Professional Documents
Culture Documents
Piling Larang 4
Piling Larang 4
SURIIN NATIN
Gawain # 1
Gawain # 2
Panuto: Iugnay ang hakbang / sangkap/ bahagi ng akademikong sulatin sa iba pang bagay,
konsepto, karanasan, at iba pa. Gumawa ng anumang malikhaing grapikong pantulong at lagyan
ng isang angkop na talatang paliwanag.
Iniugnay ko ang hakbang sa pagsulat ng akademikong papel sa proseso na pagmomove-on ng
isang tao dahil naniniwala akong mula sa simula hanggang sa dulo, lahat ng mangyayari sa loob
ng prosesong iyon ay isang importanteng hakbang upang makalimutan ang lahat ng sakit at
magpatuloy sa buhay. Importanteng maunawaan ang bawat hakbang upang masigurong lahat
ng sugat ay maghihilom at hindi muling hahapdi kalaunan. Tulad sa pagsulat, mahalagang hindi
malimutan ang mga hakbang na ito, upang makapaglathala ng isang komprehensibo at
epektibong sulatin. Anuman ang mangyari piliing manalig sa nakaukit mong kapalaran, huwag
matakot na masaktan at huwag mapagod na paulit-ulit na bumangon dahil ang buhay ay burger
burger lang.
ISAISIP NATIN
Panuto: Pumili ng isang akademikong sulatin sa ibaba. Bumuo ng 2-3 talata mula rito. Gawing
gabay ang rubric sa iyong isusulat na teksto.
Sinong hindi mahahalina sa lugar na tila inukit mula sa panaginip o di kaya’y hinango
mula sa obra ng dalubhasang si Amorsolo. Isang lugar na hindi naman dayuhan sa aking isip
ngunit tila kay layong abutin. Isang lugar na tila pugad ng katahimikan at halimaw sa
kagandahan. Sa lugar na tila ang salitang payak at payapa ay nangangahulugang pahinga at
paghanga.
Noong sumunod na araw, nagdesisyon kaming pumunta sa Dancalan Beach. Dala ang
iba’t ibang uri ng pagkain sinulit naming ang panahong iyon upang namnamin ang masarap na
simoy ng hangin habang ang maliliit na alon ay humahampas sa iyong talampakan. Napakalinis
ng dagat, kitang kita ang puti nitong mga buhangin at malinaw na tubig. Dumating ang
tanghalian at naabutan kong nakahain na ang iba’t ibang putahe sa lamesa. Agad na naagaw ng
Bicol express ang atensyon ko kaya naman ito ang una kong tinikman. Pagkadikit nito sa aking
lalamunan agad kong nalasahan ang malinamnam na timpla nito at ang tila nakakapasong
anghang. Inaamin kong hindi ko inaasahang sobrang anghang ng pagkaing iyon kaya naman
agad akong napainom ng malamig na tubig. Mula sa di kalayuan naririnig ko ang hampas ng
mga alon at masayang kwentuhan ng aming mga kamag-anak. Sa ganda ng dagat na iyon, hindi
sapat ang isang araw upang libutin ang buong Sorsogon dahil nanaiisin mong magtagal sa bawat
lugar na pupuntahan.
Nang dumating ang araw na hinihintay naming lahat, naghanda ako ng aking susuutin,
pinili ko ang isang matingkad na bestida upang bumagay ito sa kulay ng dagat na pupuntahan
naming. Kinailangan naming sumakay sa Bangka upang marating ang isla kung nasaan ang
tinaguriang Subic beach ng Sorsogon, na nasa Matnog. Nang makababa sa bangka agad akong
namangha sa ganda ng lugar na ito. Walang salita ang makakapaglarawan sa ganda at linis nito,
tiyak kong napakapalad ng aking mga matang makakita ng ganitong tanawin, kaya naman hindi
sapat ang litrato upang patunayan ang karikitan ng lugar na iyon, dapat mo itong makita gamit
ang mismong mga mata at maramdaman ang puting buhangin sa ‘yong mga paa.
Tiyak kong higit sa isang beses na akong nakarating sa aming probinsya ngunit iyon ang
unang beses na mapatunayan kong maari mong makita ang langit sa anyo ng kalikasan. Sa oras
na iyon lang ako tila naubusan ng mga sasabihin sapagkat hindi ako makahanap ng akmang
salita na maglalarawan ng mas magandang deskripsyon na makapagbibigay hustisya sa
natutunghayan ng aking mga mata. Hindi ko maisatinig ang magandang pakiramdam na dulot
ng paghanga, tila ako’y napipi sa ganda ng lugar at kung hihilingin ng lugar na iyon na angkinin
ang atensyon at paningin ko, buong puso kong ipagkakaloob. Hindi pa rin ako makapaniwala na
sa gitna ng kaguluhan sa siyudad ay minsan akong makatatapak sa paraiso.