You are on page 1of 5

PILING LARANG

Billona, Dave A. IKATLONG LINGGO

Stem 12 –B Mrs. Chel Pineda

SURIIN NATIN

Gawain # 1
1. Bakit dapat pagtuunan ng pansin ng isang manunulat ang anyo ng akademikong sulatin?

- Mahalagang pagtuunan ng pansin ang anyo ng isang akademikong sulatin sapagkat ito
ang magiging gabay ng manunulat sa kung paano niya gagawin ang kabuuong proseso
ng pagsulat, at matitiyak na ito ay komprehensibo at epektibo. Ito ang magsasabi kung
ano ang istruktura na dapat sundin, lalo na’t ang sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay
kaalaman. Higit sa lahat, maraming anyo ang akademikong pagsulat at maaaring iba-iba
rin ang pamantayang sinusunod sa pagproseso at paglalahad ng mga impormasyon. Ang
pagkakaroon ng kaalaman sa kung anong partikular na anyo ng sulatin ang ginagawa ay
isa dapat sa unang bigyang pansin ng isang manunulat upang sa simula pa lamang ay
alam na niya kung paanong huhulmahin ang kabuuan ng papel.

2. Ano-ano ang batayang konsepto kaugnay ng anyo ng akademikong sulatin?

- Ang Kahulugan, Katangian at Kalikasan ng anyo ng sulating pang-akademiko.

3. Paano nagiging magkaugnay ang kaalaman, paraan, at pang-unawa bilang anyo akademikong
sulatin?

- Ang pangunahing layunin ng isang akademikong papel ay magbigay kaalaman kaya’t


mahalaga ang kasanayan at malalim na kaalaman sa paksang tinatalakay. Ang kaalaman
o impormasyong ito naman ay dapat mong maitala sa maayos na paraan upang hindi
mailto ang mambabasa at mas madali niya itong maunawaan nang sa gayon ay maging
epektibo ang sulatin.

4. Kung bibigyang pansin ang anyo ng akademikong sulatin, paano maaapektuhan ang layunin
nitong maghatid ng makatao, makabayan, at demokratikong impormasyon?

- Tunay na mahalagang mabigyang pansin ang anyo ng isang akademikong sulatin


sapagkat ito ang gabay ng manunulat upang magbigay ng kaalaman para sa
kapakinabangan ng mamamayan (makatao), para tulungan silang maging produktibong
kasapi ng lipunan (makabayan) at upang maghayag sila ng katotohanan nang walang
takot at walang kinikilingan (demokratiko).

5. Paano magiging ano ang kahulugan ng makato, makabayan at demokratiko ang isang
akademikong sulatin?

- Ang isang akademikong papel ay nararapat maging makatao, ito dapat ay tumatalakay
sa mga makabuluhang impormasyon at ideya na makatutulong sa pag-unlad ng isang
indibidwal. Ito rin ay dapat maging makabayan at magsilbing tulay sa kaunlaran ng
bawat tao upang maging isang epektibong mamamayan bilang kasapi ng isang
komunidad. Higit sa lahat, ito dapat ay demokratiko, malaya at walang alinlangang
nakapaghahayag ng impormasyon sapagkat ang bawat impormasyon ay pawang
katotohanan lamang.

Gawain # 2

Sa iyong palagay may malaking pagkakaiba ba ang paraan ng pagpapahayag sa akademikong


pagsulat (halimbawa: maikling kwento, tula, nobela) na inyong binasa noong baiting 10?

- Malaki ang pagkakaiba ng paraang ng pagpapahayag ng akademikong pagsulat mula sa


mga akdang aming pinag-aralan noong mga nakaraang taon lalo’t ang mga ito ay
halimbawa ng malikhaing sulatin. Unang-una, sa estruktura pa lamang ay malaki na ang
kaibahan ng dalawa. Matatandaang ang malikhaing pagsulat ay walang sinusunod na
partikular na porma, ibig sabihin hindi nito kailangang limitahan ang gamit at uri ng mga
salitang ilalagay sa akda. Sa kabilang banda, ang isang akademikong sulatin naman ay di
hamak na sumusunod sa mas istriktong pormat at pamatayan. Ikalawa, ang malikhaing
pagsulat ay gumagamit ng mga mabubulaklaking salita, tayutay o idyoma upang
maipahayag ang kwentong maaring batay sa reyalidad o kaya nama’y pawang
imahinasyon ng manunulat. Ang isang akademikong sulatin naman ay gumagamit ng
mga pormal na salita at hindi ito tumatalakay ng mga ideyang pangpiksyon sapagkat ang
mga impormasyong nakapaloob dito ay nararapat na may katotohanan o paktwal at
may basihan. Panghuli, kapansinpansin ding ang isang malikhaing pagsulat ay isinusulat
sa mas detalyado at paligoy-ligoy na paraan upang lalong mapagyabong ang istorya,
habang ang sulating pang-akademiko naman ay di hamak na mas maikli at direktang
tumatalakay sa punto
PAGYAMANIN NATIN

ANYO KATANGIAN
Naglalaman ng mahahalagang detalye hinggil
sa paksa. Ito ay pormal at organisado ang
pagkakasunod-sunod ng ideya. Upang maayos
ang paglalahad ng impormasyon, ito dapat ay
may kalinawan kung saan nauunawaan ng
Naglalahad mambabasa ang anumang pahayag. Ito rin
dapat ay may katiyakan at nakatuon lamang sa
paksang tinatalakay. Sa anyong naglalahad ay
dapat ding masiguro na magkakaugnay ang
mga bahagi ng talata o pangungusap. Ito rin
dapat ay may diin at wastong pagpapaliwanag
sa tinatalakay
Taglay ng isang tekstong naglalarawan ang
katangiang pagpapahayag sa masining na
paraan. Ito ay gumagamit ng mga salitang
Naglalarawan pang-uri, pang-abay at pandiwa sa
paglalarawan sapagkat ang pagpili ng mga
salitang gagamitin ay mahalaga. Nararapat din
maging malinaw at maayos ang paglalarawan
ng isang ideya.
Ang anyong ito ay may iba’t ibang pananaw o
punto de vista sapagkat sa pagsasalaysay ay
Nagsasalaysay maaring gamitin ng manunulat ang una,
ikalawa at ikatlong panauhan. Mayroon din
itong kronolohiya at mayroong
tagapagsalaysay.
Ang anyong ito ng sulatin ay naglalaman ng
dalawang magkaibang punto at upang
mapatunayan ang puntong lamang sa isa,
Nangangatwiran mahalagang magtaglay ito ng makabuluhan at
napapanahon na paksa, may malinaw at
lohikal na transisyon, mayroong maayos na
pagkakasunod-sunod ng mga talata, at may
matibay na ebidensyang susuporta sa
argumento.
ISAISIP NATIN

Pamagat Sanggunian Katangian Kahulugan ng Layunin ng


Ilang Salita Nasaliksik
1. Posisyong https://polisci.up Ito ay pormal at organisado Anti- Terror Layunin ng
Papel ng mga d.edu.ph/posisyo ang pagkakalahad ng mga Bill: isang posisyong papel
Miyembro ng ng-papel-sa- ideya. Ito rin ay tumalakay panukalang na ipahayag
Kaguruan ng antiterror-bill/ sa isang makabuluhang isyu batas na ang mariing
Departame nto at maayos na naipaliwanag naglalayong pagtutol at
ng Agham ang posisyon ng mayakda baguhin at pagkundina sa
Pampulitik a sa hinggil sa pinag-uusapang ipawalang bias nilalaman at
AntiTerror Bill isyu. ang Republic kalikasan ng
(SB 1083/ HB Act 9372 o pagpapasa ng
6875) Human Security Anti- Terror Bill.
Act of 2007.
2. Wikang https://www.offic Ito ay binigkas ng dating Tagalog: isang Layunin ng
Pambansa ialgazette.gov.ph/ pangulo Manuel L. Quezon. wika na talumpating ito
1937/12/30/spee Ito rin ay pormal, maayos at ginagamit sa na ihayag ang
c h-of- malinaw rin ang Pilipinas Kautusang
presidentquezona pagsasaayos ng mga partikular sa Tagapagpagana
nnouncing- ideyang sasabihin sa kalakhang p Bilang 134 na
thecreation-of- talumpati at naaangkop sa Luzon. nagsasaad na
anationallanguag mga magiging tagapakinig ang Tagalog
edecember-30- nito. ang magiging
1937/ batayan bilang
ating
pambansang
wika.
3. Memorand https://www.offic Ito ay detalyado, COVID-19: sakit Layunin nitong
um Order No. ialgazette.gov.ph/ organisado, at malinaw na na dulot ng bigyan ng
51 s. 2021 2021/02/18/mem siyang nauunawaan ng mga novel awtoridad ang
orandum- mambabasa. Ito ay coronavirus na mga
orderno-51-s- epektibong nakapaghatid maaring namamahala
2021/ ng impormasyon ukol sa kumlata mula upang
kasalukuyang hinaharap sa isang tao magbigay ng
nating problema na patungo sa iba paunang bayad
pandemya lalo’t higit sa pang tao na para sa mga
medical na aspekto. nakaaapekto sa bakunang
baga at mga bibilhin laban
daanan ng sa COVID-19.
hangin o
oxygen.
4. Panukala https://www.scri Ang panukalang proyekto Street Lights: Layuning
para sa b ay malinaw na mga ilaw sa ipanukala ang
Karagdaga ng d.com/document nakapaglatag ng proposal gilid ng kalsada pagbili at
Poste ng Ilaw / sa proyektong nais na karaniwang pagpapatayo ng
sa Barangay 366016510/Panu ipatupad. Mayroon din nakakabit sa mga poste ng
New Poblacion kala-Para- itong detalyadong mga matataas ilaw na
SaKaragdagangPo deskripsyon ng mga na poste. magagamit ng
ste-Ng-IlawSa- inihahaing gawaing barangay upang
BarangayNew- naglalayong lumutas ng mabawasan
Poblacion isang problema o suliranin ang mga
aksidente sa
kalsada.
5. Biyahe ni https://www.scri Mayroong maayos na daloy El Nido: isang Isang lakbay
Drew sa El Nido b ng mga pangyayari, at may munisipalidad sanaysay na
d.com/document malinaw na paglalarawan sa isla ng may layuning
/ 443670178/Biya upang maikwento at Palawan na ilarawan ang
he-ni-Drew-1 mailarawan ang lahat ng kilala sa mga mga naging
karanasan sa paglalakbay. magagandang karanasan ng
dalampasigan, may-akda sa
at mga bahura pagpunta niya
ng mga koral sa isa sa mga
(coral reefs). isla ng Palawan

You might also like