You are on page 1of 2

Pamagat ng talumpati: Talumpati sa Pagtatapos 2015

Mahalagang paksa: Kabataan, Manindigan sa Matapat na Paglingkod sa Bayan


Naging damdamin mo sa paksa habang binabasa o matapos basahin ang talumpati:
Ako ay na-Inspire sa mga nasabi niyang mga pagsubok at ang kanyang muling pagtayo mula sa pagkakalagpak.
Mahalagang aral na natutuhan sa talumpati
Kahit sa ano mang pagsubok ay nararapat lamang na matuto at tumuloy sa buhay kahit na maraming balakid.
Dahil sa huli, makakamtan din natin ang tagumpay na matagal ng pinaghirapan.

1. Ano ang kahulugan ng talumpati para sa iyo?


Ang paglalahad ng damdamin o opinion ukol sa temang pinagbinabasehan.

2. Ano-ano ang mahahalagang salik na dapat bigyang- pansin?


Ang Edukasyon ang isang salik na may pinakamalaking bahagi sa pag-unlad ng bayan, dahil ito ang
magbubukas ng kaisipan ng mga mamamayan sa mga bagong ideya o pananaw.  

3. Bakit mahalagang isaalang–alang ang mga tagapakinig sa pagtatalumpati?


Nararapat lamang na isaalang-alang ng nagtatalumpati ang kanyang tagapakinig dahil may iba't ibang
paniniwala, kultura, tradisyon, edad, kasarian ang mga ito na maaaring magdulot ng hindi
pagkakaunawaan sa gagawing talumpati. Maaaring mawalan sila ng interes dahil hindi angkop at tugma
ang iyong talumpati sa mga tagapakinig.

4. Anong uri ng talumpati ang binasang teksto?


Talumpating Nagpapakilala dahil nagpakilala at naglahad ng damdamin ang tagapag ulat.

5. Paano masisiguro ng isang mananalumpati na napupukaw niya ang damdmin ng kanyang tagapakinig?
Kapag nakatuon ang atensyon ng mga tagapakinig sa talumpati at makikita rin ito sa ekspresyon ng
mukha kung natutuwa o naiinis at iba pa.

6. Ano ang nais mong mangyari sa mga makikinig ng talumpati?


Nais ko na makibahagi at makikoopera ang mga tagapakinig dahil maaaring pinaghirapan ng
tagapatalumpati ang kanyang mga sinasambit. Maaari lamang na maging malawak ang kaisipan ng mga
tagapakinig dahil maaaring ihinto nila ang talumpati dahil lamang sa di pagkakaintindihan.

7. Mapupukaw ba ng mensahe ang kawilihan ng mga tagapakinig? Paano?


Depende kung saan nakatuon ang mensahe ng talumpati. Halimbawa, kung ang talumpati ay tungkol sa
Negosyo at ang mga tagapkainig ay mga batang nasa gradong isa, hindi nila maiintindihan at mawawala
ang kawilihan nila sa pakikinig. Kaya mahalaga mahalagang isaalang-alang ang mga tagapakinig sa
pagtatalumpati.

8. Dapat bang isaalang-alang ang organisasyon ng nilalaman sa pagsulat ng talumpati? Itala ang mga ito.
Opo, ito ang mga sumusunod:

Tiyaking hindi mawawala ang kawilihan o interes ng mga tagapakinig sa iyong talumpati kung kaya’t mag-isip
ng mga teknik sa pagsulat pa lamang o paghahanda sa pagbigkas nito. Maaaring may mga bahagi sa talumpati na
nagkukuwento. Pukawin ang diwa ng mga tao sa paggamit ng matatalinghagang pananalita at mga tayutay.
Dapat maihatid ng mananalumpati ang kanyang tagapakinig sa pinakamatinding emosyon, batay sa kanyang
paksa, na siyang pinakama-halagang mensahe ng talumpati.

Ito ang huling bahagi ng pagsulat ng talumpati o pagbigkas nito. Sa pamamagitan ng pagbubuod sa mahahalagang
puntong tinalakay sa talumpati, magagawa mong mag-iwan ng mahalagang mensahe o diwa sa mga tagapakinig
sa iyong pagtatapos.

You might also like