You are on page 1of 3

PILING LARANG

Billona, Dave A. IKALIMANG LINGGO

Stem 12 –B Mrs. Chel Pineda

SURIIN NATIN

Gawain # 1
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba upang makita natin ang kaisipang nakapaloob sa
teksto gamit ang iyong natutuhan ukol sa sinopsis bilang akademikong sulatin.

1. Ibigay ang kahulugan at pagkakaunawa sa synopsis bilang isang akademikong sulatin.

 Ang sinopsis ay isang buod o lagom ng mga mahahalagang kaisipan o paksa mula sa
isang teksto. Hangad ng pagsulat ng isang sinopsis ang ipakita ang mga importanteng
punto sa pamamagitan ng isang buod sa isang sistematikong paraan, at ipakita ang
pinakanauugnay na aspeto ng isang paksa, na nag-aalok ng isang pandaigdigang ideya ng
aspetong na ito.

2. Isa-isahin ang mga genre na maaring gawin ng synopsis. Alin sa mga ito ang sa palagay mo’y
madali mong magagawan ng sariling synopsis?

 Mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng maikling kwento, sanaysay, nobela dula,
parabola, at talumapati. Para sa akin, isa sa mga madaling magagawan ng sariling
sinopsis ang isang sanaysay. Di hamak na mas maikli ito kumpara sa ibang akda katulad
ng maiking kwento

3. Anong maaring gamitin na salita sa pagsulat ng synopsis?

 Dapat ay gumamit ng mga salitang magpapahayag sa paksa ng nilalagom na akda na


hindi masyadong mabubulaklak upang hindi na magpaligoy-ligoy ang sinopsis. Nararapat
ding bigyang pansin ang paggamit ng pormal na salita sapagkat ito ay isa pa ring uri ng
akademikong papel.

4. Isa-isahin ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng synopsis.

 Sa pagsulat ng isang sinopsis dapat ay gumamit ng ikatlong panauhan at isasalang-alang


ang damdaming nakapaloob sa akdang sinusuri sapagkat mahalagang maisulat ito batay
sa tono ng orihinal na akda. Dapat ding maisama ang pangunahing tauhan at ang
kanilang gampanin sa akda, nararapat din gamitan ito ng angkop na mg pangugnay at
tiyaking wasto ang gramatika. Panghuli, hindi dapat makalimutang itala ang sangguniang
pinaghanguan ng orihinal na akda.

5. Anong katangian ng sinopsis na wala sa ibang akademikong sulatin?

 Ang isang sinopsis ay isa lamang ebalwasyon o pagsusuri sa isang naunang akda, hindi
tulad ng ibang uri ng akademikong pagsulat na na ang bawat pangungusap ay
nanggaling mismo sa isip ng manunulat, ito rin ang maaring gawan ng sinopsis. Bukod pa
rito, hindi kasing haba ng orihinal na teksto ang pagbubuod na gagawin sa isang sinopsis
sapagkat ito ay maikli lamang ngunit naglalaman ng kabuuang paliwanag tungkol sa
isang paksang binubuod.

Gawain # 2

Panuto: Suriin kung paano makikilala ang sinopsis/buod. Ilagay sa kahon ang kasagutan batay sa
matalinong pagsusuri.

Madaling makikilala ang isang sinopsis dahil ito ay di hamak na mas


maikli kumpara sa orihinal na akda. Mas mabilis din ang paglalahad ng
pnagyayari sapagkat ito ay binubuod lamang. Maaari ring maging
pagkakakilanlan nito ang paggamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat.
Kadalasan ring sa pagsulat nito ay ipinapakilala sa mga mambabasa
ang akdang ginagawan ng sinopsis o buod sa pamamagitan ng
paglalahad ng pamagat, may-akda, at pinanggalingan ng akda.
Kapansin-pansin ding hindi ito ngalalaman ng sariling pananaw o
personal na paliwanag tungkol sa isang akda.

ISAISIP NATIN

Panuto: Sumulat ng isang sinopsis ng isang akda mula sa genre ng kwento, salaysay, nobela,
dula, parabola, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.

Moses, Moses: Ang Sinopsis

Ang dula ay pinamagatang Moses, Moses na isinulat ni Rogelio R. Sikat. Ilan sa mga
tauhan sa dula ay sina Regina Calderon, 48, isang guro at nabyuda ng pagbabarilin ang asawa sa
kanilang bahay sa Gagalangin; Tony, panganay na anak ni Regina, Aida, 18 at Ben, 16, na pare-
pareho namang mga estudyante; Ana, 46, ang kapatid ni Regina na isang matandang dalaga;
ang Alkalde, Konsehal at mga pulis ay ilan rin sa tauhan. Naganap naman ang kwento sa sala at
komedor ng isang apartment na pag-aari nila Regina sa isang lungsod sa Rizal.
Nagsimula ang kwento sa usapan ni Regina at Ana tungkol sa pagdedemanda at
pagsasampa ng kaso ni Regina sa nangyari sa anak na si Aida, at ilang kwentuhan tungkol sa
ugali ng mga anak ni Regina. Makalipas ang ilang oras ay dumating ang Alkalde kasama ang
isang Konsehal sa bahay nila Regina upang makipag-usap dito. Ngunit hindi nakumbinsi ng
dalawang pulitiko si Regina at hindi ito pumayag sa alok na areglo at kabayarang danyos ng
Alkalde.

Pagka-alis ng dalawang bisita ay pagdedebatehan ng mag-ina ang hustisyang pareho


naman nilang nais makamit, ngunit sa magkaibang paraan- isang legal at isang binuhay ng poot
at paghihiganti. Nang humupa ang tensyon sa pagitan ng dalawa, pumasok si Ana sa eksena at
ipinaalala na kailangan na ng gamot ni Aida kaya’t uutusan ni Regina si Tony na lumabas upang
bumili ng gamot.

Lumabas si Tony upang tumalima sa utos ng ina, ngunit sa pagkakataong ito pala ay
gumawa ng hakbang si Tony upang patayin ang nanggahasa sa kapatid na si Aida, ang anak ng
Alkaldeng pumaroon sa kanilang bahay. Umuwing duguang si Tony kaya naman lubos na nag-
alala si Regina sa anak. Pinipilit ni Tony na umalis na sila sa bahay sapagkat alam nitong ‘di
magtatagal ay dadating na ang mga pulis upang arestuhin siya. Hindi pumayag si Regina bagkus
kinausap nito ang anak at hinikayat na sumuko na lamang kaysa tumakas.

Ilang sandali pa ay ang pumasok na sa eksena ang mga awtoridad, dumating na ang mga
pulis upang hulihin ang duguang si Tony. Makalipas ang ilang minutong paguusap sa pagitan ng
kampo ni Regina at ng mga pulis ay nagsimula na ang mga itong umaksyon upang arestuhin ang
binatang anak ni Regina. Ngunit binugbog ng mga ito si Tony at nahabag si Regina sa lagay ng
anak sa kamay ng pulisya. Natapos ang kwento sa pagkamatay ng panganay na anak ni Regina
at sa pagkakaaresto ng guro dahil sa pagbaril sa sariling anak.

You might also like