You are on page 1of 3

PICTORIAL ESSAY

Ang ating kaalaman na nakukuha sa isang institusyon ay hinding hindi makukuha ng kahit
ninuman.Isa ang Binaliuan National High School sa nag hurma ng aking mga kaalaman na nagagamit ko
hanggang sa kasalukuyan. Ang mga aral at kaalamang natutunan ko ay mananatiling nakatatak sa aking
puso’t isipan. Ang mga aral na iyon ay magsisilbing gabay sa akin tungo sa inaasam asam kong pangarap.

Dito sa paaralang ito nagsimula ang aking kwento bilang isang high school student kung saan
marami akong naranasan na pagkabigo at pagkapanalo.Sa kabila ng mga ito ay natuto akong tumayo sa
sarili kong mga paa.Sa mga klasroom na ito umiikot ang aking mundo,sa mga klasroom na ito ay may
panibagong kaalamang natutunan at higit sa lahat dito nagsimula kung pano ako lumaban para sa mga
pagsubok sa buhay .
PICTORIAL ESSAY

Saksi ang daang ito sa kung paano ako nagpupursigeng makapasok sa paaralan. Isa rin ito sa
nagbibigay aliw sa akin tuwing malungkot ako sa mga nagaganap sa paaralan.Nakakatulong ito upang
mahibsan ang aking pag.aalala sa mga bagay bagay sa paaralan.Ang magandang tanawin na ito ay nag
sisilbing palamuti sa aking mga mata sa tuwing akoy papunta at pauwi .

Isa sa masasandalan ko ay ang Poong Maykapal, siya ang nagsisilbing gabay sa akin upang mas
mapatibay pa ang aking loob sa pagharap sa mga hamon sa buhay. Ang simbahan ay siyang instrumento
upang ang aking pananalig ay maging sagrado.Nakakatulong ang pananampalataya upang mas maging
matatag ang aking paniniwala na ang lahat ng problemang aking kakaharapin ay may solusyon.
PICTORIAL ESSAY

Sa pagdating ng panahon ay maaabot ko rin ang aking pangarap.Ang diplomang ito ay


ang magsisilbing parangal sa mga paghihirap na pinagdaanan ko at sa bawat pagsubok na dumaraan sa
aking buhay.Ang diplomang ito ay ang magsisilbing patunay na akoy nagsikap at patuloy na lumaban
hanggang sa akoy makapagtapos ng pag-aaral.Ang diplomang ito ay isang bagay na hindi maangkin ng
kahit sinuman.

Konti nalang at masusuot ko na ang pinapangarap kong OOTD o Outfit of the Day. Malapit na
ang aking pagtatapos sa aking high school kaya naman pagsisikapan kong mabuti ang aking pag-aaral sa
abot ng aking makakaya upang mabigyang hustisya ang sakripisyo ng aking mga magulang.

You might also like