You are on page 1of 7

PANUKALANG PROYEKTO

ANO ANG Ito ay isang proyekto na


PANUKALANG iminumungkahing isagawa
dahil nakitang
PROYEKTO kinakailangan ng
pagkakataon.

Ito ay inihahanda upang


Ito ay gawaing hindi mabigyan ang guro ng
basta-basta.Ito ay pagkakataong masukat at
nangangailangan ng masuri ang halaga at
ibayong pagplaplano at pakinabang ng inihahandang
pananaliksik. proyekto.
KAHALAGAHAN NG PANUKALANG
PROYEKTO

• Inihahanda ito upang


maging maayos at
sistematiko ang
pagsisimula ng isang
proyekto.
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA
MGA BAHAGI NG PANUKALANG PROYEKTO
1. Tentatibong Pamagat-(pangalan ng proyekto) – Makikita sa pangalan ng
proyekto ang malinaw na isinasagawang proyekto, kung saan isasagawa at
kung sino/ alin ang mga tagatanggap. Dapat ito ay tiyak at maikli
hangga’t maaari.
2. Proponent ng Proyekto- Sa bahaging ito ay ipinapakilala kung sinong
indibidwal o aling organisasyon ang nagmumungkahi ng proyekto. Ibinabahagi
rin rito ang tirahan, telepono at tungkulin ng utak ng proyekto.
3. Klasipikasyon ng Proyekto- Ilalarawan sa aling Gawain kabilang ang
panukalang proyekto. (ito ba ay pang-agrikultura , pang-edukasyon o
pangkalusugan )
MGA BAHAGI NG PANUKALANG PROYEKTO
4. Kabuuang Pondo kailangan- Isa-isang itatala ang lahat ng mga
kagastusan at ang kabuuang ponding kinakailangan upang
magtagumpayan na maisakatuparan ang proyekto.
5. Rasyonale ng Proyekto-Ito ang batayan ng pagsasagawa ng proyekto.
Ipinapakita rito ang kahalagahan ng panukalang proyekto.Ang
bahaging ito ay ang susuporta kung bakit kailangan ang proyekto.Ito
ang pagpapakilala sa problema.
6. Deskripsyon ng Proyekto- Ang proyekto ay inilalarawan nang malinaw.
BAHAGI NG PANUKALANG PROYEKTO
7. Layunin ng Proyekto- Isasaad din ang layunin sa pagsasagawa ng
Gawain at ilalahad ang kalendaryo ng mga Gawain
8.Mga kapakipakinabang na Dulot- Ilalahad kung sino ang mga makikinabang
at isa-saad din ang mga kapakinabangang makukuha matapos ang proyekto.
9. Kalendaryo ng Gawain- Ito ay magpapakita ng lahat at sunod-sunod na
Gawain tungo sa pagsasakatuparan ng mga layunin
10. Lagda- Lahat ng taong kasangkot sa panukalang proyekto ay lalagda
upang mapagtibay ang panukalang proyekto.
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG
PANUKALANG PROYEKTO
1. Natugunan ang lahat ng pangangailangan sa pagbuo ng 20
panukalang proyekto.
2. Mahusay at angkop na angkop sa paksa 10
3. Maliwanag na naiparating ang paksa o mensaheng nais 15
iparating.
4. Sumunod sa mga patnubay na ibinigay 15
5. Sinasaliksik ang mga impormasyon kaugnay ng paksa upang 15
makalikom ng mga batayan
6. Bawat bahagi ay tumutulong sa paglalahad ng kabuuang proyekto 15
7. Mahusay ang Layunin 10
Kabuuan 100

You might also like