na ipapaloob dito. Kung isasaalang-alang naman natin ang yugto sa proseso ng pagsulat, makikita na ito ay
isinasagawa sa prewriting stage o bago magsulat subalit maaari ring gamitin bilang burador lalo na kung maikli lamang ang
panahon na nakalaan para sa pagsulat.
4. Halaga ng Datos. Ang akademikong sulatin ay likas na nagbibigay ng impormasyon. Dahil dito, nakasalalay sa mga datos ang
ikatatagumpay ng isang akademikong sulatin. Kung walang datos na makakalap, walang aanalisahin, walang oorganisahin at
walang isusulat ang isang manunulat. Sa kabilang dako, may dalawang uri ng hanguan ng datos: primarya at sekondarya.
Itinuturing na primarya ang mga orihinal na dokumento gaya ng talaarawan, pakikipanayam, liham, at ano mang sulating
nakalimbag habang sekondaryang sanggunian naman ang mga datos na mula sa sariling interpretasyon batay sa mga
pangunahing sanggunian.
5. Epektibong Pagsusuri. Upang maging epektibo at lohikal, nararapat lamang na suriin ang isang akademikong sulatin. Sa
bahaging ito, kailangang matiyak ang kawastuhan ng mga datos sa paksa, sa layunin at sa balangkas. Titimbangin rin ang ginamit
na sanggunian sa akademikong sulatin na ang layunin ay mapalutang ang katotohanan at malagpasan ang opinyon.

Hindi rin maiaalis ang kasiningan sa paglikha ng isang akademikong sulatin. Masining ito sapagkat malikhaing ihinahalayhay ng mga
manunulat ang kanilang mga ideya na kinapapalooban ng mga kongkretong datos o impormasyon bilang kahingian ng sulatin na kanilang
ginagawa. Kaya naman idinagdag nina Villanueva at Bandril (2016) ang tatlong katangian:
 Makatao, sapagkat naglalaman ang akademikong sulatin na ang layunin ay makapagbigay ng mga kaalaman para sa
kapakinabangan ng mga mamamayan.
 Makabayan, sapagkat ang kapakinabangang hatid ng akademikong sulatin sa mga mamamayan ay magiging tulay upang
maging produktibong kasapi ng pamayanan.
 Demokratiko, sapagkat ang akademikong sulatin ay walang pagkiling sa hangaring makapagpahayag ng katotohanan.

Iba pang Katangian ng Akademikong sulatin


 Nagpapalutang ng katotohanan at nilalagpasan ang opinyon.
 May pantay na paglalahad
 May pagtitimbang-timbang ng iba’t ibang perspektiba
 Organisado ayon sa pormat ng sulatin
 May pinagbabatayan o sapat na hanguan ng mga datos

IBA’T IBANG ANYO NG AKADEMIKONG SULATIN

1 ABSTRAK

Ang salitang abstract sa Middle English ay hiniram sa salitang Latino na abstractus na nangangahulugang “drawn away”. Kaya
naman, ang salitang ito ay higit na kilala sa sining kaysa sa gamit nito sa sulatin.

1 | P a h i n a Filipino sa Piling Larang-AKADEMIK N A V A R R O


Sa kabilang banda, mistulang pagguhit rin ang ginagawa ng abstrak sa isang sulatin sapagkat ipinapakita nito sa mga
mambabasa ang kabuoan ng isang pananaliksik, tesis, rebyu o anumang may malalim na pagsusuri sa pamamagitan ng mga limitado at
kontroladong detalye bilang paglalagom sa mga ito.
Samakatuwid, ang abstrak ay maikling lagom na karaniwang ginagamit sa mga pananaliksik-papel na matatagpuan sa unang
bahagi nito. Sa katunayan, maraming samahan ang gumagamit nito bilang batayan sa pagpili ng pananaliksik sa pamamagitan ng poster,
maging sa pasalitang paglalahad o worksyap. Tinutulungan rin nito ang mga mambabasa na matukoy ang ilang mahahalagang datos
kagaya ng layunin at saklaw ng pag-aaral sa loob ng maikling panahon ng pagbabasa. Ngunit, tandaan, hindi sapat na batayan ang
abstrak upang punan ang detalyadong datos na kailangan ng mga mambabasa lalo’t higit ng mga mananaliksik.

Kailan nagsusulat ng abstrak?


 Kapag magpapasa ng artikulo sa dyornal lalo na kung online.
 Kapag nag-aaplay para sa research grants
 Para sa pagsulat ng isang proposal na aklat
 Bilang pangangailangan sa disertasyon o tesis

Apat na elemento na madalas lamanin ng akademikong abstrak:


1. Tuon ng Pananaliksik (suliranin)
2. Metodolohiya (disenyo at pamaraang ginamit sa pag-aaral)
3. Resulta
4. Kongklusyon at Rekomendasyon

Karaniwang katangian ng abstrak:


 Obhetibo
 Ang haba ay karaniwang 100-250 salita depende sa disiplina o kahingian ng palimbagan
 Lohikal ang pagkakaayos na karaniwang laman ang apat na elemento
 Ang nilalaman ay matatagpuan rin sa pananaliksik at hindi gawa-gawa lamang
 Nauunawaan ng mambabasa

Layunin ng abstrak:
Maaaring magsulat ng abstrak para sa iba’t ibang dahilan subalit ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang pagpili o selection at
pagkakaroon ng talatuntunan o indexing.
 Para sa pagpili o selection sapagkat maraming mananaliksik o mambabasa ang limitado ang oras kaya malaking tulong ang
abstrak sa pagtiyak ng kaangkupan nito sa kanilang pangangailangan. At kung hindi naman ay makapaghahanap sila ng ibang
sanggunian sa mas mabilis na panahon imbes na igugol sa mahabang pagbasa ng pananaliksik.
 Para sa pagkakaroon ng talatuntunan o indexing sapagkat may mga silid-aklatan na gumagamit ng online databases.

Ang mga abstrak bagaman maikli ay hindi maaaring sipiin sapagkat protektado ito sa ilalim ng batas copyright katulad ng iba
pang mga nakalimbag na sulatin.

May dalawang uri ang Abstrak: impormatibo (informative) at deskritibo (descriptive).

Ang impormatibo (informative) abstrak ay kilala rin bilang ganap na abstrak o complete. Ito ay naglalaman ng kaligiran, layunin,
metodolohiya, resulta at konklusyon. Madalas itong binubuo ng 200-250 salita.

PALTIK NG DILA, TUGON NG DIWA: MGA MAPANGHIMOK NA PAMARAAN


NG MGA GURONG TAGAPAYO SA BAUAN TECHNICAL HIGH SCHOOL

Armelyn M. Navarro at Ma. Leticia Jose C. Basilan, PhD.


Bauan Technical High School- District of Bauan

Ang papel na ito ay nakatuon sa pagtiyak ng mga mapanghimok na pamaraan ng mga gurong tagapayo sa senior high school ng Bauan Technical High School
gamit ang mga berbal at di-berbal na komunikasyon. Nilayon nitong tukuyin ang mga naitalang paglabag, dahilan ng paglabag ng mga mag-aaral sa senior high,
at mga panghimok na pamaraan ng gurong tagapayo gamit ang mga berbal at di-berbal na komunikasyon. Sa tulong ng iba't ibang metodo ng pananaliksik,
napatunayan na ang kawalan ng tamang motibasyon ng mga mag-aaral bunga ng ilang hindi katangki-tangkilik na pagpapahayag berbal at di-berbal ng mga
gurong tagapayo ang pinakapangunahing dahilan ng ginagawa nilang paglabag sa mga alituntunin at panuto. Kaya, mahalaga ang pag-aaral na ito sa Kagawaran
ng Edukasyon, sa Administrasyon ng paaralan at mga guro upang makabuo ng mga programa at pagpaplano tungo sa mabisang pamamahala ng mga gurong
tagapayo sa silid-aralan kasabay ng paglinang sa kanilang panlingguwistikong kasanayan.

Habang, ang deskritibo (descriptive) abstrak naman na kilala bilang limitadong abstrak o indicative ay naglalahad lamang ng deskripsyon
sa saklaw ng pananaliksik kaya mistulang talaan ng nilalaman na nasa anyo. Karaniwan itong binubuo ng 100 salita o mas mababa pa rito.

PALTIK NG DILA, TUGON NG DIWA: MGA MAPANGHIMOK NA PAMARAAN


NG MGA GURONG TAGAPAYO SA BAUAN TECHNICAL HIGH SCHOOL

Armelyn M. Navarro at Ma. Leticia Jose C. Basilan, PhD.


Bauan Technical High School- District of Bauan

Ang papel na ito ay nakatuon sa pagtiyak ng mga mapanghimok na pamaraan ng mga gurong tagapayo sa senior high school ng Bauan Technical High School
gamit ang mga berbal at di-berbal na komunikasyon. Makikita rin sa papel na ito ang saklaw ng pag-aaral, metodolohiyang ginamit at higit sa lahat ay ang naging
resulta, konklusyon at rekomendasyon hango sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik

Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak


1. Basahin nang may lubos na pag-unawa ang buong papel.
2. Siyasatin kung ang lahat ng mga bahaging binanggit ay nakaugnay sa paksa ng pag-aaral.
3. Lagumin lamang ang pinakapaksa nito at umpisahan ang unang draft.
4. Pagkatapos ay irebisa ang unang draft upang maiwasto ang ilang kamalian kung mayroon man .
5. I-proofread ang pinal na kopya.

2 BALANGKAS

Ang balangkas o outline sa Ingles ay itinuturing na gabay sa pagsulat ng anomang anyo ng sulatin. Ito ay nagsisilbing iskeleton na
naglalaman ng mga binanghay na pangunahing puntos hinggil sa paksa ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod.

2 | P a h i n a Filipino sa Piling Larang-AKADEMIK N A V A R R O


Layunin at Gamit ng Pagbabalangkas
 Gabay sa proseso ng pagsulat.
 Katulong sa pag-oorganisa ng ideya.
 Naihahanay ang mga datos sa paraang lohikal.
 Bumubuo ng paunang silip sa bubuoing sulatin.
 Naglalarawan ng hangganan at pangkat ng mga ideya o datos.

Katangian ng Balangkas
Ang isang mabuting balangkas ay nagtataglay ng tatlong pangunahing katangian at ito ay ang mga sumusunod:
1. Detalyado
2. May sapat na impormasyon
3. Maikli

May tatlong uri ng Balangkas:

1. Balangkas papaksa (Topic Outline)- ito ay balangkas na karaniwang gingamit. Binubuo ito ng mga paksa o gumagamit ng mga
mahahalagang salita lamang o keywords. Madalas itong gamitin sa paglalarawan sa lawak ng kurso maging sa ensayklopidya.

PAKSA: Pagsulat
I. Introduksyon
A. Kahulugan
1. diksyunaryo
2. dalubhasa
B.Kalikasan
C.Layunin
1. Ayon kay Bernales et. al (2001)(sa Bernales et.al 2010)
2. Ayon kay Mabilin, Mendillo at Cruz (2011)

II. Bahagi ng Pagsulat


A. Simula
B. Katawan
C. Wakas

III. Yugto sa proseso ng pagsulat


A.Bago Sumulat
B. Unang Burador
C. Pagrerebisa
D. Pag-eedit

IV. Konklusyon

2. Balangkas papangungusap (Sentence Outline)- ito ay binubuo ng mga pangungusap. Madalas itong ginagamit sa pagpaplano ng
pagbuo ng aklat, kuwento o sanaysay.

PAKSA: Pagsulat
I. Ano ang pagsulat?
A. Ang pagsulat ay may Iba’t ibang kahulugan.
1. Ayon sa Webster ay isang proseso ng isang manunulat
2. Ayon naman kay Bernales et. al (2001)(sa Bernales et.al 2010) ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o
anomang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng nabuong salita, simbolo at ilustrasyon
ng isang tao na may layuning maipahayag ang kaniyang kaisipan.
B. Likas sa pagsulat ang magsimula sa pagmamasid, ginagamitan ng paglalarawan, nagpapaliwanag at nangangalap
ng mga ebidensya at datos (“Ang Pagsulat bilang Kasanayang Pangkomunikasyon” ni A. Mayor-Asuncion).

C. Maraming layunin ang pagsulat.


1. Ayon kay Bernales et. al (2001)(sa Bernales et.al 2010) ang pagsulat ay may tatlong
layunin:impormatibo, mapanghikayat at malikhain.
2. Ayon kay Mabilin, Mendillo at Cruz (2011), ang pagsulat ay personal at sosyal.

II. May tatlong bahagi ang pagsulat.


A. Una ay ang simula na naglalahad ng paksa o tesis.
B. Ikalawa ay katawan na pinakakaluluwa ng teksto.
C. Ikatlo ay wakas na nag-iiwan ng kakintalan.

III. May apat na yugto sa proseso ng pagsulat.


A. Ang manunulat ay naghahanda at nagbabalangkas sa yugto ng bago sumulat.
B. Ang unang pagsulat ay tinatawag na ikalawang yugto o unang burador
C. Kailangang basahin ang burador at itama ang pangungusap sa yugto ng pagrerebisa
D. Ang huling yugto na nakapokus sa mga salita at gramatika ay ang pag-eedit.

IV. Ang pagsulat ay isang komplikadong kasanayan na may bahagi at prosesong dapat sundin.

3. Balangkas patalata (Paragraph Outline)- ito ay binubuo ng patalatang parirala kaya bihira itong gamitin.

PAKSA: Pagsulat
I. Ano ang pagsulat?
A. Ang pagsulat ay may Iba’t ibang kahulugan. Kung pag-aaralang mabuti may kahulugang makukuha mula
sa diksyunaryo at mga kahulugang mula naman sa mga dalubhasa, lokal man o dayuhan.
1. Ayon sa Webster, ang pagsulat ay proseso ng isang manunulat. Ibig sabihin, ito ay akto o pagkilos
na kinasasangkutan ng writer o manunulat gamit ang mga letra o simbolo.
2. Ayon naman kay Bernales et.al (2010), ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o anomang
kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng
isang tao na may layuning maipahayag ang kaniyang kaisipan. Sinabi rin niya na ito ay kapwa
pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin.
B. Ayon sa artikulo ni A. Mayor-Asuncion na pinamagatang “Ang pagsulat bilang kasanayang
pangkomunikasyon” ay kalikasan ng pagsulat ang magsisimula sa pagmamasid, ginagamitan ng
paglalarawan, nagpapaliwanag at nangangalap ng mga ebidensya at datos. Ilan lamang ito sa patunay na ang
anomang sulatin ay likas na pinag-iisipan bago gawin.

3 | P a h i n a Filipino sa Piling Larang-AKADEMIK N A V A R R O


Hakbang sa Pagbuo ng Balangkas
 Basahin muna nang pahapyaw ang isang teksto bago magtala ng mga paksa o detalye.
 Suriin ang pagkakaayos ng mga ideya sa binasang teksto. Ito ba ay nasa ayos na kronolohikal, mula sa simple patungo sa
komplikadong mga ideya, sanhi at bunga, malawak na paksa patungo sa mga tiyak na ideya, at iba pa.
 Tiyakin kung anong uri ng balangkas ang angkop na gamitin sa paksa. Sundin ang pormat ng balangkas na pinili.
 Mula sa paksa, hatiin ang mga ideya ayon sa lohikal na ayos. Ito ang mga magsisilbing pangunahing kaisipan o dibisyon kung
tawagin. Kakatawanin ito ng mga romanong numeriko na I,II,III ...
 Magbigay ng mga pansuportang ideya sa bawat pangunahing kaisipan o seksyon. Ito ay kakatawanin ng malalaking letra A, B,
C…
 Lagyan ito ng mga ispesipikong ideya o sub-dibisyon kung kinakailangan na kakatawanin ng mga numero 1,2, 3…
 Tandaan na ang balangkas ay maaaring baguhin o palitan kung kinakailangan.

3 SINTESIS

Ang sintesis ay nagmula sa salitang Griyego na syntithenial na ibig sabhin sa Ingles ay put to together o combine (Harper 2016 sa
pagbanggit ni Garcia ,2017).
Ang sintesis ay kompleks na kasanayang pang-akademiko at porma ng analitikong pagsulat na nagsasangkot sa pagpapangkat
ng mga ideya patungo sa iba hinggil sa isang paksa. Ito ay hindi lamang nakatuon sa isang akademikong sanggunian o manunulat bagkus
sa mas malawak na sanggunian upang matukoy ang magkakaugnay at magkakasalungat na ideya na sumusuporta sa paksa.
Nangangahulugan lamang ito na ang sintesis ay ang akademikong sulatin na resulta ng integrasyon o pagsasama-sama ng mga ideya at
datos mula sa sariling kaalaman at sa saliksik. Karaniwan itong ginagamit sa pagsulat ng sanaysay, kaugnay na literatura (pananaliksik),
business report, argumentong papel at iba pang akademikong sulatin.

Sa kabuoan, ang sintesis ay:


• ang nagaganap na proseso—binubuo ang idea at opinyon batay sa pinagsamang ideya ng saliksik at ideyang pansarili.
• ang nag-eebolb na pag-iisip—hihinto at mag-iisip ukol sa mga nabasa at ikukonsidera kung akma o angkop sa iyong argumento
o tesis.

Kaya naman, sa ikagaganda ng sintesis ay kailangang balanse ang mga impormasyon.

Dalawang Anyo ng Sintesis:


1. Eksplanatori sintesis- anyo ng sintesis na naglalayong tulungan ang nagbabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang mga bagay na
tinatalakay.
2. Argumentativ sintesis- anyo ng sintesis na naglalayong maglahad ng pananaw ng sumulat nito.

Tatlong Uri ng Sintesis


1. Background sintesis- isang uri ng sintesis na ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian.

Epidemya ng Bansa Ni Arvin C. Panopio

Alam naman nating mga Pilipino na ang KAHIRAPAN ay isa sa pinakamalaking isyung kinakaharap ng ating bansa simula pa
lamang. Sa matagal na panahon, bakit nga ba hindi pa masolusyunan ang KAHIRAPAN? Ano nga bang mga sanhi at rason kung bakit patuloy
pa rin ang paglaganap ng KAHIRAPAN sa ating bansa? Paano ba ito mareresolba? May mga programa ba ang pamahalaan para dito?
Nakakatulong ba ito? Madalas nating sisihin ang pamahalaan ngunit sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipinong tamad at walang
disiplina?
Ang kahirapan ang isa sa mabigat na suliranin ng ating bansa. Ayon kay Emersonmactal (2016), maraming mga Pilipino ang
nagsasabing sila ay naghihirap sapagkat wala silang mga trabaho, pero ang katotohanan ay maraming maaaring maging trabaho ngunit
sadyang mapili ang mga Pilipino pagdating sa pagtatrabaho. Kaya’t may mga Pilipinong napipilitang mangibang bansa upang magkaroon ng
trabaho at pangsustento sa kani – kanilang pamilya. Ngunit ano nga ba ang mga dahilan o sanhi sa patuloy na paglaganap ng kahirapan sa
ating bansa?
Una, CORRUPTION, ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno. Ito ang isa sa talamak na dahilan kung
bakit mayroong kahirapan. Ang dapat na para sa mga mamamayan ay kinukuha nang palihim ng mga tao sa pamahalaan. Kasama rin dito
ang IMPERYALISMO ang pananakop ng ibang mga bansa noong mga nakaraang panahon na nag – iwan sa ating bansa ng mali at masamang
impluwensiya sa ating kultura. Ang pagpasok ng GLOBALISASYON ay masasabi din na imperyalismo kung saan ang mga dayuhan at
mayayamang kapitalista na nagmamay ari ng iba’t ibang kompanya ang siyang nagkokontrol sa pamahalaan upang sikilin ang karapatan ng
mga manggagawa. Pangalawa, mga maling gawain ng mga pinuno ng ating bansa. may mga sapat na sweldo ang ating mga pinuno ngunit
pilit pa din nilang kinukuha ang perang dapat sa mamamayan. Kinukuha nila ito para sa kanilang sariling interes lamang. Ang pangatlo ay
ang mga kadahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga pilipino o ang kawalan ng paninindigan. Ang pinakahuling dahilan ng paghihirap
ng bansa ay ang matinding kapabayaan ng likas na yaman ng bansa. (https://bit.ly/2KXuCyl)

4 | P a h i n a Filipino sa Piling Larang-AKADEMIK N A V A R R O


2. Thesis-driven sintesis- isang uri ng sintesis na hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kundi ang
malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin.

Wika

Ang salitang wika ay nagmula sa wikang Malay. Samantalang ang katumbas nitong salita na lengguwahe
ay nagmula naman sa Kastila.
Ipinapahayag sa Teoryang Biblikal, ang wika raw ay kaloob ng Diyos sa tao. Hango ito sa mga
pangyayaring nagpapakita ng kapangyarihan ng Diyos upang magkaroon ng kaayusan sa mundo at maipalaganap
ang mabuting salita.
Binanggit ni Austero et. al (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang
simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.”
Dagdag naman nina Mangahis et. al (2005) na ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa
pagkakaunawaan.
May kapangyarihan ang wika at may wika ang kapangyarihan (de Quiros, 2003). Ang wika ay hindi lamang

Hinango ito sa Kabanata II Kaugnay na


Pag-aaral at Literatura ng proposal na
isang paraan ng komunikasyon; ito ay isa ring paraan upang makapaghari. Hindi lamang ito susi sa impormasyon;

pananaliksik papel ni Navarro (2015)


susi rin ito sa kapangyarihan. Ang wika ay makapangyarihan sapagkat ito ay kaluluwa ng bayan. Wika ang
tagapamansag ng kultura. Ito ang tagapamahayag ng mithiin, pangarap, at adhikain ng mamamayan.
Sinabi rin naman ni Tumangan (2001) na ang wika ay kasangkapang kailangan sa
pakikipagkomunikasyon. Marahil, sa mga naimbento ng tao, wala nang hihigit pa sa wika.
Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay isang mahalagang instrumento sa pagkakaroon ng
pambansang pagkakaisa o nasyonalismo. Sinusugan ito ng pahayag ng dating Pangulong Manuel Luis Quezon na:
“Sa alinmang bagay ay wala nang napakamahalaga na tulad ng
pagkakilala nila sa kanilang kaisahan bilang isang bansa; at bilang
isang bayan ay hindi tayo magkakaroon ng higit na pagkilala sa bagay
na ito hangga’t hindi tayo nagsasalita ng isang wikang panlahat.

Ang wika ay mahalaga sa isang lipunan. Ito ay may malaking papel na ginagampanan sa pagbuo ng isang
pambansang identidad o kaakuhan lalo na sa pagsabak sa proseso ng globalisasyon. Mahalagang mabuo muna
ang identidad ng isang ng bansa para makasabay sa hamon ng kasalukuyang panahon.

Ayon nga kay Cabughay (2012) isang importanteng salik sa paglago ng ekonomiya ay ang paggamit ng
wika na maiintindihan ng mga maralita.
Taliwas naman ito ng pahayag ni Tacbad na bagaman Ingles ang wika ng komersyo, hindi pa rin ito ang
susi sa kaunlaran ng bansa. Binigyan niya ng halimbawa ang mga bansang Japan, South Korea, Thailand, at China.
Ang mga bansang ito ay masasabing mahina sawikang Ingles di gaya sa bansang Pilipinas,. Ngunit hindi ito naging
dahilan upang paunlarin nila ang kanilang bansa. ―Ang Japan ang isa sa pinakamayamang bansa sapagkat
ginagamit nila ang wikang sarili. Hindi ginamit ng Japan ang wikang Ingles para umunlad.

3. Sintesis para sa literatura- isang uri ng sintesis na kadalasang pagbabalik-tanaw o pagrebyu sa mga naisulat ng literatura ukol sa paksa.

WALANG PANGINOON Ni Deogracias A. Rosario

Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Macros na sukdulan ang galit sa mayamang asenderong si Don Teong. Si Don Teong
ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at
kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit
kay Don Teong. Kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni
Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao.

Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito’y kanilang minana sa kanilang mga
ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggal ang kanilang karapatan, napilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari iyang
ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punong-puno ng sama ngloob kay Don Teong na
matagal nilang pinagsisilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niyang ang dahilan ng pagkamamatay
ng kaniyang kasintahan na si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don Teong si Anita na siyang kinamatay nito. Sa dami nang mga
nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hindi
pa naman humuhupa ang galit niya, siya naming pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinapaalis na sa kanilang
tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong
ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang tinitirhan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay
kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong.

Dahil sa galit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung paano siya makakapaghiganti dito.
Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang
mamasyal sa bukid si Don Teong ng hapong iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si
Don Teong. Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na
kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad
niyang ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kanyang matapang na kalabaw.

http://reviewersandfiles.blogspot.com/2016/11/pagsusuri-ng-maikling-kuwento-buod-ng.html

HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS

Narito ang mga hakbang sa pagsulat ng sintesis:


1. Pumili ng paksa sa talaan ng mga datos na pinagsama-sama.
2. Bumuo ng tesis o argumento mula sa sariling punto de bista hinggil sa paksa.
3. Magbigay ng di bababa sa tatlong aklat na sanggunian na nakatuon sa paksang pinili.
4. Basahin ang mga materyal na sanggunian.
5. Lagumin ang mga ideya sa pamamagitan ng:
 Gumamit ng blangkong piraso ng papel. Doon ay lumikha ng kahon para sa bawat sanggunian na nakaayos
batay sa manunulat at impormasyon.

5 | P a h i n a Filipino sa Piling Larang-AKADEMIK N A V A R R O


 Punan ang kahon sa pamamagitan ng pagtatala sa mga pangunahing kaisipan mula sa bawat sanggunian.
 Suriin ang mga pagkakatulad at tukuyin ang mga argumento mula sa bawat manunulat.
 Bumuo ng tala o notes mula sa bawat sanggunian gamit ang sariling salita.
6. I-ayos ang mga paglalahat nang lohikal at may kaisahan. Inirerekomenda rin na gumamit ng mga tuwirang-sipi.
7. Gumamit ng makatotohanang halimbawa na susuporta sa iyong tesis o argumento.
8. Sa huli, lagumin ang iyong sulatin sa pamamagitan ng malinaw na konklusyon.

Upang maging maayos ang sintesis, nararapat na tandaan ang mga sumusunod:
1. Bumuo ng balangkas upang matiyak ang lohikal na pagsasaayos ng mga ideya.
2. Ang haba ng iyong papel ay lima hanggang pitong pahina nang may palugit. Nakabukod at di-kabilang na pahina ang
bibliyograpiya.
3. Maging konsistent sa paggamit ng bibliographic references.
4. Sumulat nang wasto gamit ang tamang pagbabantas at pagsulat ng malaki at maliliit na letra.
5. Huwag damihan ang mga tuwirang-sabi. Kung ito ay isang linya lamang o mababa pa ay mabuting isama na lamang sa teksto
ng iyong sulatin.
6. Huwag gumamit ng unang panauhan.
7. Gumamit ng mga pang-ukol at pangatnig sa pag-uugnay ng mga ideya.

4 AGENDA

Ang agenda ay karaniwan nating naririnig at naisasangkot sa isang pagpupulong subalit marami pa rin sa atin ang hindi
nakababatid sa kahulugan, layunin at gamit nito.
Ayon kina Rajendra pal at Korlahalli, ang agenda ay dokumento na nagbabanghay ng nilalaman ng darating o magaganap na
pagpupulong.
Ibig sabihin, ito ay sulating naglalaman ng mga paksang tatalakayin sa isang pagpupulong o kumperensiya. Ito ay mahalagang
bahagi ng pagpaplano na binubuo tatlong araw bago maganap ang pagpupulong. Kaya naman, itinuturing na mapa ang agenda
sapagkat ito ang nagsisilbing gabay at nagbibigay ng malinaw na direksyon kung paano makararating nang mabilis sa patutunguhan.
Kung gayon, katulad ng nawawalang mapa, ang pagpupulong na walang agenda ay magulo sapagkat walang tiyak na pag-uusapan at
patutunguhan.

Katangian ng Agenda
Ang agenda ay karaniwang:
1. Nakapaloob sa isang liham o memorandum.
2. Ito ay nakalagay sa dulong bahagi bago o pagkatapos ng lagda ng tagapanguna o tagapangulo ng pagpupulong.
3. Nakaayos ito nang sunod-sunod batay sa kahalagahan ng usapin. Ang mga kontrobersiyal na paksa ay nararapat ilagay sa huli.
4. Ang mga paksa ay tinitiyak ng kalihim sa pamamagitan ng pagkonsulta sa tagapanguna o tagapangulo ng pagpupulong.
5. Ito ay isinusulat ng maikli subalit malinaw at detalyado.

Layunin ng Agenda
Pangkalahatang layunin ng agenda ang mga sumusunod:
1. Makilala ng mga dadalo sa pagpupulong ang mga paksa pag-uusapan at isyung tatalakayin.
2. Maipahiwatig ang mga dating kaalaman o iskimang inaasahan mula sa mga dadalo o kalahok sa pagpupulong.
3. Maisaad ang inaasahang daloy at kahihinatnan ng pagpupulong.

Pangangailangan at Kahalagahan ng Agenda


Sa isang pagpupulong karaniwan ng hinahanap at tinatanong ang agenda nito. Mula rito ay makikita natin ang pangangailangan at
kahalagahan ng agenda at ito ay ang mga sumusunod:
1. Dahil ito ay naipababatid o naibibigay ilang araw bago ang pagpupulong, ang mga kalahok o dadalo ay higit na
nakapaghahanda kaugnay ng mga paksang tatalakayin. Maaaring sila ay magkaroon na ng pagbabahagi ng kaalaman o
opinyon bago pa man maganap ang pagpupulong.
2. Nakatutulong din ito sa maagap na pagdedesisyon o pagpapasya.
3. Nagreresulta rin ito nang mabilis na daloy ng pagpupulong.
4. Natitiyak nito na ang lahat ng paksang sakop ng pagpupulong ay matatalakay.
5. Napipigilan at nalilimitahan rin nito ang kuwentuhan o mga hindi kinakailangang pag-uusap sa pagpupulong.
6. Nagagabayan rin nito ang pagbuo ng katitikan at resolusyon ng pagpupulong.

Hakbang sa Pagbuo ng Agenda


Dahil ang agenda ay isang pangangailangan, ang pagbuo nito ay kailangang paghandaan at pag-isipan nang mabuti. Narito
ang ilang hakbang sa pagbuo nito.

1. Tukuyin ang pangangailangan ng mga kalahok o dadalo sa pagpupulong. Matapos ito ay magtakda ng tunguhin o goal na nais mong
makamit o mapagtagumpayan. Kapag natiyak mo na ang iyong tunguhin, mapagpapasyahan mo na rin kung kailangan mo ba ang tulong
ng ilang kasapi ng inyong organisayon sa pagpaplano ng agenda o hindi. Kung oo, maaaring padalhan sila ng mensahe o email upang
hanggat maaari ay di na lumikha ng dagdag pagpupulong.

2. Kailangang bumuo ng pagpapasya hinggil sa mga paksang ilalagay sa agenda.Dito maaaring isaalang-alang ang mga sumusunod:
 Mga taong kailangang dumalo sa aktuwal na pagpupulong,
 Ang mga aytem o paksang kailangang talakayin o aksyunan na makatutulong sa pagkamit ng pangunahing tunguhin o goal ng
pagpupulong,
 Tiyak na dami o haba ng oras na ilalaan sa bawat aytem o paksa,
 Ang araw at oras ng pagpupulong,
 Angkop ng lugar ganapan kung saan higit na magiging komportable ang mga dadalo.
 Panimulang gawain bago ang pagpupulong na kinapapalooban ng dokumentasyon at tagapagtala o tagagawa ng katitikan.
Ang mga taong gaganap dito ay kailangang bigyan ng paunang paalala para sa kanilang paghahanda.
3. Pagpasiyahan kung sino ang mga taong kasangkot upang mapagtagumpayan ang agenda. Ito ay tumutukoy sa mga tiyak na taong
gaganap sa bawat aytem ng agenda at ang mga tiyak na pangalan ng taong dapat dumalo sa pagpupulong. Upang magawa ito,
maaaring ikonsidera ang mga sumusunod na katanungan:
 Sino ang taong may kakayahang magproseso o magtalakay ng paksa?
 Sino ang nararapat makabatid ng mga paksang tatalakayin?
 Sino ang makapagbibigay ng mga datos na kailangan sa paksa?
 Sino ang may karanasan at eksperto na sa paksa?
 Sino ang dapat sumuporta sa implementasyon ng solusyon o gawain?
 Sino ang maaaring sumalungat sa implementasyon ng solusyon o gawain?

6 | P a h i n a Filipino sa Piling Larang-AKADEMIK N A V A R R O


4. Buoin ang agenda na naglalaman ng mga tatalakaying paksa at ang mga mangunguna. Ipakita sa mga mangunguna o tagaganap
ang nabuong agenda upang matiyak na sinang-ayunan nila ito. Tingnang mabuti kung nangangailangan pa ng pagwawasto ang agenda
bago ipamigay sa mga dadalo.

5. Ipamigay ang agenda sa mga dadalo. Maaaring gamitan ito ng memorandum o liham.

Karaniwang Nilalaman ng Agenda


Ang nilalaman ng agenda ay nakabatay sa uri ng pagpupulong.
Pormal na Pagpupulong- nangangailangan ito nang malinaw na agenda. Ang mga paksa ay nararapat ilista ng malinaw at maayos sa
itaas na bahagi kasama ang pangalan ng mga tagapanguna o tagapangulo ng pagpupulong. Bawat paksa ay kailangang lagyan ng
nakatakda o limitadong oras ng pagtalakay at pangalan ng tagaganap o tagapagtalakay. Inilalagay rin ang lugar, petsa at oras ng
pagpupulong. Ilalagay rin ang mga pangalan ng dadalo bago o pagkatapos ng agenda.

Tingnan ang halimbawa sa susunod na pahina.

Impormal na Pagpupulong- ito ay mayroong flexible na agenda. Ang paksa, tagapanguna ng pagpupulong, o petsa, oras at lugar ay
karaniwang nakatala subalit ang mga detalye ng pagpupulungang paksa ay di kasingdetalyado ng pormal na agenda. Isinusulat ang mga
pangunahing paksa subalit ang mga karagdagang paksa ay hindi na inilalagay. Di na rin kailangan ng itinakdang oras sa bawat paksa.
Halimbawa:

Kaugnay nito, mapapansin na ang karaniwang nilalaman ng agenda ay:

 Nakaraang Katitikan ng pagpupulong


 Ulat ng iba’t ibang komite , boards o officers
 Espesyal na ulat o tuntunin
 Mga di natapos na usapin
 Bagong paksa
 Iba pang usapin

5 KATITIKAN NG PULONG

Ang katitikan ng pagpupulong o minutes of the meeting ay isang pasulat o recorded na dokumento na naglalaman ng mga
kaganapan at napagkasunduan sa pagpupulong ayon sa daloy ng binuong agenda. Ito ay karaniwang ginagawa ng isang kalihim o
sekretarya ng samahan o organisasyon. Maaari naman itong gamitan ng shorthand notation o di kaya naman ay audio or video recorded.

7 | P a h i n a Filipino sa Piling Larang-AKADEMIK N A V A R R O


Sa anomang anyo ng pagpupulong, mahalaga ang pagbuo ng katitikan sapagkat ito ay itinuturing na legal na dokumento na
maaaring pagbatayan sa:
 susunod na pagpupulong upang balikan ang mga napagkasunduan
 legal na usapin

Kadalasang nilalaman nito ang:


 pangalan ng mga dumalo
 ang mga aytem sa agenda na sinakop ng pagpupulong
 mga pagpapasya o desisyon ng mga kalahok o dumalo
 mga itinakdang araw para tugunan ang mga gawaing napagkasunduan
 mga kasalukuyang estado sa umiiral na gawain
 iba pang usapin na napag-usapan o pag-uusapan

Pangangailangan ng Tagatala o Kalihim


Nararapat lamang na ang tagatala o kalihim ay:
 Nakapagtatala ng tumpak na pagpapasya o desisyon, komitment at mga pangunahing punto na tinalakay at napagkasunduan
sa pagpupulong.
 Naililista rin ang mga itinakdang petsa at mga taong responsable upang maisagawa ito.
 Nababalikan ang mahahalagang pagpapasya o desisyon, mga punto, komitment at aksyon bago matapos ang pagpupulong
nang sa gayon ay masang-ayunan at mapatotohanan ng mga dumalo bago umalis.
 Handa sa maaaring maging magpapabago, maaaring dagdag o bawas bilang pagtatama sa mga naitalang datos
 Tapusin ang katitikan upang maipamahagi bago matapos ang araw na iyon. Maaari siyang gumamit ng video o audio recorder
para matiyak ang mga datos. Isaalang-alang ang tamang pormat at tiyakin na wasto ang gramatika bago ito ipamahagi.

HAKBANG SA PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

May Tatlong Yugto sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong


1. Bago ang Pulong
 Inihahanda na ng kalihim ang template o pormat na kaniyang pagtatalaan ng mahahalagang datos.
 Binabalikan rin niya ang napagkasunduang agenda na magsisilbing gabay niya sa pag-ooras at pagtatala.

2. Habang Nagpupulong
 Gagamit ang kalihim ng 3M’s:
-magpokus
-makinig
-magsulat
 Tanging mahahalagang datos lamang ang itatala at hindi ang lahat ng sasabihin ng mga dumalo.
-pinag-usapan
-pinagkasunduan
-pinagtapusan

3. Pagkatapos ng Pagpupulong
 Repasuhin ang dokumento.
 Pirmahan bilang kalihim at papirmahan sa mga dumalo sa pangunguna ng tagapangulo ng samahan.

Dahil dito, mahalaga ang pagkakaroon at pagsunod sa tamang pormat ng katitikan.


 Sinisimulan ito sa pangalan o header ng samahan.
 Sinusundan ito ng pahayag na nagsasaad ng bilang kung pang-ilang pagpupulong na ito, petsa at lugar na
pinagganapan nito.
 Pagkatapos, malinaw na nakalagay ang pangalan ng mga dumalo at ang katungkulan ng mga ito. Maaari ring ilagay
ang pangalan ng mga di-dumalo kung kinakailangan.
 Kapapalooban ito ng mga romanong numero na sisimulan sa paglalahad ng oras kung kalian, sino at paano nagsimula.
 Ilalahad ang naging daloy ng pagpupulong alinsunod sa nakalahad sa agenda nito. Dito ay bibigyang-diin ang mga
napagkasunduan o napag-usapan lalo na sa mahahalagang usapin o paksa.
 Tatapusin ito sa pamamagitan ng paglalahad ng oras ng pagtatapos.

Sa huli, bago matapos ang pagpupulong ay titiyakin ng sekretarya na napapirmahan niya ang katitikan bilang patunay na ang
lahat ng nilalaman nito ay kanilang pinatototohanan at sinasang-ayunan. Ang katitikang ito ay muling babasahin bago magsimula ang
susunod na pagpupulong.

8 | P a h i n a Filipino sa Piling Larang-AKADEMIK N A V A R R O


Halimbawa

Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Batangas
BAYAN NG IBAAN
TANGGAPAN NG MUNICIPAL COOPERATIVE DEVELOPMENT COUNCIL

KATITIKAN NG IKA-5 BUWANANG PULONG NG MUNICIPAL COOPERATIVE DEVELOPMENT COUNCIL NG BAYAN NG IBAAN, BATANGAS NA
GINANAP SA DSWD CONFERENCE CENTER, MUNICIPAL BUILDING,
BAYAN NG IBAAN, BATANGAS NOONG IKA – 14 NG HULYO, 2011.

Dumalo:
Kgg. JUAN V. TOREJA – Tagapangulo ng Lupon
G. BERNARDO PATALAY – II Tagapangulo ng Lupon
G. GERARDO C. CEDEÑO – CDA Specialist, Co-Chairperson ng MCDC
Gng. ERLINDA BAGSIT – Ingat Yaman ng MCDC
Gng. LYDIA PEREZ – Designated MCDO
Gng. NENITA VIROS – Manager Salaban II WMPC
Gng. ROSENI C. REAL – Chairman, Matala WMPC
G. SANTIAGO RUBIO – BOD, Bago Ibaan MPC
Bb. NELIA A. VALENCIA – Vice Chairman, M. Tubig MPC
Gng. EVELYN P. CABIO – Manager, Ibaan Market Vendors MPC
G. DANILO B. LIWAG – Manager, Lucsuhin MPC
Gng. LUCINA C. ANDAL – BOD, Sabang MPC
Gng. ESTELA D. MAGNAYE – BOD, Quilo, Consumers Coop.
Gng. ANNALIZA D. DIMAANO – Bungahan, MPC
Gng. FRANCISCA DE CASTRO – Coliat, MPC
Gng. MAY D. BAGUI – Secretary/Planning Asst.-Mayor’s Office

Di Dumalo
G. DANILO V. MAGTAAS – Tagasuri ng MCDC
Kinatawan ng Calamias MPC
Kinatawan ng KABACA MPC
Kinatawan ng Sandalan Waterworks System

I. Ang pagpupulong ay itinayo ni G. Gerardo Cedeño, ang Co-Chairperson ng MCDC sa ganap na ika 10:15 ng umaga, at ito ay pinasimulan sa
pamamagitan ng isang panalangin na pinamunuan ni Gng. Roseni C. Real, Chairman ng Matala Women’s MPC. Kasunod ng pananalangin ay ang
roll-call na isinagawa pa rin G. Gerardo Cedeño, at matapos nito ay ipinahayag niya na mayroong quorum.

II. At nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa ni Gng. Lydia C. Perez, Designated MCDO, ng katitikan ng MCDC para sa nakaraang pagpupulong
noong Hunyo 23, 2011. Nilinaw ni G. Bernardo C. Patalay, II Tagapangulo ng MCDC, kung kailan ang effectivity ng resignation ni Gng. Erlinda
Bagsit, ang dating Ingat – Yaman ng MCDC, na sinagot naman ni Gng. Roseni C. Real na nakalagay na sa Resolution na nag-take effect ang
resignation noong mismong araw ng pagre-resign, Hunyo 23, 2011.Iminungkahi ng G. Bernardo Patalay ang maayos na pag-turn over ng lahat
ng records, maging ng mga pautang at natitirang pondo ng MCDC. At sa mungkahi ni Gng. Erlinda E. Bagsit na pinangalawahan naman ni Bb.
Nelia Valencia, ang bagong Ingat-Yaman ng MCDC, ay napagtibay ang katitikan ng nakaraang pagpupulong ng MCDC.

III. Sumunod ay ang pag-uulat ukol sa Pananalapi ng MCDC, na isinagawa pa rin ni Gng. Erlinda Bagsit bagamat hindi na siya ang kasalukuyang
Ingat-Yaman, sa kadahilanang hindi pa tapos ang turnover ng mga records. At ayon sa kanya ang Cash on Bank ay nagkakahalaga ng P47, 487.05,
at ang Cash on Hand ay P461.00. May pagkakautang na meryenda ng nakaraang pagpululong ng Marso, sa Always Nine Canteen na di pa matukoy
kung magkano ang halaga.

IV. Sumunod ay ang pagtalakay sa Art. 4 ng RA9520. Ang mga opisyales, mga direktor at ang mga miyembro ng kumite ng kooperatiba ay mayroon
hanggang ika-15 ng Hunyo, 2012 para makakumpleto sa series of trainings na nire-require ng batas. Dahilan dito ay nagkomento si G. Patalay na
maaaring maging dahilan ito na sa bandang huli ay wala nang maengganyong kumandidato na ordinaryong miyembro dahil sa laki ng maaaring
gastusin sa mga trainings. Suhestyon naman ni Gng. Evelyn P. Cabio , Manager ng IMVMPC, na mag-sponsor ang MCDC para sa trainings ng mga
miyembro. Ayon naman kay G. Danilo Liwag, Manager, Lucsuhin MPC, ay kung maaari bang magkaroon na lang ng examination, na sinagot
naman ni G. Cedeño na hindi ito maaari. Sinabi naman ni G. Patalay na nararapat lamang na magsimula na ang pagpapatraining, yamang din
lamang na hindi na ito maiiwasan. At habang maaga pa ay ipaalam na ang plano kay Mayor Toreja, ang Chairman ng MCDC, upang sa lalong
madaling panahon ay masimulan na ang trainings. Nagproposed si G. Cedeño na gumawa na ng Request letter para sa Speakers ng Training
upang masimulan na ito.

V. Natapos ang pagpupulong sa ganap na ika- 12:30 ng tanghali sa mungkahi na din ng ating butihing mayor, Juan V. Toreja, at pinangalawahan
ni G. Cedeño.

Inihanda ni:

MAY D. BAGUI
Secretary/Planning Asst.
Mayor’s Office

Nagpapatotoo:
JUAN V. TOREJA
Punumbayan/Tagapangulo ng MCDC

9 | P a h i n a Filipino sa Piling Larang-AKADEMIK N A V A R R O


6. PANUKALANG PROYEKTO

Ang panukalang proyekto ay isang proposal na gawain na karaniwang ginagawa bilang interbensyon, inobasyon o solusyon sa
isang suliranin. Ginagawa rin ito ng isang empleyado na naglalayong mahikayat ang investors o employer sa kaniyang proyekto na
nangangahulugang dagdag kita kung mapapasang-ayon niya ang mga ito.
Bago sumulat ng panukalang proyekto, kailangan munang masagot ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang gagawin mong proyekto
2. Bakit mo ito gagawin?
3. Paano mo ito isasagawa?
4. Sino ang gagawa nito?
5. Saan mo ito isasagawa?
6. Gaano katagal mo ito maisasagawa?
7. Magkano ang halaga ng pagsasagawa nito?

Ang halos lahat ng mga sulatin ay sumusunod sa isang simpleng balangkas na may tatlong pangunahing bahagi: ang panimula,
ang katawan at ang katapusan.
Ito rin ang balangkas na sinusunod ng panukalang proyekto:
1. Panimula — katulad din ito ng pagpapahayag ng suliranin o dahilan ng isang panukalang proyekto.
2. Katawan — binubuo ito ng plano ng dapat gawin at ang panukalang badyet.
3. Katapusan o Konklusyon — katulad ito ng bahagi ng pagsusuri o ng bahaging naglalahad ng kapakinabangang dulot ng proyekto.

Ngayon pag-aralan naman natin ang kumpletong balangkas ng isang simpleng panukalang proyekto sa ibaba.
1. Pamagat — kadalasan pinaikling bahagi ng ulat-panukala o ang pangangailangan. Dapat maging malinaw at kaaya-aya.
Halimbawa: Panukala Para sa Pagpapatayo ng Bulwagang Pambarangay
2. Proponent — ang iyong pangalan, tirahan, contact no., email at lagda ng tao o organisasyon na bumuo ng panukala.
Halimbawa:
Ruby Cortez
116 Rubi Street, Lot 3, Blk. 58 Barangay Selino, Sta. Fe, Nueva Vizcaya
09163048931/rubycortez@gmail.com
3. Petsa — ang araw kung kailan mo isusumite ang iyong panukala at ang kinalkulang haba ng panahong gugugulin sa pagkompleto ng
proyekto.
Halimbawa: Ika-24 ng Hunyo 2000
Pagpapatayo: 3 buwan
4. Rasyonal ng Proyekto— ang pangangailangan at dahilan kung bakit ito kailangang matugunan nakasaad sa isang saknong at may
wastong pamagat.
Halimbawa: Pagpapahayag ng Suliranin Ang panukalang ito ay para sa.......
5. Deskripsyon ng Proyekto — kung ano ang nilalayong gawin ng proposal
Halimbawa: Layunin Nilalayon ng panukalang ito na.......
6. Plano ng Dapat Gawin — ang mga hakbang na pinaplano mong gawin at ang panahong gugugulin upang matapos ang proyekto
Halimbawa: Ang panukalang ito ay maisasakatuparan.......
7. Badyet — ang kalkulasyon ng halagang gugugulin para sa proyekto
Halimbawa: Ang halagang hinihiling para sa panukalang ito ay.......
8. Paano Mapapakinabangan ng Aking Pamayanan ang Panukalang Ito — ang katapusan, kung saan nakasaad ang mga taong
makikinabang sa proyekto at kung ano ang kanilang mapapala dito
Halimbawa: Ang proyektong ito ay kapaki-pakinabang para sa mga.......

Ito ang walong bahagi ng isang panukalang proyekto ayon sa wastong pagkakasunud-sunod. Makikita mo rito ang balangkas at
kung ano ang kahihinatnan ng pinal na panukala.

Nararapat lamang na ang panukalang proyekto ay magtaglay ng mga sumusunod na katangian:


 Malinaw
 Tapat at Makatotohanan
 Naaayon sa wastong pormat

Halimbawa PAGSASAAYOS ng Mini Museum


AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL

I. PROPONENT NG PROYEKTO:
a. ANSHS AP Club

 Pang. Athena Janssen M. Dela Torre


 Ikalawang Pang. Onille Paul L. Bernardino

II. PAMAGAT NG PROYEKTO: Renobasyon para sa ANCIESTA Mini Museum

III. PONDONG KAILANGAN: ₱18,378.00

IV. RASYONAL
Ang pagsasa-ayos ng Mini Museo ng Aurora National Science High School ang isa sa mga planong isagawa ng
Organisasyong Araling Panlipunan. Sa pagkakaalam ng nakararami, ang Museo ang siyang nagsisilbing sentro ng kaalaman ng
kasaysayan at paglalarawan ng kulturang kinabibilangan. Ang pagsasakatuparan ng nais na plano ang siyang magiging daan
upang muling buhayin ang unti-unting nawawalang pagkilala sa kasaysayan at kulturang pang-Ansciesta at pang-Filipino.
Ang pagsasagawa ng proyektong ito ay mahalaga, hindi lamang sa aspetong pisikal na kagandahan ng paaralan,
ngunit ito rin ay siyang magsisilbing tahanan ng kaalaman at impormasyon na nauugnay sa tradisyon ng paaralan at ng pagiging
maka-Pilipino. Ang mga napagdaanan ng ating mga ninuno sa kasaysayan ay mabibigyang halaga at pagkilala sa pamamagitan
ng muling pagbubukas ng Mini Museum ng ating paaralan. Kasama rin sa maitutulong ng proyekto ang pagbabalik-tanaw sa mga
tradisyong isinasagawa ng paaralan sa mga espesipikong okasyong pang-Filipino.
V. DESKRIPSIYON AT LAYUNIN NG PROYEKTO
Deskripsiyon
Ang proyektong ito ay nagsisilbing pintuan sa pagkakaroon ng silid na magiging isang sentrong pangkaalaman na uugnay
sa kasasaysayan at kultura ng paaralan, bayan ng baler, probinsiya at Pilipinas. Magsisimula ang pagsasakatuparan ng gawaing
ito sa pamamagitan ng pagsolicit ng donasyon at tulong na maaring magmula sa munisipyo o sa mga kilalang personalidad na
boluntaryong magbibigay. Ang makakalap na pondo ang siyang magsisilbing pambili ng mga materyales na gagamitin at
pampaayos sa mini Museum ng paaralan.

10 | P a h i n a Filipino sa Piling Larang-AKADEMIK N A V A R R O


Layunin
Layunin ng proyektong ito na maisaayos ang mini musem ng Aurora National Science High School at muling magamit ito
bilang sentrong pang-kaalaman ng mga estudyante at guro ng paaralan.

VI. KASANGKOT SA PROYEKTO


Kasangkot sa proyektong ito ang mga sumusunod:
 Edelwinda S. Montero – Punong guro ng AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
 Mga Opisyales at Miyembro ng Araling Panlipunan Club na pangungunahan nina:
o Pang. Athena Janssen M. Dela Torre
o Ikalawang Pang. Onille Paul L. Bernardino
 Mga mangongontrata na silang mangunguna sa pagsasagawa ng mabibigat na gawain sa pagrerenovate ng mini museum ng paaralan.
 Mga personalidad at LGUs na magbibigay ng taos pusong pagtulong sa pagsasakatuparan ng proyekto.
VII. KAPAKINABANGANG DULOT
Ang kapakinabangang dulot ng proyektong ito ay ang maipakilala at mabigyan ng kaalaman hinggil sa kulturang Pilipino ang
mga Ansciestas na gagamit nito.

VIII. TALATAKDAAN NG MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA


Upang maisakatuparan ang proyektong ito, itinatakda ang sumusunod na mga gawain o hakbangin:

Petsa Mga Gawain Pangalan (ng kung sino ang gagawa) Lugar/ Lokasyon

Munisipyo at kilalang mga


personalidad na maaring magbigay ng
Oktubre 1-5, 2017 Pagsolicit ng donasyon taos-pusong tulong. Baler, Aurora

Pagnegosasyon sa Pangulo at Ikalawang Pangulo (Athena


mangongontrata na maaaring Janssen Dela Torre at Onille Paul
magtrabaho sa pagsasa-ayos Bernardino) ng Araling Panlipunan
Oktubre 8, 2017 ng mini museum Club Brgy. Buhangin, Baler Aurora

Pangulo at Ikalawang Pangulo (Athena


Janssen Dela Torre at Onille Paul
Pagbili ng mga materyales na Bernardino) ng Araling Panlipunan Banahaw Trading, Brgy. Suklayin,
Oktubre 10, 2017 kakailanganin sa proyekto Club Baler Aurora

Pagsasagawa ng pag-aayos
ng mini museum ng Aurora Aurora National Science High School,
Oktubre 15-29, 2017 National Science High School Mangongontrata Brgy. Buhangin, Baler Aurora

Paglalagay ng mga maaring i-


display na may kaugnayan sa
kasaysayan at kultura ng Mga miyembro at opisyal ng Araling Aurora National Science High School,
Oktubre 30-31, 2017 paaralan at ng Pilipinas Panlipunan Club Brgy. Buhangin, Baler Aurora

IX. GASTUSIN NG PROYEKTO


Sa proyektong ito, tinatayang gugugol ang renobasyon ng ANSCIESTA Mini Museum ng kabuuang halagang Php. 18,378.00
na inilalaan sa sumusunod na pagkakagastusan.

Presyo ng Bawat Aytem Presyong Pagkalahatan


Bilang ng Aytem Pagsasalarawan ng Aytem (Php) (Php)

4 piraso ¼ inch Plywood 250.00 1,000.00

¼ kilo De dos na pako 15.00

3 litro Boysen cream-colored paint 121.00 363.00

1 piraso Pintong yari sa kahoy 2,000.00 2,000.00

4 set Sliding glass 1,250.00 5,000.00

2 tao Manggagawa 2,500.00 5,000.00

KABUOANG GASTUSIN 13,378.00

11 | P a h i n a Filipino sa Piling Larang-AKADEMIK N A V A R R O


7. TALUMPATI

Ang talumpati ay sining ng pagsasalita na maaaring nanghihikayat, nangangatuwiran, o tumtalakay ng isang paksa para sa mga
tagapakinig. Masusukat sa sining na ito ang katatasan, husay at dunong ng mananalumpati sa paggamit ng wika at katatagan ng kanyang
paninindigan. Karaniwang nagkakaiba-iba ang talumpati batay sa paghahanda sa mga ito (Magahis et.al 2008 sa Garcia 2017).
Sa paghahanda nito, kinakailangang tandaan na ang isang mahusay na talumpati ay dapat nakapagbibigay-impormasyon,
nakapagpapaunawa, nakapagtuturo, at nakahihikayat ng mga konsepto at paninindigan sa mga manonood at tagapakinig.

Tatlong Bahagi ng Talumpati


1. Panimula- sinisikap sa bahaging ito ang makapukaw ng interes o makatawag-pansin sa mga tagapakinig. Sa bahaging ito rin inihahayag
ng tagapagsalita ang kaniyang layunin sa pagpapahayag.
2. Katawan- dito pinagtitibay ng mananalumpati ang kaniyang inihayag na konsepto o argumento sa pamamagitan ng apat na batayang
diskurso: paglalahad, pangangatuwiran, pagsasalaysay, paglalarawan, o di kaya’y pagbibigay ng halimbawa, paggamit ng estadistika at
iba pa.
3. Wakas- Ito ang bahaging nag-iiwan ng kakintalan sa mga tagapakinig na maaaring magpakilos o magbago.

Iba’t ibang Uri ng Talumpati


1. Impromptu - Ayon kay Magahis et.al, 2008 (sa Garcia 2017) ito ay isang uri ng talumpati na biglaan at walang ganap na paghahanda.
Karaniwang makikita ang mga ganitong uri ng pananalumpati sa mga job interview, ilang okasyon ng question and answer, at pagkakataon
ng pagpapakilala. Hindi imposible sa uring ito ang pagsulat pa ng bibigkasing talumpati ngunit mahigpit ang pangangailangan dito ng
kahusayan sa pag-oorganisa, paglilinaw at pagtatampok ng mga ideyang nais palutangin.
Halimbawa:https://www.youtube.com/watch?v=uq3hNXPDh4g

2. Extemporaneous- Sa uring ito masusubok ang kasanayan ng mananalumpati sa paggamit ng mga angkop na salita sa loob ng sandaling
panahon bago ang pagbigkas. Ang mga isyu, konsepto, o usapang pagmumulan ng talumpati ay nasa isip na ng mananalumpati kung
kaya maaari pa siyang maghanda ng kaunting palatandaan upang hindi magpaligoy-ligoy sa pagbigkas. Bukod pa rito, kadalasang
inoorasan ang pagsagot ng mananalumpati kaya kinakailangan ang malinaw na pag-iisip, bilis sa pagbabalangkas, at husay sa pamimili
ng salita.
Halimbawa: https://www.youtube.com/watch?v=nHpVfpdmYkg

3. Memorized- Ito ay tinuturing na pinaghandaang talumpati. Dito ang mananalumpati ay nakapagsasagawa ng manuskito at may sapat
na panahon upang kabisaduhin ang kaniyang mga sasabihin.

Halimbawa: https://www.youtube.com/watch?v=dbEfDv9XSlE

4. Manuscript- Pagtatalumpati sa pamamagitan ng pagbasa sa manuskrito.


Halimbawa: https://www.youtube.com/watch?v=lCN6FjqDcHg

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagtatalumpati


1. Paghahanda
a. Talumpating maisusulat pa
Ihanda ang iyong sarili na makaisip nang mabuti sa paksa ng talumpating iyong isusulat. Palaging isipin na mahalagang
mapukaw ang interes ng mga makikinig o manonood sa talumpati at mauunawaan nila ang punto ng pagbigkas.
b. Talumpating Hindi Maisusulat
Sa oras na malaman mo na ang punto o isyung kailangang bigyan ng talumpati, linawan ang pag-iisip, huwag
masyadong magbanggit ng maliliit na detalye bagkus ay lagumin ang nasa isip, mahalagang magsalita nang may kabagalan
upang maunawaan ng mga nakikinig ang iyong sinasabi at makapag-isip ka rin sa proseso at sumagot nang tuwid dahil ang
pagsagot ay may oras lamang.

2. Pagpapanatili ng Kawilihan ng Tagapakinig


Tiyaking hindi mawawala ang kawilihan o interes ng mga tagapakinig sa iyong talumpati kung kaya’t mag-isip ng teknik sa pagsulat
pa lamang o paghahanda sa pagbigkas nito. Maaaring may mga bahagi sa talumpati na nagkukuwento. Pukawin ang diwa ng
mga tao sa paggamit ng matatalinhagang pananalita at mga tayutay.

12 | P a h i n a Filipino sa Piling Larang-AKADEMIK N A V A R R O


3. Pagpapanatili ng Kasukdulan
Dapat maihatid ng mananalumpati ang kanyang tagapakinig sa pinakamatinding emosyon batay sa kanyang paksa na siyang
pinakamahalagang mensahe.

4. Pagbibigay ng Konklusyon sa Tagapakinig


Ito ang huling bahagi ng pagsulat ng talumpati o pagbigkas nito. Sa pamamagitan ng pagbubuod sa mahahalagang puntong
tinalakay sa talumpati, magagawa mong mag-iwan ng mahalagang mensahe o diwa sa mga tagapakinig sa iyong pagtatapos.

Halimbawa:

HAKBANG SA PAGSULAT NG TALUMPATI

Binanghay ni Constantino at Zafra (2016) ang hakbang ng pagsulat ng talumpati sa tatlong yugto: paghahanda, pananaliksik at
pagsulat.

A. Paghahanda
May mga apat na tiyak na elementong kailangang paghandaan bago sumulat ng talumpati. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Layunin ng Okasyon. Bukod sa pagtiyak ng paksang tatalakayin, napakahalaga ring tiyakin ang layunin ng okasyon. May mga
pagkakataon na ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o inspirasyon, magpaliwanag, magsalaysay at iba pa na aangkop sa tema
o paksa ng idaraos na okasyon.
2. Layunin ng Tagapagtalumpati. Bilang tagapagsalita o mananalumpati nararapat lamang na magtalaga o magtakda ka ng sarili mong
layunin lalo na kung siya lamang ang magsasalita. Kadalasan kapag isa lamang ang tagapagsalita, ang layunin niya ay siya na ring layunin
ng okasyon habang kung pangkat o grupo ang magsasalita ay kailangan niyang tiyakin ang espesipikong papel na kaniyang gagampanan
dito. Mainam ding pantakda ng limitasyon ang layunin sapagkat sa pamamagitan nito ay nabibigyan mo ng angkop na haba, nilalaman
at tono ang piyesang itatanghal.
3. Manonood. Ang manonood ay hindi lamang tagapakinig bagkus tagapagtakda rin ng estilo at nilalaman na ilalahad ng mananalumpati.
Dito ay kailangang alamin mo ang dami ng taong dadalo at ang kanilang mga pangunahing detalye kagaya ng edad, kasarian, kalagayan
sa lipunan o estado sa buhay at kulturang pinagmulan.
4. Tagpuan ng Talumpati. Sinasaklaw ng elementong ito ang detalye kagaya ng lugar na pagtatanghalan, oras, kagamitan at ang daloy
ng programa o okasyon. Ito ay malaking tulong sa iyo upang mas maihanda mo ang iyong sarili at maagapan ang mga suliraning maaaring
kaharapin sa araw ng pagtatalumpati.

B. Pananaliksik
Ang pananaliksik o pangangalap ng datos ay susi upang makabuo ng isang mabisang piyesa ang mananalumpati. Dito
nagaganap ang mga sumusunod:
1. Pagbuo ng Plano. Sa bahaging ito, isang kahingian sa mananalumpati ang pag-aaral ng paksa o tema, at ang papel o gampanin niya
sa naturang okasyon sa pagbuo ng isang paksa o temang tatalakayin. Ito ang magtatakda ng kaniyang mga kailangang ihanda mula sa
kaniyang sarili hanggang sa mga eksternal na aspekto.
2. Pagtitipon ng Materyal. Tipunin ang mga materyal na kailangan ayon sa nabuong plano. Maaaring ito ay nakalimbag tulada ng aklat,
artikulo o di- nakalimbag gaya ng panayam o mga kuwento at maaari ring audio visual tulad ng pelikula, musika at larawan. Magiging
madali ang pagsulat kung malilikom ang lahat ng materyal na kailangan.
3. Pagsulat ng Balangkas. Hindi kailangang magsulat agad pagkatapos likumin ang mga materyal sapagkat may mahahalagang bagay
pa na kailangang gawin. Una, pangkat-pangkatin ang mga natipong materyal na siyang gagamiting gabay sa pagbuo ng balangkas.
Ikalawa, pagkatapos i-kategorya ang mga datos, maaari ng bumuo ng balangkas na magbibigay direksyon sa pagsulat ng piyesa.

C. Pagsulat
Dalawang proseso ang isinasaalang-alang sa yugto ito: pagsulat at pagrerebisa.
Pagsulat ng Talumpati. Simulang sulatin ang talumpati sa nabuong balangkas. Narito ang ilang pangkalahatang gabay sa pagsulat.
1. Sumulat gamit ang wikang pabigkas. Tandaan ang talumpati ay isinusulat hindi para basahin kundi para bigkasin. Dito ay
kailangang isaalang-alang ang kakayahan ng mga tagapakinig na unawain ang talumpati kaya naman pinakamabisang gamitin
ang estilong natural o yaong tono na parang nakikipag-usap lamang.
2. Sumulat sa simpleng estilo. Iwasan ang mahahabang salita at hangga’t maaari ay huwag ding gumamit ng teknikal na salita.
Sa madaling sabi, gumamit ng mga pangungusap na may iisang paksa.
3. Gumamit ng iba’t ibang estratehiya ng pagpapahayag na pabigkas kagaya ng mga sumusunod:
a. paggamit ng matalinhagang pahayag o tayutay
b. paggamit ng kuwento
c. pagbibiro

13 | P a h i n a Filipino sa Piling Larang-AKADEMIK N A V A R R O


d. paggamit ng mga kongkretong halimbawa
e. paggamit ng paralelismo
f. paggamit ng mga salitang pantransisyon sa mga talata
4. Huwag piliting isulat agad ang simula at wakas ng talumpati sapagkat karaniwang madali kung magsisimula sa gitna o katawan
ng talumpati.
Ang introduksiyon ay maaaring:
a. sipi mula sa akdang pampanitikan;
b. anekdota;
c. pagbanggit ng paksa o tema at pagpapaliwanag sa susing konsepto;
d. pag-iisa-isa sa mga layunin; at
e. pagtatanong sa tagapakinig
Ang konklusyon naman ay maaaring:
a. sipi mula sa akdang pampanitikan o anekdota na magbibigay-diin sa nilinang na ideya;
b. paglalagom sa mga pangunahing ideyang dinebelop
c. pagrerebyu sa mga layunin at kung paano ito natamo; at
d. panawagan sa tagapakinig na gumawa ng pagkilos.

Pagrerebisa ng Talumpati. Sa yugtong ito, mahalaga ang paulit-ulit na pagbabasa, ang pag-ayon ng estilo ng talumpati sa pagbigkas, at
ang pag-aangkop ng talumpati sa haba ng oras ng pagtatanghal.
1. Paulit-ulit na pagbasa. Kagaya ng pangkalahatang yugto sa pagsulat, hindi natatapos ang pagsulat sa pagbuo ng draft o
burador sapagkat ito ay kailangan pang dumaan sa pagrerebisa at pag-eedit bago mabuo ang pinal na sulatin. Maisasagawa
ito nang maayos kung paulit-ulit na babasahin ng mananalumpati ang kaniyang isinulat na piyesa na maglalantad sa mga
kailangang idagdag, tanggalin o baguhin.
2. Pag-ayon sa estilo ng talumpati sa paraang pabigkas. Pakinggan kung may ritmo o musika ang bagsak ng bawat pahayag.
Nagagawa ito kung napag-iiba-iba ang haba at ikli ng pangungusap. Sikapin rin na ang mga salitang makabuluhan at nais
bigyang-diin ay nasa dulo.
3. Pag-aangkop ng talumpati sa haba ng oras ng pagtatanghal. Huwag gawing eksakto sa oras. Ibig sabihin, mas maikli ang
kabuoan ng talumpati sa oras na itinakdang tagal nito.

Narito ang karaniwang tagal ng iba’t ibang uri ng talumpati


 Panayam o lektura 45-50 minuto
 Presentasyon ng papel sa isang kumperensiya 20-25 minuto
 Susing panayam 18-22 minuto
 Pagpapakilala para sa panauhing pandangal 3-4 minuto
 Talumpati para sa seremonya 5-7 minuto

Tandaan ang mga tagapakinig ay may sarili at kani-kaniyang attention span o tagal ng kakayahan sa pakikinig kaya iwasang
maging kabagot-bagot bilang mananalumpati.

8. BIONOTE

Ang salitang bio ay mula sa Griyego na nangangahulugang “buhay”. Mula rito ay maiuugnay ang isang akademikong sulatin na kinikilala bilang bionote.
Ang bionote ay isang maikling paglalawan sa manunulat gamit ang ikatlong panauhan na madalas inilalakip sa kanilang mga naisulat. Maaari rin
nating ihanay dito ang mga impormasyon na naririnig kapag ipinakikilala ang isang tagapagsalita ng palatuntunan.
Sa pamamagitan ng bionote, makikilala ang tao sa likod ng isang akda o proyekto na nais ipakilala sa iba. Maaaring ito ay sariling isinulat o isinulat
ng ibang tao. Sarili o iba man ang sumulat, mahalagang maglaman ito ng mga totoong datos. Maaaring magsagawa ng intensibong pananaliksik o di kaya’y
pakikipanayam.
Narito ang ilang mahahalagang impormasyon na dapat lamanin ng bionote:
 Personal na Impormasyon (pinagmulan, edad, buhay kabataan-kasalukuyan)
 Kaligirang pang-edukasyon (paaralan, digri at karangalan)
 Ambag sa Larangang Kinabibilangan (kontribusyon at adbokasiya)

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE


1. Maikli subalit sisik ang nilalaman
2. Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw
3. Kinikilala ang mambabasa
4. Gumagamit ng baligtad na tatsulok
5. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian
6. Binabanggit ang degree o tinapos na kurso kung kailangan
7. Tapat at totoo ang mga impormasyon

HAKBANG SA PAGBUO NG BIONOTE

1. Tiyakin ang Layunin. Mahalaga ang layunin sa anomang uri ng pagsulat. Dahil ang bionote ay isang sulatin na nagpapakilala sa awtor o manunulat, ang
layunin nito ay ganoon din. Kaya naman, nararapat lamang na makalap ang mga datos na kinakailangan para mabuo ito
2. Pagdesisyonan ang haba ng susulating bionote. Kadalasan ang haba ng bionote ay itinatakda ng publikasyon ng kaniyang isinulat na aklat o akda. Subalit,
sa pagkakataong ito ay hindi limitado, ikaw na ang magtatakda kung gaano ito kahaba. Paalala, tiyaking ang mga datos ay lohikal pa rin at hindi magpapaulit-
ulit.
3. Gamitin ang ikatlong panauhang perspektib. Nararapat na obhetibo ang gagawing pagsulat kaya naman ito ay ginagamitan ng ikatlong panauhan.
4. Simulan sa buong pangalan. Nararapat lamang na simulan ito sa pangalan upang makilala agad kung sino ang tinutukoy at magrehistro agad sa isip ng mga
mambabasa.
5. Ilahad ang Propesyong Kinabibilangan. Malaki ang tulong ng pagiging propesyonal sa bionote ng isang manunulat. Ito ang nagpapaigting sa iyong
kredibilidad bilang manunulat. Kaya naman, hinihikayat na hanggat maaari ay nakalinya sa propesyon ang susulatin upang magamit mo itong kredensyal at
makuha ang interes ng mga mambabasa.
6. Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay. Piliin lamang ang mga detalye ng tagumpay na ilalagay. Katulad ng binanggit sa itaas, i-ayon ang mga kredensyal
sa uri ng isinulat. Halimbawa, nagsulat siya ng maikling kuwento, ang mga tagumpay na ilalagay mo sa bionote niya ay yaong may kaugnayan lamang sa kaniyang
kakayahang magsulat ng mga akdang pampanitikan.
7. Idagdag ang ilang di-inaasahang detalye. Ito ay magandang teknik upang mapukaw ang interes ng mga mambabasa, basta tiyakin na ito ay maiuugnay sa
okasyon o pangangailangan ng pagpapakilala sa manunulat.

14 | P a h i n a Filipino sa Piling Larang-AKADEMIK N A V A R R O


8. Basahin at isulat muli ang bionote. Suriin muli ang natapos na bionote. Basahin ito at tiyaking wasto ang pagkakasunod-sunod ng datos, malinaw ang
pangungusap at walang pagkakamaling gramatikal.

Halimbawa:
ARMELYN M. NAVARRO, LPT. Nagtapos ng kursong Batsilyer sa Sekondarya, Medyor sa Filipino at may 9 na yunit sa espesyalisasyong Campus
Writing and Advising sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-Maynila taong 2011. Siya ay nagpatuloy sa pagpapakadalubhasa sa parehong larangan
at inaasahang magtatapos ng digring Master of Arts Major in Filipino sa University of Batangas ngayong taon.
Sa kasalukuyan, siya ay Teacher III sa Bauan Technical High School-Senior High School at kasapi sa publikasyong pampahayagan ng
paaralan. Sa kaniyang mahigit pitong taon na pagtuturo sa sekondarya ay naging bahagi siya ng akademiko at di-akademikong gawain ng
paaralan. Taong 2014-2016 ay tumayo siya bilang Modereytor ng Filipino Club na naglunsad ng iba’t ibang gawain tungo sa pagpapahalagang
pangwika. Habang, taong 2015-2016 ay kabilang siya ng lupon ng mga guro na nagmodipika at sumulat ng estandardisadong banghay-aralin
para sa baitang 8 at 10 sa Dibisyon ng Lalawigan ng Batangas. Kinilala rin siya bilang isa sa mga Regional Demonstration Teacher sa Filipino SHS noong 2016.
Sa kabilang banda, naging tagapagsanay naman siya sa Radio Broadcasting-Filipino mula 2012-2015 kung saan nakamit niya ang Unang Puwesto sa
Pansangay ng Level at Ikaapat na Puwesto sa Panrehiyonal na Level noong 2013, Ikalawang Puwesto sa Pansangay na Level noong 2014 at Unang Puwesto sa
Pansangay na Level noong 2015. Naging tagapagsanay rin siya sa pagtatanghal ng Dagliang Talumpati at paggawa ng Kilos Pananaliksik na nagkamit ng Unang
Puwesto sa Pandistritong Level at Ikalawang Puwesto sa Panlawak na Level taong 2016.
Ang layuning makapagbahagi ng kaalaman at maging kaisa sa pagpapaunlad at pagpapahalaga ng asignatura at wikang Filipino ay naging pundasyon
ng kaniyang pagiging manunulat.

9 PAKIKIPANAYAM

Ang pakikipanayam o interview ay isang proseso ng pangangalap ng impormasyon mula sa dalubhasa sa kanilang larangan na
may malawak na kaalaman sa ibig nating malaman.
• Isang harap-harapang pagtatanong na layuning makakuha ng iba’t ibang uri ng impormasyon tulad ng opinyon, kaisipan o
tanging kaalaman ukol sa isang paksang nakatatawag sa kawilihan ng madla na karaniwa’y nagmumula sa tanyag na tao o
kilalang awtoridad na kinakapanayam.
• Tinatawag din itong primary source at madalas itong isagawa kung nais na matukoy ang mas malalim na impormasyon tungkol sa
partikular na bagay, pangyayari, at iba pa.
• Dito ay may dalawang taong kalahok, at ito ay ang:
 TAGAPANAYAM, taong nagtatanong o nangangalap ng impormasyon. Siya rin ang nagtatakda o bumubuo ng mga
katanungan
 KINAKAPANAYAM, taong sumasagot sa mga katanungan ng tagapanayam na kinikilala bilang dalubhasa sapagkat siya
ay may sapat na kaalaman sa paksa.

LAYUNIN SA PAKIKIPANAYAM
* pangunahing layon nito ay mangalap ng mga tiyak at totoong datos na magsisilbing pundasyon o ebidensya sa paksang tinatalakay o
tatalakayin. Bukod dito, may tiyak na layunin ito na maaaring:
 Pagtatampok
 Pantalambuhay
 At iba pa
URI NG PAKIKIPANAYAM (AYON SA ANYO)

1. Pormal- isang pakikipanayam na mayroon ng itinakdang panahon. Ibig sabihin, alam na ng taong kapapanayamin na may magaganap
na panayam ilang araw bago ito maganap na maaari niyang sang-ayunan o hindi.
2. Di-Pormal- isang pakikipanayam na walang ginagawang pakikipagkasundo sa kapapanayamin kaya tinatawag din itong ambush
interview. Ito ay proseso ng biglang pagtatanong sa mga taong may kaugnayan sa paksa.

URI NG PAKIKIPANAYAM (AYON SA LAYUNIN)

1. Pakikipanayam na Nagbibigay ng Kabatiran (Informative)


- Ito ang karaniwang layunin ng panayam, ang makapangalap ng mga datos upang magbigay ng impormasyon sa mga tagapakinig
o mambabasa.
2. Pakikipanayam na Nagbibigay ng Opinyon (Opinion interview)
- Tunguhin naman nitong makuha ang personal na damdamin, opinyon at reaksyon ng isang kapapanayamin.
3. Pakikipanayam na Panglathalain (Feature interview)
- Ito ay pakikipanayam sa isang sikat o dalubhasa na may makulay na karanasan na magiging kawili-wili o kaabang-abang sa madla.

URI NG PAKIKIPANAYAM (AYON SA BILANG NG KASANGKOT)

1. Isahan o indibidwal na pakikipanayam – ito ay kinasasangkutan ng dalawang magkaharap na tao, ang isa'y nagtatanong na siyang
kumakapanayam (interviewer) at ang isa'y kinakapanayam (interviewee). Ang halimbawa nito ay ang pakikipanayam ng isang guro sa
isang mag-aaral upang tiyakin ang kaniyang personalidad.
2. Pangkatang pakikipanayam – Kinasasangkutan ng 2 o higit pang tao na makikipanayam o di kaya ay ang kapapanayamin. Ang
halimbawa nito ay ang isang mananaliksik na nagnanais kapanayamin ang mga residente ng isang barangay o di kaya’y kilalang tao na
nagpatawag ng press conference.

Sa kabilang dako, may mga katanungang tiyakan at di-tiyakan. Tiyakan sapagkat ito ay mga tanong na itinakda o fix questions
kaya hindi na mababago habang ang di-tiyakan naman ay ilang panubay na katanungan lamang kaya mas malaya ang pagsasalita ng
kinakapanayam at nakikipanayam.

MUNGKAHING HAKBANGIN SA PAKIKIPANAYAM


 Balangkasin at ihanda ang mga katanungan batay sa layunin at sa kapapanayamin.
 Magsuot ng angkop na damit ayon sa uri ng panayam.
 Magdala ng kagamitan kagaya ng kwaderno at panulat o anomang bagay na magagamit sa pagre-record. Tiyaking makukuha
ang sapat na tala sa sinasabi ng kinakapanayam. Kung tila maselan, gawin ito pagkatapos ng usapan. Kung gagamit ng recorder,
humingi muna ng pahintulot at kung hindi pumayag ay huwag magpumilit at mas lalong huwag gawin ng patago.
 Simulan sa pagpakilala nang maayos at sabihin kung ano ang layunin sa pakikipanayam.
 Maging masigla sa pagtatanong at magkaroon ng tiwala sa sarili.
 Matutong makiramdam. Kapag naging kabagot-bagot na ang talakayin, muling kunin ang interes ng kausap sa pamamagitan
ng mga usaping personal hinggil sa kaniya.
 Mainam na bukod sa mga naihandang tanong ay nabuo na sa isipan ang mga tiyak na datos na kinakailangan upang makabuo
ng mga dagdag katanungan kung kinakailangan.
 Huwag makipagtalo sa kinakapanayam.
 Kung magkakaroon ng kasunod na pkikipanayam ay magbigay ng pahiwatig sa kinapanayam

15 | P a h i n a Filipino sa Piling Larang-AKADEMIK N A V A R R O


 Magpasalamat bago umalis.

Halimbawa: https://www.youtube.com/watch?v=9ppsztB8Igk

10 PAMANAHONG PAPEL

Ang sulating ito ay kilala rin bilang term paper. Ito ang karaniwang tuntungan para sa pagbuo nang mas malawak na pananaliksik
papel. Tinawag itong pamanahong papel sapagkat ito ay isang pananaliksik o pag-aaral na isinasagawa sa loob lamang ng isang
limitadong termino ng panahon at karaniwang katumbas ng isang semester sa akademiya.
Bagaman maikli ang panahon, ang nilalaman naman nito ay hindi nalalayo sa isang tesis o disertasyon. Ibig sabihin, nagtataglay
rin ito ng limang kabanata na binubuo ng mga sumusunod:

MGA PAHINANG PRELIMINARI O FRONT MATTERS


a) Fly Leaf 1 –ang pinakaunang pahina at blangkong papel sa pananaliksik.
b) Pamagating Pahina – dito inilalahad ang pamagat, kung kanino inihaharap o ipinasa, kung saang asignatura ito kailangan at
kung sino ang gumawa. Ito ay nakaayos ng pabaliktad na tatsulok.
c) Dahong Pagpapatibay –ito ang pahinang nagpapatunay na ang papel ay nakapasa ang pamanahong-papel.
d) Pasasalamat o Pagkilala –dito binibigyang-halaga ang mga taong tumulong upang mabuo ang pananaliksik.
e) Talaan ng Nilalaman –dito inihahalayhay ang mga pamagat at nilalaman ng pamanahong papel pagkatapos ay tinutumbasan
ng pahina.
f) Talaan ng Talahanayan o grap -nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan o grap na nasa loob ng pamanahong-papel at
ang bilang ng pahina kung saan ito matatagpuan.
g) Fly Leaf 2–isang blangkong papel o pahina bago magsimula ang Kabanata I.

KABANATA I. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO


a) Ang Panimula o Introduksyon- Inilalahad sa bahaging ito ang suliranin ng pamanahong papel at ang kasalukuyang estado nito.
Binibigyang-diin din dito ang pangangailangan upang maisagawa ang pag-aaral.
b) Layunin ng Pag-aaral- Ito ang talaan ng tunguhin o layunin ng pag-aaral—pangkalahatan at espesipiko. Maaari itong patanong
o pasalaysay depende sa intitusyonal na pormat.
c) Kahalagahan ng Pag-aaral- Binabanggit dito ang kapakinabangan ng pag-aaral at kung sino-sino ang makikinabang rito.
d) Saklaw at Limitasyon- Tinutukoy ang sakop at limitasyon ng pag-aaral. Minsan inilalagay rin dito ang delimitasyon o di-sakop ng
pag-aaral.
e) Depinisyon ng mga Terminolohiya- Lupon ng mga salitang makabuluhan sa pag-aaral na binibigyang-kahulugan sa paraang
konseptuwal o operasyonal depende kung paano ginamit sa pa-aaral.

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA


–Dito inilalahad ang mga kaugnay na dayuhan at lokal na pananaliksik at literatura sa loob ng huling sampung taon.

KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


a. Disenyo ng Pananaliksik- Nililinaw sa bahaging ito ang uri ng pananaliksik na ginamit. Kadalasan, iminumungkahi na simple
lamang ang pamanahong papel kaya deskriptiv-analitik na isang disenyo ang madalas gamitin.
b. Respondente –Tinutukoy ang mga taong sangkot sa pag-aaral. Dito inilalagay kung ilan ang respondente, sampling procedures
at bakit sila ang pinili.
c. Instrumento ng Pananaliksik- Inilalarawan ang paraang ginamit sa pangangalap ng datos at hakbang na ginawa para rito.
d. Tritment ng mga Datos- Dinedetalye ang estadistikal na pamamaraan upang mabigyan ng interpretasyon ang makakalap na
numerikal na datos.
Dahil ito’y isang pamanahong-papel lamang, madalas ay pagkuha lamang ng porsyento o bahagdan at walang
komplikadong pormula na ginagamit.

KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS


Sa kabanatang ito, ipinapakita at ipinaliliwanag ang mga datos sa pamamagitan ng tekstwal at tabular o grapikong
presentasyon.

KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON at REKOMENDASYON


a) Lagom- Ito ang buod ng resulta o mga natuklasan ng pag-aaral.
b) Konklusyon- Ito ang abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos
at impormasyong nakalap ng mananaliksik.
c) Rekomendasyon - Ito ay ang mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o naatuklasan sa pananaliksik.

MGA PANGHULING PAHINA


 Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kompletong tala ng lahat ng mga hanguan o sanggunian na ginamit ng mananaliksik sa
pagsulat ng pamanahong papel.
 Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahong-Dagdag. Karaniwang naglalaman ito ng mga liham, pormularyo ng ebalwasyon,
transkripsyon ng interbyu, sampol ng sarbey-kwestyoneyr, bio-data ng mananaliksik, mga larawan, kliping, at kung ano-ano pa na
ginamit sa pagbuo ng pananaliksik

MGA HAKBANGIN SA PAGBUO NG PAMANAHONG PAPEL


1. Pumili ng isang magandang paksa

16 | P a h i n a Filipino sa Piling Larang-AKADEMIK N A V A R R O


MGA KONSIDERASYON SA PAGPILI NG PAKSA:
• Kasapatan ng datos
• Limitasyon ng Panahon
• Kakayahang Pinansyal
• Kabuluhan ng Paksa
• Interes ng Mananaliksik
2. Suriin ang iyong paksa, siguraduhing hind ito magiging malawak o masaklaw.
3. Mangalap ng mga sapat na sanggunian na pagbabasehan ng paksang napili.
4. Gumawa ng balangkas ng paksang tatalakayin.
5. Ihanda ang mga sangguniang magiging kapaki pakinabang sa pagsulat ng sulatin
6. Gumawa ng talaan ng mga sanggunian
A.) aklat
B.) artikulo
C.) magasin
D.) peryodiko
7. Mangalap ng mga tala at isulat ng organisado, malinaw at may kaisahan.
8. Suriing mabuti ang mga naitala at rebisahin.
9. Ihanda na ang mga talasanggunian.

11. POSISYONG PAPEL

Ang akademikong sulating ito ay isang sanaysay na naglalaman ng opinyon, saloobin at pananaw na pinagyayaman upang
maging matibay na paninindigan. Karaniwan itong nagpapatungkol sa batas, akademya, politika at iba pang napapanahong usapin.
Layunin nito ang makapanghimok sa mga mambabasa at sang-ayunan ang kaniyang panig o posisyon hinggil sa paksang tinalakay kaya
gumagamit ang manunulat ng matibay na katuwiran at ebidensya.
Dahil dito, itinuturing na mahalagang kasangkapan ng posisyong papel ang pagtitimbang-timbang ng iba’t ibang perspektiba
upang ang pinapanigan niyang posisyon ay makaimpluwesiya sa mambabasa.

Kahalagahan ng Posisyong Papel


Ang posisyong papel ay matibay na akademikong sulatin na mahalaga sa mga sumusunod:
Sa Akademiya – Ito ang nagbubukas o nagsisilbing daan upang talakayin ang mga umuusbong na paksa nang walang
eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik.
Sa Politika- Nakatutulong ito sa pagdedetalye ng pananaw ng isang entidad. Karaniwan itong ginagamit sa kampanya,
organisasyong pamahalaan, sa mundo ng diplomasya, at sa mga pagsisikap baguhin ang mga kuro-kuro.
Sa Batas- Sa daigdig ng batas, ang terminolohiyang ginagamit para sa isang posisyong papel ay aide-Mémorie. Ito ay isang uri ng
memorandum na naglalahad ng maliliit na punto ng isang iminumungkahing talakayan o di-pinagsasang-ayunan, na ginagamit
lalo na sa mga di-diplomatikong komunikasyon.

Layunin at Gamit ng Posisyong Papel


• Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang alam mong tama. Ito ay nagtatakwil ng kamalian na hindi tanggap ng karamihan.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Posisyong Papel


Salin ni Garcia 2017 ng “How to Write a Position Paper” ni Grace Fleming

1. Pagpili ng Paksa Batay sa Interes


Pumili ng paksa ayom sa interes upang mapadali ang pagpapatibay ng iyong paninindigan o posisyon. Mas mainam ito upang
magtuloy-tuloy ang iyong pagsulat at pangangalap ng datos dahil gusto mo ang paksa.
2. Magsagawa ng Paunang Pananaliksik
Ang paunang pananaliksik ay makatutulong upang matiyak na sapat ang hanguang datos na magpapatibay sa iyong argumento
at posisyon.
3. Hamunin ang Iyong Sariling Paksa
Kailangang alamin at unawain ang kabaligtarang pananaw o kabilang panig ng iyong posisyon upang higit mong mapanindigan
ang iyong panig. Alamin ang lahat ng posibleng mga hamon at argumento ng kasalungat na posisyon upang makahanap ka ng kontra-
argumento na magiging suporta sa iyong mga pananaw.
4. Magpatuloy Upang Mangolekta ng Pansuportang Katibayan
Matapos matiyak na ang iyong posisyon ay matibay na at ang kasalungat na posisyon ay mas mahina kaysa sa iyong posisyon,
ikaw ay handa na sa iyong pananaliksik. Humango ng mga datos sa mga nakalimbag na dokumento at maaari ring magdagdag ng opinion
mula sa mga dalubhasa sa paksa.
5. Lumikha ng Balangkas (Outline)
Narito ang halimbawa kung paano babalangkasin ang isang posisyong papel:
a. Ipakita ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng kaligirang impormasyon. Bumuo ng argumento o tesis na
naghahayag ng iyong posisyon.
b. Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw ng iyong posisyon.
c. Ipakita ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na pananaw ng iyong posisyon.
d. Pangatuwiranang mahusay at nakatatayo pa rin ang iyong posisyon gamit ang pangkontra-argumento mo sa mga ebidensya
ng kabilang panig.
e. Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon.

17 | P a h i n a Filipino sa Piling Larang-AKADEMIK N A V A R R O


Halimbawa:

Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad PANATILIHIN
ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAG PATAYIN ANG PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA GURO NG
FILIPINO, KABATAANG PILIPINO AT MAMAMAYANG PILIPINO

Posisyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013


Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino (SADAFIL),
Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat, at PUP Ugnayan ng Talino at
Kagalingan
Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) nang alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas
nilang Memorandum Order Blg. 20 na may petsang hunyo 28 serye 2013. Bagaman sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring maituro sa Ingles
o Filipino ang mga asignaturang binalangakas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive Communication na nakapaloob sa nilikha nilang bagong
kurikulum, nababatid namin na pag-aagaw-agawan pa ito ng napakaraming guro sa Filipino at Ingles sa mga kolehiyo at unibersidad, at magdudulot
pa ito ng hindi pagkakaunawaan, pagtatalo at ang masaklap pa pa'y aangkinin lamang ito ng mga Departamento ng Ingles sa mga unibersidad at
kolehiyong mabuway ang Filipino dahil halata namang nakakiling ang Purposive Communicationsa Ingles. Sa hakbang na ito, tila unti-unting
nilulusaw ang mga natatag na Kagawaran/Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas. Higit pa rito, maraming mga guro
sa Filipino, partikular na sa PUP ang mawawalan ng trabaho at mababawasan ng kita. Hindi pumapayag ang Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP na
mangyari ang mga bagay na ito. Sapagkat malinaw na isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV, itinakda ang Filipino bilang wikang
pambansa ng Pilipinas. Kung susuriing mabuti ang CHED Memorandum, malinaw na lihis sa hangarin at konteksto ng Pangkalahatang Edukasyon
ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino dahil nakasaad sa pahina apat (4) ng memorandum ang ganito:
"General education enables the Filipino to find and locate her/himself in the community and the world, take pride in and hopefully assert
her/his identity and sense of community and nationhood amid the forces of globalization. As life becomes more complex, the necessity of
appreciating the gifts of nature and addressing social problems in the general education program increasingly become more pressing."
Hindi ba't ang asignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na tutugon sa hangarin at kontekstong isinasaad? Sapagkat ang mga
asignaturang Filipino ay nakatuon sa pagtuklas at inobatibong pag-aaral hinggil sa kalinangang Pilipino (wika, kultura at kabihasnan), nasa Filipino
ang identidad ng mamamayan sa bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang makabansa na makatutugon sa mga kahingiang panlipunan at
makatutulong sa pangangailangan ng mamamayang Pilipino, at makapag-aambag ng kalinangan at karunungan sa daigdig. Hindi ito simpleng
maibibigay lamang ng mga asignaturang tila pira-pirasong kinopya sa dayuhang kaisipan na pilit binibigyan ng malaking puwang na kung tutuusi'y
hindi naman makatuwiran.
Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na tinaguriang "largest state university
in the country" na binubuo ng humigit kumulang 70, 000 na mga mag-aaral na nagmula sa iba't ibang panig ng bansa katuwang ang iba pang mga
organisasyon ay matatag na naninindigan na panatilihin ang Filipino bilang asignatura sa Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon sa kolehiyo.
Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga
asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito. hindi ba't paurong na hakbang ng Pilipinas nang alisin ang asignaturang Filipino ng technical
panel ng pangkalahatang edukasyon ng CHED na binuo lamang ng iilang mga tao na at walang malinaw na konsultasyong isinagawa. Samantalang
sa maraming unibersidad sa labas ng ating bansa ay pinatatatag ang disiplinang Filipino gaya sa University of Hawaii at University of Michigan sa
U.S.A, Osaka University at Tokyo University sa Japan, St. Petersburg University at University of Moscow sa Russia.
Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito ay patuloy na nagsusulong ng
kalinangang pangwika, pangliteratura, pangkultura at pansining sa pamamagitan ng mga pananaliksik at pagdarao ng mga kumperensiya at
talakayan sa Wikang Filipino sa iba't ibang larangan. Taong 2013 nang hirangin ng CHED ang PUP Kagawaran ng Filipinolohiya bilang Sentro ng
Pagpapahusay ng Programang Filipino, bago pa ito, natamo na nito mula sa Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the
Philippines (ACCUP) ang pinakamataas na akreditasyon (Antas 3) at kasalukuyang nakasalang sa internasyonalisasyon ang programang AB
Filipinolohiya na inihahain nito. Ginawaran na rin ito ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Gawad Sagisag Quezon sa Pagpapaunlad ng Wikang
Filipino.
Bukod pa rito, ang mga batikang manunulat sa Filipino at dekalibreng guro sa Filipino sa bansa ay kabilang sa Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP.
Ngunit, ang lakas at pagsisikap ng mga Departamento/Kagawaran ng Filipino gaya ng sa PUP ay mawawalan ng kabuluhan kung sa bagong
kurikulum na binalangkas ng CHED para sa kolehiyo ay tinanggalan ng kongkreto at malinaw na puwang ang disiplinang Filipino. Manghihina at
malulusaw ang Wikang Filipino kung hindi tuloy-tuloy ang paglinang nito hanggang sa kolehiyo. Sa ganitong punto, muli't muli naming igigiit ang
karapatan ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa na nakasaad sa Kontitusyon ng Pilipinas. Pangunahing gawain ng PUP Kagawaran ng
Filipinolohiya ay ang pagpapaunlad at pagpapaigting ng puwersa para huwag isantabi at tuluyang mapanatili ang Filipino sa kolehiyo. Bilang
hakbang, magsasagawa ito ng Pambansang Talakayan Ukol sa mga Pananaliksik Pangwika, Pangkultura at Pansining sa Wikang Filipino na may
temang"Mga Mananaliksik Bilang Pagtutol sa Pag-aalis ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang Magiging Kalagayan ng mga Guro sa
Filipino sa Hamon ng Programang K-12"

Kasabay ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Agosto 28-30, 2014 sa suporta ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at
mga Sining (NCCA) na Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng CHED ang malinaw na puwang ng asignaturang
Filipino sa kurikulum ng kolehiyo hanggang sa Agosto, tiyak na gagawa ng malaking hakbang ang pinakamalaking pang-estadong unibersidad sa
bansa sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito para manatili ang asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo.
Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan
ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng
lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kung ihihiwalay sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy
na pag-aaral ng Wikang Filipino, tinanggal natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo, iyon ang identidad mo! Pinagtibay
ngayong Hunyo 19, 2014.

Sanggunian: https://www.facebook.com/notes/kirt-john-segui/posisyong-papel-ng-kagawaran-ng-filipinolohiya-ng-pup-hinggil-sa-
pagtatanggal-ng/727134210658842/

12 REAKSIYONG PAPEL

Laman ng akademikong sulating ito ang reaksiyon ng isang indibidwal sa isang napanood, nabasa, napakinggan, maging sa sarili
niyang karanasan. Ito ay nagmumula sa kaniyang paniniwala kaugnay sa paksa na nagpapalutang sa kaniyang damdamin o reaksiyon
hinggil dito.
Ibig sabihin, ito ay sulating mula sa sariling opinyon at paninindigan ng manunulat na kinapapalooban ng kaniyang naramdaman
kaugnay ng paksang tinatalakay.

18 | P a h i n a Filipino sa Piling Larang-AKADEMIK N A V A R R O


Bago Magsulat ng Reaksiyong Papel
1. Unawain ang layunin ng reaksiyong papel. Madalas, ang reaksiyong papel ay isinasagawa pagkatapos ng isang pagbasa, panonood o
pakikinig. Mula rito, kailangang tayain ang naramdaman at naisip pagkatapos mabatid ang nilalaman ng isang pahayag, sulatin o palabas.
Kailangan ring mabatid ang kalakasan at kahinaan ng teksto batay sa layon nito. Tandaan, ang reaksiyong papel ay hindi lamang basta
papel na naghahayag ng sariling opinyon bagkus ito ay tumutugon sa mga hayag na ideya, elaborasyon, pagtataya at pag-aanalisa ng
layunin ng manunulat at ang mga pangunahing punto ng teksto. Karaniwang ginagamit sa pagsulat nito ang unang panauhan.
2. Isulat ang iyong paunang reaksiyon. Matapos ang pagbasa, panonood o pakikinig, itala ang iyong naisip, nakita, naramdaman o saloobin
mula rito. .

3. Bigyang- anotasyon ang teksto. Ang pagbibigay ng anotasyon sa mahahalagang bahagi ay magdadala sa iyo sa mas mabilis na pagbuo
ng reaksiyong papel.
4. Magtanong. Bumuo ng mga katanungan bilang pagtataya sa materyal kagaya ng mga sumusunod:

 Ano ang mga suliranin na inihahayag o inilalantad ng manunulat?


 Ano ang pangunahing punto o kaisipan ng manunulat?
 Paano niya ito sinuportahan ng mga datos o ebidensiya?
 Ano ang kalakasan at kahinaan ng teksto? Nagkaroon ba ng suliranin sa paglalahad ng argumento?
 Paano nagkaroon ng ugnayan ang bawat pahayag?

Hakbang sa Pagsulat ng Reaksiyong Papel


1. Malayang pagsulat. Magsimula sa malayang pagsulat ng iyong reaksiyon at pagtataya sa ideya ng manunulat. Linawin ang iyong mga
punto at suportahan ito ng mga ebidensiya at malinaw na pagpapaliwanag.
2. Magpasiya sa iyong anggulo. Nararapat lamang na maging kritikal at magkaroon ng sariling anggulo ng ebalwasyon o pagtataya ang
iyong reaksiyong papel dahil kung hindi, mistulang pagbubuod lamang ito ng iyong binasa, napakinggan o napanood.
3. Tiyakin ang iyong argumento o tesis. Mula sa malayang pagsulat at pagpapasiya ng sariling anggulo ay maaari mo ng simulan ang iyong
argumento. Magsimula sa pangkalahatang impresyon o reaksiyon sa teksto. Ito ang magsisilbing tesis o lunsaran ng mga punto, opinyon at
obserbasyon bilang pagpapatunay.
4. Organisahin ang papel. Kagaya ng ibang sulatin, ito ay nararapat magtaglay ng introduksiyon, katawan at konklusyon. Bawat bahagi ng
katawan ay dapat maghayag ng tuwirang pagsuporta sa tesis o argumento. Panatilihing organisado ang mga ideya at reaksiyon sa bawat
paksa o punto na nakapaloob sa teksto.
5. Simulan ang aktuwal na pagsulat. Tiyaking ang introduksiyon ay naglalahad ng pamagat ng teksto, manunulat at pokus ng iyong papel.
Makabubuti ring ilahad ang paksa ng teksto at layon ng manunulat nito. Ang huling bahagi ng introduksiyon ay ang paglalahad ng iyong
argumento o tesis. Pagkatapos nito ay ilahad ang iyong mga reaksiyon na nagkikritik, nag-aanalisa at nagtataya ng teksto. Ipaliwanag ang
mga ito sa pamamagitan ng pagtukoy sa implikasyon nito sa awdiyens. Maaari ring ihambing ito sa ibang teksto, manunulat at tema. At sa
huli ay ilahad ang iyong matibay na konklusyon kaugnay ng argumento o tesis na inilahad sa simula ng papel.
4. Pag-eedit. Basahing muli ang isinulat. Tiyaking lohikal at may ugnayan ang bawat pangungusap sa ideyang inilalahad. Bigyang-pasin rin
ang aspektong gramatikal ng iyong sulatin na nakatuon sa mga ispeling, pagbuo ng pangungusap at pagbabantas. Kadalasang maikli
lamang ang isang reaksiyong papel kaya naman maaari itong buoin ng 500 salita o 5 pahina.

Halimbawa
------------------------------------

13 REBYU

Ang rebyu ay isang mapanuring pagbasa o pagtatasa ng isang gawang malikhain (tulad ng tula, dula, pelikula, musika, sayaw) o
ng isang akdang akademiko (tulad ng aklat o artikulo na produkto ng isang pag-aaral o saliksik). Sa paghahati ng rebyu sa dalawang ito
dapat linawin na sa katunayan, ang mga proseso sa pagbuo ng gawang malikhain at gawang akademiko ay hindi naman talaga
magkahiwalay. Ibig sabihin, ang gawang malikhain ay hindi laging galing sa imahinasyon kundi madalas ay bunga rin ng saliksik. Sa kabilang
banda ang gawang akademiko tulad ng saliksik ay nabubuo sa tulong din ng malikhaing proseso ng isang iskolar o mananaliksik. Gayunman,
ang paghahati ng pagtalakay sa anyo at proseso ng pagsulat ng rebyu sa dalawa ay madaling paraan upang higit na maipaliwanag nang
mabuti ang katangian ng bawat isa. (Constantino at Zafra, 2016)
Ang pagsusuri ay tampok na kasanayan na sangkot sa rebyu. Dito ay masusing naipahahayag ng tagasuri ang kaniyang pananaw
at paghusga sa isang gawang malikhain o akademiko.

Katangian ng Rebyu
 Nilalaman ng rebyu ang masusing pag-iisa-isa ng mga bahaging nais suriin sa isang babasahin o palabas. Karaniwan
itong ginagamitan ng sariling punto de bista na nagpapalutang sa kagandahan at kakulangan ng isang gawain subalit
may pantay na pagsusuri o walang pagkiling.
 Sa kabilang banda, ang pagbasa ng isang rebyu ay hindi para idikta sa mambabasa ang punto de bista ng kritiko kundi
upang pumukaw ng sariling pagkukuro at paghusga sa parehong sulatin. Ang ganitong uri ng sulatin ay malaking tulong
rin sa mga mambabasa sapagkat ito ay naghahatid sa kanila nang mas malalim na kabatiran hinggil sa isang gawa na
maaaring dagdag kaalaman, sagot sa mga katanungan o di kaya’y gumigising sa kanilang interes na ito ay basahin,
panoorin o danasin. Ito rin ay isang paraan upang ipakita ang pagpapahalaga sa mga naturang sining na maaaring
bahagi na ng ating buhay.

Mga Uri ng Rebyu


 Rebyung Pansining. Ito ay pagpapahalagang nakapokus sa mga likhang-sining tulad ng eskultura, pagpipinta, at iba pa.
 Rebyung Pampanitikan. Ito ay pagpapahalaga na nakatuon sa mga pasulat na gawain tulad ng mga aklat, pananaliksik, pag-
aaral at akdang pampanitikan (tula, sanaysay, maikling kuwento, nobela at iba pa). Ito rin ay tinatawag na suring-basa.

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Rebyu


1. INTRODUKSYON
 Simulan ito sa isang kawili-wiling pangungusap
 Isama rin sa bahaging ito ang paglalahad ng pamagat, pangalan ng manunulat, at ang mga pangunahing tauhan ; at
 Ilahad ang tesis na kadalasan ay batay sa pangkalahatang impresyon sa binasa, nakita o pinanood.
2. KATAWAN. May dalawang bahagi ang katawa—ang buod ng banghay at ang rebyu.
a. Ang buod ng banghay
 Ito ay nakatuon sa kabuoan ng teksto o ng sining na binibigyang-pagpapahalaga. Ibig sabihin, idedetalye mo rito ang
kabuoang nilalaman, katangian o estruktura ng sining na pinatutungkulan. Kung ito ay isang palabas, hindi kailangang
ilahad ang wakas nito.
b. Ang Rebyu

19 | P a h i n a Filipino sa Piling Larang-AKADEMIK N A V A R R O


 Sa bahaging ito inilalantad ang mga kalakasan at kahinaan ng isang sining. Upang maisagawa ito, binibigyang-pansin
ang mga pangunahing elemento na nararapat taglayin ng sining ayon sa uri nito.
3. Konklusyon
 Maaari itong mag-iwan ng tanong o hamon sa mga mambabasa o di kaya ay paglalahad ng pangkalahatang
impresyon na mas matibay kaysa sa panimula.
Halimbawa:

14 REPLEKTIBONG SANAYSAY

Ang sanaysay ay isang anyo ng sulatin na nagtatampok ng mga datos na maaaring naglalahad, nangangatuwiran, naglalarawan
at kung minsa’y nagsasalaysay kagaya ng replektibong sanaysay.
Ang replektibong sanaysay ay isang personal na salaysay na layuning bumuo ng bagong kaalaman mula sa sariling reyalisasyon
o repleksyon hango sa paksang tinatalakay. Dito naipakikita ng manunulat ang bisa sa isip, damdamin at katauhan ng isang palabas,
babasahin at maging ng isang pangyayari o karanasan na kaniyang kinasangkutan.

Ang repleksiyong papel ay karaniwang naglalaman ng:


1. Deskripsyon- ito ay nagpapaliwanag ng mga punto na lumikha ng pangyayari o karanasan kaugnay ng binasa o pinanood.
2. Personal na Opinyon- ito ay pagtataya at pagbabahagi ng personal na karanasan kaugnay ng teksto.
Ito ay binubuo rin ng mga sumusunod na yugto:
1. Paglalarawan sa karanasan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga detalye mula sa binasa o pinanood.
2. Pagsusuri sa pamamagitan ng integrasyon ng sariling karanasan at nilalaman ng binasa o pinanood.
3. Artikulasyon ng pagkatuto sa pamamagitan ng ilang mga katanungan.
 Ano ang aking natutuhan?
 Ano ang gagawin ko sa hinaharap na may kaugnayan dito?
 Ano ang dapat maramdaman ng magbabasa nito?

Mga Bahagi ng Replektibong Sanaysay


1. Panimula
Ang panimula ay sinisimulan sa pamamagitan ng pagtukoy sa paksa nang tuwiran o di-tuwiran. Kagaya ng ibang sulatin, ito ang
bahaging pupukaw sa interes ng mga mambabasa.
2. Katawan
Sa bahaging ito pinaiigting ang pagsasalaysay na naglalaman ng obserbasyon, reyalisasyon o repleksyon sa mga piling bahagi
ng paksa.
3. Kongklusyon
Ito ang iniiwang kakintalan ng manunulat sa kaniyang mambabasa na karaniwang naglalahad ng kaniyang pangkalahatang
punto sa pagsasalaysay.

20 | P a h i n a Filipino sa Piling Larang-AKADEMIK N A V A R R O


Halimbawa

Replektibong Sanaysay Patungkol Sa Isang Natatanging Karanasan Bilang Mag-aaral


“Ang Pag-ibig ng Edukasyon”
Sa panulat ni: Dian Joe Jurilla Mantiles

Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa ay kapara ng isang walang katapusang paglalakbay sa mundong
sinasaklawan ng aspektong ‘pagbabago’. Ito ang pinaka-makapangyarihang sandata na kahit sinuman ay walang kakayahang baguhin
at angkinin sapagkat ito ay permanenteng nakaukit na sa diwa at kamalayang pantao ng isang nabubuhay. Sa bawat umaga ng ating
buhay, tayo ay binabasbasan ng Poong Lumikha ng kalayaan upang makaanib at makasabay sa kung ano mang kakatwa ang
sumasaklaw sa ating lipunang kinabibilangan. Hindi man lingid sa ating kamalayan subalit buhat nang tayo ay nasa sinapupunan pa
lamang ay batid na natin ang espiritu ng ‘pagkatuto’. Maging sa kauna-unahang pagsambit natin ng salitang “mama” hanggang sa tayo
ay unti-unting nabihasa sa ating “abakada” tayo ay nabibilang na pundasyon ng edukasyon. Karaniwang pamantayan sa edukasyon na
kung ang tao ay nasa gulang tatlo na ay maari na itong magsimulang pumasok sa isang paaralan. Sa makatuwid, mahabang panahon
ang iginugugol ng isang tao para sa kanyang edukasyon.
Sa aking labindalawang taon na pananatili sa loob ng paaralan, masasabi kong ako ay parang nasa isang paraiso. Bagamat hindi sa
lahat ng pagkakataon ay masaya ako, maraming pagkakataon naman sa aking buhay ang nagpapaunawa sa akin na ang edukasyon ay
patuloy na umaangkla sa aking pagkatao at maging sa aking kalapit na hinaharap. Ito rin ay patuloy na nag-iiwan ng hindi mga
matatawarang implikasyon ng pagbabago sa aking pagkatao na siyang dahilan kung bakit ganito ako katatag ngayon. Bukod sa mga
karaniwang talakayin, prinsipyo at pang-akademikong layunin na siyang ipinapabatid ng edukasyon, ito rin ang nagsilbing balangkas
upang mabuksan ko pa ang lagusan sa kabilang ibayo. Mula dito ay binigyan din ako ng pagkakataon upang makakilala ng iba’t ibang
deskripsyon ng aking kapwa tao at mga karanasang aking daldalhin habambuhay. Ito ay ang aking karanasan noong ako ay nasa ika-4
na baitang. Ang karanasan na marahil para sa akin ay mapanglaw at natatangi lamang.
Isa akong walang kwentang mag-aaral. Oo, tama ang nababasa mo. Wala akong ibang inisip noon kundi ang makawala sa
paaralan na kapara ng isang bartolina sa akin ay nagbibigay lamang ng pasakit at matinding paghihirap. Ang tanging namumutawi na
lamang sa aking isipan noon ay ang pagpasok buhat sa kagustuhan ng aking mga magulang. Naaalala ko pa noon na sa tuwing darating
ang katapusan ng Marso ay wala akong ibang ginawa kung hindi ay panoorin na lamang ang aking mga kaklaseng maglakad sa harapan
ng entablado kasama ng kanilang mga magulang upang tanggapin ang kanilang mga parangal. Gustuhin ko mang itago ang aking
nararamdaman, subalit ito ay pilit na kumakawala at ako ay tila isang ibon na sa piitan ay nananahanan. Hindi man hayag sa aking mga
magulang ang kanilang pangingimbulo subalit nararamdaman ko ito. Pinipilit ko itong labanan subalit wala akong magawa.
Napakalakas ng enerhiyang ito at siya ring enerhiya ang unti-unting sumisipsip sa aking pag-asang makapagbagong buhay. “Bakit
kahit na anong gawin ko ay wala pa ring nangyayari?” ito ang katanungan na patuloy na sumisilab sa aking mura at gahasang isipan.
Sinusubukan ko ang lahat ng aking makakaya. Sinubukan kong magsipag at umayon sa kung ano ang pamantayan sa aming
klase. Lahat ng ito ay hindi naging madali sa akin. Sapagkat noo’y wala pa akong kabatiran patungkol sa mahalagang papel ng
edukasyon sa aking magiging kinabukasan. Wala pa akong alam sa edukasyon maliban sa ito ay “mahirap at walang kwenta”. Nagdaan
ang maikling panahon at dito ay nakilala ko si Ginang Adora Madayag. Ang aming guro sa asignaturang Filipino. Siya ay may edad na
sa panahong iyon subalit napakalakas ng kanyang impresyong iniwan sa akin. Hindi ko maipaliwanag subalit dahil sa kanyang mga
pangaral ay tila unti-unting nagbago ang pagtingin ko sa aking sarili na noo’y walang pakialam sa halaga ng edukasyon. Sa kanya ko
rin natutuhan na hindi lamang pala akademikong kaalaman ang batid na ipamalita ng mga talakayin sa paaralan bagkus ay naglalayon
din itong bigyan ang lahat ng pagkakataong makabuo ng pagkakaibigan at pamilya sa lahat ng aspektong sinasaklawan nito. Hindi lang
dapat kaalaman ang ating panghawakan mula sa ating mga guro nararapat ding maunawaan natin ang tunay na karunungan mula dito.
Sa markang “90” ako nagsimulang yumabong at nagpatuloy sa pagkamit ng aking mga adhikain sa paaralan. Hanggang ngayon sa
kasalukuyan, patuloy pa rin akong naglalakbay papalapit sa aking mga pangarap sa buhay.
Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad hindi lamang sa aking mga markang nais matamo subalit
nakaanib na rin dito ang mga prinsipyo at impresyong hindi na maiaalis sa aking puso’t isipan sa kalagitnaan ng aking paglalakbay sa
mundong ibabaw. Nawa’y lubusan nating mabatid na sa ibayo ng mga pamantayang sumasaklaw sa kultura ng edukasyon, ang layon
nitong magbigay ng magaganda at makabuluhang karanasan ang magsisilbing proteksyon at sandata natin sa pakikidigma sa ating
mga sarili at sa kung ano mang pagbabagong nakaukit na sa ating panahon.

https://dianmantiles.wordpress.com/2017/04/15/your-girl-is-back/

15. LAKBAY-SANAYSAY

Ang lakbay-sanaysay ay isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng karanasan ng manunulat sa paglalakbay. Dito ay masining niyang
inilalarawan ang lokasyon, tao, tradisyon, kultura lalo’t higit ang kaniyang karanasan, mabuti man ito o masama. Bukod sa nabanggit, ang lakbay sanaysay ay
maaari ring pumaksa sa kasaysayan ng isang lugar.
Maaaring gamitan ng paghahambing ang sulating ito nang may wastong pagtitimbang-timbang ng mga ideya mula sa maganda sa hindi, kapuri-puri
sa hindi at iba pa. Bilang dagdag kulay at buhay sa sulatin, ito ay nilalangkapan ng mga aktuwal na larawan na kuha mismo ng manunulat sa naturang lugar.

Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay


1. Magsaliksik bago magtungo sa lugar na nais mong puntahan. Alamin at pag-aralan ang kanilang kultura, tradisyon, paniniwala, wika pati na rin ang sistemang
politikal at ekonomikal.
2. Lawakan ang isip at damdamin sa paglalakbay. Palakasin ang internal at external na pandama.
3. Magtala ng mahahalagang datos na naganap o namasid sa paglalakbay.
4. Ilagay ang mga makatotohanang ideya at pangyayari sa masining na pamamaraan ng pagsasalaysay subalit hindi gagamitan ng imahinasyon o kathang-isip.
5. Isaalang-alang ang wastong pagsulat ng sanaysay gamit ang unang panauhang punto de bista.
6. Tikaying ang magiging epekto nito sa mga mambabasa ay naaayon sa layunin mo bilang manunulat.

21 | P a h i n a Filipino sa Piling Larang-AKADEMIK N A V A R R O


Halimbawa: Bohol
#ChocoBohol
By: Antoneth Wenceslao

Hindi mawawala sa barkada, tropa, kaibigan o travel buddies ang pahirapan sa pagpa-plano nang isang lakad. Yung all set na at
hinihintay na lang ang kinabukasan o ang araw ng pag-alis tapos biglang may magba-back-out dahil sa anumang kadahilanan. Sa kabilang
banda, ibang kaligayahan naman ang madarama kapag natuloy ang matagal-tagal ninyong pinagplanuhang lakad.
Nadaanan namin ang isa sa mga lugar na hinihintuan ng mga motorista at turista dahil sa kakaibang ganda nito, ito ay ang Bilar
Man-Made Forest (Bohol Man-Made Forest). Ito ay may haba na umaabot sa two (2) km sa pagitan ng Loboc at Bilar na puro Mahogany
Trees ang nakatanim. Although, bago ka man makarating sa man-made forest ay may nag-e-exist na talagang natural forest sa nasabing lugar
Saglit lang ang naging pagbisita namin dito, tumawid lang kami sa tulay at bumili ng peanut kisses (One of the Best Bohol Treats). Hindi
kumpleto ang Bohol Adventure kung hindi mo masisilayan ang Famous Chocolate Hills ng Bohol na matatagpuan sa bayan ng Carmen, Batuan
at Sagbayan. May mahigit 1,260 hills o mga burol ang masisilayan. Tuwing panahon ng tag-init ang mga burol na ito ay nagkukulay brown
kaya naman ito pinangalanang Chocolate Hills at tuwing tag-ulan naman ito ay nababalutan ng mga damo.
At syempre nakilala ang Panglao Island dahil sa white sand beaches nito katulad ng Boracay Island. Hindi katulad ng Boracay na
sobrang crowded lalo na kapag peak season. Although, may mga resort na din dito at dinarayo na din ng mga turista ngunit pansin ko lang
mas tahimik dito kumpara sa Boracay. May nightlife din dito pero iba pa din ang nightlife sa Boracay, party talaga dun eh.
Sulit ang naging bakasyon namin, madami akong natuklasan, natutunan at nakilala. Worth it ang gastos at pagod. Akala ko hindi ganun kasaya
ang magiging karanasan namin dahil sa pinsalang tinamo ng Bohol sa matinding lindol at nasundan pa ng bagyo. Akala ko wala kaming
daratnan na ikakaligaya namin pero akala ko lang pala ang lahat.
https://places624.wordpress.com/bohol/

16. PIKTORYAL NA SANAYSAY

Ang piktoryal na sanaysay (pictorial essay) o larawang sanaysay ay kawangis rin ng ibang sanaysay na gumagamit ang iba’t ibang
lente ng diskurso. Larawan ang nagiging hulwaran ng sulating ito na isinasaayos ng lohikal upang malinaw na mailahad ang konsepto.
Layunin ng sulating ito na magbigay ng aliw o kasiyahan, maglarawan, mangatuwiran at magsalaysay ng mga detalye na umiikot
sa mga larawang inihalayhay.

Halimbawa:
Hakbang tungo sa PAGBABAGO
Kung iisipin may isang KATOTOHANAN na hindi natin napapansin na ang lahat ay nagsisimula sa isang munting
hakbang. HAKBANG na kung saan ang iyong mga sariling mga paa ang siyang magdadala tungo sa iyong kinabukasan.
Kung saan ito ang magiging daan mo para ikaw ay magbabago. At kapag ikaw ay natuto ng humakbang at
makapaglakad, ikaw na mismo ang gagawa ng iyong kapalaran. Ang pagbabago o hakbang na tinatawag katulad
lang yan ng paglalakad, kailangan mo munang matutong humakbang at nasa sa iyo na kung nanaisin mong matutong
magbago o hindi .
Sabi nga nila kapag natuto na tayong maglakad, tayo na mismo ang gumagawa ng
sariling KAPALARAN natin. Tayo ay nangangarap na ng mataas, ngunit hindi lahat ng tao ay kayang makamtan ang
kanilang pangarap katulad na lang ng mga taong nasa lansangan. Sila ay ang mga taong alam mong malabong
makamiy ang kanilang pangarap dahil wala silang pera, kung kaya’t natuto silang magnakaw ng mga gamit na hindi
kanila. Makikita mo na walang pake ang kanilang mga magulang dahil sila pa mismo ang naguutos na gumawa ng
masama. Kahit gusto nilang magbago wala silang magawa.
Ngunit saan nga ba nagsisimula ang PAGBABAGO ? Sabi nila ang pagbabago ay nagsisimula sa bahay,
dahil ang bahay ay nagbabago depende kung ano ang gustong disenyo ng isang may – ari. Dahil pwedeng kapag
walang pagbabago sa loob ng bahay maaari ring wala na ring pagbabago sa ating bansa. Dahil dito mo makikita
na sa loob ng bahay na ito ay ang iba’t ibang KLASE ng tao. Nakadepende sa iyo kung ikaw ay magbabago walang
pakialam ang ibang tao kung magbago ka man o hindi at hindi sila ang dahilan kung bakiy ka magbabago,
kagustuhan mo ito at hindi nila. At kapag walang pagbabago maaaring madala nila ang ugaling nakikita nila sa loob
ng bahay kapag sila ay nasa labas ng bahay na at nakikisalamuha sa ibang tao.
At isa sa dahilan ng pagbabago ay ang PAMILYA , dahil sila ang lagi mong nakakasalamuha araw – araw
kung kaya’t kung ano ang nakikita natain sa kanila ay maaaring madala natin ito hanggang paglaki mo. Ang pagbabago
ay makikita natin sa ating MAGULANG dahil sila ang unang nakaranas ng pagbabago, kung kaya’t alam nila kung
magiging maganda ba ang ating pagbabago o hindi. Katulad na lang halimbawa ng pagkuha ng mga bagay na hindi
sa atin. Dahil nakalakihan na natin ito kung kaya’t mahihirapan na tayong magbago dahil nasanay na tayong ganito ang
ating ginagawa.
Kung kaya’t ang mga batang basa lansangan na nakagawa ng masama ay dinadala
sa DSWD, upang sila ay tulungan makapagbago at maitama ang maling kanilang nagawa.
Ang mga nangangasiwa sa DSWD ang pwedeng maging ehemplo ng mga kabataan na nandoon upang
magbago ang mga ito. Sila ay HANDANG tumulong sa mga batang nakagawana ng mga kasalanan basta’t
may handang tumulong sa kanila na magbago ay maaari silang magbago dahil alam nilang ito ang nararapat
lalo na kung ito ay para sa pagbabago.
At kapag nakapagbago na ang ISANG bata , maaari na silang maging malaya
katulad ng isang IBONG MALAYA. At ang batang masayang naglalakad patungo sa paaralan dahil alam nila
na NAKAMTAN na nila ang gusto nila at ito ay pagbabago. Walang masama kung ikaw ay magbago lalo na kung
ito ay para sa KABUTIHAN .
https://http543.wordpress.com/2016/10/17/pictorial-essay-hakbang-tungo-sa-pagbabago/

22 | P a h i n a Filipino sa Piling Larang-AKADEMIK N A V A R R O

You might also like