You are on page 1of 8

Santa Monica Institute of Tech.

Modyul
Andrada Bldg. Poblacion, Iligan City

Senior High School


Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Semestre ng Taong Panuruan 2020-2021 Guro: Ceasar Ian H. Mundala

Nilalayong mga Resulta ng Pagkatuto


1. Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating ademiko
2. Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa pananaliksik
3. Naisasagawa nang tama ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling akademikong sulatin

Pagtalakay sa Aralin

MI IBA’T IBANG URI NG AKADEMIKONG SULATIN

L Paglalagom

MO Isa sa mga dapat linangin ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo


ng isang paglalagom o buod. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling
bersyon ng isang sulatin o akda. Mahalagang makuha ng sinumang nagbabasa o
DU nakikinig ang kabuuang kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin
o akda. Bukod sa nahuhubog ang mga kasanayang maunawaan at makuha ang
LE pinakanilalaman ng isang teksto ay marami pang ibang kasanayan ang
nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng paglalagom.
Una, natututunan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang
nakapaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung ano ang pinakamahalagang
kaisipang nakapaloob dito gayundin ang mga pantulong na kaisipan. Tandaan
na sa pagsulat ng lagom, mahalagang matukoy ang pinakasentro o pinakadiwa
ng akda o teksto.

Pangalawa, natututunan niyang sumuri ng nilalaman ng kanyang


binabasa. Natutukoy niya kung alin ang mga kaisipan o mga detalye ang dapat
bigyan ng malalim na pansin ng pagsusulat ng lagom at kung alin naman ang
hindi gaanong importante.

Pangatlo, nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat ng


partikular na ideya at ang tamang paghabi ng mga pangungusap sa talata
sapagkat sa pagsulat ng lagom, mahalagang ito ay mailahad nang malinaw,
hindi maligoy o paulit-ulit. Pang-apat, ito rin ay nakatutulong sa pagpapaunlad
o pagpapayaman ng bokabularyo sapagkat sa pagsulat nito ay importanteng
makagamit ng mga salitang angkop sa nilalaman ng tekstong binubuod.

Bukod sa ang kasanayang ito ay kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral,


ito rin ay nakatutulong nang malaki sa larangan ng edukasyon, negosyo, at
propesyon. Dahil sa mabilis na takbo ng buhay sa kasalukuyan,at ang marami
ay parang nagmamadali sa mga gawaing dapat tapusin o puntahan,
nakatutulong nang malaki ang pagbabasa ng maiikling sulatin na kalimitang
naglalaman ng pinakabuod ng isang mahabang
babasahin, teksto o pag-aaral. Bilang paghahanda sa totoong buhay ng
propesyon at pagtatrabaho, mahalagang matutunan mo ang paggawa ng iba’t
ibang uri ng lagom na madalas gamitin sa mga pag-aaral, negosyo at sa iba’t
ibang uri ng propesyon. Kaya naman, sa arling ito ay lubos mong matututunan
ang pagsulat ng ilang uri ng lagom o buod – ang abstrak, synopsis o buod at
MI bionote.

L Uri ng Paglalagom: ABSTRAK

MO Abstrak
• Ito ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
DU akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at
mga report.

LE • Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na


makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng
pamagat.
• Naglalaman ng pinakabuod ng buong akdang akademiko
o ulat.

• Ayon kay Philip Koopman(1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang,


tinataglay ang mahalagang elemento o bahagi ng
sulating akademiko tulad ng introduksyon, mga kaugnay
na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon.

1. Pamagat - Pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin.


2. Introduksyon o Panimula - nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin,
mapanghikayat ang bahaging ito upang makapukaw ng interes sa mambabasa at
sa
manunulat.
3. Kaugnay na literatura - Batayan upang makapagbibigay ng malinaw na
kasagutan o tugon sa para sa mga mambabasa.
4. Metodolohiya - Isang plano o sistema para matapos ang isang gawain.
5. Resulta - Sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin.6.
Konklusyon.- Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinyon na mag-
iiwan
ng pala-isipan kaugnay sa paksa.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK

1. Lahat ng mga detalye o o kaisipang ilalagay rito ay dapat


na makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin , hindi maaaring maglagay ng
mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pagaaral o sulatin.

MI 2. Iwasan ang paglalagay ng statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi


ito nangangailangan ng deyalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para
L humaba ito.

MO 3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga pangungusap. Huwag


maging maligoy sa pagsulat nito.
DU 4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan

LE at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito.

5. Higit sa lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung


saan mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-
aaral na ginawa.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK

1. Basahing Mabuti at pagaralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan


ng abstrak.

2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng


sulatin mula sa introduksyon, kaugnay na literature, metodolohiya, resulta at
konklusyon.

3. Buoin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang


taglay ng bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng
mga bahaging ito sa kabuoan ng mga papel.
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba pa maliban na
lamang kung sadyang kinakailangan.

5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang


mahahalagang kaisipang dapat isama rito.

6. Isulat ang pinal na sipi nito.

MI Mga Halimbawa ng ABSTRAK

L KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK

MO                                                        Abstrak

DU        Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga

LE pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal,

relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan

ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga

mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na

batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa

Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na

salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo

sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong

pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.

Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September

2015
Green Highlight: Rasyunal

Sky Blue Highlight: Metodolohiyang ginamit

Gray Highlight- Saklaw at Delimitasyon

Yellow Highlight: Resulta ng pananaliksik

MI  KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL SA IKA-APAT NA TAON

L ABSTRAK

MO           Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat

na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na

DU ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining

LE pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at

ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu

sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga

gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong

ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon

ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos

sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa

ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang

kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa pag-aaral na may taglay

na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating

ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating


impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang

mga mag-aaral.

Green Highlight: Rasyunal

Sky Blue Highlight: Metodolohiyang ginamit

Gray Highlight- Saklaw at Delimitasyon

Yellow Highlight: Resulta ng pananaliksik

MI Paglalapat

L Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN :Batay sa binasang paksa, sagutin ang mga


katanungan ukol dito.

MO 1. Ano ang kahulugan ng lagom?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

DU _________________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang kasanayang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng paglalagom?
_________________________________________________________________________________

LE _________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3.Paano nakatutulong sa iba’t ibang larangan ang kasanayan sa paglalagom?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
4.Sa paggawa ng isang pananaliksik , bakit kailangang pinakahuling isulat ang isang
Abstrak ?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
5.Ano kaya ang bunga ng iyong gagawing Abstrak kung hindi ka sumunod sa mga paraan sa pagsulat
nito?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Pagtataya

PAGSUSURI SA ELEMENTO NG ABSTRAK: Basahin ang abstrak at suriin ang


elemento nito gamit ang matrix.
ABSTRAK

Sabay nang paglaganap ng nasyonalismo at pagbubuo ng pambansang identidad ay isang

nabuong kilusang naglalayon ng indihenisasyon o “Pilipinisasyon” ng agham panlipunan sa ating

bansa. Sa pananaw ng kilusang ito; ang karamihan ng mga mananaliksik ng lipunang Pilipino ay

gumagamit ng mga konsepto at metodo ng pagsusuri na kadalasan ay batay sa mga itinuro ng

mga espesialista mula sa kanluraning daigdig. Sa palagay ng mga indihenista, higit na mabisa at

angkop ang siyentipikong pananaliksik kung ang gagamiting pamamaraan ng pagsusuri ay galing

sa katutubong karanasan ng komunidad na sinisiyasat. Sa pamamaraang ito ay higit na matatamo

MI ang malalim na pag-unawa sa Pilipino, sa kanyang kamalayan at pagkatao, sa kanyang kaugalian

L at mga elementong nagpapalakad ng kanyang lipunan. Binibigyang kabuluhan ng bagong

kaisipang ito ang indihenisasyon sa kasalukuyang pagsisikap tungo sa pambansang kaunlaran.

MO
DU Rasyunal

LE
Metodolohiya

Resulta

Konklusyon
Mga Pinagkunan

MI
L
MO
DU
LE

You might also like