You are on page 1of 5

KAHULUGAN NG TALUMPATI (Day

1)
Posted by YNELLEBALOTCOPO on NOVEMBER 26, 2016
Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na
pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga
pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran,
magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang
paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa
paraang pasalita sa harap ng tagapakinig. Ang panandaliang talumpati
(extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa
mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw. Maaaring
may paghahanda o walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag
na impromptu sa wikang Ingles ang talumpating walang paghahanda kung
saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman
ng mananalumpati sa paksa.
Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang
talumpati, inihanda at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang
basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig. Samantalang ang
sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig. Habang naghahanda ng balangkas ng kanyang sasabihin ang
binalangkas na talumpati kung saan nakahanda ang panimula at wakas

lamang
bv

You might also like