You are on page 1of 6

Gawain Bilang 11: Lakbay Sanaysay

“Halina’t Puntahan Lugar ng Kasiyahan’’

Nasa baitang 7 ako noon ng makasali ako sa paligsahan sa pagsasayaw na may


temang National Festival of Talents. Iyon ay ginanap sa lugar na kailanma’y di ko
inakalang mapupuntahan ko kahit kalian, ang Leyte. Ito’y isang lalawigan sa Pililpinas
na matatagpuan sa rehiyon ng Silangang Visayas. Lungsod ng Tacloban ang kapital
nito at ito mismo ang eksaktong lugar na aming napuntahan, sinasakop nito ang 75
bahagdan ng Hilagang bahagi ng pulo ng Leyte.

Ang una kong


napuntahan ay ang
astrodaum ng Tacloban,
dito ginanap ang nasabing
paligsahan. Namangha ako
sa lawak at laki nito, malayo
ka palang matatanaw mo na
ang kalakihan nito na
napapalibutan ng karagatan na talaga namang pupukaw ng iyong atensyon.

Kinabukasan ng aming paglalakbay,


destinasyon naming ay ang
MacArthur Landing Memorial
National Park, isang protektadong
area ng Pilipinas na nagpapaalala sa
mga panahon ni Henearal Douglas
MacArthur sa Leyte ang paglulusob, pagsalakay at pagbawi ng liberal sa Pilipinas laban
sa mga Hapones noong Oktubre 1944. Dito ako mas mas humanga sa kagandahan ng

Moreno, Myla P/12 ABM-A/Marso 9, 2018


paligid nito, ang karagatan. May katamtamang lamig at preskong simoy ng hangin
kaya’t talaga namang marerelax ka at pwede ka pang manatili rito sa loob ng ilang oras.

Saaming pag-uwi, doon ko


nakita ang kamangha-manghang
San Juanico Bridge, na tila
mapapatayo ka sa estilo ng
pagkakabuo nito bilang tulay na
pinagdugtong ang mga pulo ng
Leyte at Samar sa ibabaw ng kipot
ng San Juanico. Bahagi ito ng Pan-Philippine Highways at may kabuuang haba itong
2,200 metro (7,200 talampakan). Ito ay itinuturing na pinaka-mahabang tulay sa
Pilipinas na inihahandog kay Imelda Marcos, asawa ni dating pangulong Ferdinand
Marcos.

Magli-limang taon nang nakalipas nang nanalasa ang bagyong Yolanda sa


Silangang Kabisayaan. Maraming buhay ang nasawi, lahat ay nagdusa sa dulot nitong
kalamidad. Tila nawalan ng kulay ang buong lungsod ng Leyte. Pero sa kabila ng lahat
nariyan pa rin ang ngiti sa mga labi ng mga taong naninirahan rito, unti-unti silang
nakakabangon, at unti-unti ring bumabalik sa dating ayos, dating ganda at dating sigla
ang lugar na ito. Kaya’t ako’y makapag sasabing “halina’t puntahan lugar ng
kasiyahan”.

Moreno, Myla P/12 ABM-A/Marso 9, 2018


Gawain Bilang 12: Nakalarawang Sanaysay

Buhay Estudyante

Pagsikat ng araw matay mulat para sa pangarap

Kahit antok pilit paring babangon sa higaan

Pagkain ng agahan hindi dapat sapilitan

Moreno, Myla P/12 ABM-A/Marso 9, 2018


Nagagalak pumasok pagkakita palang sa bakod ng paaralan

Mga kaibigan ang unang nais makita pagdating palang sa classroom

Ang atensyon ay nasa guro o kung sa sinuman ang naatasang mag-ulat

Moreno, Myla P/12 ABM-A/Marso 9, 2018


Hindi maiwasang di matulog sa loob ng
klase

Hindi rin maiwasan ang kwentuhan ng magkakaibigan

Nariyan ang pagsisikap upang makapasa, may maibahaging kwento sa pamilya, at higit
sa lahat upang makapagtapos nang pangarap ay maabot.

Moreno, Myla P/12 ABM-A/Marso 9, 2018


Kasiglahan sa pagkain sa kanila mo makikita na para bang gusto nilang busugin o
magdiwang sa mga accomplishments nila.

Uuwi sa bahay bitbit ang panibagong kaalaman

Moreno, Myla P/12 ABM-A/Marso 9, 2018

You might also like